You are on page 1of 96

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARY 1

MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

KABANATA 1: BATAYANG KAALAMAN SA WIKA

Layunin:
1) Nakapaglalahad ng Batayang Kaalaman ukol sa Wika.
2) Matutukoy ang kahulugan, katangian at kahalagahan ng Wika.
3) Makilala ang dalawang opisyal na Wika ng Pilipinas.
4) Makapagbibigay ng sariling pakahulugan sa Wika ayon sa tungkulin nito

KAHULUGAN NG WIKA

Hindi maitatanggi ng mga tao dito sa mundo ang kahalagahan ng wika. Ito ang naging
daan upang maibahagi sa isa’t isa ang kani-kanilang mga ninanais at niloloob. Batay sa
aklat nina Bernales et al. (2002), ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap
ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaring berbal o di- berbal.
Batay naman sa aklat nina Mangahis et al. (2005), ito ay midyum na ginagamit sa
maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan. Ang
kakayahan sa paggamit ng wika na nasasalig sa isipan, damdamin at kilos ng tao ay
resulta ng isang dinamikong prosesong bunga ng kanyang karanasan, kabiguan,
tagumpay, pakikipagsapalaran at maging ng kanyang mga pangarap at mithiin.

Ayon naman kay Webster (1974, 536), ang wika ay isang sistema ng
komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga
pasulat o pasalitang simbulo.

ANO NGA BA ANG WIKA?

Bakit ito’y totoong napakakomplikado at tunay na may kapangyarihan? Ilan lang ito sa
mga katanungan na hindi karaniwang pinag-iisipan o ipinaliliwanag dahil seguro sa
pagiging natural lang sa tao ang pagkatuto, pagkakaroon at tuluyang paggamit ng
kanyang wika mula pagkabata.

WIKA

Ang wika ay isang mahalagang salik


ng pagiging tao na nagpapaangat sa
kahit anong likha. Ang wika ng tao
ang siyang nagpapatunay na ang
tao ay tao. May sariling wika at may
sariling katha na siyang nagbibigay
boses sa kahit anumang likha sa
daigdig.

Page 1
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARY 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

Ang wika ay masistemang balangkas na ginagamit sa pagpapahayag ng kuro-kuro at


damdamin sa pamamagitan ng pasalita at pasulat na paraan upang magkaunawaan
ang lahat. Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, “Ang wika ay
maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento rin sa
pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.” (Nuncio, 2016)

Wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapwa tao,
paligid, mundo, obhektibong reyalidad, pulitika, ekonomik at kultura. Ito ang daluyan
ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi at lipunan. Ayon kay Hutch (1991), “Ito
ay isang sisitema ng mga tunog arbitratyo na ginagamit sa komunikasyong pantao”.

ANG IBA’T IBANG PAKAHULUGAN NG MGA DALUBHASA SA WIKA.

 Ayon kay Dr. Jose Rizal “Ang hindi magmahal sa


sariling wika ay higit sa hayop at malansang
isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng
inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na
katagang nagmula sa ating pambansang bayani
na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan
sa wika sa buhay ng isang tao. Sa mga katagang
binigkas tungkol sa wika, masasabing hindi ka
tunay na Pilipino kung hindi mo alam
pahalagahan at gamitin ng tama ang iyong
sariling wika. Ang wastong paggamit ng sariling
wika ay nagpapakita ng pagiging makabayan at

makatao sa sariling bansa.

 Ayon kay Noam Chomsky (1965) ang


pagkamalikhain ng wika ay makikita sa
kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang
nilalang. Naipapahayag ng tao sa wikang
kinagisnan at natutunan ang kabuuan ng
kanyang karanasan, damdamin at pag-iisip
batay sa hinihingi ng ibat-ibang pagkakataon
at mga pangangailangan, maliwanag na
dahilan para sabihing ang wika ay isang

katangian na yunik sa tao lamang.

Page 2
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARY 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

 Ayon kay Henry Allan Gleason isang “linguist”


at propesor sa University of Toronto.

Ang wika ay masistemang balangkas ng


sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao
kabilang sa isang kultura.

 Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang


likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at
mithiin.

 Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang


wika ay isang sistema ng mga sagisag na
binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay
resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng
maraming dantaon at nagbabago sa bawat
henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng
kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng
mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o
natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas
ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

 Marami pang mga kahulugan ang mailalahad ng mga dalubhasa tungkol sa


wika. At ang mga kahulugang ito ay maiisa batay sa kahulugang ibinigay ni
Gleason tungkol sa wika. At ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na
What is Language? Ang wika raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na
anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng
mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase
at pattern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura. Ang mga
simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitrayo at kontrolado ng lipunan.

Page 3
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARY 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

KALIKASAN (KATANGIAN) NG WIKA

Batay sa mga kahulugan ng wika na


inilahad ng mga dalubhasa, matutukoy ang
mga pangunahin at unibersal na katangian
ng wika.

1. Ang wika ay masistemang balangkas.


Ano mang wika sa daigdig ay
sistematikong nakasaayos sa isang tiyak
na balangkas. Lahat ng wika ay
nakabatay sa tunog.

Ponema ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika samantalang


ponolohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga ito. Kapag
ang ponemang ito ay pinagsama, maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita
na tinatawag na morpema. Ang morpemang mabubuo ay maaaring isang
salitang-ugat, panlapi o morpemang ponema.
Morpolohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema.
Samantala, kapag ang mga salita ay ating pinag-ugnay, maaari naman tayong
makabuo ng mga pangungusap.
Sintaksis naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap.
Kapag nagkaroon ng ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang
dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon na ng tinatawag na diskurso.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog. Tandaan na hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat
hindi lahat ng sinasalitang tunog ay may kahulugan. Ito ay sinasalita na galing sa
magkakasunod-sunod na tunog na nabubuo sa pamamagitan ng interaksyon ng
iba’t ibang aparato ng pagsasalita tulad ng bibig, dila, ngipin, ngalangala, velum, at
gilagid. Ang mga bahagi ng katawang ito na ginagamit natin sa pagpapahayag ay
tinatawag na speech organs. Kailangan itong mabigkas nang mabuti upang maging
makabuluhan ang nabuong mga tunog at makilala ng tagapakinig ang pagkakaiba
ng mga tunog.

3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Hindi maaaring ipagpilitan na gamitin ang


isang wikang hindi pinipili at nauunawaan ng ating kausap. Gayundin, ang ating
kausap ay hindi isinasaayos niya maaaring ipagpilitan ang wikang hindi natin batid.
Kailangang pumili ng komong wika kung saan tayo magkakaunawaan. Hal. Kapag
ang isang Kapampangan ay nakipag-usap sa isang Bisaya, hindi pwedeng gamitin
ang kanilang wika dahil hindi sila magkaintindihan. Kailangan gumamit ng Tagalog
para makapag-usap nang maayos.

Page 4
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARY 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

4. Ang wika ay arbitraryong simbulo at tunog. Ang


salitang arbitraryo ay nangangahulugang walang tiyak na
batayan. Ibig sabihin ang pagbuo ng mga simbulo at tunog
na kumakatawan sa kahulugan ng bagay, ideya at kaisipan
ay walang tiyak na batayan o tuntuning sinusunod. Ito’y
pinagkakasunduan ng mga tao sa tiyak na pook o
pamayanang gumagamit ng wika. Kaya magkakaiba ng
mga salitang ginagamit ang iba’t ibang pook

Halimbawa: salitang rice sa Ingles, arroz sa Kastila, bugas sa Cebuano,


bigas sa Tagalog, at abyas sa Kapampangan.
5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng
iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang
kasangkapang hindi ginagamit ay nawawalan ng saysay.

6. Wika ay nakabatay sa kultura. Nagkakaiba ang


wika sa daigdig dahil na rin sa pagkakaiba ng
kultura ng mga bansa at mga pangkat. Ito ang
paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang
wika ang walang katumbas sa ibang wika. Pansinin
natin ang pagkakaiba ng wikang Filipino sa Ingles.
Sa Ingles ay may iba’t ibang formation ng ice na
maaaring tumbasan sa Filipino ng nyebe at yelo.
Ngunit may maging panumbas pa ba sa glacier, icebergs, frozt, hailstorm at iba pa?
Wala, sapagkat hindi naman bahagi sa ating kultura ang mga formations na ito.

7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika.


Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang
wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong
bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao,
maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita. Sa
kaso ng Pilipinas, ang matagal na ding impluwensya
ng ibang bansa ay nagdagdag sa bokabularyo ng ating
mga wika ng mga salitang hiram na galing sa Instik,
Arabik, Kastila, Ingles at Hapon.

Halimbawa: pansit, lomi, syopaw, swerte, magkodakan, kompyuter, atbp.


Sa mga nadagdag na salita, may mga nahinto ang gamit, at may mga napalitan o
nadagdagan ang kahulugan.
Para sa Karagdagang Kaalaman:
https://www.youtube.com/watch?v=ay7VGGBJ0WI

Page 5
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARY 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

Halimbawa: kerida na galing sa Kastila querida ‘minamahal’ na ang kahulugan


ngayon sa Filipino ay ‘kinakasama ng lalake na hindi niya asawa’, bawnderi ng
taksi o ng jip na galing sa Ingles boundary ‘hangganan’ na ang nadagdag na
kahulugan ay ‘perang ibinayad ng drayber sa may-ari sa pagpasada ng
kanyang taksi o jip.
8. Ang wika ay makapangyarihan. Ito ay nagagawa ng isang wika na mapukaw ang
damdamin at makapangya- mapilit ang isang indibidwal o grupo ng mga indibidwal
upang rihan kumilos patungo sa iisang layunin. Maaaring maging kasangkapan
upang labanan ang mga bagay na salungat sa wastong pamamalakad at pagtrato
sa ibang tao. Isang halimbawa nito: ay ang walang kamatayang akdang “Uncle
Tom’s Cabin” na isinulat ni Stowe. Dahil sa nobelang ito, nagkaroon ng lakas ang
mga aliping itim na ipaglaban ang kanilang mga karapatang pantao laban sa mga
Amerikano. Ang salita man o sinabi ay isang lakas na humihigop sa mundo. Ito ay
nagpapatino o nagpapabaliw, bumubuo o nagwawasak, nagpapakilos o
nagpapahinto.
9. Ang wika ay natatangi. Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. Walang
dalawang natatangi wika na magkatulad. Bawat wika ay may sariling set ng mga
yunit panggramatika at sariling sistema ng ponolohiya, morpolohiya at
10. Ang wika ay pantao. Ang wika ay para sa, ukol sa, at gamit lamang ng tao. Iba ang
wika sa ungol o huni ng hayop. Ang aso ay tumatahol, ang pusa ay ngumingiyaw,
ang leon ay umaatungal, ang sisiw ay sumisiyap, ngunit ang mga ito ay hindi wika.
Napag-aralan ng isang tao na salitain ang isang wika, ang wika ng ibang pangkat
etniko. Hindi mapag-aaralan ng isang aso ang atungal ng leon o tilaok ng isang
manok, ang pagtahol ng aso. Ang wika ay pantao. Hindi magagamit ng mga hayop
ang kani-kanilang sariling paraan ng pag-ungol na gaya ng paggamit ng tao sa wika.
Nagagamit ang wika sa pag-uusap tungkol sa kanyang opinyon. At dahil sa ang
wika ay may sistema, maaaring matutuhan ng isang tao ang ibang wika o ang wika
ng ibang pangkat etniko o pangkat kultural ng ibang lahi at lipi.
KAHALAGAHAN NG WIKA
May malaking papel na ginagampanan ang wika
sa bawat tao at maging sa lipunan. Sa
pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting
relasyon sa kapwa, napapaunlad ng tao ang
kanyang sarili at nakatutulong din siya sa
pagpapaunlad ng kabuhayan ng iba. Dahil sa wika
nakatatanggap at nakikibahagi siya sa kapwa ng
bisang dala ng pagbabago sa kultura at
kabihasnan. Ang realisasyon ng kanyang mga
pangarap bilang tao at ang pagtupad ng kanyang
tungkulin bilang makabuluhang kasapi ng lipunan

Page 6
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARY 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

ay nakasalalay sa kanyang kakayahan sa paggamit ng wika. Samakatwid, ang


kahusayan ng tao sa paggamit ng wika na ipinakikita sa kanyang kasanayan sa
pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat ay maituturing na isang mahalagang
katuparan at instrumento sa pansariling pag-unlad.
NARITO ANG ANG IBA’T IBANG KAHALAGAHAN NG WIKA.
Instrumento ng Komunikasyon. Ang wika pasalita man o pasulat, ay
pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.
Ang dalawang tao ay nagkakaunawaan sa pamamagitan ng epektibong paggamit
ng wika. Ang magkasintahan, halimbawa, ay nakapagpapanatili ng relasyon dahil
may wikang nagiging instrumento nila ng komunikasyon. Samantala, may mga
nagkakagalit o nag-aaway bunga ng miskomunikasyon o di-epektibong paggamit
ng wika. Samakatwid, ang mabisang paggamit ng wika ay mahalaga sa
pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa dahil tayong mga tao ay mga
nilikhang panlipunan.
Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman. Maraming kaalaman ang
naisasalin sa ibang salin-lahi at napakikinabangan ng ibang lahi dahil sa wika.
Ang mga nobela ni Rizal halimbawa, ay naisulat ilang daang taon na ang lumipas
ngunit patuloy itong napakikinabangan sa ating panahon dahil may wikang
nagkakanlong dito at nag-iingat hanggang sa kasalukuyan. Ang mga
mahahalagang imbensyong kanluran ay napakikinabangan din sa ating bansa
dahil may wikang nagkakanlong sa mga iyon at naging sanhi upang iyon ay
mapalaganap sa iba’t ibang sulok ng daigdig. Dahil may wika, hindi kasamang
naililibing ang mga mahahalagang kaalaman sa pagyao ng lumikha o tumuklas ng
mga iyon. Paano na lang kaya kung hindi man lang naisulat o naipagsabi ni
Benjamin Franklin ang pagakatuklas niya sa kuryente bago siya namatay?
Marahil ay baka wala pa rin tayong kuryente hanggang sa ngayon.
Nagbubuklod ng Bansa. Sa panahon ng mga katipunero, wikang Tagalog ang
naging daan upang mapag-isa ang kanilang mga hinaing. Tagalog ang kanilang
wikang opisyal, sa kanilang pakikipaglaban sa mga Kastila, samantalang ang mga
Propagandista naman ay ng wikang Kastila, na naging wika nila sa
pagpapahayag ng mga makabayang diwa sa la Solidaridad. Maaari rin itong
gamitin upang pagbuklurin ang isang bansa sa layuning pagpapalaya. Tulad na
lamang ng sa Edsa I at II, wika ang naging daan upang magtipon ang mga
Pilipino sa monumento ng EDSA upang isigaw ang nag-iisang mithiin ang
pagtuldok sa pamahalaang diktadorya at mandarambong.
Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip. Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling
kwento o nobela o di kaya’y kapag tayo’y nanonood ng pelikula, parang nagiging
totoo sa ating harapan ang mga tagpo na iyon. Maaaring tayo’y napahalakhak o
napapangiti, natatakot o kinikilabutan, nagagalit o naiinis, naaawa o naninibugho.
Ito ang nagpapagaan ng ating imahinasyon.

Para sa Karagdagang Kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=8bOG3jqHQJk&feature=youtu.be&fbclid=IwAR0nfrrv
Bvndarb9Co2sblEqP0De3TtRLKP7bBk0h3gNo1L3ktk2MONQU6o

Page 7
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARY 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

TUNGKULIN NG WIKA
Napakahalaga ng tungkuling ginagampanan ng wika. Paano ang pakikipagtalastasan
ang mga kaisipan at mga damdamin? Paano maitatala ang mga naganap na
pangyayari na tatawaging kasaysayan kung walang wika, lahat ng tungkuling binanggit
ay hindi maisasagawa.

Ang wika na ugat ng pakikipagtasalastasan o komunikasyon ay may mahahalaga


at iba’t ibang tungkulin gaya ng sumusunod:

1. Interaksyunal - nakikita sa paraan ng


pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang
kapwa.

Halimbawa: Tatlong magkakaibigan na


nagbibiruan sa isa't isa.

2. Instrumental - tumutugon sa mga


pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba.
Halimbawa: Isang batang lalaki na sumusulat ng
tula para sa kaniyang takdang-aralin.

3. Regulatoryo/Panregulatori - tumutukoy sa
pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.

Halimbawa: Isang doctor na nagbibigay ng tagubilin


sa kanyang pasyente sa mgadapat at hindi dapat na
gawin upang hindi lumala ang kanyang kondisyon.

4. Pampersonal - pagpapahayag ng sariling


opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.

Halimbawa: Pagsulat sa diary o journal para maibahagi


ang iyong saloobin na tanging ang iyong sarili at ang diary
ang nakaka-alam.

Para sa Karagdagang Kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=6cAOT
-
RrhAE&feature=youtu.be&fbclid=IwAR1y
Wp2- Page 8
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARY 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

5. Heuristiko - pagkuha at paghahanap ng


impormasyong may kinalaman sa paksang
pinag-aralan.
Halimbawa: Isang mag-aaral na naghahanap ng
impormasyon tungkol sa kanilang pananaliksik sa
isang halamang gamot.

6. Impormatibo - kabaliktaran sa heuristiko.


pagbibigay ng impormasyon sa paraang
pasulat at pasalita.

Halimbawa: Mga tagapagbalita na nagbibigay


impormasyon tungkol sa kalagayanng ating bansa.

Ilan pang Kaalaman Hingil sa Wika

Ayon sa mga lingguwista, may mahigit 5,000 na wika ang sinasalita sa buong
mundo. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming wika:
dikukulangin sa 180 ang wikang sinasalita sa pilipinas.

Heterogenous ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil maraming umiiral dito


at may mga diyalekto o varayti ng mga wikang ito.

Homogenous ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang
sinasalita ng mga mamamayan dito.

Gayunman, hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng mga diyalekto kahit isang


bansa dahil likas lamang sa mga tagapagsalita ng isang wika na magkaroon ng
ilang pagbabago sa bigkas ng mga salita, at sa pagbubuo ng mga salita at mga
pangungusap. Nagkakaintidihan pa rin ang mga taong gumagamit ng iba't ibang
diyalekto ng isang wika.

