You are on page 1of 6

Komunikasyon kasanayang nabanggit.

Kailangang maiaplay ang apat na


kasanayang ito ayon sa kanilang pagkakasunud-sunod
KOMUNIKASYON, salitang sa biglang sabi ay payak
lamang ang kahulugan. Iba-iba ang mga konseptong
ipinahahayag ng mga dalubwika, mananaliksik at iba pang Pakikinig
eksperto sa larangan ng komunikasyon.
May mga dalubhasang nagpahayag ng konseptong, Gaano kahalaga ang pakikinig?
"Nagsisilbing behikulo ang komunikasyon upang ang bawat Ang pakikinig ay nagsisilbing tagapagpagunita ng ating
indibidwal na nag-uusap ay ganap na nagkakaunawaan." kamusmusan, tagapagpaalala ng ating kasalukuyan, at
tagapaghudyat ng ating hinaharap.
Ayon sa ilang mananaliksik, malaki ang papel na
ginagampanan ng komunikasyon upang malinang ang Sa alin mang uri ng propesyon, ang pakikinig ay
personalidad ng isang indibidwal lalo na ang pagkakaroon ng puhunan para mabilis at mahusay ang pakikipagtalastasan.
tiwala sa sarili upang maipahayag ang nilalaman ng isip at ang HALIMBAWA:
nararamdaman sa harap ng maraming tao. Ang pagsasabi ng pasyente sa sakit o karamdamang
kanyang nadarama ay mahalagang mapakinggan ng doktor
Mga Makrong Kasanayan upang mabigyan siya ng tamang pagsusuri sa bahaging dapat
Apat ang makro ng komunikasyon, ang pakikinig. gamutin.
pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Sa paglinang ng mga makrong
ito, interdisiplinari ang nagaganap, ibig sabihin magkakaugnay KAHULUGAN, KALIKASAN AT PROSESO NG PAKIKINIG
ang paglinang ng mga makro ng komunikasyon tungo sa KAHULUGAN
pagkatuto ng wika. 1. Ang pakikinig ay isang paraang interaktibo at di-pasibo na
nangangailangan ng higit sa itinatakdang lakas at pagsasanay.
Batay sa pag-aaral, may mga nakalaang porsyento ang 2. Hindi pasibo kundi aktibong paraan ng pagtanggap at pagbuo
bawat makro ng komunikasyon sa pang-araw-araw na takbo ng ng mensahe mula sa pinanggalingang tunog. Ito'y nakabatay sa
buhay ng isang indibidwal. kung ano ang nalalaman ng sinuman sa mga sistemang
ponolohikal, gramatikal, leksikal at kultural ng wika.
3. Ang kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang
sinasabi ng kausap. Ito'y kinapapalooban ng pag-unawa sa diin
at bigkas ng nagsasalita, ang kanyang balarila at talasalitaan,
kasama ang pagbibigay-kahulugan niya sa mga ito.

KATANGIAN NG PAKIKINIG
1. Natutuklasang makabuluhan ang bawat tunog o salitang
naririnig.
2. Puhunan para sa bilis at mahusay na pakikipag-ugnayan ng
tao sa kanyang kapwa.
3. Habang lumalawak ang kaalaman sa sistema ng pakikinig ay
lumalawak din ang kakayahang maunawaan ang diskursong
pasalita.
4. Ang kaalamang natatamo sa pakikinig ay magiging krusyal sa
kabuuang pag-unawa sa mensahe ng tagapagsalita at ng
Sinasabing pakikinig ang pinakapundasyon ng lahat ng tagapakinig.
makro. Ang pagsulat naman ang bunga ng pakikinig, pagsasalita
at pagbasa. Ang pagsasalita ay naiimpluwensyahan ng Itinala ni Willis (1981:134) ang talaan ng mga micro
pakikinig, sapagkat kapag nakikinig nang wasto sa kausap ang skills ng pakikinig na tinatawag niyang enabling skills tulad ng
isang indibidwal at nang siya ay tanungin nito nakasagot siya mga sumusunod:
nang pasalita. Samantala, ang pagbasa naman ay pormal na 1. Ang paghihinuna kung ano ang pag-iisipan ng mga tao.
natutunan sa pag-aaral. 2. Ang paghuhula sa hindi kilalang salita o parirala.
