You are on page 1of 91

KASAYSAYA

N AT PAG-
UNLAD NG
WIKANG
FILIPINO
PANAHON NG
KATUTUBO
Baybayin ang tawag sa
katutubong paraan ng pagsulat
Binubuo ito ng labimpitong
(17) titik: tatlong (3) patinig at
labing-apat (14) na katinig
BAYBAYIN
 Ang mga katinig ay binibigkas na may

kasamang tunog ng patinig na /a/. Kung
nais basahin o bigkasin ang mga katinig
na kasama ang tunog na /e/ o /i/,
nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas.
Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/
ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig,
. inilalagay.
tuldok sa ibaba nito ang
 Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang
anumang tunog ng patinig na kasama ng katinig
sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng
panandang kruz (+) bilang hudyat sa pagkakaltas
ng huling tunog.
 Gumagamit ng dalawang pahilis
na guhit // sa hulihan ng
pangungusap bilang hudyat ng
pagtatapos nito.
Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang
PANAHON sistema ng ating pagsulat.

NG  Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong


Romano na binubuo naman ng 20 titik, limang (5)
KASTILA patinig at labinlimang (15) katinig.
a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
ang isa sa naging layunin ng
pananakop ng mga Kastila.
 Ngunit nagkaroon ng suliranin
hinggil sa komunikasyon.
Nagtatag ang Hari ng Espanya ng
mga paaralang magtuturo ng wikang
Kastila sa mga Pilipino ngunit ito ay
tinutulan ng mga prayle.
Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-
aral ng mga wikang katutubo.
1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang
rehiyon kaysa ituro ito sa lahat ang Espanyol.
2. Higit na magiging kapani-paniwala at
mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita
ng katutubong wika.
• Ang mga prayle’y nagsulat ng mga
diksyunaryo at aklat-panggramatika,
katekismo at mga kumpesyonal para sa mabilis
na pagkatuto nila ng katutubong wika
Naging usapin ang tungkol sa wikang panturong
gagamitin sa mga Pilipino.
Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo sa
pagtuturo ng pananampalataya subalit hindi naman ito
nasunod.
Gobernador Tello – turuan ang mga Indio ng wikang
Espanyol
Carlos I at Felipe II – kailangang maging bilinggwal
ang mga Pilipino
 Carlo I – ituro ang doktrinang Kristiyana sa
pamamagitan ng wikang Kastila
Noong Marso 2, 1634, muling inulit
ni Haring Felipe II ang utos tungkol
sa pagtuturo ng wikang Kastila sa
lahat ng katutubo
 Hindi naging matagumpay ang mga
kautusang nabanggit kung kaya si
Carlos II ay naglagda ng isang dekrito
na inuulit ang mga probisyon sa mga
nabanggit na batas. Nagtakda rin siya
ng parusa para sa mga hindi susunod
dito.
Noong Disyembre 29,
1792, nilagdaan ni Carlos
IV ang isa pang dekrito na
nag-uutos na gamitin ang
wikang Kastila sa mga
paaralang itatatag sa lahat
ng mga pamayanan ng
Indio.
Sa panahong ito, marami
na ring mga Pilipino ang
naging matindi ang
damdaming nasyonalismo.
Nagtungo sila sa ibang
PANAHON NG bansa upang kumuha ng
PROPAGANDA mga karunungan.
 Dr. Jose Rizal, Graciano
Lopez-Jaena, Antonio Luna,
Marcelo H. del Pilar
Sa panahong ito ay
maraming akdang naisulat sa
wikang Tagalog. Pawang
mga akdang nagsasaad ng
pagiging makabayan,
masisidhing damdamin laban
sa mga Kastila ang
pangunahing paksa ng
kanilang mga isinulat.
Nagsimula na naman ang
pakikibaka ng mga Pilipino
nang dumating ang mga
Amerikano sa pamumuno ni
PANAHON NG Almirante Dewey
AMERIKANO Ginamit nilang
instrumento ang edukasyon
na sistema ng publikong
paaralan at pamumuhay na
demokratiko
Mga gurong sundalo na tinatawag na
Thomasites ang mga naging guro noon.
William Cameron Forbes – naniniwala ang
mga kawal Amerikano na mahalagang
maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang
Ingles upang madaling magkaunawaan ang
mga Pilipino at Amerikano
Nagtatag ng lupon si Mc Kinley na
pinamumunuan ni Schurman na ang layunin ay
alamin ang pangangailangan ng mga Pilipino
1. Isang pambayang paaralan ang kailangan ng
mga Pilipino
2. Mas pinili ng mga lider-Pilipino na gamitin
bilang wikang panturo ang Ingles
Jorge Bocobo – naniniwalang ang lahat ng
sabjek sa primaryang baitang, kahit na ang
Ingles ay dapat ituro sa pamamagitan ng
diyalektong lokal
N.M Saleeby, isang Amerikanong
Superintende – kahit na napakahusay ang
maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay
hindi pa rin ito magiging wikang panlahat
dahil ang mga Pilipino ay may kani-
kaniyang wikang bernakular na nananatiling
ginagamit sa kanilang mga tahanan at sa iba
pang pang-araw-araw na gawain
Bise Gobernador Heneral
George Butte – naniniwalang
epektibong gamitin ang mga
wikang bernakular sa pagtuturo
sa mga Pilipino
Labag man sa iniutos ni Mc
Kinley na gamiting wikang
panturo ang mga wikang
bernakular sa mga paaralan ay
nanatili pa rin ang Ingles na
wikang panturo at pantulong
naman ang wikang rehiyonal
Sa pagnanais na burahin
ang anumang
impluwensiya ng mga
PANAHON Amerikano, ipinagamit
NG nila ang katutubong wika
HAPONES partikular ang wikang
Tagalog sa pagsulat ng
mga akdang pampanitikan.
 Ito ang panahong
namayagpag ang panitikang
Tagalog.
 Ipinatupad nila ang Order
Militar Blg. 13 na nag-uutos na
gawing opisyal na wika ang
Tagalog at wikang Hapon
Saligang Batas noong 1935, Seksyon
3, Artikulo XIV – “Ang Kongreso ay
PANAHO gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
N NGA wikang pambansa na batay sa isa sa
MALASA mga umiiral na katutubong wika.”
RILING Dahil sa probisyong ito, itinatag ni
Pangulong Quezon ang Surian ng
PAMAHA Wikang Pambansa na ngayon ay
LAAN Sentro ng Wikang Filipino upang
mamuno sa pagaaral sa pagpili ng
wikang pambansa.
Nilikha ng Batasang Pambansa
ang Batas Komonwelth Blg. 184
– opisyal na paglikha ng Surian
ng Wikang Pambansa noong ika-
13 ng Nobyembre 1936
Ang tungkulin nito ay
magsagawa ng pananaliksik,
gabay at alituntunin na magiging
batayan sa pagpili ng wikang
pambansa ng Pilipinas
Si Jaime C. de Veyra ang naging tagapangulo
ng komite
Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng
wikang tatawaging Wikang Pambansa
 Ipinalabas noong 1937 ng Pang. Quezon ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 –