Mga Ilang Halimbawa ng Wikang Filipino

 Tagalog  Cebuan  Surigaonon


 Kapampanga o
n  Hiligayno
 Pangasines n
e  Kiniray-
 Iloko a
 Bikol  Yukan

Page 9
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARY 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

 Waray
 Tausog
 Maguinda
nao
 Aklanon
 Chavacan
o

Page
10
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

OPISYAL NA WIKA

Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binigyan ng natatanging pakilala


sa konstitusyon bilang wikang ginagamit sa mga
opisyal na transaksyon ng pamahalaan.
May dalawang opisyal na wika ang Pilipinas -
ang Filipino at Ingles
Ayon sa Artikulo IV, Seksyon 7, ang nga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at
hangga't walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles.
Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at
magkahiwalay na gamit ang Filipino at Ingles.
Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng batas at mga
dokumento ng pamahalaan. Ito rin ang wikang gagamitin sa mga talakay at
diskurso sa loob ng bansa, halimbawa, sa mga talumpati ng pangulo, mga
deliberasyon sa kongreso at senado, pagtuturo sa mga pamahalaan, mga
paglilitis sa korte, at iba pa. mahalaga ang paggamit ng Filipino sa mga talumpati
ng pangulo at sa mga talakay at diskurso upang maunawaan ng mga
mamamayan ang mahalagang usapin ng bansa.
Bukod sa pagiging pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas,
gumaganap din ang Filipino bilang lingua franca o tulay ng komunikasyon sa
bansa.
Kapag may dalawang taong mag-uusap na may magkaiba o magkahiwalay na
kultura at sosyolingguwistikong grupo, halimbawa, ang isa ay Kapampangan at
isa naman ay Bikolano, gagamitin nila ang Filipino para magkaunawaan.
Samantala, ginagamit naman ang Ingles bilang isa pang opisyal na wika
Pilipinas sa pakikipag-usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipag
komunikasyon sa iba't ibang bansa sa daigdig. Ingles ang itinuturing na lingua
franca ng daigdig. Ito ang ginagamit ng mga tao mula sa iba't ibang bansa para
mag-usapatmagkaunawaan.

KABANATA 2: MGA TEORYANG PANGWIKA

Layunin:
1) Maipaliliwanag ang iba't ibang teorya tungkol sa Pinagmulan ng
Wika (Biblikal at Pansiyentipiko).
2) Natutukoy mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng iba't ibang
Teorya sa Pinagmulan ng Wika; Page 1

3) Nakapagbabahagi ng sariling saloobin tungkol sa teorya ng wika.


PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

A. SOSYOLINGGWISTIKONG TEORYA:

Ayon sa teoryang ito ay ang wika ay


panlipunan at ang speech ay pang-
indibidwal. Ayon kay Sapir, ang wika ay
isang instrumento o kasangkapan ng
sosyalisasyon. Ibig sabihn nito ay ang
mga relasyong sosyal ay hindi iiral kung
wala nito. Ayon naman kay Saussure,
ang wika ay binubuo ng dalawang
parallel at magkaugnay na serye, ang
signifier(language) na isang kabuuang
set ng mga gawaing pangwika na nagbibigay ng daan sa indibidwal na umintindi at
maintindihan, at ang signified (parole).

Kaugnay sa teoryang ito ay ang ideya ng pagiging heterogenous ng wika dahil sa


mga magkakaibang indibidwal at grupo. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi
isang simpleng instrumento ng komunikasyon kundi isang pagsasama-sama ng
mga anyo sa isang magkakaibang kultura.

B. TEORYA NG AKOMODASYON:

HOWARD GILES, tinalakay niya sa teoryang ito


ang linguistic convergence at linguistic divergence, Ang
mga ito’y mga teorya mula sa SLA (second language
acquisition). Ang teoryang ito linguistic convergence
sinasabi na nagkakaroon ng tendesiya na gumaya o
bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-
halaga ang pakikiisa, pakikilahok, pakikipag-
palagayang-loob, pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa
pagiging kabilang sa grupo. Samantalang sa linguistic
divergence sinasabing pilit nating iniiba o pilit tayong
di-nakikiisa, o kaya’y lalong pagigiit sa sariling
kakayahan at identidad.

Page 2
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

Tinatalakay rin dito ang interference phenomenon at interlanguage.


Ang interference phenomenon ay ang tumatalakay sa impluwensya ng unang
wika sa pangalawang wika. Dito nabubuo, halimbawa, ang Taglish, Singlish, o
kaya Malay English at marami pang iba dahil sa di-maiwasang pagpasok ng
mga katutubong wika ng mga bansang nagging kolonya ng mga bansa na ang
katutubong wika ay Ingles.
Ang interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng
tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto nya ng pangalawang wika.
Halimbawa nito ang mga salitang madalas nating ginagamit, na dahil sa
sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay
binabago ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag,
pagbabawas at pagbabago ng mga alituntunin.

ANG PINAGMULAN NG WIKA


Maraming haka-haka tungkol sa
pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-
daming teorya ng iba’t ibang tao hindi
pa rin maipaliwanag kung saan,
paano at kailan talaga nagsimula
ang wika. Tinatanggap ng mga
dalubwika na hanggang sa ngayon ay
wala pa ring katiyakan ang iba’t ibang
teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa
itong palaisipang hanggang sa
kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay
subalit nananatili pa ring hiwaga o misteryo.

Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga


bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan.Iba’t
ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto. Ang iba ay
siyentipiko ang paraan ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba. May
ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyong sa isa’t isa.
Binanggit ni Asenjo (2015) sa kaniyang papel na Tungo sa Multilingguwalismo at
Pagkakapantay-pantay: Wika at Kasarian sa Panitikan na ang kaniyang turing sa
wika ay ayon sa pagpapakahulugan ng Aleman na si Karl Marx. Ayon kay Marx,
ang wika ay isang kamalayang praktika. Ipinaliliwanag ng kaisipang ito na ang
wika ay isang elementong nagtutulak sa tao upang lumikha. Sa pamamamagitan
ng wika, ang tao ay nakauugnay sa daigdig.

Para sa Karagdagang Kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=NUL6oHNdiz8&feature=youtu.be

Page 3
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

ANG EKSPERIMENTO NI HARING PSAMTIK I NG EHIPTO


Mula sa tala ni Herodotus na naguriang Ama ng Kasaysayan (17th Century B.C)

Ipinagkatiwala ni Haring Psamtik ang dalawang


silang na kambal na sanggol sa isang pastol ng
tupa at ipinag-utos na ilagay ang dalawang sanggol
sa isang tahimik na lugar kung saan wala silang
maaaring marinig na anumang salita. Maging ang
nasabing pastol ay pinagbawalang bumigkas ng
anumang salita at sa halip ay ginawa lamang
siyang tagapaghatid ng lahat ng mga
pangangailangan ng dalawang sanggol tulad ng
gatas at iba pa.
May paniwala ang hari na ang unang salita na namumutawi sa labi ng mga
sanggol ang siyang una o pinakamatandang wika sa daigdig.
Minsan, isang umaga, makalipas ang dalawang taon at habang naghahatid ng
pagkain ang nasabing pastol sa dalawang sanggol ay narinig niya mula sa mga
ito ang salitang "beco". Dahil sa matinding kagalakan ay agad niyang dinala ang
dalawang bata sa hari upang ibahagi ang kanyang natuklasan.Matapos itong
mabatid ng hari ay kagyat niyang ipinahanap
kung aling bansa ang nagtataglay ng salitang
beco sa kanilang wika. Nabatid niya na ang mga
Phyrgians mula sa kanlurang bahagi ng bansang
Turkey ay may salitang Becos na ang ibig
sabihin ay “tinapay”.
Bunga nito ay nakumbinsi siya na ang Phyrgians
ang may pinakamatandang wika sa daigdig.
Subalit ayon sa pag-aaral ay mali ang naging
konklusyon ng hari dahil ang salitang becos na
narinig niya ay pawang mga tunog lamang na
inuusal ng dalawang (Bubbling) o posible naman
na ginagaya lamang nila ang tunog o huni ng mga kambing sampu ng huni ng
mga hayop sa paligid. Bukod pa sa katotohanan na ang wikang Phyrgian ay isa
lamang sa mga wika na nagsisimula pa lamang madebelop noong mga panahong
iyon ayon sa pilolohikal na pag-aaral (Philological Studies).

ANG EKSPERIMENTO NI HARING FREDERICK II NG ROMA


Mula sa tala ng isang Paring Pransiskano (1194-1220 B.C)

Sa eksperimentong ito, inutusan ni Haring Frederick ang isang babae na


magpanggap bilang ina ng isang sanggol na gawin lahat ng uri ng pag-aalaga
magmula sa pagpapasuso, pagpapaligo at pagbibigay ng iba pang

Page 4
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

pangangailangan ng nasabing sanggol. Kinakausap din niya sa tuwi-tuwina ang


sanggol upang mabatid kung ang wikang una nitong babanggitin ay Griyego,
Latin o Arabe o di kaya ay ang wika ng totoo niyang mga magulang.
Subalit bigo ang eksperimentong ito dahil sa halip na magsalita ay pawang
pagpalakpak at pagtawa at pag-iyak lamang ang kayang gawin ng naturang
sanggol.

ANG EKSPERIMENTO NI JAMES IV NG SCOTLAND (1473-1513)


Ayon sa eksperimentong ito ay ipinahuli ni Haring
James IV ang isang babae at dinala ito sa isang isla
kasama ang dalawang bata. Dito ay ibinigay sa kanila
ang lahat ng kanilang mga pangangailangan tulad ng
pagkain, tubig, damit at halos lahat-lahat na. Layunin ng
eksperimento na matuklasan kung anong wika ang
unang sasalitain ng mga bata sa kanilang paglaki. At
ayon sa mga kwento ay naging mahusay raw ang
dalawang bata sa wikang Hebreo. Maaaring mababaw o
sadyang hubad sa katotohanan ang naging resulta ng
naturang mga eksperimento at sadya ngang hindi ito
naging matagumpay.

Subalit hindi natin maikakaila na nagsilbi itong


tuntungan ng mga sumunod pang mga pag-aaral sa
wika bunga ng mga isipan na walang kapaguran sa
pagtatanong at paghingi ng kaukulang kasagutan.

MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA


Sa kalagitnaang bahagi na lamang ng ika-19 na daang taon masasabi na naging
maagham ang mga isinagawang pag-aaral hinggil sa wika, nang pormal nang
kilalanin ang linggwistika bilang isang ganap na larangan.
Sa unti-unting pamumukadkad ng larangan ng linggwistika ay muling nabuhay
ang interes ng tao sa wika partikular na sa Europa. Muling umaalingawngaw ang
mga dating naisantabi nang mga katanungan tulad ng:

Ano ang Pinakamatandang Wika sa Daigdig?


Ano ang Wikang Sinasalita ni Adan At Eba? Saan
at Paano kaya Nagsimula ang Wika?
Mga katanungan na muli ng pumukaw sa
kamalayan ng tao at nagluwal ng samu't
saring panibagong eksperimento at diskusyon
na may makaagham na oryentasyon.

Page 5
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

Subalit hindi naging madali ang pagsusulong ng linggwistika lalo na't bagong
konsepto pa lamang ito sa isipan at pandinig ng mga tao noong panahon iyon. Sa
katunayan ang mga hindi naging matagumpay na pag-aaral ang siyang
nagbunsod sa Linguistic Society of Paris noong 1866 na huwag nang talakayin pa
ang usaping ito sa kanilang pagpupulong. Subalit hindi rin naman ganap na
naisantabi ang usapin.

Ang pagiging masigasig sa paghahangad na payapain ang isipang patuloy na


nagtatanong ang siyang naghawan ng landas tungo sa pagkakabuo ng iba't ibang
mga teorya hinggil sa pinagmulan ng wika na hindi lamang nakasalig sa agham
kundi sinusuportahan din ng mga tuklas sa larangan ng arkeolohiya at mga talang
pangkasaysayan.

NAHAHATI ANG MGA ITO SA DALAWANG


PANGKAT:
Ang Teoryang Biblikal
Teoryang Siyentipiko
A. TEORYANG BIBLIKAL
May dalawang tala sa bibliya na bumabanggit hinggil sa naging pasimula ng
paglaganap ng wika sa buong daigdig. Ito ay ang Tore ng Babel na mula sa Lumang
Tipan at ang Pentecostes na nasa BagongTipan. Ang mga kwentong ito ay madalas
na nagtutunggalian sa isa't isa kung ating mababasa ang mga aklat. Subalit hindi ito
dapat tingnan sa puntong literal.Sa bahaging ito ay patutunayan ng mga manunulat
na hindi kailanman naging magkasalungat ang dalawang ito bagkus ay tuwirang
magkaugnay sa isa't isa.
1. TORE NG BABEL
Ang kwento hinggil sa "Tore ng Babel" na kilala rin sa taguring "Teorya ng
Kalituhan" ay matatagpuan sa aklat ng Genesis, bersikulo 1-8.
Nakasaad dito na dati-rati ay iisa lamang ang wikang
sinasalita ng mga tao sa buong daigdig kung kaya
madaling nagkakaunawaan ang mga tao. Naipasya
ng mga taong naninirahan sa silangan sa isang
kapatagan ng Sinai (senai) na magtayo ng isang
lungsod na may "Tore" na aabot sa langit upang
sila'y mapatanyag at huwag ng magwatak-watak.
Hindi naibigan ng Panginoon ang ganitong gawain
dahil di-umano'y pasimula pa lamang ito ng kanilang
mga binabalangkas at di maglalao't gagawa pa sila
ng anumang kanilang maiibigan. Dahil dito ay naipasya ng Panginoon na guluhin
ang kanilang wika upang hindi na sila magkaintindihan nang sa gayon ay kagyat
na matigil ang pagtatayo ng nasabing tore.

Page 6
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

2. ANG PENTECOSTES
Ang tala hinggil sa Pentecostes ay matatagpuan sa ika-2 aklat ng Mga
Gawa bersikulo 1-12.
Ang Pentecostes ay nangangahulugan ng pagdating o
pagsapit ng Banal na Espiritu Santo. Ito ang kaganapan ng
pangako ni Hesukristo sa Kanyang mga Apostol na di-
umano'y bibigyan sila ng Diyos Ama sa langit ng Banal na
Espiritu upang mapalaganap nila sa buong mundo ang
mabuting balita ng kaligtasan bilang mga saksi ni
Hesukristo. (Mga Gawa 1:6-10).
Nakasaad dito na habang nagkakatipon sa isang lugar ang
mga apostol ay bigla silang may narinig na ugong mula sa
langit at may nakita silang mala-dilang apoy na lumapag sa
bawat isa sa kanila at silang lahat ay napuspos ng Espiritu
Santo at nagsalita ng iba't ibang wika. Dito nagsimula ang
pamamala kaya at pagkakaklat ng ebanghelyo ng mga
apostol sa bawat sulok ng mundo na siyang naging pormal na pasimula ng
paglalaganap ng Kristiyanismo.

Sa kasalukuyan ay pamilyar ang mga tao na kabilang sa mga Charismatic


Movement sa terminong Gift of Tonge na basta na lamang namumutawi sa
kanilang mga labi ang mga salitang hindi naman nila naintindihan. Ito ay
nagaganap sa mga oras ng kanilang pagsamba o pagpupuri sa Diyos.

B. MGA TEORYANG SIYENTIPIKO

Ang iba’t ibang teorya ukol sa posibleng pinagmulan ng wika:

1. Teoryang Bow-Wow
Ang teoryang ito ay nagmula kay Max Muller na isang Aleman. Ayon sa kanya,
ang wika ay nagsimula buhat sa paggaya ng tao sa mga tunog ng kalikasan
tulad ng langitngit ng kawayan, lagaslas ng tubig at ihip ng hangin. Tinatawag din
itong paghihimig o Onomatopiya. Hindi naging malawak ang katanggapan ng
teoryang ito sa kadahilanang wala itong konsistensi at dumedepende lamang sa
pandinig na maaaring magkakaibang interpretasyon ng bawat lahi sa laok ng
manok.

Halimbawa:
Wikang Filipino – Tiktilaok o kaya ay
kok-korokokok
Wikang Ingles - Cock-a-doodle-doo
Wikang Pranses at Espanyol - cocorico
Wikang Intsik (Chinese) - go-go-gooo.

Page 7
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

2. Teoryang Ding-Dong

Nakasaad sa teoryang ito na bawat bagay ay may


sariling tunog na kumakatawan dito. Halos katulad ito ng
Bow-wow subalit may bahagyang kaibahan sapagkat
hindi lamang tunog mula sa kalikasan ang
sinasaklaw ng Ding-dong kundi maging
ang tunog ng mga bagay na likha ng tao
tulad ng "ktak" ng orasan, huni ng tuko,
uwak, palaka, ibon at tunog ng kampana.

3. Teoryang Ta-Ta

Ayon dito ang wika ay nagsimula sa paggaya sa mga


galaw ng katawan na humahantong sa koordinasyon
ng bibig at dila. Halimbawa ay ang pagkumpas ng
kamay nang pataas at pababa tuwing
magpapaalam at ang pag-iling upang
magpahayag ng hindi pagsang-ayon.
Ang Ta-ta ay nagmula sasalitang
Pranses na nangangahulugang
paalam. Tinatawag din itong muestra.

4. Teoryang Yo-He-Ho

Nagsimulang makabuo ng mga salita ang tao sanhi


ng mga tunog na kaniyang nauusal tuwing siya ay
gagamit ng matinding puwersa sa pagbuhat ng
mabibigat na bagay.

5. Teoryang Pooh-Pooh

Ang tunog na naibubulaslas ng tao


dala ng matinding takot, galak, sakit
at iba pang emosyon ang siyang
pinaniniwalaang pinagmulan ng
wika. Kung minsan ay sadyang hindi
na maiwasang umusal ng mga
tunog tuwing tayo ay nasa ilalim ng
matinding emosyon.

Page 8
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

6. Teoryang La-La

Ito ay mula sa isang Linggwistiang taga-Denmark


na si Otto Jespersen (1860-1943) kung saan sinabi
niya na ang salik na nagtutulak sa tao upang
magsalita ay ang mga pwersang may kinalaman sa
romansa tulad ng pag-ibig na makikita sa
lenggwahe ng mga tula at awitin.

Bagamat hindi maipagkakaila na nagsisilbi itong


inspirasyon ng tao ang pag-ibig upang makalikha
ng mga dakilang komposisyon o obra ay hindi
naman palaging nasa ganitong estado ng emosyon
at pag-iisip ang mga tao sa lahat ng pagkakataon.

7. Teoryang Yum-Yum

Nilikha ang tao na sadyang may mga bayolohikal


na pangangailangan tulad ng hangin, tubig at
pagkain. Dito'y nagiging pangunahing layunin ng
kanyang pagkilos ang matugunan ang mga ito.
Ang teoryang ito ay iniluwal ng pagkalam ng
sikmura ng tao dala ng nararamdamang gutom.

Nakabatay din ito sa stimulus-response theory


kung saan madaling maakit sa pagkain ang isang
taong gutom. Madalas ding kumakatas ang ating
mga bagang sa tuwing makakikita o makaaamoy
tayo ng masarap na pagkain sabay ang pag-usal ng salitang yum-yum o yummy.

8. Teoryang Tarara-Boom-De-Ay

Tungkol ito sa mga seremonya o ritwal na isinasagawa ng


mga tao tulad ng pagsasayaw, pagsigaw at pag-ungol
bilang isang porma ng pagpapahayag. Ang mga salitang
kanilang naibubulalas mula sa ganitong mga gawain ay
nagiging bahagi ng kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay at kultura.
Bagaman naghahain ng iba't ibang paliwanag hinggil sa
pinagmulan ng wika ang mga teoryang nabanggit ay hindi
pa rin ito sapat upang maging batayan ng ating
paniniwala dahil marami parin itong mga kakulangan.

Page 9
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

9. Teoryang Hocus Pocus

Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang


pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan
ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng
pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw
kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga
hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog
na kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop.

10. Teoryang Mama

Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga


pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang
bagay.Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y
hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit dahil
ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi
ang mama bilang panumbas sa salitang mother.

