You are on page 1of 13

EASTERN ACHIEVER ACADMY OF TAGUIG INC.

PINAGSAMA TAGUIG , PHILIPPINES

GRADE 7 FILIPINO
IKALAWANG MARKAHAN MODYUL:
ANTAS NG WIKA
I. PAMAGAT

ANTAS NG WIKA

II. ANG MGA MAG-AARAL NA GAGAMIT

Ang pagtuturong-pagkatulong ito ay inihanda para sa mag-aaral ng ika-pito na baitang upang


makapagbukas ng kanilang isipan at makaragdag sa kanilang kaalaman kung ano ang mga kahalagahan
ng antas ng wika para sa kanilang pansarili at para sa kanilang pagaaral.

III. LAGOM-PANANAWA

Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mga mag-aaral. Mahalagang pag-aralan mo ito, dahil
makakatulong ito sa iyong pagaaral ng mga antas ng wika. Gaya ng sa tamang bigkas ng mga salita, Ang
mga ginagamit sa pagsasalita ang pormal at di-pormal at marami pang iba na makakatulong sa iyong
pangkatuto. At may mga pagsasanay kang sasagutin upang masukat mo ang iyon kaalamang malinang sa
modyul na ito

IV. LAYUNIN

Inaasahan sa pagtatapos ng modyul na ito ay maihatid sa iyo ang;

A. Nailahad ng maayos ang antas ng wika

B. Malaman ang iba’t-ibang kategorya na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao.

C. Matukoy ang mga kaibahan ng mga salita.

D. Masasagutan ang mga aktibidad na ibibigay base sa kanilang natutunan.

V. PANUTO O INSTRUKSYON SA PAG-AARAL

1. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pagaaral habang wala ka sa loob ng silid aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
kabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

2. Sagutin ang unang pagtatayang pagsusulit. Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul.

3. Basahin at unawaing mabuti ang bawat nilalaman, Binubuo ito ng mga Gawain para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pag-unawa at mga kasanayan sa paksa.Pagtapos ay sagutan
ang mga pagsusulit. Maari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

4. Sagutan ang Panghuling Pagtatayang Pagsusulit. Ito ay Gawain na naglalayong matasa o masukat ang
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

VI. MGA KAKAILANGANING KAHANDAANG-ASAL

Sa pagpapalawak ng kaalaman gamit ang modyul na ito, kinakailangan na ang mag-aaral ay maging
bukas ang isipan habang sinisikap na unawan ang mga iba’t ibang kategorya sa antas ng wika att iba pa.
Ang mga mag-aaral ay inaasahan na tandaan ang mga mahahalagang detalye na nakapaloob sa
kabanatang ito. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakahayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaring matuto,lumikha,at magsakatuparan ng Gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang magaaral, ay may angking kakayahang
matutunan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong kamay.

VII. PAUNANG PAGSUBOK O PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa malinis na papel. Suriin at unawaing mabuti ang
mga katanungan.

1. Ito ay ang salamin kung anong uri ng pamumuhay o kung nasaang antas ng lipunan nabibilang ang
isang taong gumagamit ng mga salita o wika

a. Antas ng Salita b. Antas ng Wika

c. Antas ng Pananalita d. Antas ng Pagsasalita

2. Ito ay sumasalamin sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat na tumatalakay sa wika at
balarila.

a. Wikang Pambansa b. Pampanitikan o Panretorika

c. Pormal na Wika d. Di-pormal na Wika

3. Ito ay ay sumasaklaw sa mga bokabularyong diyalektal.

a. Balbal b. Kolokyal

c. Lalawiganin d. Pampanitikan

4. Ito ang bukambibig at karaniwang hindi na kinakailangan pa ng mga panuntunang itinaya ng balarila.

a. Impormal na Wika b. Varayti ng Wika

c. Pormal na Wika d. Pamantayang Pangwika


5. ito ang pahayag na pinakamahusay at pinakamatayog na pamantayan sa paggamit ng wika ng isang
bansa.

a. Impormal na Wika b. Varayti ng Wika

c. Pormal na Wika d. Pamantayang Pangwika

6. Ito ay ay bunga din ng pagkakaroon ng heterogeneous na wika na nabubuo naman ayon sa


pangangailangan ng paggamit nito.