nagaatas na Tagalog ang batayan ng wikang
gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa
Ilang dahilan kung bakit
Tagalog ang napiling batayang
wika :
1. Mas marami ang
nakapagsasalita at nakauunuwa
ng Tagalog kumpara sa ibang
wika
2. Mas madaling matutuhan ang
Tagalog kumpara sa ibang
wikain sapagkat sa wikang ito,
kung ano ang bigkas ay siyang
sulat
3.Tagalog ang ginagamit sa
Maynila at ang Maynila ang sentro
ng kalakalan sa Pilipinas
4. Ang wikang Tagalo ay may
hostorikal na basehan sapagkat ito
ang wikang ginamit sa himagsikan
na pinamunuan ni Andres Bonifacio
5. May mga aklat na panggramatika
at diksyunaryo ang wikang Tagalog
Dahil sa pagsusumikap ni Pang.
Quezon na magkaroon tayo ng
wikang pagkakakilanlan, hinirang
siyang “Ama ng Wikang
Pambansa”
Kautusang Tagapagpaganap Blg.
263 noong Abril 1940 –
nagpapahintulot sa
pagpapalimbag at paglalathala ng
Talatinigang Tagalog-Ingles at
Balarila sa Wikang Pambansa.
Pinasimulan ang pagtuturo
ng wikang pambansa sa mga
paaralan pampubliko at
pampribado sa buong bansa
23
 Pinagtibay ng Batas
Komonwelth Blg. 570 na
ang Pambansang Wika ay
magiging isa na sa mga
wikang opisyal ng Pilipinas
simula sa Hulyo 4, 1940
Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang
Proklamasyon Blg. 12 noong Marso 26, 1954 na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa ay magaganap mula sa ika-29 ng Marso
hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-
kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2)
Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang Proklamasyon
Blg. 186 noong Setyembre 23, 1955 na nag-uutos sa
paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika13
hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng
kahalagahan sa kaarawan ni Pang. Quezon (Agosto
19)
Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni
Gregorio Hernandez, Direktor ng
Paaralang Bayan ang Sirkular 21 na nag-
uutos na ituro at awitin ang Pambansang
Awit sa mga paaralan
Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero
ng Kagawaran ng Edukasyon ng
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong
Agosto 13, 1959 na nagsasaad na
kailanma’t tutukuyin ang Wikang
Pambansa, ang salitang Pilipino ang
gagamitin
Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na
nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga
pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan ng
pamahalaan noong Oktubre 24, 1967 25
Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas,
Kalihim Tagapagpaganap, ang Memorandum
Sirkular Blg. 96 na nag-aatas ng paggamit ng
wikang Pilipino sa mga opisyal na
komunikasyon sa mga transaksyonng
pamahalaan
Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo
29, 1972 na humihiling sa lahat ng tanggapan
ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika
Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon
2 at 3 – “Ang Batasang Pambansa ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi
binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang
mananatiling mga wikang opisyal ng
Pilipinas”
Hunyo 21, 1978, nilagdaan ng Ministro ng
Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang
Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos
na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasang antas
Nabagong muli ang Konstitusyon nang
sumiklab ang Edsa I noong Pebrero 25, 1986 at
nahirang na pangulo ng bansa si Gng. Corazon
C. Aquino
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, nasasaad tungkol sa wika:
 Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles • Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat
ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol
 Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang
pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at
mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili
Noong Enero taong 1987, sa bias ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117
na nilagdaan ni Pangulong Corazon
Aquino, nilikha ang Linangan ng
mga Wika sa Pilipinas (LWP)
 Noong Mayo 21, 1987 nagpalabas
ng Kautusang Pangkagawaran Blg.
52 si Kalihim Lourdes R.
Quisimbing ng Kagawaran ng
Edukasyon, Kultura at Isports na
mas kilala sa Patakarang
Edukasyong Billingwal ng 1987.
Mayo 27, inihayag na agad sa bias
ng Kautusang Pangkagawaran Blg.
54 ang Panuntunan sa
Implementasyon ng Patakaran. 29
Agosto 25, 1988, ipinagtibay ang
Batas Tagapagpaganap 335, na nag-
aatas sa lahat ng mga
Kagawaran/Kawanihan/Opisina at
Ahensiya/Instrumentaliti ng
pamahalaan na magsagawa ng mga
hakbang na kailangan para sa
layuning magamit ang Filipino sa
opisyal na mga transaksiyon,
komunikasyon at korspondensiya.
Kapapasok pa lamang ng dekad 90
nag nilagdaan ni kalihim Isidro
Carino ng Kagawaran ng
Edukasyon, kultura at Isports noong
Marso 19, 1990 ang isang
Kautusang Pamgkagawaran Blg. 21
na nagsasaad na gamitin ang
Filipino sa panunumpa ng katapatan
sa Konstitusyon at sa bayan.
Agosto, 14, 1991, pinagtibay ni
Pangulong Corazon Aquino ang
Batas Republika Blg. 7104 na
lumikha ng Komisyon sa Wikang
Filipino
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nag-
iisang ahensiyang pang-wika ng pamahalaan na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang grupong
etnolingwistiko at iba-ibang disiplina.
• Nilikha ito upang magsagawa, mag-ugnay at
magtaguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng
Filipino at iba pang wika ng Pilipinas.
• Bubuuin/Binubuo ito ng labing isang komisyoner na
ang isa ay magsisilbing tagapangulo.
Noong Hunyo 12, 1996 naman ayipignagtibay
ni Pangulong Fidel Ramos ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 343 na nagpapatibay sa
Panunumpa ng Katapatan sa Watawat.
Sa panunungkulan ni Pangulong Fidel Ramos
ay naitala ang isa sa mga mahahalagang bahagi
ng kasaysayan ng wikang pambansa. Ang
Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan noong
Hulyo 15, 1997.
Ang proklamasyon ay nagtatakda na sa
halip na isang linggong pagdiriwang
lamang, ginawa niyang buong buwan ng
Agosto ay tanghaling Buwan ng Wikang
Pambansa.
KAHULUGAN NG
WIKANG