3. Ang sariling pagkaunawa sa paksa.
Isang katotohanan na marunong naman halos ang mga 4. Ang pagkilala / pagpapanatili ng panuto.
tao na makinig, magsalita, magbasa at magsulat. Ngunit ang
mga tanong, gaano kaepektibo ang pagkalinang ng mga makro Lahat ay kailangang makinig upang maging mahusay
ng komunikasyon? na komunikeytor kapag mahusay na napakinggan ang sinasabi
ng ispiker, magiging madali ang unawaan. May mga tao na
Parang magkakabuhol na bituka ang apat na hindi marunong makinig at palasabat sa usapan, kaya
kasanayang ito dahil hindi maaring paghiwalayin. Hindi rin nagkakaroon nang di ganap na unawaan.
maaaring hindi pagsunurin ang pagtalakay at pag-aaplay sa mga
Yugto/Proseso ng Pakikinig
Ang pakikinig ay isang komplikado na proseso. Ang konseptong maririnig ay mababatay sa sarili niyang kultura na
proseso ng pakikinig ay nahahati sa iba’t ibang yugto ayon sa nagdedetermina ng kanyang pag-unawa sa narinig.
pagkakasunod-sunod ng mga ito. Maaaring asahan na higit na mahusay na tagapakinig
1. Ang unang yugto ay RESEPSYON O PAGDINIG SA TUNOG ang mga taong naturuan ng mga tamang asal tulad ng
mapipikit natin ang ating mata ngunit hindi mo naisasara ang paggalang sa kapwa at may sariling disiplina.
iyong ang iyong tainga lagi itong bukas sa mga tunog sa mga 7. KONSEPTO SA SARILI
tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na iyon ang Ang pagkakaiba-iba ng ating pananaw ay maraming
nagdaraan sa auditory nerve patungo sa utak. makaimpluwensya sa proseso ng komunikasyon. Maaaring ang
2. Ang pangalawa ang REKOGNISYON O PAGKILALA SA TUNOG taong may malawak na kaalaman ay magkaroon ng sagabal sa
na kinikilala natin ang tunog hindi lamang bilang ingay kundi pakikinig sapagkat mataas ang pananaw sa sarill, at dahil dito
bilang reyalidad. ang ilang maririnig ay maaaring hindi paniwalaan o maunawaan
3. Ang pangatlo ay PAGBIBIGAY KAHULUGAN. Ito ay nakabatay dahilan sa taglay na konsepto sa sarili.
sa dalawang naunang yugto at kung gayo’y mahigpit na
nauugnay sa dalawa, ang pagbibigay kahulugan sa tunog ay Kailangang linangin sa bawat tao ang kanyang
higit na diskriminatibong yugto. kasanayan sa pakikinig upang ang lahat ay magkaroon ng
epektibong komunikasyon ngunit paano ito naisasakatuparan?
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG Narito ang ilang mungkahi:
1. Oras/Panahon 1. Pakinggan huwag lamang ang mga salita kundi maging
Sadyang may mga oras na ang ating pandinig ay mensahe.
handang-handa ngunit may mga oras ding kulang iyon sa 2. Tulungan ang kausap na linawin ang kanyang mensahe.
kahandaan.May tinatawag na oras de peligro na malaking 3. Ipagpaliban hanggat maaari ang iyong mga paghuhusga.
hadlang sa pakikinig. Mula alas dose ng tanghali hanggang mga 4. Kontrolin ang mga tugong emosyunal sa narinig.
alas dos ng hapon totoong nakakaantok lalo na at busog ang 5. Pagtuunan ang mensahe.
mga tagapakinig sapagkat katatapos lamang kumain ng 6. Pagtuunan din ng pansin ang istruktura ng mensahe.
pananghalian. 7. Patapusin ang kausap.
2. Edad
Mainiping makinig ang mga bata ngunit mas mahusay KATANGIAN NG KRITIKAL NA PAKIKINIG
ang kanilang memorya, kaya mas madali nilang matandaan ang Bago ilahad ang mga katangian ng kritikal na pakikinig,
kanilang napakinggan at mabilis nilang nauulit ang kanilang alamin natin na may iba't-bang uri ng pakikinig at isa lamang
naririnig. Sa kabilang banda, mas matiyagang makinig ang higit ang kritikal na pakikinig sa mga ito.