a. Impormal na Wika b. Varayti ng Wika

c. Pormal na Wika d. Pamantayang Pangwika

7. Ito ay ay sumasalamin sa mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pag-uusap.

a. Kolokyal b. Balbal

c. Lalawiganin d. Pampanitikan

8. Ito ay ang mga salitang nagbibigay ng buhay sa mga akda ng mga manunulat

a. Kolokyal b. Balbal

c. Pampanitikan d. Lalawiganin

9. Ito ay binubuo ng mga lefra ng mga salita o pariralang pinaikli.

a. Sosyolek b. Idyolek

c. Dayalek d. Dinaglat

10. Ito ang indibidwal na paggamit ng isang tao sa kanyang wika.

a. Sosyolek b. Idyolek

c. Dayalek d. Dinaglat

VIII. MGA ARALIN SA PAGKATUTO

ARALIN 1:

ANTAS NG WIKA

Ito ay ang salamin kung anong uri ng pamumuhay o kung nasaang antas ng lipunan nabibilang ang isang
taong gumagamit ng mga salita o wika. Nahahati ang antas ng wika sa kategoryang Pormal at Impormal
na wika.
Pormal na Wika

Ang pormal na wika ay ang mga salitang ginagamit sa mga pormal na pagkakataon at sinasabing ang
istandard ng wika.

Dalawang Uri ng Pormal na Wika

Wikang Pambansa

Ang wikang pambansa ay sumasalamin sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat na
tumatalakay sa wika at balarila. Ginagamit rin ito sa paaralan, pamahalaan at aklat.

Halimbawa:

Asawa

Anak

Pampanitikan o Panretorika

Ang wikang ito naman ay ang ginagamit sa mga sulatin ng mga dinadakilang pangalan sa panitikan. Ito ay
ang mga salitang nagbibigay ng buhay sa mga akda ng mga manunulat, makata, tagapag-ulat, mga
mamamayahag at mga matatayog na salita o pahayag.

Halimbawa:

nagpupuyos ng galit

pagputi ng uwak

kisap-mata

Impormal o Di Pormal na Wika

Ang mga salita o wikang impormal o di pormal naman ay ang mga salitang ginagamit ng marami sa araw-
araw na normal na talakayan at pag-uusap. Sinasabi ding palasak ang mga wikang impormal. Ito kasi ang
bukambibig natin at karaniwang hindi na kinakailangan pa ng mga panuntunang itinaya ng balarila.

Tatlong uri ng Impormal na Wika

Lalawiganin

Wikang ginagamit sa isang rehiyon o lalawigan. Ang mga wikang lalawiganin ay sumasaklaw sa mga
bokabularyong diyalektal o ang mga salitang ginagamit lamang sa partikular na pook o lalawigan. Ang
wikang lalawiganin ay ang punto o tono kung paano binibigkas ang mga salita.

Halimbawa:

mabanas - mainit ang panahon


pananaw kana? – aalis kana?

buang! – baliw!

Kolokyal

Kolokyal ay sumasalamin sa mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pag-uusap. Mula ito sa


salitang English na “colloquial” na may parehong kahulugan.

Halimbawa:

Ewan – “aywan”

Ayoko – “ayaw ko”

Meron – “mayroon”

Balbal

Balbal naman ang tawag sa Ingles na slang o mga salitang inihango sa isang wika o inimbento para
magkaroon ng sariling kahulugan.

Mga salitang lansangan o ginagamit sa kayle o kanto. Mga salitang binabaliktad

Sa Pilipinas, sumasalamin sa iba’t ibang pangkat ng lipunan ang pagkakaroon ng salitang balbal tulad ng
bekimon, jejemon, salitang kanto, jeproks, at iba pa.

Halimbawa:

Tsikot - “kotse”

Tomguts - “gutom”

Yosi - “sigarilyo”

PAGSASANAY 1

Panuto: Isulat sa patlang ang P kung ang salita ay Pormak, I kung Impormal.

_____1. Tahanan

_____2. Kelan

_____3. Lespu

_____4. Pagputi ng uwak

_____5. Meron ka bang dala?


_____6. Pusod ng pagmamahalan.

_____7. Kahati sa buhay.

_____8. Sanhi ng pag-ibig.

_____9. Nagpupuyos ng galit.

_____10. Erpat

PAGSASANAY 2

Panuto: Isulat ang tamang sagot bago ang bilang.