FILIPI
NO
Ayon kay Garcia, et. Al (2010), malaganap na
ang promosyon ng wikang pambansa at maging
ang mga asignatran ay maliwanag na nakasulat
at tinatawag na Filipino.
Sinasabing pambansang lingua franca
ang Filipino dahil ito ang ginagamit ng
mga tao mila sa iba’t ibang katutubong
wika o magkakaibang pinanggalingang
probinsiya upang magkaunawaan at
makipaguganayan.

PAMBANSANG
LINGUA FRANCA
Nakapaloob sa konstitusyon
1987 ng Republika ng
Pilipinas, ang Filipino ang
Wikang Pambansa. Dahil sa
WIKANG wikang ito tinatalakay ang mga
bagay-bagay ukol sa bansa na
PAMBANSA siya namang naiintindihan ng
bawat mamamayang Pilipino.
Ito ay ginagamit sa
pakikipagugnayan
Ginagamit ang Filipino sa
opisyal na komunikasyon

OPISYAL NA WIKA SA
KOMUNIKASYON
•Delibersyon sa lehislatura at pagsulat ng batas;
• Pag-isyu ng mga deskrito at mga kautusang
ANG ehukutibo;

WIKANG • Pormulasyon ng mga pambansang patakaran;


•Paghahanda ng mga impormasyong
FILIPINO pampubliko kauganay na programa ng
AY gobyerno;

GINAGA •Pagdaraos ng mga paglilitis at pagpapasiya sa


hukuman;
MIT SA: •Pagsulat ng memorandum at iba pang sulat
komunikasyon;
• Mga opisyal na dukomento; at
•Mga tungkulit at gawain sa estado.
•Kinikilala ang Filipino bilang mabisang
wika ng pagtuturo at pagkatuto
•Ginagamit ang wikang Filipino sa pagtuturo
at pag-aaral sa iba’t ibang disiplina ng
kaalaman at lahat ng antas ng edukasyon.