11. Teoryang Coo Coo

Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa


mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang
mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga
matatanda bilang pagpapangalan sa mga
bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala
ng marami na ang mga bata ang nanggagaya
ng tunog ng mga matatanda.

12. Teoryang Sing-Song


Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na
ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa,
pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga
bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na
taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang
salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi
maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

Para sa Karagdagang Kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=QsJ09Gc2wg0&feature=youtu.be

Page 10
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

KAKULANGAN NG MGA SINAUNANG PAG-AARAL HINGGIL SA PINAGMULAN NG


WIKA AYON KINA DAVID AT HEALY (1962)
 Hindi ibinigay ang tiyak na petsa ng pinagmulan ng Inang Wika (Mother
Language).
 Masyadong limitado ang bokabularyong ginamit upang
makapagbigay ngmapananaligang resulta.
 Nakatuon lamang sa talasalitaan ang pag-aaral at hindi sa morpolohiya at
sintaksis.
 Hindi isinaalang-alang ang maaaring maganap na paghihiram mula sa
iba't ibang wika.
 Walang sanligang matematikal ang teknik o pamamaraang ginamit.

Kilala ang mga sumusunod na linggwista na nagpasimula sa pag-aaral ng mga wika sa


Pilipinas:
Chirino (1604), Colin (1663) at Lorenzo Hueves Y. Panduro (1784) - Sila ay mga
misyonaryong Kastila na nagklasipika ng mga wika sa Pilipinas sa Angkang Indonesyo
Polenesyo kung saan ibinigay ni Chirino ang sumunod na komento hinggil sa Wikang
Tagalog;

"Natagpuan ko rito ang apat na katangian ng apat


na dakilang wika sa daigdig; Ang Hebreo, Griyego,
Latin at Kastila. Nag-aangkin ito ng lalim at hirap
ng Wikang Hebreo, ang malinaw na katawagan ng
Wikang Griyego hindi lamang sa mga pangngalang
pambalana kundi higit sa mga pangngalang pantangi,
mga kaganapan at kariktan ng Wikang Latin at ang
pitagan at pagkamagalang ng Wikang Kastila".

Page 11
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

Wilhelm Schmedt (1989) - Siya ang nagklasipika ng mga wika


sa Pilipinas sa angkang Malayo - Polynesian sakop ang mga
wikang sinasalita sa Formosa hanggang New Zealand sa Timog
at Eastern Island sa Silangan hanggang Madagascar.

Dr. Ernesto Constantino - Sa kanyang mga pag-aaral sa


mga dayalekto sa Pilipinas ay nabatid niyang:
60% ng Wikang Tagalog ay kogneyt ng Pampango na
48% ay kogneyt ng Cebuano
47% kogneyt ng Hiligaynon
40% ay kogneyt ng Cebuano
47% ay kogneyt ng Hiligaynon
40% ay kogneyt naman ng Ilokano

Jose Villa Panganiban (1967) - Dating Tagapangulo ng


Surian ng Wikang Pambansa na naglathala ng resulta ng
kanyang pag-aaral hinggil sa mga salitang hiram kung
saan sinabi niyang ang wikang Filipino ay nanghiram ng
5,000 salita mula sa Kastila
3,200 mula sa Malay
1,500 mula sa Ingles
at daan-daan mula sa Sanskrito, Arabe, Persiano, Latin,
Griyego, Nipongo, Aleman, Ruso at iba pa.

Sanggunian:
https://www.scribd.com/document/427355113/Teorya-Ng-
Wika
https://www.academia.edu/37505369/Teoryang_Pangwika
Page 1
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

KABANATA 3: MGA BARAYTI AT REHISTRO NG WIKA

Layunin:
1. Makapaglahad ng kaalaman ukol sa barayti at rehistro ng wika
2. Maibahagi ang iba't – ibang barayti ng wika at antas nito mula sa
ibinahaging halimbawa
3. Magamit ang kaalaman sa barayti at rehistro ng wika, gayundin ang
antas nito sa pang araw – araw na pamumuhay

Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng


bawat lugar. Ito rin ay isang simbolismo tungo sa
pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa
pamamagitan ng wika, ay nailalabas o
napapahayag natin ang ating mga emosyon at
saloobin, masaya man o malungkot. Ginagawa
natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat,
pakikipagtalastasan at iba pa.
Dahil sa sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na
ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon,
okupasyon, edad at kasarian at uri ng pangkat
etniko na ating kinabibilangan.
Ang pagkakaraoon ng barayti ng wika ay
pinaliliwanag ng teoryang sosyolinguwistika ay
pinagbabatayan ng ideya ng pagiging heterogenous
at pagiging dinamiko nito.
REGISTER - ang Register ay isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong
nagsasalita o gumagamit ng wika. Ito ay mas madalas nakikita o nagagamit sa isang
partikular na disiplina. Ang Barayti ng wika ay nag-uugat sa mga pagkakaiba-iba ng
mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan
at iba pa.
Dinamiko ang wika kaya't nagkakaroon ito ng iba-ibang rehistro batay sa konteksto ng
paggamit nito at kung sino ang gumagamit nito. Sa pagkakaroon ng pagbabago ng wika
sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika ayon sa:
 Tono (tenor of discourse) – naayon ang wika sa sino ang naguusap
 Paksa (field of discourse) – batay sa larangan na tinutukoy at sa panahon
 Paraan o paano nag-uusap (mode of discourse) – ito man ay pasalita o
pasulat pagtalima sa mga panuntunan dapat sundin batay sa uri ng piniling
paraan ng paguusap.

Page 2
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

May Dalwang Dimensyong Baryalidad ng Wika Ito ay:


1. Ang Dimensyong Heograpiko ay ang wikang ginagamit saisang partikular na
rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Halimbawa: Cebuano/Bisaya sa Cebu
2. Ang Dimensyong Sosyal ay tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil
nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan.
Halimbawa: Wika ng mga LGBT community, wika ng mga matatanda

IBA'T – IBANG BARAYTI NG WIKA

Ang barayti ng wikang nalilikha ng


dimensyong heograpiko.Ito ay wikang
ginagamit ng isang partikular na relihiyon,
lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Tayo ay may iba't ibang uri ng wikang
panrelihiyon na kung tawagin ay wikain
Tatlong uri ng Dayalek:
1. UpDayalek na heograpiya (batay sa espasyo)
2. Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
3. Dayalek na sosyal (batay sa katayuan)
Halimbawa:
Bicolano – Bicol Ilocos – Bakit ngay
Ilocano – Ilocos Pangasinan – Bakit ei?
Tagalog – Bakit? Ibang – Isabela at Cagayan
Batangas – Bakit ga? Pampango – Pampang
Bataan – Bakit ah?

Pamamaraan ng bawat indibidwal na may sariling istilo ng pamamahayag


at pananalita na naiiba sa bawat isa. Sa pagkakaroon ng personal na paggamit ng
wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao.
Ito ay namumukod tangi at yunik.
Halimbawa:

“Magandang Gabi Bayan” ni Noli De Castro

“Hindi ka namin tatantanan“ ni Mike Enriquez

Page 3
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

Ang tawag sa barayting nabubuo batay sa


dimensyong sosyal dahil nakabatay dito sa pangkat panlipunan. Ito din ay may
legal na rehistro na tinatawag na jargon Ang jargon ay may tanging bokabolaryo
ng isang partikular na pangkat ng gawain.
Halimbawa:
Repapips – ala na ako datong ei
(Pare, wala na akong pera)
Oh my God! It's so mainit naman dito
(Naku! Ang init naman dito)
Wa facelak girlash mo
(walang mukha o itsura ang gelpren mo
o kaya ang pangit ng gelpren mo).

Isang uri ng wika na nadedebelop mula sa salita ng


mga etnolonggwistang grupo. Sa pagkakaroon ng
marameng pangkat ng etniko sumibol ang iba't ibang
uri ng Etnoleko. Taglay nito ang mga huling naging
b.a ahagi ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko
Halimbawa:
Hiliaynon-Palangga- iniirog, sinisinta, minamahal
Cebuano-Kalipay – tuwa, ligaya, saya
Bulanin - salitang naglalarawan sa pagkahugis
buo ng buwan

Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa


loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang
madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata
at mga nakakatanda, malimit itong ginagamit sa
pang araw araw na pakikipagtalastasan.
Halimbawa :
Pagkain – Chow o Lafang
Pamingganan – lalagyan ng plato
Pappy – ama / tatay
Mumsy – ina / nanay

Para sa Karagdagang Kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=CXNaqjpZYGQ

Page 4
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

Ito ay barayti ng wika na walang pormal na


estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language“ ng mga dayuhan. Ito
ay ginagamit ng dalawang indibidwal na naguusap na may dalawa ring magkaibang
wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit kundi nakasalalay lamang sil sa
“make – shift” na salita o mga pansamantalang wika lamang

Halimbawa:
“kayo bata aral buti para
laki ganda trabaho”
“Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt
(suki bumili ka ng paninda ko,
bibigyan kita ng diskawnt)
“Uh! My arms is so ngalay ngalay”

Mga barayti ng wika na nabubuo dahil sa


pinaghalo – halong salita ng indibidwal mula sa magkaibang lugar hanggang
sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar. Halimbawa nito ay
pinaghalong salita ng Tagalog at espanyol (ang
chavacano), Ang halong African at espanyol
(ang Palequero), at ang halong Portuguese at
espanyol (ang Annobonese)
Halimbawa:
– Ang pangalan ko
Buenas dias – magandamg umaga
Buenas nochesa – magandang gabi
Buenas tardes – magandang hapon

AA
NNTT
AASSNN
GGWW
IKIK
AA
Sa lahat ng nilalang, tao ang may pinakamataas na antas ng kaanyuang pisikal
at intelekwal. Dahil dito tayo rin ay nabiyayaan ng kakayahan na makapag –
pahiwatig ng ating saloobin gamit ang sari – saring uri ng wika.
Wika ang daan tungo sa pagkakaisa, pakikisalamuha, pakikipagtalastasan at
higit sa lahat paglilinang ng karunungan ng buong sangkatauhan.
Nabibilang ang bawat indibidwal sa ibat – ibang urinng antas sa lipunang
kanyang ginagalawan. Tandaan na walang parehong indibiwal ang mayroong
eksakto o parehonh uri o istilo ng pananalita.
Ang mga sumusunod ay mga aspeto na nabibilang sa pagkakaiba ng antas:
 Edad  Kasalukuyang propesyon
 Kasarian  Pagiging dayuhan o lokal
 Antas ng natapos  Grupo o pangkat etniko na kanyang
 Katayuan o estafo ng buhay kinabibilangan

Page 5
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

PORMAL NA WIKA
Sa pag-angat ng ating mga estado sa
buhay at sa paglipat ng lugar na ating
ginagalawan ay natututo ng mas mataas
pa sa antas ng wika. Ito ay tinatawag na
porml na wika.
Mga wikang ginagamit at kinikilala sa
ating alta sosyiodad. Lehitimo kung ituring
ang mga salitang pormal.
Ginagamit ito sa loob ng paaralan, opisina, at
halos sa lahat ng bahagi at ahensya ng ating lipunan.
Maging sa paglilimbang ng mga aklat, ito rin ang ating gamit.
Ang kalidad ng wika ay tumataas sa bawat indibidwal na gumagamit na naayon
parij sa antas ng katalinuhan at propesyin sa buhay.
Ang bawat organisadong grupo ng mga propesyonal ay may kanya – kanyang
pormal sa wika na ginagamit, naayon narin sa antas ng edukasyon na natapos.

 Pambansang Wika / Lingua Franca


Ang bawat bansa ay mayroong sariling wikang pambansa. Sa isang indibidwal ito
ay tatak na sumisimbolo at sumasalamin sa kung anong lahi at bansa nabibilang.
Tulad ng bansang Pilipinas ay may pambansang wika – ito ay wikang Pilipino.
Andiyan ang pagkakaroon ng mga batas sa ating lipunan na Pilipino ang dapat
gamitin.
Ginagamit sa mga aklat, babasahin
at sirkulasyong pangmadla.
Pambansang Wika
Wikang ginagamit sa mga paaralan
at pamahalaan.
/ Lingua Franca
Salitang higit na kilala o ginagamit
sa pook na sentro ng sibilisasyon
at kalakalan.
Halimbawa: Anak, Asawa, Ina,
Ama, Sambayanan, eksperto,
pagsusulit, eskwelahan

Sanggunian:
https://prezi.com/fthysoq3ecvl/mga-barayti-at-rehistro-ng-wika/
https://www.slideshare.net/sarahgollosorojo/mga-tungkulin-barayti-at-rehistro-ng-e

Page 6
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

 Pampanitikan
 Pinakamayamang uri
 Ito ay ginagamit ng mga malikhain
manunulat.
 Gumagamit ng idyoma, tayutay, at
iba't – ibang tono, tema, at punto
 Isang eskperto na rin ang nagsabi
na ang panitikan ay ang “ kapatid
ng babae ng kasaysayan”, ito ay
dahil sa ang wikang pampanitikan
ay makasyasayan dahil sa kanyang
kakayahang lumikha ng piksyunal o
kathang isip.
 Maging sa larangan bg medya,
radyo man o telebisyon, wikang pambansa parin ang karamihang ginagamit.
Halimbawa:
Kabiyak ng aking puso – kasintahan
Ilaw ng tahanan – ina
Bunga ng aming pagmamahalan–anak
Balat sibuyas – maramdamin

IMPORMAL NA WIKA
Ang mga salitang ating natutunan ay mula sa pagkasilang ng isang tao. Ito ay mga
salita na nauuri bilang impormal na wika.
Ang impormal na wika ay kinabibilangan ng mga
salita na karaniwang ginagamit na pang araw – araw
Ito ang wika na kadalasan nating naririnig at
ginagamit sa loob ng bawat tahanan na tinatwag
nating impormal dahil hindi kelangan na pumasok sa
paaralan upang ito ay matutuhan.
Lalawigan
Ang lalawigan na ginagamit ay naayon sa isang
indibidwal na nakadepende sa lugar na kanyanh tinitirhan.
Ang bawat probinsya o relihiyon ay may sariling wika o
lenggwahe na kanilang ginagamit. Lalawigan
ang tawag sa mga salitang ito. Sa pamamagitan ng mga wikang
lalawigan ang bawat indibidw na gumagamit nito ay nagkakaroon ng sariling
tatak o pagkakakilanlan saan man dako sila napadpad.

Page 7
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

Nakikilala ang tao sa lalawigan o probinsya sa tono o punto at istilo ng pananalita


nito. Bawat lalawiganin ay may wikang magkakaibang punto sa pagbigkas. Ito ay
natatanging karakter na sadyang mahirap gayahin kung hindi ka sa lugar na iyon
lumaki at nanirahan.
Halimbawa:
Ang pagsasalita ng mga taga Ilonggo, sadya silang malambing ang mga Ilonggo
at halos hindi mo alam kung sila ay galit o naglalambing pa rin.
Nandiyan rin naman ang mga taga Pangasinan, panggalatok ang kanilang
lenggwahe. Aakalain mo na para silang mga ibon kung magsalita dahil sa
kanilang mabilis at madiin na pamamaraan ng pananalita. Kapag sila ay
nagkukwentuhan akala mo sila ay nag-aaway lagi

Tagalog Ilokano Cebuano Bikolano


Aalis Pumanaw Molakaw Mahali

Kanin Inapoy Kan - on Maluto


Alikabok Tapok Abug Alipog
Paa Saka Tiil Bitis

Balbal at Kolokyal
Ang wikang balbal sa Ingles ito ay
slang nagkakaroon ng sariling codes,
mababa ang antas. Ang wikang
kolokyal ay pang araw-araw na salita,
maaring may kagaspangan nang
kaunti, maari rin itong refinado ayon
sa kung sino ang nagsasalita. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa o higit
pang titik sa salita, ito ay karaniwan
na ginagamit pang araw araw ng mga
ordinaryong indibidwal. Bukod sa wikang panlalawigan na sariling gamit, ang
mga indibidwal ay natuto at gumagamit rin ng mga wikang kolokyal at balbal. Ito
ay kadalasang naririnig lalo na sa mga makabagong milenyal ng ating panahon.
Sa matatanda sa lipunan hindi masyadong tanggap dahil brutal at mayroong
mga magaspang na kahulugan ang mga salitang kolokyal at balbal. Itinuturing na
pinakamababang antas ng wika.

Para sa Karagdagang Kaalaman:


https://youtu.be/hQCtgCiqmLs

Page 8
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

Hindi man ito makikita sa ating mga diksionaryo ay sikat ito at patuloy na
ginagamit sa sirkulasyon ng mga kabataan pati narin ng mga tumatambay sa
kanto. Hindi sila “in” o kabilang sa grupo kapag hindi sila marunong gumamit
ng kanilang mga wika.

Salitang Balbal at Kolokyal na


Salitang Balbal at Kolokyal na
ginagamiy ng Bakla
ginagamit ng milenyals
Chaka chaka ng junakis mo – pangit
~ Pagbabagliktad ng mga salita naman anak mo
Erpats at ermats tatay at nanay May mga salitang brutal at magaspang,
merun naman na medyo sosyal.
Lodi at werpa idol at pawer
Sa pagsasalita o pagbikas ng mga gay
Lodi at werpa pare lingo ng mga mayroong kaya sa buhay.
Tomguts gutom Nauuri ang pananalita ng gay lingo
ayon sa antas ng buhay sa kanilang
Singlo o solve na busog kinalakihan at kinabibilangan

Salitang Balbal at kolokyal na ginagamit ng mga High School at Kolehiyala

~ Mga salitang pinaghalong ingles at tagalog

~ Naimbento ng mga naguusbungang grupo sa ating lipunan.


Hal. Girl, beshie monshie, frennies at iba pa

Sa paghubog ng katalinuhan ng bawat tao, ang wika ang pinakamabisang sandata


para hasain ito. Maging ang mga salat sa paningin ay kayang ipaintindi at
makapagpayag ng kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng wika.
Ang wika ay hindi lamang bahagi ng kultura ng isang bansa bagkus ito ay
natatanging biyaya sa atin hindi lamang para sa paglinang ng sangkatauhan ay para
sa pagkakaunawaan

Sanggunian:
https://www.coursehero.com/file/45439757/Antas-ng-wikadocx/
https://takdangaralin.ph/antas-ng-wika/

Kabanata 4: Iba’t – ibang uri ng Wikang Filipino

Page 1
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

Layunin
 Nalalaman ang iba’t-ibang uri ng Wikang Filipino
 Nakikilala ang mga salita batay sa lugar kung saan ito nagmula.
 Napahahalagahan ang iba’t-ibang uri ng Wikang Filipino.

Walang bansang iisa lang ang wika. Wika ang pangunahing tulay sa komunikasyon ng
mga tao. Pasalita man o pasulat, ang wika ay malinaw na nagsasabing tagasiwalat ng
lahat ng naiisip at nadarama ng tao o nga mga taong kabilang sa isang kultura o isang
lipunan. Bagama’t iba-iba nag tuon, ay masasabing napakarami ng mga mag-aaral
ang magpapatunay sa ganitong kahalagan ng wika sa sangkatauhan. Sa katunayan,
maraming sangay ng pag-aaral sa ilalim ng siyensya ang madalas kundi man, ay
laging bahagi ng kanilang pag-aaral ang ukol sa wika. Ilan sa mga nasabing larangan
ay ang sosyolohiya, antropolohiya, sikolohiya, pilosopiya, lohika at kasaysayan.