___________ 1. Antas ng wika na ipinaiikli ang salita.

___________ 2. Ang wikang ginagamit sa isang bansa.

___________ 3. Isa sa antas ng wika na likha lamang ng mga tambay o bakla.

___________ 4. Wikang ginagamit sa paaralan, korte, panitikan at iba pa.

___________ 5. Ito ang wikang ginagamit sa lalawigan.

___________ 6. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.

___________ 7. Anong insekto ang malaki ang mata kaysa ulo?

___________ 8. Heto na, heto na hindi pa rin makita.

___________ 9. Dalawang balon, hindi malingon.

___________ 10. Tinaga ko sa puno, sa dugo nagdugo.

ARALIN II

Ang Pamantayang Pangwika

Ito ang pahayag na pinakamahusay at pinakamatayog na pamantayan sa paggamit ng wika ng isang


bansa. Naririto ang katangiang pambansa at karangalang pambansa, gaya rin ng pambansang pilosopiya
at sikolohiya sa tuktok ng kagalingan.

Varayti ng Wika
Ang Barayti ng wika ay dulot ng pagkakaiba ng antas ng edukasyon, hanapbuhay o trabaho, henerasyon
ng pagkabuhay o edad, pamumuhay sa lipunang kinabibilangan, at maging lokasyon o heograpiya ng
isang lugar.

Ang Barayti ng wika ay bunga din ng pagkakaroon ng heterogeneous na wika na nabubuo naman ayon sa
pangangailangan ng paggamit nito na nagbubunga ng baryasyon ng wika.

Idyolek – ang indibidwal na paggamit ng isang tao sa kanyang wika. Partikular ito sa kanyang sarili.

Halimbawa:

May taong gumagamit nang siya sa halip na ito; may laging nagsisimula sa bale o actually may iba
namang mura ang itinutumbas sa tuldok.

Dayalek (hinango sa salitang katutubo) – ang wikang pekulyar o katangi-tangi sa isang lugar o rehiyon,
kasama ang punto, bokabularyo, o pagkakabuo ng mga salita.

Halimbawa:

Tagalog-Cavite, Tagalog-Batangas, Tagalog-Manila, Tagalog- Quezon at

Tagalog-Bulakan.

Hinango sa Wikang Banyaga – mga salitang pinaghanguan mula sa wikang banyaga.

Halimbawa:

Tisoy tisay: (Espanyol: mezfizo, meztiza)

Kosa (Russian Maffia: Cosa Nostra)

Sikyo (Ingles: secuity guard)

Sosyolek - ang makauri o makapangkat na paggamit ng wika. Bawat tao ay may uri, grupo o antas na
kinabibilangan. Ang pagpapangkat ay maaaring ibatay sa pagkakapareho ng trabaho, antas ng
edukasyon, uri ng pamumuhay, grupong kinaaaniban o kahit ang laki o baba ng sweldo.

Halimbawa:

Taong halong Ingles

Yaong mga nakatuntong sa kolehiyo.

Kakaiba at masasabing napakamalikhain naman ang lengguwahe ng mga bading.

Iba ang bolabukaryo ng mga istambay sa kanto kaysa sa doktor.


Kategorisasyon ng mga salitang ginagamit ng kabataan (Pebrero 23, 1995)

Binaliktad – ang kategorisasyong ito ay may layong bumuo ng sariling bokabularyo.

Halimbawa:

Gat-bi – bigat

Astig – tigas

Todits – dito

Erap – pare

Nilikha – ang kategorisasyon ay walang tiyak na pinagmulan. Karaniwan itong maririnig kung kani-kanino
at kung saan-saan.

Halimbawa:

Paeklat – maarte

Hanep – paghanga

Espi – esposo o asawang lalaki

Pinaghalo-halo – ang kategorisasyong ito ay pinagsama-samang salita at /o pantig ng salitang Ingles at


Filipino.

Halimbawa:

In-nai-in – naaayon

Kilig to the bones – paghanga

Iningles – ang kategorisasyong ito ng mga salita ay puro Ingles ngunit naiiba ang kahulugan.

Halimbawa:

Jinx – malas

Weird – pambihira

Yes, yes, yo – pagsang-ayon


Dinaglat – ang kategorisasyong ito ay binubuo ng mga lefra ng mga salita o pariralang pinaikli.