OPISYAL NA WIKANG
PANTURO
•Resolusyon Blg. 92-1 (Mayo
13, 1992)
PORMAL NA • Ito nag katutubong wika,
DESKRIPSIYON pasalita at pasulat sa Metro
NG FILIPINO Manila, ang Pambansang
Punong Rehiyon at sa iba
AYON SA KWF pang sentrong urban sa
archipelago na ginagamit
bilang wika ng komunikasyon
ng mga etnikong grupo.
•Ngunit noong ika-28 ng Agosto. 1986 sa
bias ng Resulosyon 96-1, sinusugan ang
batayang deskripsiyon ng ng Filipino na
ganito ang isinasaad: Ang Filipino ay ang
katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo.
•Noong Agosto 5, 2013 ay pinagtibay ng
bagong Kalupunan ng KWF ang
Kappasiyahan Blg. 13-39. isang
rebisadong depinisyon ito ng wikang
“Filipino” at ipinahayag ang sumusunod
na pakahulugan.
“Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit
ng Buong Filipinas bilang wika ng komunikasyon, sa
pagbigkas, at sa pasulat na paraan ng mga pangkating
katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang
buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t
ibang paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at
nilinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang
akademiko ngunit sa paraang maugnayin at
mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga
malikhaing katangian at kailangang karunungan
mula sa katutubong wika sa bansa.”
ALPABETO AT
ORTOGRAPIY
ANG
PAMBANSA
- Masusi at maingat na pag-aaral na may
patungkol sa pagbabaybay ng mga salita - ito ay
ang representasyon ng mga tunog ng wika na
nakalimbag na mga simbolo tulad ng alpabeto -
Ang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino ay
binubuo ng mga tuntunin kung paano sumulat
gamit ang wikang Filipino. (Almario 2013)

ORTOGRAPIYA
Ang kasaysayan ng
ortograpiya ng wikang
MULANG Filipino ay maaaring
ugatin mula sa
BAYBAYIN sinaunang panahong
HANGGANG gumagamit ang mga
ABAKADA Filipino ng katutubong
paraan ng pagsulat na
tinatawag na baybayin.
Ang baybayin ay binubuo ng
labimpitong simbolo na
kumakatawan sa mga titik: 14
na katinig at 3 patinig. Ang
mga simbolong kumakatawan
sa mga letra ay gaya ng
sumusunod:
Ang mga titik na ito ang naging
batayan ng abakada na binuo ni Lope
K. Santos nang kaniyang sulatin ang
Balarila (1940).

