You are on page 1of 53

RYAN DE LA PEÑA JEREZ

PUROK 9, POBLACION, STA. ELENA CAMARINES


NORTE
BACHELOR of SECONDARY
EDUCATION
MAJOR IN FILIPINO
@OXFORDIAN COLLEGES
INTERNATIONAL SCHOOL
Yunit I
Yaman ng Wika Natin, Halina’t Tuklasin
PATAKARANG PANGKLASE
  BAWAT ESTUDYANTE AY MAYROON LAMANG 9 NA ORAS NA PAG-ABSENT KABILANG ANG
PAGKAHULI. ANG LUMAMPAS SA ITINAKDANG BILANG NG ORAS NG PAGLIBAN AY
NANGANGAHULUGANG PAGBAWAS SA PUNTOS NG MARKA.
 SINUMANG MAHULI (LATE) SA PAGSUSUMITE NG ITINAKDANG GAWAIN AY BIBIGYAN NG 5%
KABAWASAN SA GRADO SA BAWAT ARAW SA LOOB LAMANG NG ISANG LINGGO. HINDI NA
TATANGGAPIN NG GURO ANG ANUMANG ISUSUMITE NG ESTUDYANTE MATAPOS ANG ISANG
LINGGO.
 PERSONAL NA ISUMITE ANG ANUMANG PAPEL, PROYEKTO, AT IBA PANG IPAPASA SA GURO,
MAAARI ITONG IWANAN SA PIGEONHOLE NA NAKATAKDA SA ISANG GURO.
 ANG MGA NAKALIGTAANG PAGSUSULIT NA MAY KATANGGAP-TANGGAP NA DAHILAN AY IBIBIGAY
SA ORAS NG KONSULTASYONG PANG-AKADEMIKO NG GURO.
 BAWAT ESTUDYANTE AY INAASAHANG MAGING MATAPAT SA LAHAT NG PANAHON. ANG
PANGONGOPYA AT ANUMANG URI NG PANDARAYA KAUGNAY SA MGA PANG-AKADEMIKONG
GAWAIN AY NANGANGAHULUGAN DIN NG GRADONG 0.00 O BAGSAK NA SA KLASE.
 ANG PAGGAMIT NG ANUMANG KAGAMITANG ELEKTRONIKO HALIMBAWA AY CELLULAR PHONE
NA HINDI NAMAN KAILANGAN SA KLASE AY HINDI RIN PAHIHINTULUTAN.
 ANUMANG REKLAMO O PAGLILINAW KAUGNAY SA GRADO, GURO, KAKLASE AT IBA PA AY
NARARAPAT NA IPAALAM SA KINAUUKULAN (GURO) .
Aralin 1
Ang Mga Batayang
Kaalaman
sa Wika
Layunin ng Talakayan
matukoy ang kahulugan, kahalagahan, at kalikasan ng wika;

makilala ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas;

makapagbigay ng sariling pakahulugan sa wika; at

makapagtala ng mga sitwasyong nagpapakita ng magkahiwalay na gamit


ng dalawang opisyal na wika ng Pilipinas.
Daloy ng Talakayan
 Kahulugan ng wika;

 Kahalagahan ng wika;

 Kalikasan ng wika;

 Ilan pang kaalaman hinggil sa wika,; at

 Dalawang opisyal na wika ng Pilipinas.


Estratehiya-Wika: Kahulugan at Katangian
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Bumuo ng mga tanong kaugnay sa wika gamit ang concept map.

Ano?

Saan? WIKA Paano?