na nakatatanda kaya higit ang kanilang kakayahan sa pagunawa May kaswal na pakikinig at sa uring ito hindi gaanong
ng mga mensaheng pinakikinggan binibigyang-pansin ang napakikinggan kaya kadalasang walang
3. Kasarian maalala tungkol dito, sapagkat ito rin ang pakikinig na walang
Kung kasarian ang pag-usapan, mas mahaba ang tiyak na layunin.
pasensya ng mga babae sapagkat pinag-uukulan nila ng pansin Samantala, sa pakikinig naman na informal, may
ang mga detalye ng mga ideya, at mensaheng ibig iparating ng layunin naman ito bagamat mababaw lamang at hindi
tagapagsalita. Samantala, ang mga lalaki naman ay madaling nangangailangan ng napakalalim na pag-iisip. Sa ilalim ng
mabagot sa pakikinig lalo at paulit-ulit lamang ang sinasabi ng pakikinig na ito, kabilang ang pakikinig upang may makilala,
kanilang pinakikinggan. Mas ibig nila ang mga diretsong makakuha at makapagdala ng panuto, makagawa ng buod,
pagpapahayag. gayon din ng balangkas ng isang kwento, makakuha ng ilang
4. TSANEL tala at matandaan ang mga ito at makapagsunudsunod ng mga
Ang tsanel ang sinasabing daluyan ng komunikasyon. pangyayari.
Sa pamamagitan nito, ang mensahe mula sa enkowder ay Ano naman ang kritikal na pakikinig? Ang kritikal na
naipadadala sa dekowder ng tsanel ng komunikasyon na pakikinig ay nangangailangan ng mas malalim na
nangangailangan ng pagsasalita, at pakikinig ay ang telepono, konsentrasyon at pag-iisip. Lubhang nakafokus aat aktibo ang
radyo, cassette recorder, CD/DVD player, cell phone at isip ng tagapakinig sa mga ideyang nararapat suriin at bigyan ng
telebisyon, ang mga ito ay bunga ng pag-unlad ng syensya at kaukulang atensyon.
teknolohiya. Madalas, ang daluyan ng tunog ay nagiging
sagabal sa pakikinig. Kapag ika’y nakikipagusap sa telepono o Uri ng Kritikal na Pakikinig
radio, magiging malabo ang pagkakadinig mo sa mga salita 1. DISKRIMINATIBO
5. LUGAR/KAPALIGIRAN Layunin ng kritikal na pakikinig na ito na mataya ang
Isang lugar na malinis, tahimik, maliwanag at malamig kahulugan ng mensahe magbigay-puna sa mga pagkakatulad at
ang kailangang kapaligran upang efektibong makapakinig ang pagkakaiba, makakuha ng mga pagpapahalagang moral at iba
isang indibidwal. Malaki ang nagagawa ng kapaligiran at pang layuning nangangailangan ng mataas na antas ng pag-
sitwasyong kinaroroonan ng tagapakinig sa paraan ng kanyang unawa
pakikinig. 2. PAHUSGA
6. KULTURA Pakikinig na may layuning magbigay ng paghatol o
May sagabal sa pag-unawa ng mga konseptong sariling reaksyon tungkol sa napakinggan na mga pangyayari..
naririnig kung iba ang kultura ng taong nakikinig. Ang mga 3. MAGPAHALAGA
Pinahahalagahan ang pagiging masining ng “Often, whether realizing it or not, people listen to
napakinggang talumpati, tula, dulang dramatiko o kaya'y mga each other out of generosity, not out of curiosity,” pahayag ni
musikal na pagtatanghal. Ajit Singh ng Artiman Ventures at tagapayong propesor ng
School of Medicine sa Stanford University. “Listening is good,
Narito naman ang mga katangan ng kritikal na but the intent has to be curiosity, not generosity. True dialogue
pakikinig: does not happen when we pretend to listen, and it certainly
1. Humahamon ng malalim na pag-iisip. cannot happen if we are not listening at all.”
2. Nakikilala ang pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon. 2. PAHINGAHIN ANG MGA INIISIP
3. Nauunawaan ang nakatagong kahilingan at damdamin ng Habang hindi mo kontrolado ang pag-iisip ng iba,
mensahe. maaari mo namang kontrolin ang sa’yo at ‘yun ay ang
4. Naeebalweyt o natataya ating mga ekspresyong di-verbal ng pagpapatahimik sa sariling iniisip para sa epektibong pakikinig.