Bakit nga ba magkakaiba ang wika ng bawat bansa at madalas, mismo sa loob ng
bawat bansa? Sa paliwanag na mula sa Banal na kasulatan – ang Bibliya, nasasaad
na bilang parusa ng Diyos sa mga tao noon na nagtangkang magtayo ng tore upang
makita ang kalangitan, binigyan ng iba’t-ibang wika ang tao upang di magkaintindihan.
Masasabing may malaking tulong ang ganitong paliwanag ng Bibliya, gayunpaman,
mahirap isiping sasapat na ito sa napakalaking katanungan ukol sa pagkakaiba ng
mga wika.

Ang pagkakaroon at pag-iral ng maraming wika o ang tinatawang na multilingwalismo


ay isa sa mga tatak o taglay na katangian ng isang tunay na buhay-panlipunan. Ito ay
nakabase sa polisiya at teoryang Pluralismo na nagsasaad na kinikilalang totoo sa
isang lipunan ang pagkakaroon ng magkakaibang pangkat na may kalayaang
panatilihin ang kani-kanilang mga pagkakaibang kultura.

Page 2
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas: ANTONIO de PIGAFETTA

Likas na multilingwal ang Pilipinas bago pa man


dumating ang mga mananakop na Espanyol sa bansa.
Pinatunayan ito ng mga itinalang impormasyon ng
mga naunang tagatalang kasama ni Ferdinand
Magellan na si Antonio de Pigafetta. Ayon kay
Pigafetta, may mga wikang ginagamit ang mga tao
dito sa ating bansa noon pa man unang dumaong sila sa bansa.

Maraming wika ang Pilipinas noon pa man, dala ng ating mga unang ninunong
nanggaling sa lahi ng mga Ita, Malayo, at Indones. Magkagayunpaman, hindi ito naging
hadlang sa ating mga ninuno upang makipag-ugnayan sa kapwa lahi at maging sa
ibang lahi. Pinatunayan ito ng sinasabing magandang pakikipagkalakalan sa
pamamagitan ng sistemang barter ang ating mga ninuno noon pa man sa mga karatig
bansa sa Asya gaya ng Intsik, Hapon, Arabe at Persyano. Kaya naman hindi
katakatakang taglay ng marami sa ating mga katutubong wika ang salitang
nagpapatunay na nakaugnayan ng ating mga ninuno ang mga ito.

Hanggang ngayon marami pa ring wika sa Pilipinas. Ayon sa talaan na nagmula sa


Komisyon sa Wikang Filipino, mayroon 155 wika ang Pilipinas. Bagamat sinasabi
naman na mula sa isang artikulo na isinulat ni Jared Diamod (1993) sa Discover
Magazine na may 160 wika ang Pilipinas. Saan kaya napunta ang lima, possible
kayang Nawala o namatay na rin gaya ng iba pang mga katutubong wika ng ating
bansa na posibleng namatay noon pa mang panahong sakop tayo ng mga dayuhang
mananakop?

Para sa Karagdagang Kaalaman: :


https://www.youtube.com/watch?v=Y0OBTGAm
OYc

Page 3
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

IBA’T -IBANG URI NG WIKANG FILIPINO

Ang wikang Tagalog na kilala rin sa payak na pangalang Tagalog, ay isa sa mga
pangunahing wika ng Pilipinas at sinasabing ito ang de facto (sa katunayan) ngunit
hindi de jure (sa batas) na batayan na siyang pambansang wikang Filipino. Ito ang
katutubong wika ng mga lalawigan ng Rehiyon IV (CALABARZON at MIMAROPA),
ng Bulacan at ng kalakhang Maynila. Ang wikang it ay ginagamit din sa Hilagang
Kapuluang Mariana, kung saan ang mga Pilipino ang pinkamalaking pangkat-
etnolinguistiko. Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at
pamantayang anyo nito ang pangunahing wika sa telebisyon at radio, bagaman
halos nasa Ingles ang buong kayarian ng mga pahayagan. Bilang Pilipino, kasama
ang Ingles, isa ang Tagalog sa kasamang-opisyal at tanging pambansang wika sa
Pilipinas. Malawak na ginagamit ang tagalog bilang lingua franca o pangkaraniwang
wika sa buong bansa, at sa mga pamayanang Pilipino na nasa labas ng Pilipinas.
Subalit, habang kalat ang Tagalog sa maraming mga larangan, higit na laganap ang
Ingles, sa iba’t ibang antas ng katatasan, sa mga larangan ng pamahalaan at
kalakalan. Tinatawag na Mananagalog o Mananalita ang isang may mataas , may
kahusayan, at kaalaman sa pananagalog.

Para sa Karagdagang Kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=TfcrYfOWe3E&list=LLYlmKU6_Xg5xr
Ok8t6- jzZA&index=5&t=0s

Page 4
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

MAYNILA

Ang wikang Filipino o Tagalog na siyang ginagamit na


pangungusap sa Maynila. Ito ay madalas na hinahaluan
ng iba’t-ibang mga panrehiyon na salita. Ang Maynila na
tumatayo bilang “melting pot” o ng iba’t ibang pangkat
etnoloingwistiko ay tagpuan nga ng iba’t-ibang lahi sa
ating bansa. Ang salitang tagalog ng Maynila ay may
pagka-orihinal dahil sa pagkasalig nito sa pamamaraan
ng Tagalog Bulacan, madarama mo ang kasaysayan ng Pilipinas sa bawat pagbigkas
ng mga salita sa wikang ito; bagama’t nanghiram ito ng mga salita sa mga nagsidayong
lahi, inari nang sarili ng mga Pilipino ang bawat dayong salita na ito sa pagbigkas ng
wikang ito; kaya naman naging gamit na ito sa lahat ng mga usapin o pangungusap.
May kabagalan ang pagbigkas ng Tagalog sa Maynila at patuloy na nahahaluan pa ito
ng mga salitang banyaga; kabilang dito ang mga hiram na salita sa Kastila at Ingles ng
mga Americano. Kadalasan, naipagkakasing-kahulugan na ang Taglish sa Tagalog
Maynila dahil sa laganap na paghiram nito sa Ingles na mga salita. Ito ang ipinalagay
na pinkabatayan sa pagkakalikha ng salitang Pilipino na dating kilala sa katawagang
“Filipino”. Bagama’t may pagbabago ng pamamaraan sa Tagalog Maynila dahil sa mga
dayong mga salita, nanatili ang istandard tagalog o wastong pamantayan ng Tagalog sa
palibot nito na nasa lalawigan ng Bulakan at sa Timog Katagalugan.

BATAAN

Ang Tagalog ng Bataan at Zambales at maitutulad sa


Tagalog ng Maynila, bagama’t madalas na nahahaluan
ng Kapangpangan at Pangasinan, pati na rin ang
Ilokano, sa gawing kalapit ng Zambales sa Pampanga,
Tarlac, at Pangasinan.

Page 5
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

BULACAN

Ang Tagalog Bulacan ay mayroong


BULACAN

pagkamasalita kung ihahambing sa Tagalog Lumang Modernnong Ingles


Tagalog Tagalog
ng Maynila. Maraming salita sa wikaing Agsikapin Inhenyero Engineer
Abyad Asikaso Thought
Bulakenyo na hindi nauunawaan sa Atungaw Sigaw Shout
Bangkukang Ipis Cockroach
kalakhang Maynila. Bukod pa rito, mabilis
Banoy Agila Eagle
magsalita ang mga Bulakenyo dahil sa Bayukot Gusot Tangled
Biyuna Sintunado Dissonant
kahusayan nila sa pangungusap na may Dahak Luwa Sticking
out
kaugnayan sa pamamaraan nila sa Durungawan Bintana Window
pananalumpati at pagtula. Masasabing ang Gitata Dugyot Untidy
Hamagan Kulitan Naughty
Tagalog Bulakan ay siyang tagalog “Makata” Hitad Harot Flirt
Huwad Peke Fake
na pinatunayan ng mga makakatang Kabog Ibagsak Drop down
Kabtol Lipat Transfer
manunulat na sibol sa lalawigan nito. Sa
Kadlo Igib Fetching
paghahambing nito sa Timog katagalugan, water
Lumod Lunok Swallow
ang Tagalog Bulakan ay masasabing Tagalog Malakas na Malakas na Heavy
Dairi Ulan Rains
Pampitagan dahil sa paraan ng Marikit Maganda Beautiful
Mayumi Mahinhin Slowly
pagpapahayag nito samantala ang Tagalog Misla Sahig Floor
katimugan ay masasabing Tagalog ng Patda Dagta Resin
Patsi Dikit Paste
Mambabatas dahil sa kabagsikan ng Sapantaha Hinala Suspicious
pagpapahayag nito ng mga panukala sa iba’t Taling Nunal Mole

ibang usapan. Ang Tagalog Maynila sa


gawing hilaga nito ay usbong mula sa Timoog Bulakan. Ang nalalabing bahagi sa
kamaynilaan sa katimugan ay nasa impluwensya ng timog katagalugan gaya ng sa Las
Pinias, Muntinlupa at Paraniake.

Page 6
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

BATANGAS RIZAL AT LAGUNA

Lumang Modernong Ingles


Ang Batangas ay isa sa Tagalog Tagalog
Adwa Nasusuka Vomit
pinakamatandang anyo
Atsay Katulong Maid
ng Tagalog sa ating Bagot Boryong Boring

bansa na pinatunayan Balahura Balasubas Swindler


Balisong Itak Sword
ng pagkakaugnay nito Bulaan Sinungaling Liar
sa sinaunang pagbikas na nakatala sa Gara Yaman Rich
Gayak Ayos/Handa Ready
kasulatang tanso taong 822 A.D. o kilalang LCI Girian Away Fight
(Laguna Copperplate Inscriptions). Gitla/Gulantang Gulat Shock
Gitata Dugyot Untidy
Bahagyang mababanaag dito ang mga salitang Guyam Langgam Ant
Ipod/Isog Isod Move
buhat pa sa Sanskrit, Arabo at Persian.
Hatinig Telepono Telephone
Maykabilisan ang pagbigkas nito dala ng punto Huwad Peke Fake
Kalo Sumbrero Hat
sa mga pangungusap nito na nagiging dahilan Kundag Talon Jump
ng kaibahan ng himig nito sa wikain sa La’ang Lang Only
Liyo Hilo Dizzy
Maynila. Ang ilang pangunahin at kilalang Nag-siga Nag-sunog Burn
Nag-yakag Nag-yaya Joined
pagkakaiba nito sa wikain ng Maynila ay ang
Pamipi/Matpat Pamalo Rod
paggamit ng salitang “ire” sa halip na “ito”, Samlang Dumi Dirty
Sisibat/yaya-on Lilisan/aalis Gone
“dine” sa halip na “dito” at “ga” sa halip na “ba”. Tabil Anghang Chill
Gayon din ang mga salitang “parine”, “parito”, Tabingi Tagilid Tilt
Talapid tisod Stumble
“dumito” at iba pa. Tambok taba Fat
Tayog Taas Tall
RIZAL AT LAGUNA (Tanay at Paete) Tilapon Talsik Splash

Ang Tagalog ng Tanay-Paete ay pagbigkas na nahubog mula sa pinagsamang salita ng


Tagalog at katutubong agta ng nasabing rehiyon. Ang punto o tono nito ay alon alon na
sinusundan ng mga katagang “hane” at kapag tumutukoy ng pagiging kilala o tanyag
ng isang tao o pangyayari ay may unlapi na “bang” sa unahan ng salita. May kaluwagan

Page 7
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

ang pananalita ng Tanay-Paete kung BATANGAS


Lumang Modernong Ingles
ihahambing sa may diin na pangungusap ng Tagalog Tagalog
Asbag Yabang Egoism
mga katagalugan sa Timog. Hanggang sa
Asbar Garuti Lace
kasalukuyan ang pananalitang ito ay Atungal Iyak Cry
Baak Hati Sever
bahagyang mapupuna pa rin sa Pasig Bang-aw Ulol Stupid
hanggang sa palibot na mga bayan ng Bangi Ihaw Grill
Barik Inom Drink
Binangonan, Taytay, Angono at karugtong Barino Galit Angry
Buog Tulog Sleep
pang mga bayan nito na nasa lalawigan ng Dagasa Bulusok Stab
Rizal. Dine Diyan There
Guyam Langgam Ant
Harot Landi Flirt
MARINDUQUE Hawot Tuyo Dried-fish
Hiso Sipilyo Toothbrush
Ang Tagalog sa pulo ng Huntahan Kwentuhan Story telling
Marinduque ay Imis Linis Clean
nagpapakita ng Kakaunin Susunduin Fetch
pagsasama ng mga Landang Lagnat Fever
Lungange Lasing Drunk
wikain sa Kabisayaan Mamay Lolo Grand
at Kabikulan. Dahil father
dito, karamihan sa mga tunay na Tagalog ay Nagpa-bulak Nagpa-kulo Boil
Pangkal Tamad Lazy
hindi makaunawa sa maraming pangungusap Pulong Kausap talking
ng mga taong taga-Marinduque. Masasabing Sumbi Suntok Punch
di tunay na Tagalog ang salita sa Marinduque Sura inis Annoying
kundi isang wikain o diyalekto na may Taluti Daldal Talkative
Takin Tahol Bark
nakalalamang na mga salitang tagalog. Timo Tigil Stop
Umungkot Umupo Sit
TAYABAS

Ang Tagalog na binibigkas sa lalawigan ng Quezon at Aurora na


dating Tayabas ang pinaka-naiiba sa mga anyong Tagalog.
Malawak ang paglagom nito ng mga salitang Kastila, Fukyen at
Bikolano; ilan ding mga salita ang hindi nauunawaan ng ibang
mga nagsasalita ng Tagalog. Bukod sa karaniwang “ay”, na
katumbas ng Batanggenyong “ala e”, may higit-kumulang 200 salita na ginagamit
lamang sa lalawigan ng Quezon, lalo na sa silangang bahagi ng lalawigan. Halimbawa
ang abyad (asikasuhin), Balam (mabagal), dasig (usog), dayag o nguli (maghugas ng
mga pinggan), Hambo, (maligo), lagumba (magloko-lokohan), pulandit (talsik), tibulbok

Page 8
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

(pagyanig, vibration), yano (sobra), at iba pa. Ang bahagi ng Tayabas na nasa hilaga ay
may ilang salitang Ilokano at katutubo, sa gitna nito na malapit sa Batangas ay may
hawa ng Tagalog Batangas at sa timog na bahagi nito ay may hawa ng Bicol (malapit
sa Camarines Norte) at may bisaya rin naman sa gawaing katimugang bahagi ng
tangway nito na tinawag na “Bundok Peninsula”. Ang Tagalog Tayabas ay pinaka
naiiba sa pagbigkas o punto lalo na a mga pandiwa gaya ng Abyadi (Abyad), saraduhi
(isara[ang pinto]), buksi (buksan), halui (haluin), palipari (paliparin), bantayi (bantayan),
at iba pa. Tila nahahati rin ang Tagalog ng Tayabas sa dalawang anyo; ang anyong
kanluran na mas nalalapit sa Batanggenyo at ang anyong silangan na mas nalalapit sa
Marinduque.

CAVITE

Nasa hanay CAVITE


Lumang Modernong Ingles
ng Timog Tagalog Tagalog
Anlawan Hugasan Wash
katagalugan
Asbok Usok Smoke
kasama ng Balatik Tirador Shooter
Banas Inis Annoying
Batangas,
Bokter Paldo Diss
Laguna, Bora Handaan/Kainan Banquet
Bug-ong Baon Snack
Quezon at Dagukan Sapakin Punch
ang Cavite. Ang pagiging malapit ng Dalang Bihira Rarely
Gulok Itak Sword
Cavite sa kamaynilaan at Batangas Guyam Langgam Ant
ang naging dahilan ng lahukang Isdog Isod Move
kampet Kutsilyo Knife
Tagalog nito na tunog Batangas, Kanaw Timpla Blend
Maynila at Bulakan. Nakapaling sa Na-tibo Salubsob Sliver
Pantyon/Panchong Sementeryo Cemetery
tono o punto ng Batangas ang Perok-perok Gasera Lamp
Tagalog ng Cavite sag awing timog Pulo Gubat Forest
Prungo Bubog Fragment
ng lalawigan nito, may kabagalan nga Pandong/Shorpet Sumbrero Hat
lamang ito at malinaw kung bigkasin. Sura Inis/banas Annoyed

Isa sa mga pinakamatandang


lalawigan sa Pilipinas ang Cavite, at dating kilala sa katawagang lalawigan ng Tangway,
isang pangalang ginamit simula sa panahon ng mga kastila hanggang sa palibot ng

Page 9
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

taong 1950. Nagmula ang pangalang Cavite sa pangalan ng matandang bayan nito na
kilalang Kawit. Naging Cavite ito sa baybay sa kastila at pagdugsong ng puntong eh sa
cavit, kaya naging Cavite sa kalaunan. Maraming salita at mga ekspresyon o dagliang
pangungusap ang nagbigay kaibahan sa Tagalog ng Cavite kapag inihambing sa
Tagalog ng Kamaynilaan. Bagama’t may pagkakaiba ang mga ito, ang pang-unawa sa
pakikipagtalastasan ay sumusunod parin sa patakan ng salita ng wikang Tagalog.
Narito ang ilang mga pangungusap na di karaniwan sa kamaynilaan.

1. Sa biglang pagtaas ng tubig dahil sa malakas na ulan ay napaigtad ako sa


kinatatayuan ko!
2. Napagawi ako sa ilat na iyan, mangilanngilan din naman ang ista gaya ng igat,
may ulang at katam din naman.
3. Sal-itan nga kitang maghalo nireng tilbok sa kawa!
4. Saksa ang gulay sa baraka, kitang mamaraka nang abutin natin ang tulpukan!
5. Lagyan mo nga nang panangga yang batang iyan nang hindi laging nauuya!
6. Nagdala nga ng bug-ong wala naming kutsara! Magsakol na lang kitang kainin
itong dala mong pagkain!
7. Oy, binata! Pagkasiwal mo! Piliin mo nga yang makakaharap mo baka sintugin
yang makabangga mo!
8. Astang taga-Maynila ka na ah! Kaya lang maitim ka pa rin!
9. Nabagu na ang dating daan! Di ko na ito gamay, mahihirapan akong matukoy
ang hinahanap ko!
10. Sa iyong ikinikilos, talastas ko na ang iniisip mo!
11. Dumaudos ang sinasakyan naming kanina sa daan! Pagtarik ba naman, ahoy!
12. Nagwagi na sa sabong ay nag agaw pa ng manok, singkara na!

Page 10
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

Mga Pangunahing Diyalekto o salita na ginagamit sa Pilipinas

Batay sa isinagawang pag-aaral ng National Statistics Office (NSO) sa 2000 Census of


Population and Housing (CPH), lumilitaw na tinatayang mayroong 150 diyalekta at
lenggwahe mayroon tayo sa Pilipinas. Pangunahing ginagamit sa mga tahanan ang
Tagalog, na sinundan ng Cebuano/Bisaya/Binisaya/Boholano, Ilocano, at
Hilligaynon/Ilonggo. Nasa top 10 naman na gamit sa pakikipag-usap ang Bikol/Bicol/,
Waray, Kapampangan, Pangasinan/Panggalato, Maguindanao at Tausog.