Bakit?
Ano’ng masasabi mo sa ilustrasyon?
Sino ang may tunay na wika?
Ano ang sarili mong depinisyon sa wika?
Depinisyon tungkol sa wika
Ayon sa mga Linggwista, Dalubhasa, Awtor at Iba pang Awtoridad sa
Wika

• Ginagamit ng tao sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-


ugnayan at pakikipag-usap sa ibang tao, at maging sa
pakikipag-usap sa sarili. Sa madaling salita, ang wika ay ek-
spresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit (Paz et.al, 2003-Pag-aaral

.
ng Wika)
Depinisyon tungkol sa wika
Ayon sa mga Linggwista, Dalubhasa, Awtor at Iba pang Awtoridad sa Wika

• Ang wika ay pangunahin at pinakamabisang anyo ng


gawaing pansagisag ng tao (Archibald Hill-mula sa Tinig:Komunikasyon sa Akademikong Fil-
ipino, 2008).
Depinisyon tungkol sa wika
HENRY GLEASON
• Ang WIKA ay masistemang
balangkas ng sinasalitang
tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
Katangian ng Wika
Ano’ng katangian ng wika ang ipinapakita?

B A T A

BATA

ay tumatakbo bata ang

Ang bata ay tumtakbo.


Masistemang Balangkas

PONEMA B A T A
(Ponolohiya)

MORPEMA
(Morpolohiya) BATA

SINTAKS ay tumatakbo bata ang

DISKORS Ang bata ay tumatakbo.


 Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasasaayos sa isang tiyak na balangkas.
Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog. Ponema ang tawag sa makahulugang tunog ng
isang wika samantalang Ponolohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral
ng mga ito. Kapag ang mga ponemang ito ay pinagsama, maaaring makabuo ng
maliit nay unit ng salita na tinatawag na morpema. Ang morpemang mabubuo ay
maaaring isang salitang-ugat, panlap o morpemang ponema katulad ng ponemang /a/
na sa wika natin ay maaaring magpahiwatig ng kasariang pambabae. Morpolohiya
naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema. Samantala, kapag
ang mga salita ay ating pinag-uugnay, maaari naman tayong makabuo ng mga
pangungusap. Sintaksis naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga
pangungusap. Kapag nagkaroon na ng makahulugang palitan ng mga pangungusap
ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon na ng tinatawag na diskurso.
PONEMA – ay ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang
PONEMA
(Ponolohiya) mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na
tunog upang makalikha ng mga salita.

MORPEMA -pag-aaral ng morfema; ang morfema ay


MORPEMA tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita
(Morpolohiya) sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay
ang salitang-ugat, panlapi at fonema.

sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa


SINTAKS Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang
pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.
Ano’ng katangian ng wika ang ipinapakita?

May tunog na may kahulugan at


mayroong hindi. Aparato sa pagsasalita

“Click Language”
Sinasalitang Tunog

May tunog na may kahulugan at


mayroong hindi. Aparato sa pagsasalita

“Click Language”
Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga
makahulugang tunog o ponema. Makahulugan ang
isang tunog sa isang wika kapag ito ay nagtataglay
ng kahulugan o di kaya’y may kakayahang
makapagbabago ng kahulugan ng isang morpema o
salita.
Ano’ng katangian ng wika ang ipinapakita?
Pinipili at Isinasaayos

Kumakausap at kinakausap

Produktibo
at likas na mapanlikha
 Upang maging epektib ang komunikasyon, kailangang isaayos
natin ang paggamit ng wika. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili
natin ang wikang gagamitin. Madalas ang pagpili ay nagaganap
sa ating subconscious at minsan ay sa ating conscious nap ag-
iisip. Bakit lagi nating pinipili ang wikang ating gagamitin?
Sagot: upang tayo’y maunawaan ng ating kausap. Hindi
maaaring ipagpalitan nating gamitin ang isang wikang hindi
nauunawaan ng ating kausap.
Ano’ng katangian ng wika ang ipinapakita?
Arbitraryo

Kahit kambal
ay hindi magkamukha

Katangi-tangi o unique
Bawat bansang may sariling wika ay may
napagkakasunduang sistema sa paggamiit ng wika.
Hal. Kung paano ito bigkasin o basahin, ilang titik
ang buuin ng alfabeto, ano ang sistema ng
panghihiram sa wikang katutubo, dayuhan at iba
pa.
Ano’ng katangian ng wika ang ipinapakita?
Ginagamit

“Patay na Wika” “Minorya”

Penomenang Sosyal
Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at
katulad ng kasangkapang hindi ginagamit ay
nawawalan na ng saysay. Hindi ba? Gayon din ang
wika. Kapag hindi natin ito ginagamit ay unti-unti
itong mawawala at tuluyang mamamatay. Ano ang
saysay ng patay na wika? Wala
Ano’ng katangian ng wika ang ipinapakita?