nagsasalita. 3. MAGTANONG
5. Nahuhusgahan ang katumpakan, kabutihan at kasamaan ng Isa sa mga pinakasimpleng paraan upang maging
mga ideya. epektibong tagapakinig ay ang pagtatanong kumpara sa
6. Nasusuri ang pagkakalahad ng mga ideyang napakinggan. pagbibigay ng sagot, ayon kay Gregersen. Sa pagtatanong,
nakakagawa ka ng ligtas na espasyo para sa ibang tao na bigyan
MGA URI NG TAGAPAKINIG ka ng purong katotohanan
1. TWO-EARED LISTENER 4. ULITIN ANG IYONG NARINIG
Ito ang pinakamagaling at epektibong Ugaliin ang aktibong pakikinig. Ang simpleng konsepto
tagapakinig.Ginagamit ang kanyang tainga at isip. nito ay ang pag-ulit sa sinabi ng iyong kausap base sa iyong
2. EAGER BEAVER narinig. Kung umayon ang nagsasalita sa iyong narinig, maaari
Ang uri ng tagapakinig na mapagkunwari. Ngiti nang na kayong umusad, kung hindi nama’y, maaaring ipahayag muli
ngiti o kaya’y tango nang tango habang may nagsasalita sa sa ibang paraan ng kausap ang mga sinabi nito hanggang sa
harapan. Makikita sa kanyang mga mata ang kawalan ng pokus maintindihan mo.
kaya isang malaking tanong kung naiintindihan ba niya ang Habang nakakasanayan ang pakikinig, mapapansin
kanyang narinig. mong mas maraming tao ang mapapalapit sa’yo para hingin
3. BEWILDERED ang iyong opinyon at tugon.
Wala siyang alam o malay sa mga paksang narinig.
Masasapantaha ito sa pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot
at anyong pagtataka sa kanyang mukha. Pagsasalita
4. BUSY BEE
Isang captive na tagapakinig hindi nakikinig ngunit Ang pagsasalita ay isang makro ng komunikasyon na
hindi naman makaalis lalo na kung nasa loob ng klasrum. Abala may 30% bahagdan na ginagamit ng isang indibidwal sa araw-
sa ibang gawain gaya ng araw na takbo ng kanyang buhay.
pagsusulat,pagdodrowing,pagmemake-up at iba pang mga Samakatuwid, ang pagsasalita ang daan upang buong
gawaing walang kaugnayan sa pakikinig. layang maipahayag ng tao ang kanyang karapatan, niloloob at
5. SLEEPER damdamin.
Tagapakinig na naka-upo sa isang tahimik na sulok ng
silid ipinapikit ang mga mata at untiunting inihilig ang ulo Kahalagahan ng Pagsasalita
hanggang sa makatulog. 1. Nagiging mabilis at makatotohanan ang pagsulong ng
6. FROWNER kabihasnan sapagkat sa pamamagitan ng kakayahan ng taong
Siya ay tagapakinig na wari ba’y laging nagdududa at makipag-unawaan sa kanyang kapwa ay nagagamit sa
may katanungan sa bawat narinig. pagsasalita.
7. TIGER 2. Sa pamamagitan ng pagsasalita ay nagkakaroon ng
Laging naghihintay ng mga kamalian o maling pagkakataon na makipagpalitangkuro,makapagsalaysay ng mga
sasabihin ng mga tagapagsalita. Para siyang tigre kung karanasan ang isang tao.
sumugod at magtanong kung nagkamali ang speaker. 3. Magbahagi at magpamana ng karunungan sa mga
sumusunod na salinlahi.
PAANO MAGING EPEKTIBONG TAGAPAKINIG? 4. Ang karunungang natatamo sa pamamagitan ng pakikipag-
MAHIRAP ang pakikinig dahil madalas tayo’y usap ay higit na mabilis at marami.
maraming inaalala lalo na sa ating mga pansariling agenda, 5. Sa pagtatagumpay ng tao sa kanyang mga hangarin sa buhay
ayon kay Hal Gregersen, executive director ng MIT Leadership ay nakasalalay sa kanyang kakayahang magsalita sa paraang
Center. “It’s really hard to walk into agenda conversation mabisa, may pang-akit at kapani-paniwala.
without my agenda being written on my forehead and your 6. Madaling makakuha ng kaibigan at kapalagayang-loob ang
agenda written on yours,” isang mahusay magsalita.
7. Higit na may oportunidad at nakalalamang ang isang taong
ILANG PARAAN PARA MAGING EPEKTIBONG TAGAPAKINIG mahusay magsalita.