Taong 1937 nang itatag ang Institute of National Language, ang Kauna-unahang
ahensiya ng pamahalaan na ang tungkulin ay pagyamanin ang pambansang wika ng
Pilipinas. Nalikha ang INL sa bisa ng Commonwealth Act. No.184. Napalitan ang INL ng
Institute of Philippine Languages (IPL) noong Enero 1987 sa bisa naman ng
Executive Order No. 117 ni dating Pangulong Corazon Aquino. Pagsapit ng
Aug.14,1991, ipinasa ang Republic Act No. 7104 upang lusawin ang IPL at palitan ng
Commission on the Filipino Language (CFL), na mas kilala rin sa tawag na
Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) –FRJimenez, GMA NEWS

KATUTUBONG WIKA

Ang Katutubong wika o kilala rin bilang inang wika, unang wika, arterial na wika o L1 ay
isang uri ng wika na natutunan ng isang tao mula
nang kanyang kapanganakan. Batayan para sa
pagkakilanlang sosyolinggwistika ang unang wika ng
isang tao.

Page 11
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

Katutubong Baybay Katumbas na Kahulugan


Wika/Salita Sallita sa
Filipino
paagi Pa-a-gi paraan Kung paano gagawin
paasi Pa-a-si papansin Kulang sa atensyon
Pabay-i Pa-bay-i pabayaan Huwag pakialamanan
padayon Pa-da-yon patuloy Tuloy-tuloy, hindi pa tapos
padi Pa-di pari Ang taong nagdadaos ng
misa
pagdayaw Pag-da-yaw pagpuri Pagbibigay ng magandang
komento
paghigugma Pag-hi-gug-ma Pag-ibig Ang nadarama ng mga
taong nagmamahalan
paghinumdom Pag-hi-num-dom Pag-alaala Pag-alaala sa mga bagay
bagay
pagkaon Pag-ka-on pagkain Bagay na kinakain
Pagsalin-urog Pag-sa-lin-u-rog Pagdiwang Pagdadaos ng isang
selebrasyon
Pahak Pa-hak panot Kulang sa buhok
pakadi Pa-ka-di halika Pmunta ka dito
pakla Pak-la palaka Isang uri ng hayop
pako pa-ko pakpak Parte ng katawan ng ibon;
ginagamit sa paglipad
pakpak Pak-pak palakpak Isang paraan ng
pagpupuri
pakyaw Pak-yaw maramihan Inuubos
palnang Pal-nang nalapnos Resulta ng malalang
pagkapaso

Para sa Karagdagang Kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=guHlCX-
w7_g&list=LLYlmKU6_Xg5xrOk8t6-
jzZA&index=4&t=0s

Page 12
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

SANGGUNIAN NG NILALAMAN:

SANGGUNIAN: tl.m.wikipedia.org/wiki/Wikang_Tagalog

https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/531203/trivia-ang-mga-

pangunahing-
diyalekto-o-salita-na-ginagamit-sa-pilipinas/story/

https://www.academia.edu/24245827/MARAMING_WIKA_SANDIGAN_NG_WIKANG_FILI
PINO_TUN GO_SA_PAG_UNLAD_NG_BANSA

https://worldlinksvismin.forumotion.com

Kabanata 5: Tungkulin ng Wika: Domeyn Pangwika, Pinagmulan ng Wikang


Filipino

Layunin
 Natatalakay ang tungkulin ng Wika.
 Naihahambing ang tatlong klasipikasyon ng Domeyn Pangwika.
 Napapalawig ang kaalaman tungkol sa pinagmulan ng Wikang
Filipino.

Ano ang mga tungkulin ng Wika?

Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon n


kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng
karaniwang sistema ng mga simbolo ng
komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang
disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan
ang pakikipagtalastasan.

Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang


pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya
madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.

Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang


Page 13
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO
matugunan ang pakikipag-ugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o
senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipag-ugnayan, o matapos ang
bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipag-ugnayan. Nagaganap ang
pagpapaunawa sapagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita oo
tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinag mumulang wika.

Pagsasalitaan ang tawag sa isang paraan ng pagkatuto. Nagpapalinaw ang usapan


tungkol sa isang paksa sa pagsasaulo ng mga bagay. Sa pamamagitan ng salitaan,
nakapagpapalitan tayo ng mga kuro-kuro.

Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang
nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan

Page 14
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO
at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na
makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin, at mga hangarin
sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga
sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan,
nagkakaunawan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Iba’t-ibang tungkulin ng Wika

Interaksyonal – ang tungkulin ng wika na ginagamit


ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili at pagpapatatag
ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Di ang kasi, ang
tao ay nilikhang panlipunan (social beings, not only
human beings). Sa pasalitang paraan,
pinakamahusay na halimbawa nito ang mga
pormularyong panlipunan (magandang umaga,
Maligayang kaarawan, Hi/Hello at iba pa), pangungumusta at pagpapalitan ng biro. Sa
pasulat na paraan, pinkamahusay na halimbawa nito ang liham-pangkaibigan. Ang
pakikipag-chat sa mga kaibigang nasa malalayong lugar o sa isang bagong kakilala ay
maihahanay rin sa ilalim ng tungkuling ito.

Instrumental – ang tungkulin ng wika na ginagamit sa


pagtugon sa mga pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling
ito sa pakikiusap o pag-uutos. Ang paggawa ng mga liham-
pangangalakal (business letter) ay isang mahusay na
halimbawa, kung kailangan mo ng trabaho, kailangan mong
gumawa ng application letter, bukod sa iba pang requirements.

Regulatori – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o


asal ng ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi
dapat gawin. Pinakamahusay na halimbawa nito ang pagbibigay ng direksyon, paalala

Page 15
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO
o babala. Ang mga panuto sa pagsusulit at mga nakapaskil na do’s and don’ts kung
saan-saan ay nasa ilalim ng tungkuling ito.

Imahinatibo – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa


malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng
paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag at
simbolismo. Gamitin ang tungkuling ito sa mga
akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela,
maanyong sanaysay at maikling katha.

Hueristik – ang tungkulin ng wika sa paghahanap o paghingi ng impormasyon.


Kabaligtaran nito ang tungkuling impormatibo na ginagamit sa pagbibigay ng
impormasyon. Samakatuwid, ang pagtatanong ay
heuristic at pagsagot saa tanong ay impormatib
(maliban kung ang tanong ay sinagot sa
pamamagitan din ng tanong na kinagawian na yata
ng marami). Ang pagsasarbey ay heuristic at ang
pagsagot sa survey sheets ay impormatib. Ang
pakikipanayam at pananaliksik ay iba pang halimabawa ng tungkuling heuristic. Ang
pag-uulat, pagtuturo at papasa ng ulat o pamanahong papel naman ay mga halimbawa
ng tungkuling impormatib.

Page 16
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO
Impormatib – ito ay nagbibigay ng mga impormasyon.

Samantala, sa uses of language, binanggit ni Frank Smith


(1977) ang kanyang mga sumusunod na puna;

1. Higit na naapag-aaralan ang wika sa mga tunay na


karanasan sa komunikasyon.
2. Ang kasanayan sa isang tungkuling pangwika ay hindi
nangangahulugan ng kasanayan sa iba pa.

Hindi lamang alternatibo ang wika (pasalita at pasulat o mga paraang berbal). Madalas
upang maging higit na mabisa ang komunikasyon, kinakailangang gamitin ang
kumbinasyon ng wika (berbal) at ng iba hpang alternatibo tulad ngg pagsasakilos,
pagkumpas, pagsasalarawan at eskpresyon ng mukha (mga parang di-berbal).

Domeyn Pangwika

Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang siyang pangunahing instrument, maaring
matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental na pangangailangan ng tao. Ang
wika ay behikulo paramakisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan
upang matamo ang mga pangangailangang ito. Samakatuwid, ang pahayag na ito ni
Constantino ay nagpapatunay lamang na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng
wika sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na
masatisfy ang kanyang mga pangangailangan maging ito man ay pansosyal o
pampersonal. Nagiging instrument ang wika upang makisangkot ang tao sa mga
nangyayari sa kanyang paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na maging
maalam siya sa kanyang wikang ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak
at planado.

Page 17
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO
Ano naman ang ibig sabihin ng Domeyn? Tumutukoy ito sa anumang disiplina, Gawain,
grupo o samahan na nagkakaroon ng pagkabuklod-buklod tungo sa isang particular na
mithiin.

Tatlong Klasipikasyon ng Domeyn Pangwika

1. Larangang pangwika na nagkokontrol


(Controlling domains of Language) – ang wika at
varayti ng wikang ginagamit dito ay dinidikta kapwa
pasulat at pasalita. Nangangahulugan ito ng
katiyakan at wastong gamit ng mga salita.
Kadalasan itong ginagawa sa matataas na antas ng
karunungan gaya ng: simbahan, batas, midya, paaralan, pamahalaan, industriya,
Negosyo, komersiyo at iba pa. Dahil nga nagiging diktador kung ano ang wikang
gagaamitin, nadedevelop ang isang wika tungo sa tinatawag na estandardisado
at intelekwalisado. Nagkokontrol ito dahil may tiyak na mga salitang kailangan
gamitin upang mas maging malinaw ang akto ng pangungusap.
2. Nagkokontrol nang bahagya sa larangang pang wika (Semi-controlling
domains of Language) – Ang wika at ang mga varayting ginagamit naman dito ay
pasulat subalit tanging tagapakinig lamang ang mga gumagamit nito. Di tulad ng
nauna, hindi kasinghigpit ang paggamit ng wika rito. Ipinahihintulot rin nito ang
pakikibahagi ng tao sa iba’t-ibang gawain subalit hindj kinakailangan na maging
dalubhasa ang isang tao sa paggamit ng wika. Halimbawa nito ay sa
enterteynment. Dito, tanging bahagya ng paraan ng pagdidikta sa paggamit ng
wika na kadalasan na mapakikinggan sa mga interbyu sa radio at telebisyon.
Gamit ang mga ito, ang isang
nagsasalita ay hindi nalilimitahan at
bahagya siyang may kalayaang
gamitin ang isang wika na hindi kasing
istrikto tulad ng nauna.

Page 18
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO
3. Di-nagkokontrol na mga larangan ng wika (Non-
controlling domains of Language) – ang wikang gamit dito
ay pasalita lamang na kadalasang makikita sa tahanan at
lingua franca ng isang bansa. Kaiba sa dalawang nauna,
dito puno ng kalayaan ang isang isipiker kaugnay sa gamit
ng wika.

Pinagmulan ng Wikang Filipino

Mga Probisyong Pangwika sa Saligang-Batas

 Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging


opisyal na wika ng Pilipinas.

 Saligang-Batas ng 1935 – Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa


pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas,
ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.

 Saligang-Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga


hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang
pambansa na tatawaging Filipino

Page 19
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO
 Saligang-Batas ng 1987 – Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Ang Kasaysayan ng Komisyon sa Wikang Filipino

Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP)


alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng
Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong
Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing layunin ng Surian
ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng
pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa
ng Pilipinas.

Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang “ang


Kongreso ay gagawa ng hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang pambansa
sa isang wikang katutubo.”

Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C.
de Veyra ang naging unang direktor.

Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117
ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika
ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng
Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika
Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa,
mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.

Ang pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng atas ay isinagawa sa pamamagitan ng


pagbabalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa ng iniuugnay sa iba’t
ibang tanggapang pampamahalaan at maging pribado man (RA 7104, Sek. 14-g).

Page 20
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO
Sa kasalukuyan, ang komisyon sa Wikang Filipino ay nasa ilalim ng Tanggapan ng
Pangulo ng Pilipinas at nakabahay sa ikalawang palapag (second floor) ng Gusaling
Watson, 1610 J.P. Laurel Street, San Miguel, Maynila.

Para sa Karagdagang kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=FFD_8ENEchs

Ebolusyon ng Wikang Pambansa

 Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng


Pangulong Quezon na ang
wikang Tagalog ang magiging batayan ng
Wikang Pambansa. Magkakabisa ang
proklamasyong ito dalawang taon
matapos itong mapagtibay.

 Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng


pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

 Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na


nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang
Pilipino ay isa nang wikang opisyal.

 Noong 1959 ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang


Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin
nang Pilipino upnag mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang
pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.

 Ngayon, Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon


ng 1987 na nagtatadhanang "ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino." Ito
ay hindi pinaghalu-halong sangkap mula sa iba't ibang katutubong wika; bagkus,
ito'y may nukleyus, ang Pilipino o Tagalog.

Page 21
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino

Nang dumating ang mga Kastila noong Dantaon


16, may sarili nang palatitikan ang ating mga
ninuno, ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng
14 katinig at 3 patinig.

Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong


Romano.

Noong 1940, sa kanyang Balarila ng Wlkang Pumbansa, binuo ni Lope K. Santos ang
Abakada, na may 20 titik:

a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y

Noong Oktubre 4,1971, pinagtibay ng


Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto,
na binubuo ng 31 letra:

a b c ch d e f g h i j k 1 11 m n
ñ ng o p q r rr s t u v w x v z

Kaugnay ng pagbago ng Konstitusyon,


muling nireporma ng SWP ang alpabetong
Filipino at mga tuntunin ng palabaybayang
Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa mabilis na
pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng wikang pambansa. Matapos ang seryeng mga
simposyum at sangguniang pulong na dinaluhan ng mga linggwista, edukador, guro,
manunulat at iskolar ng wika, nabuo ang sumusunod na Alpabetong Filipino, na may 28
letra: a b c d e f g h i j k I m n ñ ng o p q r s t u v w x y z

Noong 2001, muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino upang tugunan ang
patuloy na development at/o istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa

Page 22
Filipino. Itinaguyod ng rebisyong ito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa
pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at pagsasalin, karamihan mula
sa Ingles at Kastila, gamit ang walong karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang
c, f, j, ñ, q, v, x, z. Sa rebisyong ito, sinasabi na pinaluwag ang paggamit ng walong
dagdag na letra. Ipinagagamit ang mga ito sa ispeling ng lahat ng hiram na salita
anuman ang barayti nito kasama ang hindi pormal at hindi teknikal na barayti, o iyong
tinatawag na karaniwang salita.

Gayunpaman, nagkaroon ng maraming negatibong reaksyon at feedback mula sa mga


guro, estudyante, magulang at iba pang tagagamit ng wika sa 2001 rebisyon sa
ispeling. Kaugnay nito, noong Oktubre 9, 2006 ang Kagawaran ng Edukasyon sa
kahilingan ng KWF ay nagpalabas ng isang memorandum na pansamantalang
nagpapatigil sa implementasyon ng “2001 Revisyon ng Alfabeto at patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino”

Para sa karagdagang Kaalaman:

https://www.youtube.com/watch?v=zEm0I8K-
2vQ

SANGGUNIAN NG NILALAMAN:

SANGGUNIAN:

https://www.wattpad.com/55904248-komunikasyon-sa-akademikong-
filipino-
mga-tungkulin

https://www.scribd.com/doc/268790849/Domeyn-Ng-

Wika

Kabanata 6: Iba’t-ibanghttp://wika.pbworks.com/w/page/8021671/Kasaysayan
Larangang gumagamit ng Wika, Estruktura ng Wikang
Filipino; Ponolohiya, Morpolohiya

Layunin
 Nalalaman ang iba’t-ibang larangang gumagamit ng Wika.
 Nagagamit ng angkop ang estruktura ng Wikang Filipino.
 Nasusuri ang kahalagan ng estruktura ng Wikang Filipino. Page 1
Filipino sa Iba’t-ibang Larangan

Akademiko – Nakapaloob dito ang Filipino bilang isang


larangan. Ang isang guro sa Filipino ay nagtataguyod ng
pambansang wika upang ito ay mapagyabong at
mapangalagaan ang pagiging buhay ng ating wika. Sa mga
pananaliksik at pagsulat ng iba’t-ibang sulatin gamit ang
Filipino ay patunay na isa itong natatanging larangan.

Medisina – Napakahalagang papel ang ginagampanan ng


Filipino sa larangang ito. Ang pasyente halimbawa, ay
kinakausap ng doktor ang pasyente, mas madaling
nauunawan ang dapat gawin na mga payo ng doktor upang
mapadali ang paggaling.

 Sa mga pagbili ng gamot na riseta ng doktor o nars.


 Sa pagbasa sa mga riseta at payo ng doktor.

Page 2
 Maging sa pag-aaral sa larangang ito

Politika – nakasaad sa ating Saligang Batas 1987 na


Filipino ang ating gagamitin sa mga pangunahing ahensya
sa ating bansa.

 Ang batas ay natin ay nakalimbag sa Filipino


 Mga mamababatas, pangulo, at mga huwes ay
Filipino at Ingles din ang gamit na salita.
 Ilang mga babala at pangalan ng ahensya sa ating bansa ay sa Filipino
nakasulat.

Kumersyo – gamit ito sa pakikipagkalakalan sa ating


bansa.

 Mas madaling nagkakasundo sa usapan ang mga


negosyante sa ating bansa gamit ang Filipino
 Sa mga produkto kalimitan Filipino ang mga
nakasaad.
 Sa mga patalastas sa telebisyon at radio makikita at makikinig ang Filipino kaya
naman epektibo itong paraan sa pakikipagkalakan.

Teknolohiya – sa pagtuturo sa mga makabagong


teknolohiya, Filipino narin ang gammit ng guro at
estudyante. Sa ganitong paraan, mas mapapabilis at
mapapadali ang pagkatuto.

 May mga salita naring katumbas sa Filipino ang


galing sa Ingles gaya ng mga salitang headset, website,
e-mail, charger at iba pa.
 Sa mga gadyet ay nagagamit na rin ang Filipino bilang pang-chat o teks.

Page 3
Agham – ayon sa KWF,marami narin salitang Filipino na
magagamit sa Agham upang mas mapanatili ang
kayabungan ng ating salita. Sa ilang unibersidad at mga
paaralan ginagamit na ang mga terminong iyon. Bagaman
marami pang walang katumbas na salita sa Filipino,
patuloy parin ang pagpapaunlad sa larangang ito upang
mapagyaman at mapanatili ang ating wika tungo sa
umuunlad na panahon.

Matimatiko o Hipnayan/ Sipnayan – dagdag bawas ay


ilan sa mga halimbawa na salitang Filipino para sa mga
salitang MATH, PLUS, MINUS. Gamit na rin ito sa
pagtuturo upang mas maunawaan ng mag-aaral ang
paksa.

 Kung ito ang magiging lengguwahe sa pagtuturo o


paggamit sa Matematiko, madaling papasok sa kamalayan at damdamin ng mga
Filipino sa kanilang pang-araw-araw na aktibidad na kinasasangkutan ng math.

Sining – Masasabing ang Filipino ay isang wikang


pambayan. Sa katunayan nito ay sa mga performing arts.
Dito gamit ang Filipino sa pakikipag tunggali gaya ng
balagtasan, tula, sayaw at iba pa.

