You are on page 1of 12

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Kahulugan ng wika ayon sa mga dalubhasa .


Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003:1)
Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito
ay behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.
Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usap sa ibang tao; at
maging sa pakikipag-usap sa sarili.

Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., isang lingguwista at propesor emeritus sa Univeristy of Toronto
ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit
ng mga taong nabibilang sa isang kultura.

Binigyang pagpapakahulugan ng Cambridge Dictionary ang wika sa ganitong paraan: I


Ito ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa
pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba't ibang uri ng gawain.
Ang siyentipikong si Charles Darwin ay naniniwalang ang wika ay
Isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng pagsusulat. Hindi rin daw ito tunay na likas
sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan.
Ayon sa mga edukador na sina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000),
Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan
o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.

Wikang Pambansa
1934 - Iminungkahi ng grupo ni Lope k. Santos na ang wikang Pambansa ay dapat ibatay sa isa sa umiiral na wika sa
Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na noo’y Pangulo ng pamahalaang komonwelt ng Pilipnas
.
1935 - Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Seksiyon 3. “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad
at pagpapatibay ng isang wikangpambansa na batay sa isa mga na umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana
ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal".
Base sa probisyong ito ng saligang batas 1935 nagkaroon ng maraming talakayan kung anong wika ang gagamitin. Ito ay
nagresulta ng pagkakaroon ng isang batas na isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang Batas Komonwealt Blg. 184
na nagtatag ng Surian ng wikang pambansa.
Nobyembre 13, 1936 ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg. 184 Pagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP)
Batayan ng pagpili ng wika bilang opisyal na wikang pambansa .

 Wikang sentro ng pamahalaan


 Wikang sentro ng edukasyon
 Wika ng sentro ng kalakalan
 Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat sa panitikan
1937 – Kautusang tagapagpaganap Blg.134. Disyembre 30, 1937. Pinili at ipirinoklama ni Pangulong Quezon ang Tagalog
bilang batayan ng bagong pambansang wika.
1940 - Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Big. 134, nagsimulang ituro ang wikang
pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.
1946 - Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946
ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570.
1959 - Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng
Kautusang Pangkagawaran Big. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon. Sa panahong ito'y
higit na binigyang-halaga at lumaganap ang paggamit ng wikang Pilipino.
1972 - Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1972 kaugnay ng usaping
pangwika. Sa huli, ito ang mga naging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, blg. 2
1987 - Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino
ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa
wika na nagsasabing: "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."

Wikang Opisyal at Wikang Panturo


Wikang Opisyal
 Isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba
pang teritoryo.
 Wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa.
Wikang Panturo
 Opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
 Ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at
kagamitang panturo sa mga silidaralan.
Kagawaran ng Edukasyon – Ordinansa Blg. 74 (Hulyo 14, 2009)
Isinainstitusyon ang gamit ng Inang Wika sa Elementarya o MTBMLE (Mother Tongue-Based Multilingual
Language Education)
Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC, "ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan
sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay
rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural."

Ang mga wika at diyalektong ito ay ginagamit sa dalawang paraan:


1. Bilang hiwalay na asignatura; at
2. bilang wikang panturo.
Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo pa rin sa mga paaralan. Ang magiging pokus sa kindergarten at
unang baitang ay katatasan sa pasalitang pagpapahayag.
Monolingguwalismo , Bilingguwalismo at Multilingguwalismo
Unang wika (L1)
Ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong
wika, mother tongue, arterial na wika, at kinakatawan din ng LI.
Ikalawang wika (L2)
Mula sa mga salitang paulit-ulit niyang nariring ay unti-unti niyang natututuhan ang wikang ito hanggang sa magkaroon
siya ng sapat na kasanayan at husay rito at magamit niya na rin sa pagpapahayag at sa pakikipag-usap sa ibang tao. Ito na
ngayon ang kanyang pangalawang wika o L2.
Ikatlong wika (L3)
Wikang natutuhan ng bata sa paglipas ng panahon. Dumarami pa ang mga taong nakasasalamuha niya,gayundin ang
mga lugar na kanyang nararating, mga palabas na kanyang napapanood sa telebisyon, mga aklat na kanyang nababasa, at
kasabay nito'y tumataas din ang antas ng kanyang pag-aaral.
Monolingguwalismo
Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England , Pransya
, South Korea , Hapon , at iba pa kung saan iisang wikang ang ginagamit na wika panturo sa lahat ng larangan o asignatura.
Iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastsan sa pang-araw-araw na
buhay.
Bilingguwalismo
Leonard Bloomfield (1935) isang amerikanong lingguwista
Ang bilingguwalismo ay bilang paggamit o pagkontrol ng tao dalawang wikang tila ba ang dalawang ito ay kanyang
katutubong wika .Tinatawag din itong “perpektong bilingguwal.”
John Macnamara (1967)
Ito ay isang taong may sapat na kakayahan sa apat na makrong kasanayan kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, at pagsulat ng isa pang wika maliban sa kanyang unang wika.
Uriel Weinreich (1953)
Ang paggamit ng dalawang wika na magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng nga
wikang ito ay bilingguwal
Cook at Singleton: 2004
Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit nya ang ikalawang wika nang matatas sa lahat ng
pagkakataon. Sa pananaw na ito , dapat magamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika nang halos hindi matutukoy kung
alin sa dalawa ang una at pangalawang wika. “ balance Bilingual .”
Bilingguwalismo sa Wikang Panturo
“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
Pambansang wikang Filipino. Hanggat walang itinatadhana ang batas , ang ang Ingles at Filipino ang Mananatiling mga
wikang opisyal ng Pilipinas .” - Artikulo 15 seksyon 2 at 3 ng saligang Batas ng 1973
Artikulo XV, Seksyon 3 (1973) Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsaad na
gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas ng elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o
pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974-1975.
Ang ilan sa mahahalagang probisyon sa nasabing kautusan ay ang sumusunod:
 Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa pagpapahayag sa mga wikang Pilipino at Ingles.
 Ang pariralang “bilingual education” ay binigyang-katuturan sa magka-hiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles
bilang mga wikang panturo mula Grade 1 pataas sa mga tiyak na asignatura.
Ang mga asignatura o araling dapat ituro sa Filipino
 Social Studies/Social Science
 Work Education,
 Character Education
 Health Education
 Physical Education.
Ingles naman ang magiging wikang panturo sa
 Science at Mathematics.
Multilingguwalismo
 Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal.
 Mayroon tayong mahigit 150 wika at wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal.
 Karamihan sa ating mga Pilipino ay nakakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang
katutubo o wikang kinagisnan.
Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE)
 Ipinatupad ng Deped ng K to 12 Curriculum ang paggamit ng unang wika bilang panturo partikular sa kindergarten
at Grades 1,2, at 3.
 Mas epektibo ang pagkatuto ng bata kung ang unang wika ang gagamitin sa kanilang pag-aaral.
 Base sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977), napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo
sa mga unang taon sa pag-aaral.
 Mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay
na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika.
19 Wikang Panturo sa unang taon ng MTE_MLE
 Tagalog
 Kapampangan
 Pangasinense
 Ilokano
 Bikol
 Cebuano
 Hiligaynon
 Waray Tausug
 Maguindanaoan
 Meranao
 Chavacano
 Ybanag – Tuguegarao City,Cagayan , Isabela
 Ivatan - Batanes
 Sambal - Zambales
 Aklanon – Aklan, Capiz
 Kinaray-a - Antique
 Yakan - Autonomous Region Of Muslim Mindano
 Surigaonon - Surigao City
Pangulong Benigno Aquino III
“We should become tri-lingual as a country. Learn English well and connect to the world. Learn Filipino well and connect
to our country. Retain your dialect and connect to your heritage.”
Heterogenous at Homogenous Na Wika
 Walang buhay na wika ang maituturing na “homogenous” dahil ang bawat isa ay binubuo ng mahigit isang barayti.
 Masasabing “homogenous” ang wika kung ang lahat ng gumagamit nito ay pare-parehong magsalita.
 Subalit hindi ganito ang wika dahil nagkakaroon ito ng pagkakaiba-iba kaya’t ipinakikita nito ang pagiging
“heterogenous” at ang barayti ng wika ang patunay nito.