Ano sa Ingles? Ano sa Ingles?

Ano sa Filipino? Ano sa Filipino?


Nakabatay sa Kultura

Hindi lahat ay may katumbas Kakambal ng kultura

Walang wikang superyor


 Paanong nagkakaiba ang mga wika sa daigdig? Ang sagot, dahil sa
pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat. Hindi
maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Ayon kay Salazar (sa
Constantino at Atienza 1996) kung ang kultura ay ang kabuuan ng isip,
damdamin, gawi, kaalaman at karanasan na nagatatakda ng maaring
kakanyahan ng isang kalipunan ng tao, ang wika ay hindi lamang daluyan
kundi, higit pa rito, tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng alinmang
kultura. Walang kulturang hindi dala ang wika, na bilang sanlligan at
kaluluwa ay isang bumubuo, humuhubog at nagbibigay diwa sa kulturang
ito.
 Ang wika ay dinamiko. Ang wika ay dinamiko kaya nakakaranas ito ng
pagbabago sapagkat ito ay buhay, mapanlikha at inovativ. Ayon kay
Hafalla (sa Pagkalinawan 2002) ang wika ay lumalawak at yumayaman
dahil sa mga gumagamit nito. Sa pag- 7 unlad ng larangan ng
pangkalakalan, medisina at siyensya, ang tao ay nakalilikha , nakabubuo
at nakapanghihiram ng mga bagong salita at katawagang magagamit para
sa pagpapahayag ng mga ideya sa larangang iyon.
 Ang lahat ng wika ay nanghihiram. Ang pagdevelop ng buhay na
wika ay natural. Karaniwan sa lahat ng wika ang sistemang panghihiram
na gaya ng wikang Filipino. Resolusyon 96- 1 ng KWF (1996): Ang
Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng
panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika. Ang
panghihiram ay bahagi ng paglinang sa isang wika para sa mabisang
pagpapahayag at mahusay na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao sa
lipunan (Pagkaliwanan 2002
 Ang lahat ng wika ay may sariling kakanyahan. Walang
wika ang superior sa ibang wika, Ingles ang wikang
internasyunal, Latin o Griyego ang pinagmulan ng sibilisasyon
ngunit, hindi masasabing ito ay higit na mataas o namumukod
sa ibang wika. Lahat ng wika ay pantay-pantay. Lahat ng wika
ay may sariling kakanyahan o katangiang maaaring hindi
makikita sa ibang wika.
Mga Konseptong
Pangwika
WIKANG PAMBANSA

Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad


bilang simbolo ng kaunlaran ng isang bansa.

Kinikilalang midyum ng komunikasyon sa isang bansa.


Batay sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas sa Artikulo XIV
Seksiyon 6: Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino.
WIKANG PANTURO

Ito ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na


edukasyon. Bilang opisyal na wika, ito ang ginagamit na
wikang panturo ng Pilipinas.

 Filipino
 Ingles
 Mother Tongue-Based
WIKANG OPISYAL
Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng
pamahalaan. Ito ay ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa
kanyang mga mamamayan at ibang bansa sa daigdig. Isinaad sa
Konstitusyon ng 1973, Artikulo XV, Sek. 3: “Hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na
wika.”
Ang aking nalaman tungkol sa wika ay:

Ano?

Saan?
WIK Paano?
A

Bakit?
Kahulugan Ng Wika
Ayon kay:

 Mangahis et al. (2005)

May mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang


midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.

 Bernales et al. (2002)


Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
Kahulugan Ng Wika
Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000)
Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng
mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.
Bienvenido Lumbera (2007)
Parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat
pangangailangan natin.
Alfonso O. Santiago (2003)
Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o
saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng
tao sa lipunan.
Kahulugan Ng Wika
 UP Diksiyonaryong Filipino (2001)

Ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na


laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at
pook na tinatahanan.