 Sa biswal na sining naman tampok ang mga karakter


na Pilipino.
 May mga sikat din tayong mga biswal-artis na Filipino na nagpapakilala sa atin
sa ibang bansa gaya nila Juan Luna, Fernando Amorsolo at iba pa.
 Musika OPM (Original Pilipino Music) – mga awit na isinulat sa Filipino.
 Mga musikang pangsayaw

Page 4
Estruktura ng Wikang Filipino

Ponolohiya o Palatunugan ay pag-aaral sa espisipikong tinig at mga kombinasyon


nito na bumubuo sa mga salita ng isang wika.

 Ponema – ay ang makahulugang tunog. Binubuo ng 20 ponema ang Filipino, ito


ay may 15 katinig 5 patinig.
 Mga katinig: b k d g h l m n p r s t w y
 Mga Patinig: A E I O U
 Diptonggo – ay mga patinig na may karugtong na malapatinig na w at y.
ito ay: aw- ew- iw- ow- uw ay- ey-iy-oy-uy
Halimbawa: araw, pakay, kahoy kasoy

Para sa karagdagang Kaalaman:

https://www.youtube.com/watch?v=XDX28AtOKKk&list=LLYlmKU6_Xg5xr
Ok8t6-
jzZA&index=8&t=0s
Morpolohiya – ay isang lawak ng karunungang pangwika na nagsisiyasat at nag-aaral
sa pagkabuo ng salita gayundin ang estruktura’t ugnanyan nito sa kapwa salita.

 Morpema – ay pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng


kahulugan, maaring salitang-ugat o panlapi at ponema.
 Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
 Asimilasyon – ito ang pagbabago sa huling posisyon dahil sa
impluwensiya ng karugtong na ponema. Kapag ang ponemang pang ay
idinugtong sa salitang-ugat na nagsisimula sa b at p nagiging m ang n.
Halimbawa:
Pang+buklod = Pambukold
Pang+panitikan = Pampanitikan

Page 5
 Metatesis – ito ay salitang-ugat na nag-uumpisa sa L, O at Y, pag
dinagdagan ng panlaping in ay nagkakapalit ng posisyon.
Halimbawa:
In+ligaw = Niligaw
In+yapos = niyapos
 Pagpapalit ng ponema – ito ay kung ang ponema ay nasa unahan ng
salitang nagsisimula sa d, karaniwang pinapalitan ito ng ponemang r kung
ang huling ponema ng unlapi ay patinig.
Halimbawa:
Madunong – marunong
Madumi – marumi
 Paglilipat diin – ito ay pagbabago ng diin ng mga salita kapag nilalapian.
Halimbawa:
BIlang+in = biLAngin
TAgo+an = taGUan
baLIta+an = baliTAan
tangKIlik+in = tangkiLIkin
 Pagkakaltas ng ponema – ito ay ang nangyayari kapag ang huling
panemang patinig ng salitang-ugat ay Nawala kung nilalagyan ng hulapi.
Halimbawa:
Takip+an = takipan = takpan
Tayo na= tay’na
Sara+han = sarahan = sarhan

Para sa karagdagang Kaalaman:

https://www.youtube.com/watch?v=eqfUCFx5Pds&list=LLYlmKU6_Xg5xr
Ok8t6-
jzZA&index=7&t=0s
Kayarian ng mga Salita

Payak – ito ay salitang-ugat lamang.

Halimbawa: basa, tulog, init

Inuulit – ito ay kung inuulit ang kabuuan nito ang isa o higit pang patinig. Dalawa ang
uri ng pag-uulit.

 Pag-uulit na ganap – ito ay inuulit ang salitang-ugat.

Page 6
Halimbawa:
Araw-araw
Gabi-gabi
 Pag-uulit na di-ganap
Halimbawa:
Kakanta
Lalakad
Lulundag

Maylapi – ito ay binubuo ng salitang-ugat na may isa o


higit pang panlapi.

 Unlapi – ito naman ay mga salitang mayroong panlapi sa unahan ng


salita.
Halimbawa:
Malabo
Nilakad
 Hulapi – ito ay mga salita na dinadagdagan ng mga panlapi tulad ng : ng,
in, an, han,
Halimbawa:
Bilihan
Puntahan

Bahagi ng Pananalita:

Panggngalan – ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, pangyayari o


ideya.

Halimbaw:
Bb. Sanchez
Antonio High School
Kaawaraan
Mesa
Kabayo

Panghalip – ay ginagamit panghalili sa pangngalan upang


hindi ito uulit-ulitin sa isang pangungusap o taludtod.

Halimbawa:
Ako, ikaw, siya, tayo, kami

Page 7
Pandiwa – ito ay salitang kilos na tumutukoy sa aksyon ng simuno sa pangungusap.

Halimbawa:
Kumakain, naglaba, tumalon, kumanta, umalis

Pangatnig – ay ginagamit pang-ugnay sa isang salita o lipon ng mga alita sa isang


pangungusap.

Halimbawa:
Ngunit, at, subalit, kaya, dahil

Pang-ukol – ang pang-ukol ay mga salitang ginagamit upang dugtungin ang pangalan,
panghalip, pandiwa o pang-abay sa pinag-uukulan nito.

Halimbawa
Para sa, ayon kay, para kay, hinggil kay

Pang-angkop- ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na mga salita upang


mas mauunawaan ang pagbasa nito.

Halimbaw
Na, ng

Pang-uri – ay mga salitang nagbibigay larawan sa ng panngalan. Maaari itong maging


kulang o bilang.

Halimbawa:
Maganda, mataas, dilaw, walo

Pang-abay – ay mga salitang nagbibigay-turing sa panag-uri, pandiwa, o kapwa niya


pang-abay.

Halimbawa
Mabilis niyang kinuha
Agad na umalis
Pupunta sa osiptal
Ayaw siyang tantanan

Para sa karagdagang Kaalaman:

https://www.youtube.com/watch?v=XXHPwh9ltPo&list=LLYlmKU6_Xg5xr
Ok8t6-
jzZA&index=6&t=0s

Page 8
Pangungusap – ito ay tumutukoy sa kalipunan ng mga
salita na nagsasaad ng isang kaisipan o buong diwa.

Bahagi ng Pangungusap

Simuno – ito ay paksa o pinag-uusapan sa pangungusap.

Halimbawa
Si Maria ay nag-aaral ng medisina.

Panag-uri – ito ay bahagi ng pangungusapna naglalahad


ng impormasyon tungkol sa simuno.

Halimbawa
Si Carlos ay nakaupo sa ilalilm ng puno.

Sugnay

Ang sugnay ay kalipunan ng mga salitang may simuno at panag-uri na maaring may
buong diwa (makapag-iisa) o di-buong diwa (di-makapag-iisa). Ito ay tinatawag na
Clause sa Ingles.

Dalawang Uri ng Sugnay

Sugnay na makapag-iisa – ito ay may simuno at panaguri at may diwa.

Halimbawa
Siya ay naglaba.
Aalis kami.

Sugnay na Di-makapag-iisa – ito ay may simuno at panaguri ngunit wala itong diwa.

Halimbawa
Dahil sa kanyang kayabangan
Nang mawala ang kanyang pera.

SANGGUNIAN NG NILALAMAN:

Page 9
SANGGUNIAN:

https://tl.wikipedia.org/wiki/Ponolohiya

https://www.docsity.com/en/filipino-sa-ibat-ibang-

larangan/4980207/

https://philnews.ph/2019/06/27/bahagi-ng-pananalita-kahulugan-
halimbawa-
bawat-isa/

https://tl.wikibooks.org/wiki/Tagalog/Sugn
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1
MODULE (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)
ay

KABANATA 4: KOMUNIKASYON
Layunin:
1. Nailalarawan ang kahulugan ng komunikasyon at kahalagahan
nito sa araw-araw na gawain.
2. Natutukoy ang mabisang panuntunan sa pakikipagkomunikasyon.
3. Nabibigyang kahulugan ang mga elemento ng komunikasyon.

KOMUNIKASYON
 Ang proseso ng paghahatid ng
isang mensahe o pagpapalitan ng
ideya, impormasyon, karanasan
at mga saloobin.
 Isang sining at paraan ng
paghahatid o paglilipat ng
impormasyon, ideya at kaalaman
ng isang tao sa kanyang kapwa
tao.
 Isang likas na minanang gawaing
panlipunan na nagbabagu-bago
kasabay ng pamumuhay ng tao o
pangkat ng mga tao at ng
panahon.

Layunin ng Komunikasyon:

 Magbigay ng daan tungo sa pagkakaunawaan ng mga


tao. Page
10
 Magpakalat ng tamang impormasyon at kapaki-
pakinabang na mga kaalaman.
 Magbigay diin o halaga sa mga paksa o isyung dapat
mabigyang pansin, talakayin at suriin ng mga mamamayan.
 Magbigay daan sa iba’t ibang kaisipan, damdamin at
saloobin ng mga tao.

Page
11
Kahalagahan ng Komunikasyon:

 Dahil sa paghahatiran at pagpapalitan ng


ideya, impormasyon, karanasan at mga
saloobin ng tao, nagaganap ang iba’t ibang
uri gawain.
 Kumikilos ang tao dahil sa bisa ng
komunikasyon.
 Paraan sa pagtuklas ng iba’t ibang
larangan pati na ang kalawakan, kaya’t
ang mga bansang may maunlad at
mabisang paraan ng komunikasyon ay
higit na progresibo.
 Daan sa tagumapy ng isang tao o pangkat
ng mga tao, kaunlaran, at katahimikan ng
daigdig at pambansang kaligtasan.
 Nagpapaikot ng mundo ng tao.

Mabisang Panuntunan ng Komunikasyon:


 Kailangan tiyak ang layunin at may malinaw
na dahilan ang komunikasyon.
 Ang mabisang komunikasyon ay maliwanag, malinaw at wasto. Kailangan tiyak
ang gamit na salita upang malinaw na maihatid ang mensahe.
 Kailangan maging tapat, mapamaraan at masining ang pakikipagkomunikasyon.
 Kailangan tiyak ang paksa, tuwik at payak upang maunawaan ang mensaheng
pinaabot.
 Mahalagang malaman kung sino ang magsasalita at ang bilang ng tagapakinig o
tagatanggap ng mensahe.

Antas ng Komunikasyon:

Page
12
 Intrapersonal – Komunikasyon pansarili. Nagaganap sa isang indibidwal lamang.
 Interpersonal – Komunikasyon na nagaganap sa dalawa o higit pang tao.
 Komunikasyong Pampubliko – Isinasagawa sa harap ng maraming
mamamayan o tagapakinig.
 Komunikasyong Pangmasa – Komunikasyong gumagamit ng mass media,
radyo, telebisyon at pahayagan.
 Komunikasyon na Pang-Organisasyon – Komunikasyon na nangyayari sa loob
ng organisasyon o samahan.
 Komunikasyong Pangkultura – Komunikasyon para sa pagtatanghal o
pagpapakilala ng kultura ng isang bansa.
 Komunikasyong Pangkaunlaran – Tungkol sa industriya, ekonomiya o anumang
pangkabuhayan.

Uri ng Komunikasyon
Alin mang uri ng komunikasyon ang gamitin
o kasangkutan ng isang indibidwal, maaaring
isagawa sa dalawang uri ng komunikasyon:
ang verbal at di-verbal na komunikasyon.

Page
13
1. Verbal na Komunikasyon – Ito ay gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag
ng kaisipan, damdamin o saloobin sa paraang salita.

2. Di-Verbal – Ito ang komunikasyon na naipapahayag ang damdamin o gusto sa


pamamagitan ng sensyas, ekspresyon ng mukha, simbolo, at iba pa gaya ng mga
sumusunod:

 Ekspresyon ng mukha – Nakikita o nababasa sa mukha kung ano ang


gusto ng isang indibidwal, kung gusto, ayaw, masaya, malungkot,
natatakot, nababahala, nagugulat, nasasaktan.

Page
14
 Pandama (Sense of Touch) – Ang bawat paghawak o pagdampi ng tao sa
kanyang kapwa ay may taglay na iba-ibang kahulugan.
 Mata – Kung ano ang nararamdaman ng isang tao ay nakikita sa kanyang
mata. Kaya kung kaharap natin ang ating kausap, kailangan na tignan natin
ang kanyang mga mata.
 Galaw o kilos – (Body Language) – Tumutukoy sa mabilis na pagkilos,
maaaring nagmamadali, kamot ng ulo, maaaring hindi alam o di sigurado,
pagkibit-balikat, maaaring di alam o ayaw, padabog sa pagsara ng pinto at
iba pa.
 Awit o Musika – Naghahatid ng damdaming masaya, malungkot, masigla.
Ang hindi masabi ng bibig ay daanin na lang sa awit o musika.
 Pananamit – Nagpapakilala ng lahi o tribu, panahon o kasaysayan,
nagpapakilala din ng antas ng buhay, uri ng hanapbuhay, edad ng tao, at
lugar na kinalalagyan.
 Tunog
Busina ng sasakyan - maaaring may nakikiraan, may kilalang tao o
mahalagang tao na darating, ambulansya, bumbero o pulis na may hinuhuling salarin.
 Kampana – (masaya) maaaring piyesta, binyag, pagdiriwang,
kasal.
-( mabagal) agunyas, may patay na inililibing,
malungkot.
-(mabilis) may sunog o panganib.
 Sayaw – Nagpapahayag ng panahon, lahi, tribu o kasaysayan ng
bansa.
 Kulay – Nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin gamit ang kulay.
 Ilaw Trapiko – Pula- hinto, Berde- lakad, Dilaw- hintay
 Bandila – Simbolo ng bansang malaya.
 Kumpas ng Kamay – Konduktor ng Musika- kung malaks, mahina,
mabilis, mataas ang tunog. Maari din na nagpapatahimik sa mga
estudyante, nagtatawag, nagpapabilis ng kilos o ginagamit sa talumpati.
 Kulay ng Balat – Nagsasabi ng lahing pinagmulan. Kayumanggi-
Pilipino, Puti-Amerikano, Itim-Aprikano
 Pagkain – Laing- Bikolano, Pinakbet- Ilokano, Spaghetti- Italyano
 Bulaklak – Nagpapahayag ng pagmamahal, pag-aalala, paghanga,
pagbati, pakikiramay, paumanhin at iba pa.
 Senyas – Ginagamit ng mga referee ng basketball at lahat ng iba’t ibang
laro o isports. Ginagamit din ito ng mga pipi at bingi.

Page
15
 Elemento ng Komunikasyon:

1. Pinagmulan ng Mensahe – Ang nagpadala ng mensahe, maaaring isa, dalawa o


higit pa.
2. Mensahe – Tumutukoy sa ipinadalang mensahe. Maaaring masaya, malungkot,
inpormatib o anumang gustong ipahatid.
3. Midyum o Daluyan ng Mensahe – Maaaring ipahatid sa pamamagitan ng sulat,
telegrama o anumang elektronikong kagamitan o gamitin ang di-verbal na
komunikasyon.
4. Tagatanggap ng Mensahe – Tinutukoy dito ang tumanggap ng mensahe.
5. Tugon o Pidbak – Tinutukoy dito ang tugon o sagot. Maaaring may kaagad na
sagot, o maantala o matagal ang kasagutan.

Komponents ng Komunikasyon:

Batay sa pag-aaral ni Dell Hymes, binuo nya ang acronym S.P.E.A.K.I.N.G. upang lalong
mabisa at wasto ang komunikasyon.

S – Setting – Saan nag-uusap?


P – Participants – Sino ang kausap?
E – Ends – Ano ang layunin sa pag-uusap?
A – Act of Sequence – Ano ang takbo ng usapan?
K – Keys – Pormal ba o impormal ang usapan?
I – Instrumentalities – Ano ang midyum ng usapan?
N – Norms – Ano ang paksa o topic ng usapan?
G – Genre – Kailangan mabatid ng kausap kung sya ay nagpapaliwanag o nakikipagtalo
o nagsasalaysay.

Page
16
Modelo ng Elemento ng Komunikasyon ayon sa ilang mga dalubhasa:

Modelo ni Aristotle:
Ayon kay Aristotle, ang komunikasyon ay may tatlong sangkap:
1. Nagsasalita
2. Ang sinasabi
3. Ang nakikinig

Modelo ni Claude Shanman at Weaver:


Ayon kina Shanman at Weaver, ang komunikasyon ay may limang sangkap:
1. Pinanggalingan
2. Tagapaghatid ( Transmitter)
3. Sensyas at Kodigo
4. Tagatanggap ng Mensahe
5. Destinasyon

Modelo ni Berlo:
Ayon kay Berlo, apat ang elemento ng komunikasyon:
1. Pinagmumulan
2. Mensahe
3. Tsanel
4. Tagatanggap

Modelo ni Schram:
Ayon kay Wilder Schram, tatlo din ang sangkap ng komunikasyon:
1. Pinanggalingan
2. Mensahe
3. Distinasyon
KABANATA 8: PAKIKINIG
Layunin:
1. Nailalahad ang mga hakbang at mga layunin sa pakikinig.
2. Nakabubuo ng tiyak na pamamaraan sa wasto at maayos na
pakikinig.
3. Natutukoy ang mga bagay na nakakaimpluwensya sa masusing
pakikinig.
Pakikinig
 Isang paraan sa pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng pandinig.
Mayroon itong kumbinasyon ng tatlong bagay:
tinanggap na tunog, nauunawaan at
natatandaan.
 Ito ay isang proseso ng pagtanggap ng
Page
17
mensahe mula sa narinig.

Ito ay mula sa tunog o salita na narinig,


sa pamamagitan ng auditory nerve,
mabilis na dinadala sa utak (brain) upang
bigyan ng pagpapakahulugan at
pagsusuri kung ano ang narinig. Ang utak
ang syang nagbibigay ng interpretasyon
at pag-unawa at doon nagkakaroon ng
kahulugan ang narinig.

Page
18
Proseso ng Pakikinig:

Layunin ng Pakikinig:

 Pakikinig upang maaliw


 Pakikinig upang lumikom ng impormasyon/kaalaman
 Pakikinig upang magsuri

Kahalagahan ng Pakikinig:
 Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon
kaysa sa tuwirang pagbabasa.
 Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at
magkaroon ng mabuting palagayan.

Page
19
 Sa pakikinig, kailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o
paggunita sa narinig.

Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig:

 Maging handa sa pakikinig.


 Magkaron ng layunin sa gagawing pakikinig.
 Bigyang pansin ang agwat o pagkakaiba ng pagsasalita sa pakikinig.
 Kilalanin ang mahalagang kaalaman/impormasyon.
 Unawaing mabuti ang sinasabi ng nagsasalita.
 Iwasan ang pagbibigay ng puna habang hindi pa tapos ang nagsasalita.

Antas o Level ng Pakikinig:


 Appreciative na Pakikinig – Ang layunin nito
ay makapagbigay kaligayahan, pampalipas oras
magbigay-aliw sa taong nakikinig.
 Pakikinig na Diskriminatory – Ang antas na
ito ay itinuturing na masusing pakikinig. Nagagamit
ito sa pag-aanalisa at pagbabalangkas ng mga
impormasyon o datos na napakinggan.