Barayti ng Wika
Dayalek
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad
ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
Gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may
magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng
pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar.
Mga halimbawa ng Dayalek:
Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Baki ah?
Ilocos = Bakit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?

Idyolek
 Kahit na iisa ang wika ay may natatanging paraan ng pagsasalita ang bawat isa.
 Lumulutang ang mga katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
 Walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumibigkas nito nang magkaparehong- magkapareho.

Mga halimbawa ng Idyolek:

“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro

“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez

“Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio

“Hoy Gising!” ni Ted Failon

“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza

“I shall return” ni Douglas MacArthur

Sosyolek

 Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
Kapansin-pansin kung paano makikitang nagkakapangkat-pangkat ang mga tao batay sa ilang katangian.
Ayon kay Rubrico (2009) .Ang sosyolek ang pinakamahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang
nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa
mga grupo na kanilang kinabibilangan. Para matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal, kailangan niyang matutunan
ang sosyolek na ito.

A. Gay lingo (wika ng mga beke )


Isang halimbawa ng grupo ng mga beke na nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binabago nila
ang tunog o kahulugan ng salita.
Ang unang intensiyon sa paggamit nila ng wikang ito ay upang magkaroon sila ng sikretong lengguwaheng hindi
naiintindihan ng mga taong hndi kabilang sa kanila, subalit sa kasalukuyan , nagagamit na rin ito ng nakararami.

Halimbawa

 Becky - bakla
 Itetch - ito
 Anitch - ano
 Sinetch - sino
 Mudra - ina/nanay
 Pudra - ama/tatay
 Junakis - anak/bata
 Jowa - asawa/boyfriend
 Kalurkey - kaloka
 Anda - pera
 Waz - wala
 Chaka - pangit
 Gora - alis
 Kemero - pakialam ko
 Anita Linda, Aida - A.I.D.S.
 Ate Vangie - gamot pampatulog (Ativan Gang)
 Ate Vi - atrebida
 Backstreet Boys - cute guys sa likuran mo
 Givenchy - give, pahingi
 Indiana Jones - hindi sumipot
 Joana Paras - asawa
 Julanis Morisette, Reyna Elena - umuulan
 Julie Andrews - mahuli
B. Coño (coñotic o conyospeak)
Ito ay tinatawag na Taglish. Sa Taglish may iang salitang Ingles na ihnahalo sa Filipino kaya’t masasabing may code
swithing na nagyayari.
Ito ay karanirwang maririnig sa mga kabataang may kaya at nag-aaral sa mga ekslusibong paaralan.Ang ganitong uri
ng pagsasalita ay karaniwang ipinagtataas ng kilay ng nakararami.
Halimbawa :
Make + kain +na
Make + basa + lang
Make + lakad +pa
Halimbawa ng usapan
Kaibigan 1: let’s make kain na.
Kaibigat 2: Wait lang, I’m calling Anna pa.
Kabigan 3: Come on na. We’ll gonna make pila pa. it’s so haba na naman for sure.
Kabigan 4: I know right. Sige, go ahead na.

C. Jejemon (jejespeak)
Ito naman ay itinuturing na salita para sa mga “jologs” sinasabig ito ay nagmula sa pinaghalong jejeje na isang paraan ng
pagbaybay ng hehehe at ng salita mula sa Hapon na pokemon.
Jejetyping
ito ay nakabatay rin sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat ng may pinaghalo-halong numero, mga simbolo , at may
kasamang malalaki at maliliit na titik.
Halimbawa :

3ow poh , mUsZtAh na phow kaow? “ Hello po,Kamusta na po kayo?”

aQckuHh iT2h “ Ako , Ito .”

iMiszqcKyuH “ I miss you .“

MuZtaH “ Kamusta?”