Halimbawa:

SMB – Style Mo Bulok

MU – Mutual Understanding

ITALY – I Trust and Love You

SML – Share mo lang

SKL – Share ko lang

OTW – On the way

Pagsasalarawan o Pagsasakatangian - pagtukoy sa isang bagay na inuugnay batay sa paglalarawan o


katangian nito.

Halimbawa:

Yoyo – (relo dahil hugis yoyo)

Lagay – (tong ay inilalagay o isinisingit para hindi halata ang pagbibigay)

Basag durog – (dahil nawawala sa sariling isip kapag nakadrogo)

PAGSASANAY 3

Panuto: Magbigay ng mga tig lilimang (5) salita ng IDYOLEK, SOSYOLEK, DINAGLAT, WIKANG BANYAGA at
PAGSASAKATANGIAN. Ilagay ito sa kahong nasa baba.

IDYOLEK SOSYOLEK DINAGLAT WIKANG PAGSASAKATANGIAN


BANYAGA

IX. PANUKALANG SANGGUNIANG PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa malinis na papel. Suriin at unawaing mabuti ang
mga katanungan.

1. Ito ay ang salamin kung anong uri ng pamumuhay o kung nasaang antas ng lipunan nabibilang ang
isang taong gumagamit ng mga salita o wika

a. Antas ng Salita b. Antas ng Wika

c. Antas ng Pananalita d. Antas ng Pagsasalita


2. Ito ay sumasalamin sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat na tumatalakay sa wika at
balarila.

a. Wikang Pambansa b. Pampanitikan o Panretorika

c. Pormal na Wika d. Di-pormal na Wika

3. Ito ay ay sumasaklaw sa mga bokabularyong diyalektal.

a. Balbal b. Kolokyal

c. Lalawiganin d. Pampanitikan

4. Ito ang bukambibig at karaniwang hindi na kinakailangan pa ng mga panuntunang itinaya ng balarila.

a. Impormal na Wika b. Varayti ng Wika

c. Pormal na Wika d. Pamantayang Pangwika

5. ito ang pahayag na pinakamahusay at pinakamatayog na pamantayan sa paggamit ng wika ng isang


bansa.

a. Impormal na Wika b. Varayti ng Wika

c. Pormal na Wika d. Pamantayang Pangwika

6. Ito ay ay bunga din ng pagkakaroon ng heterogeneous na wika na nabubuo naman ayon sa


pangangailangan ng paggamit nito.

a. Impormal na Wika b. Varayti ng Wika

c. Pormal na Wika d. Pamantayang Pangwika

7. Ito ay ay sumasalamin sa mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pag-uusap.

a. Kolokyal b. Balbal

c. Lalawiganin d. Pampanitikan

8. Ito ay ang mga salitang nagbibigay ng buhay sa mga akda ng mga manunulat

a. Kolokyal b. Balbal

c. Pampanitikan d. Lalawiganin

9. Ito ay binubuo ng mga lefra ng mga salita o pariralang pinaikli.

a. Sosyolek b. Idyolek

c. Dayalek d. Dinaglat

10. Ito ang indibidwal na paggamit ng isang tao sa kanyang wika.


a. Sosyolek b. Idyolek

c. Dayalek d. Dinaglat

MGA SAGOT SA PAGWAWASTO

Pagsasanay 1

1. P
2. I
3. I
4. P
5. I
6. P
7. P
8. P
9. P
10. I
PANUKALANG
SANGGUNIANG
Pagsasanay 2 PAGSUSULIT

1. Kolokyal 1. b
2. Lingua Franca 2. c
3. Balbal 3. c
4. Edukado 4. a
5. Lalawiganin 5. d
6. Paro-paro 6. b
7. Tutubi 7. a
8. Hangin 8. c
9. Tainga 9. d
10. Gumamela 10. b

X. PAGPAPAHALAGA

A. Naging malinaw ba para sa iyo ang mga naging paliwanag ng Antas ng WIka at mga uri ng
Pormal na Wika at Di-pormal na Wika?
B. Nakatulong ba Sa iyo ang modyul upang mapalawak at mapadali ang pag-aaral mo sa mga
uri ng Pormal na Wika at Di-pormal na Wika?
C. Sa tulong ng mga paliwanag sa modyul, naiintindihan mo na ba ang mga uri ng ng Pormal na
Wika at Di-pormal na Wika?

You might also like