You are on page 1of 12

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

Lingguwistiko, Sosyolingguwistiko,
Pragmatik, at Diskorsal
Ang mga salitang KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO
OCOMMUNICATIVE COMPETENCE ay nagmula sa linguist,
sociolinguist,anthropologist at folklorist mula sa Portland Oregon na
si Dell Hymes noong1966. (Dayag at del Rosario, 2016). Sinasabing
sa mga silid-aralan nangyayari ang pormal na pagkatuto ng wika.
Ngunit hindi sapat na basta lamang itong umiikot o nakatuon sa
kayarian ng wika o gramatika tulad ng bahagi ng panalita, bantas,
baybay, ponolohiya, morpolohiya at iba pa. Dahil masasabi lamang na
ang isang Pilipinong mag-aaral ay nagtataglay ng kakayahang
pangkomunikatibo kapag naipahatid nang maayos sa kausap ang
diwang nais iparating sa kinakausap at magamit ang pang -unawang
ito sa mga aktuwal na sitwasyon sa totoong buhay, pasalita man o
pasulat.
MGA KOMPONENT NG KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO
1. Kakayahang Lingguwistiko
2. Kakayahang Sosyolingguwistiko
3. Kakayahang Pragmatik
4. Kakayahang Diskorsal
1. KAKAYAHANG
LINGGUWISTIKO
PAG-UNAWA SA ESTRUKTURA
NG WIKA
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO

Ito ay ang abilidad ng isang tagapagsalita ng wika na


gumamit ng angkop na salita at ayusin ang
pagkakasunod-sunod nito sa isang pangungusap upang
makabuo ng epektibong pahayag.
Sa ganito, inaasahang nakauunawa siya ng
gramatika, sintaks, at mga bokabularyo ng isang wika.
Chomsky, 1965

Ang kakayahang lingguwistiko ay tumutukoy sa natural


o likas na kakayahan ng isang tagapagsalita na malalimang
gamitin at unawain ang isang wika.
Kaiba ito sa lingguwistikong pagtatanghal (linguistic
performance) na isang pasulat o pasalitang paglalapat ng
lingguwistikong kakayahan.
LINGGUWISTIKA

Ito ay isang sistematikong kaalaman sa pag-aaral ng


wika. Kinapapalooban ito ng pag-aaral sa estruktura ng
wika at kung paano ito ginagamit.

May iba’t ibang sangay ang pag-aaral nito.


PONOLOHIYA

Ang tawag sa pag-aaral ng tunog ng wika ayon sa


pasalitang anyo nito.
Ipinauunawa nito kung paanong nalilikha ang tunog sa
pamamagitan ng bibig, ilong, ngipin, at dila, gayundin ng
pag-unawa kung paanong naririnig ng tainga ang bawat
tunog at ang kakayahan nitong pag-iba-ibahin ito.
Ginagamit ang ponetika upang makita ang pagkakaayos
ng mga tunog at mga simbolo nito.
Nag-iiba ang kahulugan ng salita kapag may pagbabago sa
pagkakaayos ng tunog ng ponema. (hal. uPO-Upo)
Nakapaloob din sa ponolohiya ang pag-aaral ng mga
pantig, ritmo, tono, at intonasyon ng wika.
MORPOLOHIYA

Tumutukoy sa pag-aaral ng mga salita at kung paano itong


nabubuo mula sa mga makabuluhang yunit na tinatawag na
morpema.
Morpolohiya ang nag-uugnay sa ponolohiya at sintaks
sapagkat ito ang nagsasama-sama sa mga tunog na
maaaring magpaiba sa kahulugan ng salita.
HALIMBAWA

Ang salitang “umalis” ay binubuo ng dalawang bahagi.


(alis)- salitang-ugat
(um)- panlaping ikinakabit upang ipakita ang kilos ay
nagawa na
SINTAKS
Ito ay ang pag-aaral kung paanong binubuo ang mga parirala,
sugnay at pangungusap sa isang particular na wika.
Itinuturo ng gramatika ang mga patakaran sa pagbuo ng
pangungusap sa isang wika. Ang mga patakarang ito ay
kinapapalooban ng tamang pagkakaayos ng mga salita at ang
tamang pagkakabuo ng salita ayon sa kanilang posisyon sa
pangungusap.

You might also like