Idinagdag sa orihinal na mga titik ng


baybayin ang katinig na R at
ginawang lima ang patinig: A,E,I,O,U
kayâ dalawampu (20) ang mga titik
ng lumaganap na abakada hanggang
sa panahong tinatawag ang Wikang
Pambansa na wikang Pilipino.
•Nakahanay ang mga ito sa sumusunod
na paraan:
A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P,
R, S, T, U, W, Y.
•Sa pagbása ng mga titik, ang mga
katinig ay binibigkas nang may
kasámang patinig na A, gaya ng
sumusunod: /A/, /Ba/, /Ka/, /Da/, /E/,
/Ga/, /Ha/, /I/, /La/, /Ma/, /Na/, /Nga/,
/O/, /Pa/, /Ra/, /Sa/, /Ta/, /U/, /Wa/, /Ya/.
•Sa kabila ng pangyayaring lubhang naimpluwensiyahan
ng wikang Espanyol ang mga wikang katutubo sa
Filipinas, hindi isináma sa abakada ang mga letra para
sa mga tunog na C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, R, V, X, Z.
Nanatili ang mga ito sa mga pangngalang pantangi, gaya
sa Carmen, Pacheco, Fullon, Jaro, Magallanes, Cariño,
Quirino, Barrameda, Vizcaya, Maximo, at Zamboanga.
• Ngunit marami sa mga salitang hiram sa Espanyol at
nagtataglay ng naturang mga titik ay tinapatan ng mga
tunog sa mga titik ng abakada, gaya ng nagaganap na
noong paghiram sa mga naging palasak na salitang
Espanyol.
•Ang iba pang gabay sa pagsulat, gaya ng kung paano
gamitin ang “ng” at “nang,” kung kailan nagiging R
ang D, o kung bakit nagiging U ang O sa dulo ng
salita kapag inulit, ay hinango sa mga tuntunin mula
sa Balarila ni Lope K. Santos.
•Ang makabuluhang mga tuntunin ay tinipon ng
Surian ng Wikang Pambansa makaraan ang
Ikalawang Digmaang Pandaidig. Pinamagatan itong
Mga Batayang Tuntuning Sinusunod sa Pagsusuring
Aklat (walang petsa) na inihanda ni Bienvenido V.
Reyes sa isang hiwalay at nakamimeograp na polyeto
at naging gabay ng mga guro, manunulat, at editor.
BAGONG
ALPABETONG
FILIPINO
•Sa Konstitusyong 1973, tinawag na “Filipino”
ang Wikang Pambansa. Sinundan ito ng isang
bagong gabay sa ortorgrapiya na nabuo noong
1976 at nalathala noong 1977 sa pamagat na
Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino.
•Isa sa nilalaman nitó ang pagbago sa abakada na
naging tatlumpu’t isa (31) ang mga titik sa
pamamagitan ng dagdag na labingisang (11) titik
na napagkasunduan sa isang serye ng mga
simposyum noong 1976. Dahil sa dami ng mga
titik ng bagong alpabeto ay tinawag itong
“pinagyamang alpabeto”.
•Muling sinuri ang alpabeto,
binawasan ng mga bagong titik, at
noong 1987 ay nalathalang
dalawampu’t walo (28) ang mga
titik sa gabay na Alpabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino ng Linangan ng mga Wika
sa Pilipinas, ang binagong pangalan
ng Surian ng Wikang Pambansa.
Tinanggap ang mga dagdag na titik
na: F,J,Ñ,Q,V,X, at Z.
•Tinanggap ang mga dagdag na titik na: F,J,Ñ,Q,V,X, at Z.
Pinalaganap din ang isang “modernisadong alpabeto” na
ipinababása ang mga titik sa paraang Ingles, maliban sa Ñ
mulang alpabetong Espanyol, gaya ng sumusunod:
A /ey/, B /bi/, C /si/, D /di/, E /i/, F /ef/, G /dyi/, H /eyts/,
I /ay/, J /dyey/, K /key/, L /el/, M /em/, N /en/, NG
/endyi/, Ñ /enye/, O /o/, P /pi/, Q /kyu/, R /ar/, S /es/, T
/ti/, U /yu/, V /vi/, W /dobolyu/, X /eks/, Y /way/, Z /zi/.
•Ngunit hindi nasagot ng 1987 gabay ang ilang sigalot,
lalo na ang hinggil sa kaso ng kambal-patinig o
diptonggo, na lumitaw mula pa sa 1977 gabay.
GRAFEMA
Pangunahing tungkulin ng ortograpiya ang
paglalapat ng grapema sa pahayag na pasalita
at bigkas. Tinatawag na graféma ang isang
set o pangkat ng mga bahagi sa isang sistema
ng pagsulat. Ang mga grapema sa praktika ng
ortograpiyang Filipino ay binubuo ng
tinatawag na mga titik at mga di titik.
1.1. Titik. Ang títik o létra ay
sagisag sa isang tunog sa
pagsasalita. Binubuo ito ng mga
patínig o bokablo (vocablo) at ng
mga katínig o konsonante
(consonante). Ang serye ng mga
titik o letra ay tinatawag na
alpabéto. Ang alpabetong Filipino
ay binubuo ng dalawampu’t walong
(28) titik at kumakatawan ang
bawat isa sa isang tunog. Binibigkas
o binabása ang mga titik sa tunog-
Ingles maliban sa Ñ.
1.2. Di-titik. Binubuo ang di-titik ng mga tuldik at mga
bantas. Ang tuldik o asento ay gabay sa paraan ng
pagbigkas ng mga salita. Sa lingguwistika, itinuturing
ang tuldik na simbolo para sa impit na tunog o kayâ sa
diin o habà ng pagbigkas. Sa abakadang Tagalog, tatlo
ang pinalaganap nang tuldik: (a) ang tuldik na pahilis
(´) na sumisimbolo sa diin at/o habà, (b) ang tuldik na
paiwa (`), at (c) ang tuldik na pakupya (^) na
sumisimbolo sa impit na tunog. Kamakailan, idinagdag
ang ikaapat, ang tuldik na patuldok, kahawig ng umlaut
at diaeresis ( ¨ ) upang kumatawan sa tunog na
tinatawag na “schwa” sa lingguwistika.
Ang bantas ay kumakatawan sa
mga patlang at himig ng pagsasalita
sa pagitan ng mga titik at pantig, sa
pagitan ng mga salita at mga
parirala, at sa pagitan ng mga
pangungusap. Binubuo ito ng kuwit
(,), tuldok (.), pananong (?),
padamdam (!), tuldok-kuwit (;),
kudlit (‘), at gitling (-).
2. ANG PANTIG AT
PALAPANTIGAN
Ang pantíg o sílabá ay isang saltik ng dila o
walang patlang na bugso ng tinig sa pagbigkas ng
salita. Binubuo ang mga pantig ng mga titik na
patinig at katinig. Bawat patinig (a/e/i/o/u) ay
isang pantig; samantala, kailangan ng bawat
katinig ang isang patinig upang maging pantig.
Dagdag pa, may isa (1) lámang patinig sa bawat
pantig samantalang maaaring mahigit sa dalawa
ang katinig sa isang pantig.
2.1. KAYARIAN NG
PANTIG.
Alinsunod sa sinundang paliwanag, ang
pantig ay maaaring binubuo ng isang
patinig, o isang katinig at isang patinig, o
dalawa o mahigit pang katinig at isang
patinig. Sumusunod ang mga kayarian ng
pantig at kinakatawan ng P ang patinig at
ng K ang katinig:
Kayarian ng salita Halimbawa

P a·a
KP bi·be
PK ok·ok
KPK pat·pat
KKP pla·pla
PKK arm, urn
KPKK dorm, form
KKPK plan, tram
KKPKK tsart
KKPKKK shorts
2.2. Pagpapantig ng mga Salita. Ang pagpapantig ay paraan ng
paghati sa isang salita alinsunod sa mga pantig na ipinambuo dito.
Nakabatay ito sa grapema o nakasulat na mga simbolo.
Halimbawa, /u·be/ (ube), /ba·hay/ (bahay). Narito ang ilang tuntunin:

