You are on page 1of 30

ANG WIKA

Pag-uulat ni: Jerico Louis B. Perez

Estruktura ng Wikang Filipino Abril 13, 2023


MGA PAKSA
I. Katuturan, Kalikasan at Katangian ng
Wika

II. Ang iba't ibang gamit ng at tungkulin ng


Wika
ANG KATUTURAN NG
WIKA
KATUTURAN NG WIKA
- Ang wika, pasalita man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga
tao sa loob ng lipunang ito upang makapag-ugnayan sa isa't isa
(Sapir,1949).
- Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay
hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-
sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag."
- Ayon kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is a Language, ang
wika raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong
gawaing pantao.
KALIKASAN AT
KATANGIAN NG WIKA
1. ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS

Dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog


(ponema) na kapag pinagsama-sama sa
makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita
(morpema) na bumabagay sa iba pang mga salita
(semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap.
Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na
nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit
ng wika.
2. ANG WIKA AY SINASALITANG TUNOG

Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo


sa tulong ng iba't-ibang sangkap ng pag
sasalita tulad ng labi, dila, babagtingang-
tinig, ngala-ngala at iba pa.
3. ANG WIKA AY PINIPILI AT ISINASAAYOS

Mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na


piliing mabuti at isaayos ang mga salitang
gagamitin upang makapagbigay itong
malinaw na mensahe sa kausap. Sa lahat
ngpagkakataon, pinipili natin ang wikang
ating ginagamit.
4. ANG WIKA AY ARBITRARYO

Nangangahulugang na ang mga tunog na


binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin
ng mga gumagamit. Isinasaayos ang mga
tunog sa paraang pinagkasunduan ng
pangkat ng mga taong gumagamit nito.
5. ANG WIKA AY GINAGAMIT

Ang wika ay kasangkapan sa


komunikasyon at katulad ng iba
pangkasangkapan, kailangang patuloy
itong ginagamit.
6. ANG WIKA AY NAKABATAY SA KULTURA

Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa


daigdig? Ang sagot ay makikita sa
pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga
bansa at pangkat
7. ANG WIKA AY NAGBABAGO

Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring


tumangging magbago. Ang isangwika ay
maaaring nadaragdagan ng mga bagong
bokabularyo
ANG IBA'T IBANG GAMIT
NG AT TUNGKULIN NG
WIKA
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN AYON KAY MAK HALLIDAY

Si Michael Alexander
Kirkwood Halliday o mas
kilalang M.A.K Halliday
ay isang bantog na
iskolar mula sa Inglatera.
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN AYON KAY MAK HALLIDAY

1. Instrumental 7. Impormatib
2. Regulatori
3. Interaksyunal
4. Personal
5. Heuristiko
6. Imahinatibo
1. INSTRUMENTAL

Ang wika ay nagsisilbing instrumento


upang maisakatuparan at matugunanang
ang pangangailangan ng tao.
2. REGULATORI

Makapangyarihan ang wika sapagkat


nakokontrol nito ang kilos at gawi ng tao.
3. INTERAKSYUNAL

Ang wika ay nakakatulong sa


pagpapanatili ng magandang relasyong
sosyal sa pagitan ng mga indibidwal.
4. PERSONAL

Nakatutulong ang wika sa pagpapalabas


ng saloobin ng isang tao.
5. HEURISTIKO

Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng


pagtatanong upang mangalap ng
impormasyon na nangangailangan ng
masusing pag-aaral o matibay na basehan.
6. IMAHINATIBO

Sa pamamagitan ng wika ay napapagana


natin ang imahinasyon ng tao.
7. IMPORMATIB

Ang wika ay ginagamit natin upang


magbigay impormasyong kailangan ng
mga tao.
MGA TUNGKULIN NG WIKA AYON KAY ROMAN JAKOBSON

1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)


2. Panghihikayat (Conative)
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
4. Paggamit bilang sanggunian (Referential)
5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual)
6. Patalinghaga (Poetic)
1. PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN (EMOTIVE)

Ito ay ang pagpapahayag ng mga


saloobin, damdamin, at emosyon.
2. PANGHIHIKAYAT (CONATIVE)

Ito ay ang tungkulin ng wika upang


makahimok at makaimpluwensiya ng
ibang tao.
3. PAGSISIMULA NG PAKIKIPAG-UGNAYAN (PHATIC)

Ito ang tungkulin ng wika na


ginagamit upang makipag-ugnayan
sa kapwa at makapagsimula ng
usapan.
4. PAGGAMIT BILANG SANGGUNIAN (REFERENTIAL)

Ipinakikita nito ang gamit ng wikang


nagmula sa aklat at iba pang
sangguniang pinagmulan ng
kaalaman upang magparating ng
mensahe at impormasyon.
5. PAGGAMIT NG KURO-KURO (METALINGUAL)

Ginagamit ang wika sa pamamagitan


ng paglalahad ng opinion o kuro-
kuro tungkol sa isang usapin.
6. PATALINGHAGA (POETIC)

Masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng sanaysay,
prosa at iba pa.
MARAMING SALAMAT!
Pagbati mula kay: Jerico Louis B. Perez

You might also like