 Mapanuring Pakikinig – Sa antas na ito
nagaganap ang pag-ebalweyt at pagpili ng mga
mahahalagang datos na maaaring makuha at
magamit sa pagbuo ng konsepto.
 Implayd na Pakikinig – Ang layunin ng antas na ito
ay matukoy ang mga salitang di tuwiran at
matalinghaga.
 Internal na Pakikinig – Ang antas na ito ay
tumutukoy sa pakikinig sa sarili. Nakafocus ang
sariling kaisipan sa isang indibidwal.

Mga Bagay na Nakakaimpluwensya sa Pakikinig:


Ang mga tagapakinig ay mauuri sa kanilang gulang, sa pinag-aralan, sa
hanapbuhay at sa kalagayang sosyal.
Bukod sa mga ito, ang lugar, oras at tsanel ay may epekto din sa pkikinig.

 Tsanel – Ito ay daan ng pakikipagtalastasan. Maaaring ang ideya ay


maipahatid sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat, paguhit o ng iba
pa.

Page
20
 Lugar – Ang malamig at tahimik na lugar ay nakatutulong sa pakikinig.
Ngunit ang silid na masama ang bentilasyon at maingat at may mga
upuang hindi maginhawang upuan ay makasasagabal naman sa
mabuting pakikinig.
 Oras – May mga oras naman na di kahali halina sa pakikinig. Kagaya ng
alanganing oras na nakalaan na sa pagpapahinga at pagtulog.
 Edad – Mas maingay makinig ang mga bata kaysa sa mga may edad na.
Mahusay ang memorya ng mga kabataan ngunit hindi naman madali ang
pag-unawa ng mga may edad na sa napapakinggan nila.
 Pinag-aralan – Mas may pinag-aralan ang nakikinig, higit na may
kakayahang umunawa sa pinakikinggan. Mayaman kasi ang kanilang
talasalitaan at marami silang karanasang nabasa sa mga aklat na
nagagamit nila sa pag-unawa sa kanilang mga napapakinggan.
 Kalagayang Sosyal – Higit na sanay makinig ang mga taong may
mataas na pinag-aralan at kalagayan sa buhay. Palagi silang
nakakapakinig at nagbibigay iyon sa kanila ng higit na kasanayan na
makinig.
 Kultura – Ang pagkakaroon ng iba’t ibang kultura ng bayan ay
nagbibigay ng iba’t ibang pagpapakahulugan.
 Kasarian – May iba’t ibang gustong pakinggan ang mga babae, ganun
din naman ang mga lalaki. Bibihira lamang sa mga babae at lalaki na
may parehong paksang nais pakinggan.

Konseptong Pansarili – Nakadepende sa tagapakinig kung


paano nya bibigyan ng pagpapakahulugan ang mga mensaheng
kanyang napakinggan.

Mga Uri ng Tagapakinig:

 Eager Beaver – Sya ang uri ng


tagapakinig na ngiti ng ngiti o
tangu ng tango habang may
nagsasalita sa kanyang
harapan, ngunit kung
naiintindihan nya ang kanyang
naririnig ay isang malaking
tanong.

 Sleeper – Sya ang tipo ng


tagapakinig na nauupo sa isang tahimik

Page
21
na sulok ng silid. Wala syang tunay na intensyong makinig.

 Tiger – Sya ang


tagapakinig na laging handang
magbigay ng reaksyon sa
anumang sasabihin ng
tagapagsalita upang sa bawat
pagkakamali ay parang tigre syang
susugod at mananagpang.
 Bewildered – Sya ang tagapakinig
na kahit anong pilit ay walang
maiintindihan sa naririnig. Kapansin-
pansin ang pagkunot ng kanyang
noo, pagsimangot at anyong
pagtataka o pagtatanong ang
kawalan nya ng malay sa kanyang
naririnig.
 Frowner – Sya ang
tipo ng tagapakinig na
wari bang lagi na lamang
may tanong at
pagdududa. Makikita sa
kanyang mukha ang
pagiging aktibo, ngunit
ang totoo, di lubos ang
kanyang pakikinig kundi
isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang nya ay ang
oportunidad na makapagtanong upang makapag-paimpres.
 Relaxed – Isa syang problema
sa nagsasalita. Paano’y kitang
kita sa kanya ang kawalan ng
interes sa pakikinig. Itinutuon ang
kanyang atensyon sa ibang
bagay at walang makitang iba
pang reaksyon mula sa kanya,
positibo man o negatibo.

 Busy Bee – Isa sya sa


pinakaaayawang tagapakinig sa
anumang pangkat. Hindi na sya
nakikinig, abala rin sya sa ibang
gawain, tulad ng pagsusulat,

Page
22
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay o anumang gawaing


walang kaugnayan sa pakikinig.
 Two-Eared Listener – Sya ang
pinakaepektibong tagapakinig.
Nakikinig sya gamit hindi lamang
ang kanyang tainga kundi
maging ang kanyang utak.
Lubos ang partisipasyon nya sa
gawain ng pakikinig. Makikita sa
kanyang mukha ang kawilihan
sa pakikinig.
Kabanata 9: Mga Kasanayan sa Pagsasalita

Layunin

 Nalalaman ang Epektibong Pagsasalita


 Natutukoy ang kahalagahan ng Pagsasalita
 Nagagamit ang kumpas ng kamay sa iba’t ibang anyo ng
Pagsasalita

Ang pagsasalita ay nakatinig na anyo ng komunikasyon


ng tao. Ginagamit karaniwan ang pagsasalita sa araw-
araw na pamumuhay. Dahil sa pagsasalita nabibigyan ng
mga posibilidad ang mga pangyayari o ang mga nais
ipabatid o ipahiwatig sa iba. Nakakatulong din ito sa
pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa. Mahalaga
ito upang malinang ang kakayahan at kasanayan sa
mabilis na pagpapahayag ng kaisipan at damdamin. Ginagamit din ito sa pakikipag-
usap, pagbabalita, pagtatalumpati, pakikipanayam, pakikipagtalo, pangangatwiran,
pakikipagtalakayan, atbp.

Kahalagahan ng Pagsasalita:

Mahalaga ang pakikipag-ugnayang pasalita sa mga


hangaring pag-unlad ng bansa, pamayanan at
mamamayan. Sa pamamagitan ng pagsasalita ay
nagkakaroon ng pagkakataon na makipagpalitan ng
kuro-kuro, makapagsalaysay ng mgga karanasan,
Page 1
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

makapagbigay reaksiyon at iba pa. ang karunungang


natatamo sa pamamagitan ng pakikipag-usap ay higit na mabilis at mabisa sa taong
kinakausap. Ang pagtatagumpay ng tao sa kanyang mga hangarin sa buhay ay
nakasalalay sa kanyang magsalita sa paraang matapat, mabisa, malinaw at kapani-
paniwala.

Page 2
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

OVERVIEW: Ang pagsasalita ay kakayahan at kasanayan ng tao na maihayag ang


kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
nauunawaan ng kanyang kausap. Ito ang pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng
tao:ang nagsasalita at ang kinakausap.

Para sa Karagdagang Kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=qFCmMPe9iIY

Mga kinakailangan sa Mabisang Pagsasalita:

 Kaalaman
 Tiwala sa sarili
 Kasanayan

Kaalaman: mahalagang alam ng isang tagapagsalita ang kanyang sasabihin sa


kanyang kausap.

 Kaalaman sa paksang pag uusapan


 Kaalaman sa gramatika
 Kaalaman sa kultura ng pinanggalingan ng wikang
ginagamit, sariling kultura at kultura ng kausap.

Tiwala sa Sarili: Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay


karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo. Madalas din silang kabado lalo na sa harap
ng pangkat ng tagapakinig o sa harap ng publiko. Mahihirapan silang papaniwalain ang
ibang tao sa kanilang mensahe.

Kasanayan: kinakailangan angkinin ng tagapagsalita


ang mga kasanayan tulad ng malinaw na pagsasalita,
wastong pagbigkas ng salita, maayos na pagtayo sa
entablado, pagkumpas ayon sa diwa ng sinasabi, diin
at uri ng tinig.

Page 3
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

 Kailangang may sapat na kasanayan sa pag-iisip


ng mensahe sa pinakamaikling panahon
 Sapat na kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t
ibang genre tulad ng pagsasalaysay,
paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.

Salik sa Epektibong Pagsasalita Ayon kina


Bernales, et al. (2002)

 Kaalaman
 Sapat na kaalaman sa bokabularyo o talasalitaan
 Sapat na kaalaman sa gramatika
 Sapat na kaalaman sa kultura at lipunan ng mga taong sangkot sa
pakikipagtalastasan
 Kasanayan sa mabilis na pag-iisip sa paggamit ng mga sangkap sa pagsasalita
 Kalinawan sa pagsasalita – buo at malakas ang tinig
 Tiwala sa sarili – makakatulong sa nagsasalita na maihatid ang mensahe na
malinaw, tumpak, at mas organisadong paraan.

Mga Kasangkapan sa Mabisang Pagsasalita:

Tinig: pinakamahalagang puhunan ng nagsasalita.


Kinakailangang ito ay mapanghikayat at nakakaakit
talagang pakinggan. May mga sitwasyon na hindi
nangangailangan n amalakas ang tinig. Ano mang lakas
o hina ng tinig, dapat ito ay angkop sa particular na
sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isang
nagsasalita.

Tindig: Ang isang tagapagsalita lalo na sa isang pagtitipon ay kailangan may


magandang tindig. Kinakailangang mat tikas mula ulo hanggang paa. Hindi magiging
kapani-paniwala ang isang mambibigkas kung siya ay parang nanghihina o kung siya

Page 4
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

ay mukang sakitin. Ang isang tagapagsalita ay kinakailangan maging kalugod-lugod


hindi lamang sa pandinig ng tagapakinig.

Kilos: iwasan ang madalas na paglalakad kapag nagsasalita. Ang labis na paggalaw ay
pwedeng maging dahilan ng pagkahilo ng kanyang kausap.

Kumpas: tumutukoy sa galaw ng alin mang bahagi ng katawan. Kung walang kumpas
ang nagsasalita ay magmumukhang tuod o robot. Tandan na kailangang maging
natural ang kumpas. Hindi rin maganda tignan ang labis, maging ang kulang o
alanganing kumpas ng kamay.

Iba’t -ibang uri ng kumpas:

1. Nakabukas ang palad habang paharap sa tagapakinig


 Ito ay kumpas na tumatawag ng pansin.
2. Palad na itinataas habang nakalahad
 Nagpapahiwatig ng dakilang damdamin
3. Palad na nakabukas at marahang ibinababa
 Ginagamit sa paglalahad ng mababang uri ng kaisipan o damdamin
4. Nakasarang palad
 Ito ay nagsasaad ng kinukuyom nag alit
5. Nakataob na palad na biglang ibababa
 Nagpapahiwatig ng galit o marahas na damdamin
6. Bukas na palad na nakalantad sa madla
 Nagpapadama ng pag-aalala at pagsang-ayon
7. Nakabukas na mga palad at ang daliri ay magkalayo at unti-unting isinasara
 Nagpapakilala ng nag-aalimpuyong damdamin
8. Paturong kumpas
 Nagpapahiwatig ng pagkapoot, panlalait sa isang tao
9. Kumpas na halos pantay balikat ang dalawang bukas bisig
 Ginagamit ito upang ipahiwatig ang kalawakan ng paksa.

Page 5
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

Ayon kay Tumangan et al. (1986) ang kumpas ay maaaring uriin sa:

 Kumpas na naglalarawan
 Kumpas na kinaugalian
 Kumpas na gamit ang hintuturo
 Palad na nakataob at ayos patulak
 Ang palad na nakalagay sa dibdib
 Kumpas na ang palad ay nakatihaya
 Ang palad na nakataob at ayos na padapa
 Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti-unting ititikom
 Ang palad na itinataas habang na kalahad
 Palad na nakakuyom

OVERVIEW: Malaki nag naitutulong ng wastong kumpas ng mga kamay sa masining at


madamdaming pagbigkas. Ang mabuting kumpas ay maluwag at maginhawa. Ito ay
natural at hindi pabigla-bigla. Ang bisig ay hindi parang naninigas. Ang mga daliri ay
magkakatabi, hindi layo layo.

Para sa Karagdagang Kaalaman: https://youtu.be/zbDPKQd47Xw

Panuonan ng Pansin

Kailangang magkaroon ng kontak sa pamamagitan ng mata. Ito ay isang di-berbal na


komunikasyo. Mahalagang ginagawa ito ng nagsasalita, dito pumapasok ang mental
kontak o unawaan sa pagitan ng nagsasalita at tagapakinig.

Xenophobia o Stage Fright: ang takot sa pagsasalita sa


harap ng madla. “Walang dapat katakutan kundi ang takot
mismo” – Franklin D. Roosevelt

Dahilan ng Stage Fright

 Takot sa Malaki at di pamilyar na madling tagapakinig

Page 6
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

 Di kaaya-ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla


 Kakulangan o kawalan ng karanasan sa pagsasalita sa harap ng maraming tao
 Kakulangan o kawalan ng kahandaan
 Kakulangan o kawalang ng pamilyaridad sa lugar o okasyon

Paano maminimays ang Stage Fright: magkaroon ng positibong atityud, tiwala sa


sarili, magdasal

Pagsasalita sa Iba’t-ibang Pagkakataon

1. Ang pakikipag-usap na dadalawahan: pinaka


karaniwang pakikipagtalastasang ating
kinasasangkutan ay ang dadalawahang pag-
uusap. Ang nagsasalita at tagapakinig ay kapwa
nagsasalita ay nakikinig.
2. Ang pakikipanayam o Interbyu: Ang
pakikipanayam ay mag pinakamabilis na paraan ng pagkuha ng mga impormasyon
tungkol sa isang pag-aaral o isinasagawang pagsusuri.

Mga bagay na dapat tandan habang nakikipamnayam

 Dumating sa takdang oras na inyong napagkasunduan sapagkat ikaw ay


humihingi lamang ng bahagi ng kanyang mahahalagang panahon.
 Maging magiliw at magalang sa pakikitungo sa kakapanayamin
 Sa pakikipanayam makinig Mabuti sa mga sinasabi ng kinapanayam.
 Sikaping maging masaya ang panayam
 Igalang mo ang oras ng kinakapanayam
 Tiyakin mo sa iyong kinakapanayam na lahat ng sekreto ay sa inyo
lamang dalawa
3. Pangkalahatang talakayan: dito masusing tinatalakay ang paksa

Page 7
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

Iba’t ibang uri ng pangkatang talakayan

 Impormal na talakayang binubuo lamang ng lima


o sampung tao: sa ingles ito ay tinatawag na “round table”
 Pormal na talakayan: ito ay pormal dahil ginaganap
ang talakayan sa harap ng pormal na tagapakinig.
a. Panel discussion o tinatawag ng isang hanay na
itinakda: binubuo ito ng isang pinuno at mga kalahok
b. Simposyum: dito may tatlo o apat na tagapagsalita
na ang bawat isa ay nagbibigay ng talumpati na tatagal ng lima o pitong
minuto
c. Lektyur porum: dito may isang tagapagsalitang tatalakay o magbibigay
ng panayam sa mga isyung may kinalaman sa isang suliranin
d. Talakayin ng lupon: ito ang gamitin sa lahat ng uri kung gumagawa ng
isang plano upang maisagawa ang isang proyekto.
4. Balagtasan: ito ay ginagampanan ng
dalawang batiking makata na nagtatalo sa
pamamagitan ng maindayog na tulain. Hinango ito kay
Francisco Baltazar na kinikilalang Ama ng tulaan. Ang
DZRH ang istasyon sa radyo na nagasasahimpapawid
ng balagtasan sa pangunguna nina Ofelia Angeles at
Rey Antoniona; mga kilalang mambabalagtaas.
 Lakandiwa: nagbibigay ng panimula at pangwakas na bahagi ng
balagtasan
 Dalawang Panig: sang-ayon at di-sang-ayon
 Mga tagapakinig na naghahato

Kaibahan ng mga mambibikas:

 Manunula: bumubigkas ng tula


 Mananalumpati: bumubigkas ng talumpati
 Makata: bumibigkas ng balagtasan

Page 8
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

5. Talumpati: isang uri ng pagpapahayag ng kaisipan na


ginagawang pabigkas.

Uri ng Talumpating may paghahanda

 Paglalahad: Nagbibigay ng impormasyon o kaalaman


 Panlibang: ito ay tipong masasaya at maranay ay
binibigkas sa mga piging o pagtitipon
 Panghikayat: Nilalayon ng ganitong uri na sa hanay ng paliwanag ay mahikayat
ang tagapakinig na kumilos o gumawa ng pasiya.
 Papuri: Nilalayon nitong parangalan o bigyan ng papuri ang sinuman

Anyo ng Talumpati

a. Talumpating Pabasa: ito ay isinusulat at binabasa ng nagtatalumpati


b. Talumpating Pasa-ulo: ito ay talumpating sinulat at sinasaulo o menememorya
c. Talumpating walang paghahanda: ito ay biglaan o tinatawag na impromptu
d. Talumpating daglian: ito ay binibigyan ng ilang minutong paghahanda bago
bigkasin ang talumpati na may pinapaksa.

Bahagi ng Talumpati:

 Panimula: ito ay nag pambungad o isang paghahanda


 Katawan: ito ay laman ng talumpati
 Konklusyon: ito ay ang huling bahagoo na naglalahad ng buod ng paksa.
6. Pagtatalo o Debate: ito ay isang uri ng makasining na pagtatalo. Ang pormal na
pagtatalo ay pinaghahandaan nang matagal na panahon.

Page 9
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

OVERVIEW: Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinion ng isang tao na


pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga
tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko
na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig,

Para sa Karagdagang Kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=KMO0BPDz3kk

Page 10
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

SANGGUNIAN NG NILALAMAN:

SANGGUNIAN:

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pagsasalita

https://prezi.com/zhshf5mxffcd/kasangkapan-sa-mabisang-pagsasalita/?fallback=1

https://winnieannmistica.tumblr.com/

Kabanata 10: Apat na Kahulugan ng Teksto

Layunin:

 Nalalaman ang kahulugan ng Teksto


 Natutukoy ang iba’t ibang uri ng Teksto
 Nakakalikha ng angkop na Teksto.

Ang Teksto ay anumang bagay na maaaring maging


‘basahin’, kung ang mga bagay na ito ay isang trabaho
ng panitikan, isang street sign, isang pag-aayos ng
mga gusali sa lungsod ng bloke, o mga estilo ng
pananamit. Ito ay isang maliwanag na hanay ng mga
palatandaan na nagpapadala ng ilang mga uri ng
mapagbigay-kaalamang mga mensahe. Ang set ng
mga simbolo ay isinasaalang-alang sa mga tuntunin ng mapagbigay-kaalamang mga
mensahe ng nilalaman, sa hali na sa mga tuntunin ng kanyang pisikal na anyo o ang
daluyan na kung saan ito ay kinakatawan.

Isa sa mga mabisang paraan upang matuto ng mga mbagong kaalamn ay sa

Page 1
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

pamamagitan ng pagbabasa, at mga babasahin tulad ng aklat at mga pahayagan ay


nagtataglay ng mga teksto.

Tinatawag na teksto ang mga pangunahing salita sa anumang babasahin na


nagtataglay ng iba’t ibang impormasyon. Maaari din itong nagbibigay ng mensahe o
damdamin ng sinuman sa paraang pasulat o nakalimbag.