Una, kapag may magkasunod na dalawa o mahigit pang patinig sa


posisyong panguna, panggitna, at pandulo, ito ay inihihiwalay na
pantig. Halimbawa: /a·ak·yat/ (aakyat), /a·la·a·la/ (alaala), /to·to·o/
(totoo).
•Ikalawa, kapag may magkasunod na katinig sa loob ng
isang salita, ang una ay isinasáma sa sinundang patinig at
ang ikalawa ay isinasáma sa kasunod na pantig.
Halimbawa: /ak·lat/ (aklat), /es·pes·yal/ (espesyal),
/pan·sit/ (pansit), /os·pi·tal/ (ospital). Nasasaklaw nitó
pati ang mga digrapo, gaya sa kut·son (kutson),
sit·sa·ron (sitsaron), tit·ser (titser).
• Ikatlo, kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa
loob ng isang salita, ang unang dalawa ay sumasáma sa
patinig ng sinundang pantig at ang ikatlo ay napupunta
sa kasunod na pantig. Halimbawa: /eks·per·to/
(eksperto), /trans·fer/ (transfer), /ins·pi·ras·yon/
(inspirasyon).
•Ikaapat, kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay
M o N at ang kasunod ay alinman sa BL, BR, DR, PL, at TR,
ang unang katinig (M/N) ay isinasáma sa unang patinig at ang
sumunod na dalawang katinig ay napupunta sa kasunod na
pantig. Halimbawa: /a·sam·ble.a/ (asamblea), /tim·bre/
(timbre), /si·lin·dro/ (silindro), /tem·plo/ (templo), /sen·tro/
(sentro).
•Ikalima, kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob
ng isang salita, isinasáma ang unang dalawang katinig sa
sinusundang patinig at isinasáma ang hulíng dalawang katinig
sa kasunod na pantig. Halimbawa, /eks·plo·si·bo/ (eksplosibo),
/trans·plant/ (transplant), /hand·breyk/ (handbreyk).
2.3. Pantig ng Inuulit. Kapag ang salita ay nagsisimula sa
patinig, ang patinig lámang ang inuulit. Halimbawa: /a·ak·yat/
(aakyat), /i·i·big/ (iibig),/ u·u·bu·hin/ (uubuhin). Nagaganap din
ito kahit may panlapi ang salita. Halimbawa: /ma·a·ak·yat/
(maaakyat), /u·mi·i·big/ (umiibig), /nag·u·ubo/ (nag-uubo).
•Kapag nagsisimula sa kayariang KP ang salita, ang unang
pantig lámang ang inuulit. Halimbawa: /la·la·kad/ (lalakad),
/ba·ba·lik/ (babalik). Nagaganap din ito kahit may panlapi ang
salitang-ugat. Halimbawa: /mag·la·la·kad/ (maglalakad),
/pag·ba·ba·lik/ (pagbabalik).
Kapag nagsisimula ang salita sa kambal-katinig o
kumpol-katinig (consonant cluster), ang unang
katinig at patinig lámang ang inuulit.
Halimbawa: /i·pa·pla·no/ (ipaplano),
/mag·ta·trans·port/ (magtatransport), /pi·pri·tu·hin/
(piprituhin). Nagaganap ito kahit sa kaso ng hindi
pa nakareispel na salitang banyaga. Halimbawa:
“magbiblessing,” “ipako·close,”
3. PAGBAYBAY NA PASALITA

Patitik ang pasalitang pagbaybay sa Filipino.


