You are on page 1of 5

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA

B. PAG PAPALAWAK (SURIIN)


Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ay
isang katangiang unique o natatangi lamang sa tao. Ayon kay Chomsky (1965), ang
pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang
nilalang tulad ng mga hayop.
Kahulugan ng Unang Wika
- Ang unang wika ay tinatawag din bilang katutubong wika. Ito ay arteryal na
wika na natututunan natin mula ng tayo ay ipinanganak. Batayan para sa
pagkakakilanlang sosyolinggwistika ang unang wika. Bukod dito, ang unang
wika ang wikang madalas nating ginagamit sa pakikipagtalastasan sa loob ng
bahay.
Halimbawa ng Unang Wika
 Filipino para sa mga Pilipino
 Ingles para sa mga Amerikano

Kahulugan ng Pangalawang Wika


- Ang pangalawang wika ay tumutukoy sa anumang wika na natutunan ng tao
matapos niyang maunawaan ng lubos ang kanyang wikang kinalakihan o ang
kanyang sariling wika. Ang pagkakaroon ng pangalawang wika ay
maaaring bunga ng pag-aaral o kaya naman ay migrasyon.
- Isa ng halimbawa nito ay sa Pilipinas. Ang karaniwang unang wika ng mga
Pilipino ay Filipino. Ang pangalawang wika naman ay ang Ingles na maaring
matutunan sa paaralan o sa ibang paraan.
Kahuluhan ng Ikattlong Wika
- ang pangatlong wika ay natutunan sa lumalawak na mundo ng tao, maaaring
sa mga ibang nakakasalamuha, ibang lugar na nararating, palabas sa
telebisyon o aklat na binabasa.

Monolingguwalismo, Bilinguwalismo at Multilingguwalismo

Monolingguwalismo
Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng
iisang wika sa isang bansa tulad ng mga bansang England, Pransya, South
Korea at Hapon. Iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng
larangan o asignatura. May iisang wika ding umiiral bilang wika ng
edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng
pakikipagtalastasan sa pang araw-araw na buhay.

Bilingguwalismo
Maituturing mo ba ang sarili mo na bilingguwal? Bakit? Anong
pagkakahulugan ang maibibigay mo para sa salitang bilingguwalismo?
Binibigyan ng pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield (1935) –
isang Amerikanong lingguwista. Ang bilingguwalismo ay ang paggamit o
pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang
kanyang katutubong wika. Pahayag naman ni John Macnamara (1967) –
isa pa ring lingguwista “Ang bilingguwal ay isang taong may sapat na
kakayahan sa isa sa apat na markong kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang
wika maliban sa kanyang unang wika”. Tulad kay Uriel Weinreich (1953)
– isang lingguwistang Polish-American, sinasabing ang paggamit ng
dalawang wika nang magkasalitaan ay matatawag na bilingguwalismo at
ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.

Bilingguwalismo sa Wikang Panturo


Makikita sa Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973
ang probisyon para sa bilingguwal o pagkakaroon ng dalawang wikang
panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal
na transaksiyon sa pamahalan man o sa kalakalan.

Multilingguwalismo
Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150
wika at wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monilingguwal. Karamihan sa
ating mga Pilipino ay nakakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o
higit pang wikang katutubo o wikang kinagisnan. Mother Tongue Based-
Multilingual Education (MTB-MLE). Ipinatupad ng Deped ang K to 12 Curriculum
ang paggamit ng unang wika bilang panturo partikular sa kindergarten at Grades
1,2, at 3. Mas epektibo ang pagkatuto ng bata kung ang unang wika ang gagamitin
sa kanilang pag-aaral. Base sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977),
napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon
sa pag-aaral. Mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa
pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng
pangalawang wika. Walong (8) Wikang Panturo sa unang taon ng MTE_MLE -
Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, at
Waray. Wikang Panturo MTE-MLE -Tausug, Maguindanaoan, Meranao at Waray.
Wikang Panturo MTE-MLE pagkalipas ng isang taon may labing siyam na ang
wikang ginagamit ng MTB-MLE -Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon ,Kinaray-a
,Yakan ,Surigaonon. Samantalang Filipino at Ingles ang gagamiting wikang panturo
sa mas mataas na antas ng elementarya, gayundin sa sekundarya at sa kolehiyo.
Sabi nga ni Pangulong Benigno Aquino III
“We should become tri-lingual as a country. Learn English well and connect to the
world. Learn Filipino well and connect to our country. Retain your dialect and
connect to your heritage.”