Matutukoy ding teksto ang orihinal na mga salita o pahayag ng isang awtor sa isang
dokumento kabilang ang kaniyang mga paliwanag, puna, pagsasalaysay ng karanasan,
paglalarawan ng mga bagay, pagbibigay ng pagtataya o paglalahad ng impormasyonn
o pag-aanalisa.

Page 2
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

Sa akademikong uri ng pag-aaral, ang teksto ay maari ding sumaklaw sa ilan pang
isinusulat na akda katulad ng mga pelikula, programa sa telebisyon, awitin, patalastas,
iba pang nakalimbag na paalala.

Apat na Kahulugang nakapaloob sa Teksto:

1. Kahulugang Konseptwal
 Ito ang pansariling kahulugan ng isang salita. Bawat salitang ginagamit sa
teksto ay may ibig sabihin. Maaaringg maging payak o komplikado ang
kahulugan ng salita. Ang konseptwal na kahulugan ng mga salita sa
teksto ang isang batayan ng iba pang mga kahulugan.
2. Kahulugang Proposisyunal
 Ito au ang pansariling kahulugan ng isang pangungusap. Ang mga
pangungusap ay may kahulugang taglay kahit na hindi ginagamit sa isang
konteksto. Nakatayo ito sa kanyang sarili.
3. Kahulugang Kontekstwal
 Ito ay ang kahulugang taglay ng pangungusap kung nasa isang kalagayan
o konteksto. Makukuha ang kahulugang kontekstwal batay sa ugnayan ng
mga pangungusao sa teksto. Makukuha rin ang kahulugan nito ayon sa
paraan ng pagkakagamit ng awtor sa mga pangungusap.
4. Kahulugang Pragmatiko
 Ito ang kahulugan ng pangungusap batay sa interaksyon ng awtor at ng
mga mambabasa. Ang kahulugang ito ay naglalaman ng damdamin,
saloobin, pananaw ng awtor na ipinararating sa mga mambabasa.

Page 3
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

OVERVIEW: Ang pagkamit sa layunin ng pagsulat ng isang espesipikong uri ng teksto


ay nakasasalalay nang Malaki sa mabisang pagkakasulat ng bawat bahagi nito ang
tetsko ay nahahati sa tatlong bahagi: Panimula, Katawan, at Wakas

Para sa Karagdagang Kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=7OlP0nDof3I

Mga Suliranin sa Pag-unawa ng Teksto:

1. Konsepto: kaisipan o mensaheng ipinahahatid ng awtor sa mga mambabasa.


Sa tulong ng dating kaalaman at mga karanasan at pag-unawa sa kapaligiran ay
kinukuha ng mambabasa ang mga konseptong nakapaloob sa teksto.
2. Talasalitaan: may mga salita o terminolohiya na nagiging hadlang sap ag-nawa
ng mambabasa sa teksto.
o Idyoma o Matalinhagang Salita – mga salitang ang kahulugan ay hindi
makukuha sa pag-unawa sa kahulugan ng bawat salitang bumubuo dito.
Madalas na inaakala ng mambabasa na madaling unawain ang mga
salitang alam na nila.
o Salitang may naililipat na kahulugan – makikita ang mga salitang ito sa
mga metapora o pagwawangis.
o Salitang maraming kahulugan – ang isang payak na salita ay maaaring
magkaroon ng iba’t ibang kahulugan ayon sa paraan ng paggamit ng
awtor at ng disiplinang pinaggagamitan nito.
o Salitang Teknikal – may mga tiyak na salita o termonolohiya na
ginagamit sa bawat disiplina tulad ng pagsasaka, edukasyon, atbp.
o Salitang kasingkahulugan o kasalungat – ang isang awtor ay
gumagamit ng mga kasingkahulugan o kasalungat na salita ayon sa
kanyang layunin o nais iparating. Kung ang mambabasa ay hindi sanay sa
pagkilala sa ganitong mahihirapan siyang unawain ang ibig sabihin ng
bawat salitang ginagamit sa teksto.

Page 4
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

o Ironiya o kabanlintunaan – paggamit ito ng mga tulang ang karaniwang


kahulugan na kabaligtaran nang nais ipahayag. Sa pagkakataong ito hindi
ang kahulugan ng salita ang mahirarp unawain kundi ang ibig sabihin ng
awtor sa pagkagamit ng salita.

Isktruktura ng Pangungusap – Ang mahahaba at maliligoy na pangungusap ay


nagiging hadlang s amabilis na pag-unawa ng mambabasa sa nilalaman ng teksto.

Gamit ng Pag-uugnay – ang isang teksto ay binubuo ng magkakaugnay na kaisipan


na maaring binanggit sa dakong unahan ng teksto sa tulong ng mga reperensya.

a. Anaphora – mga salitang tumutukot sa mga binabanggit sa unahan ng teksto.


b. Cataphora – mga salitang binabanggit sa mga bagay na nasa hulihan ng teksto.
c. Eliptikal na pahayag – mga salitang hindi na inilalagay ng awtor sa dahilang
magiging paulit-ulit lamang ito o kaya ay nagtitipid sa pahayag.

Pananda ng Diskurso: nagpapakita ng pag-uugnayan sa iba’t ibang bahagi ng


pagpapahayag ang mga pananda. Ang mga pangatnig ang kumakatawan sa mga ito.
May iba’t ibang tungkulin ang mga ito sa kinalalagyan nila. Makakatulong sa mga
bumabasa ang pagbibigay pansin sa mga ito sa dahilangg binibigyang linaw nito ang
mahihirap na bahagi ng teksto.

Iba’t ibang Uri ng Teksto

May iba’t ibang uri ng teksto ayon sa impormasyon o mensahe nais nitong ibigay sa
mamababasa. Ang ilan ay ang mga sumusunod.

Tekstong Impormatibo:

Layunin nitong magbigay ng konkretong impormasyon


tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari.
Sinasabing ‘objective’ ang mga tekstong impormatib dahiil
walang halong anumang opinion ang pagsasalaysay sa uri
ng tekstong ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga kwentongg nagsasalaysay ng mga
tunay na pangyayari at mga babasahing mayroon tayo sa paaralan tulad ng mga

Page 5
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

teksbuk o batayang aklat. Kadalasang sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, at
paano.

Halimbawa ng Tekstong Impormatib

1. Sampaguita ang pambansang bulaklak ng Pilipinas.


2. Si Catriona Grey ang itinanghal na Miss Universe 2018.
3. Mapapanood ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo ng gabi.
4. Nagpunta sina Marian at Dingdong sa kaarawan ni Karylle.
5. Pinasimulan ng pamahalaang Duterte ang laban kontra iligal na droga.

Tekstong Deskriptibo:

Isa namang uri ng naglalarawang babasahin ang tekstong


deskiptiv o deskriptibo. It ay nagtataglay ng mga
impormasyong may kaugnayan sa katangian ng mga tao,
hayos, bagay, lugar, at mga pangyayari. Dahil naglalarawan
ang mga tekstong deskriptib, mayaman ang mga ito sa mga
pang-uri at pang-abay. Maaari din itong maging tekstong
nagpapahayag ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga bagay. Ito rin ay isang paraan ng
masining na pagpapahayag ng paghanga sa ilang bagay.

Halimbawa ng Tekstong Deskriptibo

1. Mahalimuyak ang mga bulaklak sa hardin ni Aling Martha.


2. Napakanilis umiyak ng batang si Marco kapag inaasar.
3. Tila isang abandonandong lugar ang kaniyang silid dahil sa sobrang dumi.
4. Kumukutitap na ang mga ilaw sa napakagandang bahay nina Jonas.
5. Malulusog at masasarap kumain ang pamliya Sanchez.

OVERVIEW: Katangian ng Tekstong Deskriptib. Ito ay may isang malinaw at


pangunahing impresyon na nililikha ng mga mambabasa. Ito ay maaaring obhetibo o
subhetibo. Obhetibo ang direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at di

Page 6
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

mapapasubalian. Samantala, ang subhetibo naman ay maaaring kapalooban ng


matalinhagang paglalarawan at naglalalaman ng personal na persepsyon. Ito ay
mahalagang maging espesipiko at dapat naglalarawan din ito ng mga konkretong
detalye.

Para sa Karagdagang Kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=g4rwPXSUxtA

Tekstong Naratibo:

Isang uri naman ng teksto na nagsasalaysay ng serye ng mga pangyayari ay ang


tekstong naratib o naratibo. Katulad ng tekstong impormatib, ang layunin ng tesktong
naratibo ay magbigay ng impormasyo. Ang kaibahan lamang, ito ay nakatuon sa kung
paano nangyrai ang mga tagpo, kompleto sa panahin, ,tagpuan, at mga tauhan. Ilan sa
mga halimbawa nito ay ang mga talumbuhay,
anektodata o epiko. Maaari rin itong piksyon at di
piksyon.

Halimbawa ng Tekstong Naratibo:

1. Ipinanagangak si Jose P. Rizal noong Hunyo 19,


1861 sa Calamba, Laguna. Kinitil siya ng mga Espanyol noong Disyembre 30, 1896
sa Bagumbayan.
2. Ipinalabas noong Hulyo 31, 2019 ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na
pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Ito rin ang itinanghal
na pinakapinanuod na pelikulang Pilipino sa kasaysayan.
3. Nagtapos ng pag-aaral si Alyssa Valdez sa Ateneo de Manila University. Ngayon
ay naglalaro siya para sa Creamline Cool Smashers at Philippine National Team.
4. Matapos ang halos dalawang dekada sa GMA Network, lumipat na sa ABS-CBN
si Regine Velasquez. Naganap ang contract signing niya noong Oktubre 2018.

Page 7
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

5. Naganap daw ang pambubugbog ni Alyas Linda sa kaawa-awang matanda gabi


ng Miyerkules habang nakasakay sila sad yip. Nagyon ay nasa radio show na ni
Tulfo ang kaso.

Tekstong Prosidyural:

May uri naman ng teksto na nakatuon sa pagkakasuno-


sunod ng mga pangyayari o mga hakbang sa paggawa
ng mga bagay. Ito ay tinatawag na tekstong prosidyunal.
Kilala rin bilang teksto ng pagkakasunod-sunod,
sumasagot ito sa mga tanong na paano – paano
nabubuo ang isang bagay, paano iluto, paano
isinasagawa ang isan proseso, o paano nagaganap ang isang pangyayari.

Halimbawa ng Tekstong Prosidyunal:

1. Ihalo ang itlog sa giniling at haluin gamit ang ispatula. Haluin nang maigi at
ihulma nang pabilog gamit ang mga kamay.
2. Hatiin sa apat ang papel at gupitin nang maliliit na piraso. Idikit ito sa isang
malinis na bond paper upang makabuo ng mosaic.
3. Pumunta sa website ng DOLE at hanapin ang forms. I-click ang complaints form
at i-download ito. Punan ang mga patlang at ipadala sa e-mail ng DOLE.
4. Pindutin ang windows icon at i-type sa search bar ang Microsoft Office. Piliin ang
Word at maari nang gumawa ng dokumento.
5. I-click ang rescan at hintaying matapos ang search. I-refresh and device at
maaari nang mapanood ang paborito mong TV channel.

Tekstong Perweysib

Ang Tekstong Perweysib ang isang uri ng tekstong naglalayong manghikayat ng mga
mambabasa. Ginagamit ito sa mga pahayagan, telebisyon, at radio. Karawniwang
ginagawa ang tekstong persweysib upang mapukaw ang interes ng mga tao at

Page 8
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

maniwala sa sinasabi nito. Nagagamit ito sa mga advertisements o mga patalastas sa


TV o radio. Maaari din itong gamitin sa mga kampanya o pag-aalok ng mga serbisyo.

Halimbawa ng Tekstong Persweysib

1. Laking mahirap, may malasakit sa kapwa. Laging maaasahan. Iboto! Juan dela
Cruz para Mayor.
2. Mas makapagpapaputi ng damit kaysa Brand X. Gumamit na ng Tide Clean
Plus. Para sa putting walang katulad.
3. Ang surf ay nagbibigay ng todong linis at todong bango. Surf with fabcon. Todo
sa linis, todo sa bango.
4. Kung barado na ang inidoro, lumipat na sa lagi ninyong malalapitan. Malabanan
septic tank cleaner. Palaban sa bara.
5. Gumamit na ng Eskinol with papaya extract. Para sa linis-kinis na walang
katulad.

OVERVIEW: Ang Tekstong Perweysib ay may subhetibong tono sapagkat malayang


ipinapahayag ang kanyang paniniwala o pagkiling tungkol sa isyung may ilang panig.
Taglay nito ang personal na opinion o paniniwala ng may akda. Ang ganitong uri ng
teksto ay may iskrip para sa patalastas, propaganda sa eleksyon at pagrekrut para sa
isang samahan o networking

Para sa Karagdagang Kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=KE0RxdfG0sk

Tekstong Argumentatibo:

Tio naman ay uri na nakatuon sa paglalahad ng mga opinion, paniniwala o kuro-kuro sa


mga mahahalagang isyu o iba pang bagay. Katulad ng tekstong Persweysib, layunin din
nito na manghikayat ng mga mambabasa. Gayunman, gumagamit ito ng mga
argumento at mga pangangatwiran. Karaniwang sinasagot ng mga tekstong

Page 9
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

argumentatib ang tanong na ‘bakit?’ Bagaman nais nitong makapaglahad ng


damdamin, kailangan pa ring suportado ito ng katotohanan o facts.

Halimbawa ng Tekstong Argumentatib

1. Dapat nang itigil ang laban kontra droga ng administrasyong Duterte dahil
marami nang mga inosenteng buhay ang nadadamay.
2. Maraming Pilipino ang nakararanas ng hirap dahil sa angking katamaran at hindi
dahil walang oportunidad dito sa bansa.
3. Para mapanatiling maayos at malinis ang mga karagatan at ilog, kinakailangan
nang tanggalin ang mga illegal settlers sa paligud ng mga ito.
4. Nararapat lamang na parusahan ng mga magulang ang mga anak nilang
pasaway upang maturuan ng disiplina at maging mabuti.
5. Hindi totoo ang mga nanghuhula sa Quiapo dahil lumabas sap ag-aaral ng mga
eksperto na raket o modus lamang ito ng mga manloloko.

Tekstong Humanidades:

Kapag sinabing humanidades, tumatalakay ito sa


disiplina sa pag-aaral na tumutukoy sa mga sining na
biswal kabilang ang mga pinta, awitin, arkitektura,
dula, sayaw, o anumang akdang pampanitikan. Sa
madaling sabi, ang tekstong humanidades ay isang
uri ng teksto na tumatalakay sa opinion, nadarama, adikain, o pangamba ng isang tao
sa mga akdang nabanggit.

Halimbawa ng Tekstong Humanidades

1. Ang kantang Anak ni Freddie Aguilar ay salamin ng realidad ng buhay ng mga


pamilya. Mayroong pinagdaraanang pagsubok ang bawat ngunit nagsisisi rin sa
huli.

Page 10
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

2. Ang wikang Filipino ay yaman ng bansang Pilipinas. Ito ang nagiging


pagkakakilanlan ng mga Pilipino saanmang panig ng mundo kaya naman
nararapat lamang itong pagyamanin.
3. Nakaka-emo ang kantang ‘Will You Learn’ ng bandang Typecast. Sinasalamin
nito ang lahat ng bigat sa damdamin ng isang taong may pingadaraanan sa
buhay.
4. Ang Oblation na iskultura sa University off the Philippines ay nagpapakita ng
Kalayaan sap ag-iisip, pagpapahayag ng opinion, at kalayaang matuto ng isang
tao.
5. Ang palabas na The Gift ni Alden Richards ay isang patunay na walang pinipiling
kapansanan upang maging kapakipakinabang na bahagi ng lipunan.

Tekstong Propesyonal:

Ang uri naman ng tekstong ito ay isang komprehensibo at organisadong pagkakalahad


ng mga impormasyong isinulat ng isang may-akdang mayroong mahusay at sapat na
kaalaman tungkol sa isang paksa. Kumbaga, isang pagsaaliksik itong ginawa ng isang
tao mula sa isang larangan at inilimbag sa isang uri ng babasahin o dukumento. Hindi
maligoy at direkta ang paglalahad ng mga impormasyon sa teksotng propesyonal.
Layon lamang nitong magbigay ng isang konkretong pag-
aaral at kaalaman tungkol sa isang paksa at hindi ang
bigyan ng aliw ang mga mambabasa. Kilala rin ito bilang
tekstong akademiko.

Halimbawa ng Tekstong Propesyonal

1. Ang sakit na dengue ay nakukuha mula sa mga lamot na aedes aegypi.


Naisasalin ang virus kapag nakagat ng lamok ang isang tao. Maaaring
magkalagnat, magkapantal, o sumakit ang tiyan kapag dinapuan ng dengue
fever.

Page 11
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

2. Ayon sap ag-aaral ng mga eksperto sa kalusugan mula sa United Kingdom mas
mahaba raw ang life expectancy ng mga taong mabibilis lumakad dahil mas
aktibo raw ang mga ito kaysa sa mga mababagal maglakad.
3. Isang senyales dawn a mas matino ang isang tao kapag mas makalat ang
lamesa nito sa trabaho. Ayon sap ag-aaral ng mga eksperto, mas lumalabas daw
kasi na mas malikhain at mas madiskarte ang mga magugulo ang lamesa kaysa
sa mga organisado.
4. Mas alerto raw ang mga late gumising at matulog kaysa sa mga maagang
matulog dahil lumabas sa pag-aaral na mas kaya nilang gumawa ng mga bagay
nang mas matagal. Hindi raw umano inaantok agad ang mga ito at kayang
tumagal sa mga gawain.
5. Ipinahayag ng journalist na si Kara David na sa pagsusulat daw ng balita,
kailangan ang matinding pokus sa mga detalye at impormasyon. Kailangan daw
malaman ang mga mahahalagang detalye at impormasyon. Kailangan daw
malaman ang mga mahahalagang detalye na dapat ilagay sa isang balita.

Katangian ng Teksto

Binubuo ang katangian ng teksto ng mahahalagang element. Kabilang dito ang


pagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon o datos. Katangian din nito ang
maayos na pagkakasulat ng mga impormasyon kabilang ang pagkakasunod-sunod nito.
Mayroong diwa o kaisipan din ang mga teksto at mayroong nais ipahiwatig.

Page 12
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARY 1
MODYUL (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

SANGGUNIAN NG NILALAMAN:

SANGGUNIAN:

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Teksto

https://takdangaralin.ph/teksto/

https://aljhunfronda-wordpress-
com.cdn.ampproject.org/v/s/aljhunfronda.wordpress.com/2016/11/25apat
-na-
kahulugang-nakapaloob-sa-
tekstoday3/amp/?usqp=mq331AQRKAGYAczw8JyNutPB9gGwASA%3D&a
mp_js_v=
a6&amp_gsa=1#aoh=16031039480478&referrer=https%3A%2F%2Fwww.g
oogle.c
om&ampshare=https%3A%2Faljhunfronda.wordpress.com%2F2016%2F25
%2Fapar
-na-kahulugang-nakapaloob-sa-
tekstoday3%2F

Page 10

You might also like