Sa pangkalahatan…
Ano nga ba ang wika?

Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na


binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong isinusulat.

Bawat bansa ay may sariling wikang nagbibigkis sa damdamin at


kaisipan ng mga mamamayan nito.
UP Diksiyonaryong Filipino (2001)
Ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na
laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at
pook na tinatahanan.
 Sa pangkalahatan…
 Ano nga ba ang wika?
 Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na
binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong isinusulat.

 Bawat bansa ay may sariling wikang nagbibigkis sa damdamin at


kaisipan ng mga mamamayan nito.
 Isa sa mga pangunahing gamit o  Mahalaga ang wika sa pagpapanatili,
kahalagahan ng wika ang pagiging pagpapayabong, at pagpapalaganap ng
instrumento nito sa komunikasyon. kultura ng bawat grupo ng tao.

 Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at


KAHALAGAHAN
tagapagpalaganap ng mga karunungan
 Kapag may sariling wikang ginagamit NG WIKA
at kaalaman.
ang isang bansa, nangangahulugang ito
ay malaya at may soberanya.

 Hindi matatawaran ang kahalagahan


 Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay ng wika sa pakikipagtalastasan at
para magkausap at magkaunawaan ang iba’t ibang pakikipagugnayan tungo sa
grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit. pagkakaunawaan at pagkakaisa.
Ilan pang Kaalaman Hinggil sa Wika

Heterogenous ang Ang Tagalog, Sinugbuanong Ang bilingguwalismo ay


sitwasyong pangwika sa Binisaya, Ilokano, tumutukoy sa dalawang wika.
Pilipinas dahil maraming Hiligaynon, Samar-Leyte,
wikang umiiral dito at may Pangasinan, Ngayon, hindi na bilingguwalismo
Bikol, at iba pa ay mga wika. kundi multilingguwalismo
mga diyalekto o varayti ang
ang pinaiiral na patakarang
mga wikang ito. Ang diyalekto ay pangwika sa edukasyon.
nangangahulugang varayti
Homogenous ang sitwasyong ng isang wika, hindi hiwalay
pangwika sa isang bansa na wika.
kung iisa ang wikang
sinasalita ng Bernakular ang tawag sa
mga mamamayan dito. wikang katutubo sa isang
pook.
Dalawang Opisyal na Wika – Filipino at Ingles

Gagamitin ang Filipino Gagamitin naman ang


bilang opisyal na wika sa pag- Ingles bilang isa pang
akda ng mga batas at mga opisyal na wika ng Pilipinas sa
pakikipag-usap sa mga
dokumento ng pamahalaan. a
banyagang nasa Pilipinas at sa
pakikipagkomunikasyon sa
iba’t ibang bansa sa daigdig.
Balik tanaw
1. Ginagamit natin ang wika para makamit natin ang ating
mga kagustuhan.
2. Binubuo ng mga tunog at sagisag ang wika.
3. Napagkasunduang gamitin ng mga tao ang wika.
4. Kailangang manatiling puro ang wika at hindi dapat
tumanggap ng mga pagbabago.
5. Dinamiko ang wika.
6. Walang mga tuntuning sinusunod sa paggamit ng wika.
7. May pasulat at pasalitang anyo ang wika.
Balik tanaw
8.Walang malinaw na konseptong nag-uuganay sa wika at kultura.
9. Tagalog ang unang pambansang wika ng Pilipinas.
10. May masistemang balangkas ang wika.
11 Unique o natatangi ang bawat wika.
12.May mga wikang mas makapangyarihan kaysa iba pang wika.
13. Ang opisyal na wika ng bansa ang dapat na maging pambangsang
wika.
14.Namamatay ang wika kapag namatay ang taong gumagamit o
nagsasalita nito.
15.Filipino ang tawag sa kasalukuyang pamabansang wika ng Pilipinas.

You might also like