D. Jargon
 Ang katagang jargon ay isang Ingles na salita na tumutukoy samga espesyal na salita o ekspresyon na ginagamit ng
isang partikular ng grupong mga taong propesyunal at mga espesyalista.
 Dagdag pa rito, ito ay ang uri ng wika na hindi madalingmaiintindihan, pati na ang mga konteksto nito, ng mga
taong hindi naman kasalisa isang partikular na grupo.
 Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga jargon na ginagamit ng mga inhinyero, mananalapi, at mgaabogado.
Ang ilang halimbawa ng jargons ay ang mga sumusunod:
1. AWOL - Absent Without Official Leave - Ginagamit ng mga may katungkulan at/o may mga employer
2. I-debit o i-credit - Ginagamit ng mga nagtapos ng Accountancy o may mga alam sa pagtutuos.accounting
3. Pa-void - Ginagamit sa mga transaction sa cashier
4. Involuntary Servitude - Ginagamit ng mga may alam sa batas o abogasya
5. I object - Ginagamit sa lehislatura at sa loob ng korte
6. G! - Ginagamit ng mga millennial na ang ibig sabihin ay "Go!“
7. Nagsha-sharp o Nagfla-flat - Ginagamit ng may mga alam sa musika
8. Ctrl-Alt-Delete - Ginagamit ng may mga alam sa kompyuter.

Etnolek
 Barayti ng wika mula sa mga etnolingguwistikong grupo.
 Ang salitang etnolek ay nagmula sa salitang etniko at dialek.
 Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.

Halimbawa:
Vakuul = tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o sa ulan
Bulanon= full moon
Kalipay = tuwa o ligaya
Palangga = mahal o minamahal
Ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna at dulo ng salita tulad ng
shuwa(dalawa)
sadshak (kaligayahan),
pershen (hawak)

Register
Isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika. Ito ay mas madalas nakikita o
nagagamit sa isang partikular na disiplina.
 Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse)
Ito ay naaayon ang wika sa sino ang nag-uusap. (para kanino)
 Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse)
Ito ay batay sa larangan na tinatalakay at sa panahon. (layunin)
 Paraan o paano nag-uusap (mode of discourse)
Ito ay pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap
Naiaangkop ng nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang
pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na katungkulan o kapangyarihan ,
nakatatanda, o hindi masyado kakilala.
Pormal na wika rin ang nagagamit sa mga pormal na pagdidriwang o pangyayari tulad ng mga sumusunod:
 Pagsisimba o pagsamba
 Seminar o pagpupulong
 Talumpati
 Korte
 Pagsulat ng sanay say
 Panitikan
Di- pormal na wika ang ginagamit sa paraang ito ng pagsasalita kung ang mga kausap ay ang mga sumusunod:
 Kaibigan
 Kapamilya
 Kaklase
 Kasing-edad
 Matagal nang kakilala

Pidgin at Creole

Pidgin
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native language’ o katutubong wikang
di pag-aari ninuman.

Nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika
kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa.

Mga Halimbawa ng Pigdin:


1. Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
2. Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
3. Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
4. Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko. Bibigyan kita ng diskawnt.)
5. Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang mataas ang iyong grado.)

Creole
Ang wikang nagmula sa pidgin ay nagiging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad ng
pidgin. Nagamit na ito ng mahabang panahon, kaya’t nabuo ito hangggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning
sinusunod na nag karamihan. Ito ngayon ang creole, ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang
lugar.
Mga Halimbawa ng Creole:
1. Mi nombre – Ang pangalan ko
2. Di donde lugar to? – Taga saan ka?
3. Buenas dias – Magandang umaga
4. Buenas tardes – magandang hapon
5. Buenas noches – Magandang gabi
Antas ng Wika