Ang ibig sabihin, isaisang binibigkas sa
maayos na pagkakasunod-sunod ang mga
letrang bumubuo sa isang salita, pantig,
akronim, daglat, inisyals, simbolong pang-
agham, atbp.
4. PAGBAYBAY NA PASULAT
Sa pangkalahatan, natutupad pa rin ang payak na tuntuning
“Kung ano ang bigkas, siyáng sulat” sa pagbaybay na pasulat.
Siyempre, hindi ito nasusunod sa “mga” na isang pagpapaikli sa
lumang anyo nitóng “manga” at ginagamit hanggang sa bungad
ng ika-20 siglo. Mahalaga ring pag-aralan kung kailan
ginagamit ang maikling “ng” at ang mahabàng “nang,” isang
tuntuning pinairal mulang Balarila at bumago sa ugali noong
panahon ng Espanyol na mahabàng “nang” lagi ang isinusulat.
4.1GAMIT NG WALONG
BAGONG TITIK.
Isang radikal na pagbabago sa pagbaybay na pasulat ang paggamit
ng walong (8) dagdag na titik sa modernisadong alpabeto: C, F, J,
Ñ, Q, V, X, Z. Pangunahing gamit ng mga ito ang pagpapanatili ng
mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga
katutubong wika ng Filipinas. Ang mga titik na F,J,V, at Z ay
napakaimportante upang maigalang ang mga kahawig na tunog sa
mga katutubong wika. Hindi tulad noong panahon ng abakada na
ang “Ifugaw” ay isinusulat na “Ipugaw” o ang “Ivatan” ay
isinusulat na “Ibatan.” Narito pa ang ilang halimbawa:
osafot (Ibaloy) sapot ng gagamba
ofalendag (Tiruray) plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa ihipan
ofeyu (Kalinga) pipa na yari sa bukawe o sa tambo
o jalan (Tausug) daan o kalsada
omasjid (Tausug, Maranaw mula sa Arabe) tawag sa gusaling sambahan ng
mga Muslim
ovakul (Ivatan) pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bilang
pananggalang sa ulan at init ng araw.
okuvat (Ibaloy) digma
ovuyu (Ibanag) bulalakaw
o zigattu (Ibanag) silangan
4.2. BAGONG HIRAM NA
SALITA.
Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa mga bagong hiram na salita
mulang Espanyol, Ingles, at ibang wikang banyaga. Tandaan: “mga bagong
hiram.” Ang ibig sabihin, hindi kailangang ibalik sa orihinal na anyo ang
mga hiram na salitang lumaganap na sa baybay ng mga ito alinsunod sa
abakada. Halimbawa, hindi dapat ibalik ang F ng orihinal na forma sa
Espanyol dahil ginagamit nang matagal ang “porma” pati ang mga
deribatibo nitóng “pormal,” “impormal,” “pormalismo,” “pormalidad,”
“depormidad,” atbp. Hindi rin dapat ibalik ang “pirma” sa firma, “bintana”
sa ventana, ang “kalye” sa calle, ang “tseke” sa cheque, ang “pinya” sa
piña, ang “hamón” sa jamon, ang “eksistensiya” sa existencia, ang
“sapatos” sa zapatos.
4.3. LUMANG SALITANG
ESPANYOL.
Mahalagang mohon hinggil sa mga lumang salita mulang Espanyol ang mga
nakalista sa Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro Serrano-Laktaw
hanggang sa mga entri sa Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Jose
Villa Panganiban. Nakatanghal sa inilistang mga lumang hiram na salita mulang
Espanyol ang naganap na pagsasaabakada ng mga tunog na banyaga gayundin
ang pagbaluktot sa anyo ng mga orihinal na salita, gaya sa “bakasyon”
(vacacion), “kabayo” (caballo), “kandila” (candela), “puwersa” (fuerza), “letson”
(lechon), “lisensiya” (licencia), “sibuyas” (cebolla+s), “silahis” (celaje+s), “sona”
(zona), “komang” (manco), “kumusta” (como esta), “porke” (por que), at libo-
libo pa sa Bikol, Ilokano, Ilonggo, Kapampangan, Pangasinan, Sebwano, Tagalog,
Waray, at ibang wikang katutubo na naabot ng kolonyalismong Espanyol.
4.4. DI-BINABAGONG BAGONG
HIRAM.
Ngunit pigilin ang pagbaybay paabakada sa mga idinadagdag ngayong
salita mulang Espanyol. Maituturing na bagong hiram ang mga salita na
hindi pa matatagpuan sa dalawang binanggit na diksiyonaryo sa
Halimbawa, maaaring hiramin nang buo at walang pagbabago ang
“futbol,” “fertil,” “fosil,” “visa,” “vertebra,” “ zorro,” “ zigzag.”
Samantala, dahil sa walong dagdag na titik, maraming salita mulang
Ingles ang maaaring hiramin nang hindi nangangailangan ng pagbago sa
ispeling, gaya ng “fern,” “folder,” “jam,” “ jar,” “lével” (na hindi dapat
bigkasing mabilis, gaya ng ginagawa ng mga nag-aakalang isa itong
salitang Espanyol), “envoy,” “develop,” “ziggurat,” “zip.”
4.5. PROBLEMA SA C, Ñ, Q, X.
Gayunman, mapapansin sa mga binanggit na halimbawa ng bagong hiram na salita na
hindi pa ginagamit ang lahat ng dagdag na titik. Walang halimbawa ng hiram na salita
na may mga titik C,Ñ, Q, at X. Bakit? Narito ang paliwanag. Isang magandang
simulaing pangwika mula sa baybayin hanggang abakada ang pangyayaring iisang
tunog ang kinakatawan ng bawat titik. Sa kaso ng C, problema ang pangyayari na may
dalawang paraan ito ng pagbigkas na maaaring katawanin ng K o S. Halimbawa, K
ang tunog nitó sa unang titik ng coche (kotse) ngunit S naman ang tunog sa unang titik
ng ciudad (siyudad). Sa kaso ng Ñ, napakalimitado kahit sa Espanyol ang mga salita
na nagtataglay ng titik na ito. Ang ilang salitang pumasok na sa Filipino ay natapatan