Heterogenous at Homogenous na Wika


Barayti ng Wika

ANG HETEROGENEOUS AT HOMOGENEOUS NA WIKA

Ang pagiging homogenous o heterogenous ng isang wika ay


tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang porma o estandard na anyo nito o
kaya tumutukoy sapagkakaroon ng iisang porma o kaya ay pagkakaroon
ng iba't ibang porma o barayti

Heterogeneous Na Wika

Ang heterogeneous ay isang pang-uri na salita. Mula sa salitang


heterous (magkaiba) at genos (uri/lahi) nabuo ang heterogeneous.Dahil sa
pagkakaiba ng mga indibidwal at grupo ng tao, ayon sa lipunan na
kanyang ginagalawan, antas ng pamumuhay, edad, lebel ng edukasyon na
natamasa at interes sa buhay, nagkaroon ng ibat-ibang barayti ang ating
wika. Una ay ang permanenteng barayti kung saan ay nakasama dito ang
mga idyolek at dayalektong uri ng wika.
Halimbawa:Tagalog ang pangunahing wika ng Timog katagalugan ngunit
bawat lugar dito ay may ibat-ibang katangian ng wika mayroong Tagalog
Batangas, Tagalog Laguna, Tagalog Quezon.

Ang Homogeneos na Wika

Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa


paraan ng pagbabaybay at intonasyon o aksent sa pagbibigkas ito ay
nagkakaroon ng ibang kahulugan.

Halimbawa: Ang panghihiram natin ng mga salitang dayuhan at


pagbibigay ng sariling kahulugan dito. Halimbawa nito ay kung paanong
ang salitang "gimmick" na nasa wikang Ingles ay may kahulugang "pakulo
o paraan ng pagpukaw ng atensyon." Habang ngayon nagkaroon ito ng
kahulugan na "pamamasyal kasama ng mga kaibigan."
Barayti ng Wika

Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong


makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang
pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng wika sa
pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito.

Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula
sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan..Gumagamit ang
mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba angpunto o
tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na
salitapara sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng pangungusap na siyang
nagpapaiba sa dayalek ng lugar.Kahit na iisa ang wika ay may natatanging paraan
ng pagsasalita ang bawat isa.Lumulutang ang mga katangian at kakanyahang
natatangi ng taong nagsasalita. Ang sumusunod ay halimbawa ng barayti ng wika.

IDYOLEK

Walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumibigkas nito


nangmagkaparehong- magkapareho.Itinuturing din itong inbidibwal na dayalek ng
isang tao na makikita sa punto at paraan ng kanyang pagsasalita, vokabulari at iba
pang aspektong pangwika.

Hal:Magandang gabi, bayan" ni Kabayan Noli de Castro

SOSYOLEK

Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga


taonggumagamit ng wika. Kapansin-pansin kung paano makikitang
nagkakapangkat-pangkat angmga tao batay sa ilang katangian.Ayon kay
Rubrico(2009), ang sosyolek ang pinakamahusay na palatandaan ngistratipikasyon
ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ngmga
tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na
kanilangkinabibilangan. Para matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal,
kailangan niyangmatutunan ang sosyolek na ito.

Hal:Gay Linggo - "Hay naku ka gurl, nakakajines ka"

ETNOLEK

Barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo.Ang salitang etnolek


ay nagmula sa mga salitang etniko at dialek.Taglay nito ang mga salitang nagiging
bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.Halimbawa: Vakuul =
tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o saulan
Bulanon= full moon Ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna at dulo ng
salitatulad ng shuwa(dalawa) sadshak (kaligayahan), pershen (hawak).

Hal:Panghihiram ng salita - Ang paghiram natin ng salitang credit card mula


sa mga banyaga

PIDGIN

Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s


native language’ o katutubong wikang di pag-aari ninuman.Nangyayari ito kapag
may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may
magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika
ng isa’t isa.

Hal: Chinese Filipino“Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt”. (Suki, bumili
ka na ng paninda ko. Bibigyan kita ng diskawnt.)

CREOLE

Ang wikang nagmula sa pidgin ay nagiging likas na wika o unang wika na ng


batangisinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit na ito ng mahabang panahon,
kaya’t nabuo ito hangggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinusunod na
ng karamihan. Ito ngayonang creole, ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging
unang wika sa isang lugar.

Hal:Buenas dias. (Chavacano) (magandang umaga.)

You might also like