1. MAKINIG PARA MATUTO, HINDI PARA MAGING 8. Higit na nakadarama ng katuparan at kaganapan ng kanyang
MAGALANG pagkatao o pakikipagkapwa sapagkat naihahayag niya nang
lubos ang kanyang damdamin, naisasalaysay ang kanyang mga 9.6 Pagsusuri kung opinyon o katotonanan ang
karanasan at maisasalin ang kanyang kaalaman sa pinakamadali pahayag.
at pinakatiyak na paraan. 9.7 Pagbibigay-puna sa reaksyon sa inilahad na ideya.
9. Magagamit din ang kasanayan sa pagsasalita sa ibat ibang
pagkakataon, kasama na ang mga gawaing pang-akademiko. MGA KASANAYAN SA PAGSASALITA
Kailangang sumagot sa loob ng klasrum, mag-ulat sa ibat ibang MGA KASANAYANG DI-PORMAL SA PAGSASALITA
sabjek, magtalumpati kung kinakailangan, mag-interbyu ng mga 1. PAKIKIPAG-USAP
tao, magkwento, magpaliwanag mangatwiran at iba pa Ang pagpapalitan ng kaisipan at damdamin sa
pamamagitan ng mga salita ay tinatawag na pakikipag-usap.
SALIK SA EPEKTIBONG PAGSASALITA Ang karanasan sa pakikipag-usap ay nakatutulong sa isang tao
Upang nakapagsalita ang isang tao, kailangan ang upang maging matalas ang pakiramdam: Maaari na sa
tatlong salik nito. pamamagitan ng pakikipag-usap ay maunawaan niya ang
1. Pinanggagalingan ng lakas o enerhiya. pananaw sa buhay ng ibang tao. Natututo tayo ng mahalagang
2. Pumapalang na bagay o artikulador bagay tungkol sa ating kapwa at ang ibang tao naman ay
3. Patunugan o resonador natututo ng mahahalagang bagay tungkol sa atin.
2. PAGPAPAKILALA SA SARILI O SA IBANG TAO
ANG TAKOT SA PAGSASALITA SA HARAP NG MADLA May mga paraan upang maipakilala ang isang tao.
Ang pinakamabuting paraan ng paglaban sa takot ay Una, ipakilala sa isa't isa ang mga taong hindi
ang pagharap at hindi ang pagtalikod dito magkakilala sa inyong pangkat.
STAGE FRIGHT Ikalawa, unahing banggitin ang pangalan ng taong nais
Ito ay tawag sa takot sa pagsasalita sa harap ng madla. bigyan ng espesyal na paggalang tulad halimbawa ng mga
Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling gramar nakakatanda o yaong nasa mas mataas na katungkulan.
maling bigkas o masagwang tindig o postyur. Ikatlo, pakinggang mabuti ang pangalan ng taong
ipinakikilala sa atin. Kung hindi napakinggang mabuti ang
Ang unang tip sa kung paano madaig ang takot sa kanyang pangalan, magalang nating hilingin sa kanya na ulitin
pagsasalita sa publiko ay ihanda ang iyong sarili sa pisikal at ito.
mental upang maiwasan kang mabalisa kapag nagsasalita ka at 3. Pakikipag-usap sa Telepono
mapansin ito ng madla. Sa pamamagitan ng telepono, nakakapagpalitan ng
mga impormasyon at karanasan. May mga wastong
GLOSSOPHOBIA pamantayang dapat na isaalang-alang sa pagtawag sa telepono.
Ang takot sa pagsalita sa harap ng madla. 3.1 Magsalita nang malinaw at marahan. 3.2
Planuhing mabuti ang sasabihin bago tumawag.
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA ISPIKER 3.3 Tiyakin kung sino ang kakausapin bago tumawag.