na ng NY, gaya sa “donya” (doña), “pinya” (piña), “punyeta” (puñeta).
Sa kaso naman ng Q at X, may palagay na hindi isahang tunog
ang mga nabanggit na titik—nagiging “kw” o “ky” ang Q at
“ks” ang X. Sa gayon, tulad ng babanggitin sa 4.9, ginagamit
lámang ang mga ito sa mga pangngalang pantangi (Quintos,
Xerxes) at katawagang teknikal at pangagham (Q clearance, X-
ray). Kapag humiram ng pangalang pambalana at nais reispel,
ang ginagamit noon pa sa abakadang pagsulat ay ang katumbas
ng tunog ng Q at X. Ang Q ay nagiging K sa mulang Espanyol
na “késo” (queso) at KW sa mulang Ingles na “kwit” (quit) o
KY “barbikyu” (barbeque). Ang X naman ay tinatapatan noon
pa ng KS gaya sa “ekis” (exis).
4.6. PANGHIHIRAM GAMIT
ANG 8 BAGONG TITIK.
Sa pangkalahatan, sa gayon, ang lahat ng walong dagdag na titik
sa alpabeto ay ginagamit sa dalawang pagkakataon. Una, sa mga
pangngalang pantangi, halimbawa, Charles Cordero, San
Fernando, Jupiter, Santo Niño, Quirino, Nueva Vizcaya,
Maximo, Zion. Ikalawa, sa mga pormulang siyentipiko at
katawagang teknikal, halimbawa, “carbon dioxide,” “Albizia
falcataria,” “jus sanguinis,” “quo warranto,” “valence,” “x-axis,”
“zeitgeist.”
4.7. EKSPERIMENTO SA
INGLES.
Sa pangkalahatan, ipinahihintulot at ginaganyak ang higit pang
eksperimento sa reispeling o pagsasa Filipino ng ispeling ng mga bagong
hiram sa Ingles at ibang wikang banyaga. Dapat madagdagan nang higit
ang “istambay” (stand by), “iskul” (school), “iskedyul” (schedule),
“pulis” (police), “boksing” (boxing), “rises” (recess), “bilding”
(building), “groseri” (grocery), “anderpas” (underpass), “haywey”
(highway), “trapik” (traffic), “gradweyt” (graduate), “korni” (corny),
“pisbol” (fishball), “masinggan” (machinegun), “armalayt” (armalite),
“bisnis” (business), atbp. Ang ganitong reispeling ay malaking tulong sa
mga mag-aaral dahil higit na madali niláng makikilála ang nakasulat na
bersiyon ng salita.
4.8. ESPANYOL MUNA, BAGO
INGLES.
•Dahil sa mga naturang problema, iminumungkahi ang pagtitimpi sa lubhang
pagsandig sa Ingles. Sa halip, maaaring unang piliin ang singkahulugang salita
mulang Espanyol, lalo’t may nahahawig na anyo, dahil higit na umaalinsunod
ang wikang Espanyol sa bigkas at baybay na Filipino kaysa Ingles. Higit na
magaang basáhin (at pantigin) ang “estandardisásyon” (estandardizacion)
mulang Espanyol kaysa “istandardiseysiyon” (standardization) mulang Ingles,
ang “bagáhe” (bagaje) kaysa “bageyds” (baggage), ang “birtúd” (virtud) kaysa
“virtyu” (virtue), ang “ísla” (isla) kaysa “ayland” (island), ang “imáhen”
(imagen) kaysa “imeyds” (image), ang “sopistikádo” (sofisticado) kaysa
“sofistikeyted” (sophisticated), ang “gradwasyón” (graduacion) kaysa
“gradweysiyon” (graduation).
4.9. INGAT SA “SIYOKOY.”
•Mag-ingat lang sa mga tinatawag na salitang “siyokoy” ni Virgilio S.
Almario, mga salitang hindi Espanyol ay hindi rin Ingles at malimit na
bunga ng kamangmangan sa wastong anyong Espanyol ng mga
edukadong nagnanais magtunog Espanyol ang pananalita. Napansin ito
nang iuso ni Rod Navarro sa programa niya sa radyo ang “konsernado,”
na pagsasa-Espanyol niya ng Ingles na concerned. Pinuna ang artistang
anawnser dahil “siyokoy” ang Espanyol.
•Ang tumpak na anyo nitó sa Espanyol ay “konsernído” (concernido).
Ngunit marami siyáng katulad sa akademya at midya.
4.10. EKSPERIMENTO SA
ESPANYOL.
•Iba sa salitang siyokoy ang sinasadyang eksperimento o
neolohismo sa pagbuo ng salitang paEspanyol.
Nagaganap ito malimit ngayon sa paglalagay ng hulaping
pangkatawagan, na gaya ng –ismo, -astra (astro), -era
(ero), -ista (isto), ica (ico), -ia (io), -ga (go). Pinapalitan o
pinagpapalit ang mga ito sa ilang eksperimento kung
kailangan at nagbubunga ng salita na iba sa orihinal na
anyo ng mga ito sa Espanyol.
4.11. GAMIT NG J.
•Sa pangkalahatan, ang bagong titik na J ay ginagamit sa tunog na
/dyey/. Ibig sabihin, hindi na ito gagamitin sa panghihiram mulang
Espanyol ng mga salitang ang J ay may tunog na /ha/ at tinatapatan
ng H, gaya ng ginawa noon sa justo at juez na may anyo na ngayong
“hústo” at “huwés.” Ilalapat, sa gayon, ang bagong titik na J sa mga
katutubong salita na may tunog /dyey/, gaya ng “jálan” at “jántung”
ng Tausug, sínjal ng Ibaloy, at “jínjin” at “íjang” ng Ivatan. Gagamitin
din ito sa mga bagong hiram na salita, gaya ng “jet,” “jam,” “jazz,”
“jéster,” “jínggel,” “joy,” “enjóy” ng Ingles, “jujítsu” ng Hapones, at
“jatáka” ng Sanskrit.
•Ngunit hindi sakop nitó ang ibang salitang Ingles na
nagtataglay ng tunog /dyey/ ngunit hindi gumagamit ng
J, gaya sa general, generator, digest, region na kung
sakaling hiramin man ay magkakaroon ng anyong
“dyeneral,” “dyenereytor,” “daydyest,” “ridyon.” Hindi
naman kailangang ibalik ang J sa mga salitang Ingles na
matagal nang isinusulat nang may DY, gaya sa “dyípni”
(jeepney), “dyánitór” (janitor), at “dyáket” (jacket).

You might also like