A. Salitang Pabalbal o Panlansangan


- Ang salitang maituturing na pinakamababang antas. Tinatawag rin itong mga salitang pangkalye o pangkanto o
mga salitang may kabalbalan o kalokohan .
Hal: lespu, ermat,

B. Kolokyal
- Ito ang salitang ginagamit sa mga okasyong impormal at isinasaalang-alang dito ang mga salitang madaling
maintindihan na ang paraan ay sa pamamagitan ng pagpapaikli sa isang salita.
Hal: meron ( mayroon ) , kelan ( kailan ) , rayko ( aray ko )

C. Panlalawigan
- Ito ang mga salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook. Maaaring mamatay ang ganitong salita
kung bibihirang gamitin o di na ginagamit.
Hal : bana – nangangahulugang asawa
nakain – na ang katumbas ng salitang kinain o kumain

D. Pambansa /Lingua Franca


- Ito ang mga salitang kilala o higit na ginagamit sa pook na sentro ng sibilisasyon at kalakalan.
- wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao
- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan

Halimbawa:
Asawa, Anak, Tahanan

E. Pampanitikan
- Ito ang uri ng wikang ginagamit sa mga akdang pampanitikan gaya ng tula, kuwento, sanaysay atbp. Maaari ring
isama sa antas na ito ang paggamit ng tayutay at mga pasawikaing pagpapahayag na nakatutulong upang maging mas
masining at mabisa ang isang paglalahad.
Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.
Halimbawa:

Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan
F. Pang-Edukado
- Ito ang wikang nasa pinakamataas na antas sapagkat mabisa ang paggamit ng wikang ito. Ang wikang ito ay
ginagamit sa silid-aralan ng mga paaralan, kolehiyo, pamantasan o sa mga pormal na talaka

Gamit ng wika sa Lipunan


Tungkulin ng wika ayon kay M.A.K Halliday
1. Instrumental-Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan
sa iba. Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang
produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga Halimbawa ng tungkuling ito.
2. Regulatoryo-Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. Ang pagbibigay
ng direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na lugar; direksiyon sa pagluluto ng isang ulam;
direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit; at direksiyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling
regulatoryo.
3. Inter-aksiyonal-Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa;
pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu; pagkukuwento ng malulungkot o
masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang-loob; paggawa ng liham-pangkaibigan; at iba pa.
4. Personal-Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo
ng panitikan.
5. Heuristiko- Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa
paksang pinag-aaralan. Kasama rito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa paksang
pinag-aaralan; pakikinig sa radyo; panonood sa telebisyon; at pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog, at mga aklat
kung saan nakakukuha tayo ng mga impormasyon.
6. Impormatibo-Ito ang kabaligtaran ng heuristico. Kung ang heuristic ay pagkuha o paghanap ng impormasyon, ito
naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Ang ilang halimbawa nito
ay pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong papel, tesis, panayam, at pagtuturo.
7. Imahinatibo / Imahinasyon- Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain. Sa pamamagitan ng wika napapagana
ang imahinasyon ng tao.Nakasusulat ang tao ng tula , maikling kuwento , atbp.
Si Jakobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng paggamit
ng wika.
1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive) Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon.
2. Panghihikayat (Conative)-Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng
pag-uutos at pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)-Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula
ng usapan.
4. Paggamit bilang sanggunian (Referential)-Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang
sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual) Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng
komento sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (Poetic)- Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa,
sanaysay, at iba pa.
Basahin ang kasaysayan ng wikang pambansa sa sangguniang aklat na Pluma
 Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa PANAHON NG MGA ESPANYOL
 Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO
 Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa PANAHON NG MGA AMERIKANO
 Kasaysayan ng Pambansang Wika sa PANAHON NG MGA HAPONES
 Kasaysayan ng Pambansang Wika sa PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG SA KASALUKUYAN

“ Pananalig sa Diyos at pag-aaral ng mabuti, ang susi ng tunay na tagumpay


at pagpupunyagi.”

Inihanda ni :
G. Mark Gil Ramos

You might also like