1. May maayos na kaanyuan,may personalidad, wastong 3.4 Itanong sa operator ang pangalan ng taong
pananamit, magandang tindig at kagalanggalang. maaaring makapagbigay ng kinakailangang impormasyon at
2. May layunin at lubos na kaalaman sa paksa na ibinabagay sa sabihing nais mo siyang kausapin.
pinag-uukulan at sa okasyon. 4. Pagbibigay ng Direksyon at Panuto
3. May matatag na damdamin at malawak na kaisipan. Sa pagbibigay ng direksyon at panuto sa iba, maaaring
4. May kasanayan sa wika, retorika at balarila. ito ay may kinalaman sa pagsasagawa ng isang gawain,
5. Kawili-wili ang tinig, wasto ang intensyon. pagtatamo ng isang bunga o resulta, o pagpunta sa isang lugar.
6. Malinaw ang pagbigkas ng mga salita. Sa kasanayang ito, kailangang isama ang lahat ng
7. May nalilinang na ugnayan sa pagitan ng taong nagsasalita at mahahalagang detalye o impormasyon tulad ng mga pangalan
ng mga nakikinig. Nagiging magiliw, magalang, maninanon at at sanggunian, deskripsyon, at mga paalaala o babala na may
marunong makiungo sa tao. kaugnayan dito
8. Malaki ang tiwala sa sarili na maipakita ang kasanayan sa 4. Pagkukwento
paggamit ng mga angkop na galaw at kumpas upang tawagin Isang impormal na kasanayan sa pagsasalita ang
ang pansin ng mga nakikinig. pagkukwento na may yan na pagkatapos mapanood ang isang
9. Kailangang bigyan-pansin din ng ispiker ang mga kompetensi pelikula, ikinukwento sa mga nakilala, kaanak at kaibigan.
sa pagsasalita na dapat linangin. lto ay ang mga sumusunod: Kapag may karanasang masaya, malungkot, nakakatakot o
9.1 Pagkuha at pagpapaliwanag sa mga isyu at nakakainis o kaya naman ay hindi malilimutang mga
konsepto. naranasan,naikukwento natin ito sa mga taong malapit sa atin.
9.2 Paghahambing sa mga ideya. 5. PAKIKIPAGDEBATE
9.3 Pagsusuri sa himig ng teksto Pagtatalo tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu.
9.4 Sub-kontexto ng pagsasalita kung paano Bagamat impormal ang kasanayang ito, nalilinang naman ang
pahahalagahan ang mga sinasabi sa pamamagitan ng pag- pagiging matalas na pag-iisp ng isang indibidwal upang
unawa dito. makapangatwiran na mabuti.
9.5 Pagbibigay ng halimbawa ayon sa konseptong
ibinigay. MGA PORMAL NA KASANAYAN
1. Masining na Pagkukwento
Isang sining ang pagkukwento na naglalaman ng isang Walang tiyak na paksa o problema sa uring ito. May
akdang pampanitikan na nagsasaad ng mga pangyayaring grupo ng mga tagapagtanong (maraming mga reporter) ang
maaaring totoo o kaya ay likhang-isip lamang. May ilang nagtatanong sa isang eksperto o kilalang tao tungkol sa isang
pamantayang dapat sundin sa masining na pagkukwento. Ito ay paksa sa layuning makakuha ng mga impormasyon kaugnay ng
ang mga sumusunod: 1.1 Tiyaking alam na alam ang iba't ibang problemang panlipunan o pulitikal.
ikukwento. 5. Newscasting o Pagbabalita
1.2 Balangkasin sa isip ang kwento bago magsalaysay. Ito ay kasanayan sa pagsasalita na pagsasahimpapawid
1.3 Iwasang ikwento ang mga di-mahalagang bahagi. ng mga pang araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan,
1.4 Gumamit ng mga angkop na salita sa sa mga sakuna, sa industriya, sa agham at iba't ibang paksa sa
pagkukwento. loob at labas ng bansa. May layuning maghatid sa madla ng
1.5 Isalaysay ang kwento na parang nakikipag-usap. mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng
1.6 Sikaping maging masigla sa pagkukwento. pinakamadaling paraan ng pakikipagtalastasan. Ito ay ang radyo
1.7 Bigkasing malinaw ang mga salita. at telebisyon.
2. Balagtasan MGA KATANGIAN NG ISANG NEWSCASTER
Uri ng tulang patnigan na may layunin na pagtatagisan 1. Pagkakaroon ng kasanayan sa wikang Ingles at Filipino.
ng talino sa paraang patula. Tatlo lamang ang participant na 2. Marunong magdala ng isang diskusyon.
pinangungunahan ng Lakandiwa at dalawang mambabalagtas 3. May nalalaman tungkol sa kanyang ibinabalita.
na nagtatagisan ng katwiran. Ang isa ay maaaring sang-ayon at 4. May tiwala sa kanyang sarili.
ang isa ay di sang-ayon sa paksang pinagtatalunan. 5. Malakas ang loob.
