You are on page 1of 3

Filipino sa

Piling Larangan
Tech-Voc (Modyul)

Inihanda ni:
Daniella May P. Calleja,LPT
KABANATA 1: Ang Wika sa Tech-Voc

Panimula

Bago pa talakayin ang iba’t ibang uri ng mga sulating teknikal-bokasyunal, napakahalagang malaman ng
mga mag-aaral ang hinggil sa kalikasan ng wika at ang mga batayang konseptong may kaugnayan dito. Hindi
maitatangging wika ang magsisilbing sandata ng mga mag-aaral upang makabuo ng mga sulating may
kinalaman sa kanilang piniling larangan at espesyalisasayon. Makatutulong ang malinaw na pagkaunawa sa
wika tungo sa angkop at wastong pagbuo at pagpapakahulugan sa mga babasahing ihahain sa mga mag-aaral.
Pasulat man o pasalitang paraan, ang wastong paggamit ng wika ang isa sa mga pangunahing batayan ng
tagumpay at pagiging epektibo ng mensaheng nais iparating ng isang indibidwal.

Binubuo ang kabanatang ito ng mga babasahing isinulat ng mga guro at mag-aaral ng wika.
Makatutulong ang pagkatuto ng mga varayti ng wika sa piniling larangan ng mga mag-aaral, gayundin upang
maunawaan ang iba’t ibang jargon nito. Bukod pa rito, may kalakip na babasahing tumatalakay sa rehistro ng
pagluluto, gayundin sa rehistro ng wika ng mga mananahi. Kaugnay nito, inaasahang makasusulat at
makasusuri din ang mga mag-aaral sa hinaharap ng mga katulad na sulating may kaugnayan sa kani-kaniyang
larangan.

Panimulang Pagsusulit

I. TAMA O MALI: Isulat ang tama kung wasto ang pangungusap at mali kung hindi.
__________1. Lahat ng tao ay may idyolek.
__________2. Lahat ng tao ay may sosyolek.
__________3. Lahat ng tao ay may dayalek.
__________4. Ang varayti ng wika ay naaayon sa kasarian ng isang tao.
__________5. Ang Sapir-Whorf Hypothesis ay tumatalakay sa pagkakaroon ng isoglos.

II. IDENTIPIKASYON. Tukuyin ang hinihingi ng mga sumusunod na katanungan.


__________6 -9. Magbigay ng apat sa pitong sanhi sa pagkakaroon ng varayti ng wika
__________10. Ibigay ang palatandaan na nagkakaroon ng dayalek ang isang wika.
__________11-12. Ito ang dalawang dimensiyon sa pagkakaroon ng baryabilidad ng wika, ayon kay Joshua
Fishman.
__________13. Magbigay ng halimbawa ng salitang nabuo dahil sa panlapiasyon.
__________14. Magbigay ng halimbawa ng salitang hiniram.
__________15. Magbigay ng halimbawa ng salitang may code-switching.
__________16. Ano ang ibig sabihin ng linunaw?
__________17. Ano ang ibig sabihin ng tinalbog?
__________18. Varayti ng wika na sanhi ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita
__________19. Magbigay ng isang uri ng tela.
__________20. Proseso sa pagtatahi na pansamantalang nilalagyan ng tahi at inaalis pagkatapos malilip
ang tupi.

You might also like