3 Pakikipanayam 6. Kahali-halina ang tinig
Ito ang interview sa Ingles na ang kahulugan ay 6 Pagtatalumpati
pakikipag-usap o pakikipagpulong ng isang taong kumakalap ng Isang sining ng pasalitang pahayag na ang layunin ay
mga impormasyon sa isang tao na makukunan niya ng mga makaakit at makahikayat sa mga nakikinig sa mahalagang
impormasyon. paksang inilalahad.
4. Pangkatang Talakayan
Isang kasanayan sa pagsasalita na tuwirang pag-uusap Apat na Paraan ng Pagbigkas ng Talumpati
ng isang maliit na pangkat ng mga tao. Ang mga kasama sa 1. Pagbasa sa isinulat na talumpati.
talakayan ay nagpapalitan ng mga temang pinag-uusapan. 2. Pagbigkas mula sa balangkas ng talumpati.
May iba't ibang uri ng pangkatang talakayan gaya ng 3. Pagbigkas mula sa buod ng mahahalagang paksang-diwa ng
mga sumusunod: talumpati.
4.1 Lecture - Forum 4. Pagbigkas nang hindi pinaghandaan o extemporaneous.
Katulad ng simposyum iisa lamang tagapagsalita.
4.2 Panel Discussion TATLONG KATANGIAN NG ISANG MANANALUMPATI
Impormal na talakayan ng tatlo hanggang anim na 1. Kaalaman
kasapi na naglalayong mapag-usapan at malutas ang isang Maaaring gamitin ang pagmamasid, pagbabasa at
problema o isyu sa harap ng mga manonood o tagapakinig. masusing pag-aaral upang umunlad ang kaalaman.
4.3 Simposyum 2. Pagtitiwala sa Sarili
Isa itong kalipunan ng mga di kahabaang talumpati na Hindi magkakaroon ng tiwala sa sarili kung hindi sapat
binibigkas ng iba't ibang tagapagsalita sa lugar ng mga ang kaalaman at kahandaan sa talumpating bibigkasin.
tagapakinig. Sa halip na makahanap ng mga solsyon tungkol sa 3. Kasanayan
isang problema, layunin nitong maglahad ng iba-ibang pananaw Sanayin ang sariling magsalita nang malakas at
tungkol sa itinakdang paksa. Karaniwang kontrolado ng isang malinaw sa himig na nakikipag-usap.
tagapamuno ang simposyum. Inilalahad niya ang paksa,
gayundin ipinakikilala niya ang mga tagapagsalita at siya rin ang MGA DAPAT TANDAAN SA IBABAW NG TANGHALAN KAPAG
namamahala sa malayang talakayan pagkatapos magsalita ng BUMIBIGKAS NG TALUMPATI
lahat. 1. Tindig
4.4 Round Table Discussion Mahalaga ang tindig sapagkat sa pamamagitan nito ay
Binubuo ito ng apat o higit pang eksperto sa isang masusukat kaagad ng mga tagapakinig kung anong uri ng
paksa na nagpapalitan ng mga pananaw o kuru-kuro tungkol sa mananalumpati ang nasa harap.
isang nadaramang problema.
4.5 Malayang Talakayan (Open Forum)
Tinatawag ng moderator ang ilang tagapakinig na nasa 2. Galaw
audience na ibig magsalita tungkol sa isyung pinag-uusapan. Kung nasa tanghalan, dalawa ang uri ng galaw na
Kapag tapos ng magsalita ang lahat, maaaring ibuod ng tinutukoy. Una, ang galaw ng katawan, kung lumilipat sa iba't
moderator ang mga pananaw na ibinigay o kung kinakailangan, ibang panig ng entablado o ang galaw ng bahagi ng katawan
mamumuno siya sa pagbobotohan tungkol sa isang isyung kung kumukumpas, ang bawat galaw ay dapat na may
kailangang mapagkakasunduan. kahulugan.
4.6 Meet the Press 3. Kumpas
Gumagamit ng kumpas upang bigyang-din ang
ipinapahayag.
4. Tinig
Iba't ibang pagpapakahulugan ang maibibigay sa isang
pahayag dahil sa tinig. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng
pag-iiba-iba ng bigkas, diin,intonasyon, hinto at uri ng nig.
Bibihirang maging likas sa tao ang magandang tinig sa
pagsasalita. Naaangkin ito sa tulong ng matyagang pag-aaral at
pagsasanay

You might also like