You are on page 1of 17

Senior High School

Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Filipino
Grade 11

Mga Konseptong Pangwika:


Antas ng Wika at
Barayti ng Wika
Modyul ng Mag-aaral
Quarter 1 . Week 2

HILDA C. DAWAYEN
Developer
Kagawaran ng Edukasyon ∙ Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PANGALAN_________________________ BAITANG AT PANGKAT_______


GURO______________________________ ISKOR______________________
ALAMIN
Inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. nakikilala ang Konseptong Pangwika: Varayti ng Wika at Antas ng Wika;
2. natutukoy ang kahulugan ng Konseptong pangwika:uri,dimensiyon, anyo, at katangian nito;
3. naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan;
4. natutukoy ang angkop na konseptong pangwika na nakapaloob sa mga pagsasanay;
5. naiisa-isa ang mga uri, katangian kalikasan, dimensiyon ng konseptong pangwika;
6. naipaliliwang ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong
pangkomunikasyon; at
7. nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam hinggil sa paksang multilingwalismo.

Ang materyal na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral na nasa Baitang 11 ng


Senior High School sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino para sa mahalagang araling huhubog sa mga mag-aaral upang mabigyang linaw
ang konseptong pangwika.

SUBUKIN
Bago natin simulant ang araling ito, isagawa na muna ang gawaing ito.

PANIMULANG PAGTATAYA
Alamin natin ang lawak na ng iyong mga kaalaman tungkol sa Varayti ng Wika
at Anats ng Wika. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang
tamang letra ng iyong sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Instrumento ito upang maipahayag at maipabatid ang


pangangailangan ng bawat tao.
A. konsepto ng wika B. wika C. salita D. tunog
_____2. Itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil
sa dami ng mga mamamayang naabot nito.
A. Internet B. messenger C. aklat D. telebisyon
_____3. Nangungunang midyum na ginagamit sa sa telebisyon sa bansa na
ginagamit sa mga lokal na channel.
A. Wikang Filipino C. Dayalekto
B. Wikang Ingles D. Wikang Prances
_____4. Dahilan kung bakit halos lahat ng mga mamamayan sa bansa ay
nakauunawa at nakapagsasalita ng Wikang Filipino.
A. pag-aaral C. Pagdami ng mga palabas sa telebisyon
B. Pagbabasa D. Ito ang unang wika ng mga Filipino
_____5. Salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mga kakilala at
kaibigan.
A. Pormal B. Impormal C.Pambansa D.Pampanitikan
_____6. Ang tawag sa mga taong gumagamit ng social media at internet .
A. Citizen C. Generation Z
B. Millenials D. Netizen
_____7. Pangunahing Wikang ginagamit sa social media.
A. Filipino B. Ingles C. Dayalekto D. Tagalog
_____8. Pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa pormalidad,
bigkas,tono,uri, anyo ng salita atbp.
A. Dimensyon ng Wika C. Antas ng Wika
B. Antas ng Wika D. Barayti ng Wika

1
_____9. Dimensyon sa Varayti ng Wika na kasama rito ang dayalekto o wikain.
A. Dimensyong Heograpiko C. Dayalekto
B. Dimensyong Sosyal D. Wikang Pambansa
_____10. Dimensyon ng Varayti ng Wika na kasama naman dito ang Sosyolek.
A. Dimensyong Heograpiko C. Dayalekto
B. Dimensyong Sosyal D. Wikang Pambansa
_____11. Ang baryasyon ng wika na nalilikha dulot ng dimensiyong heyograpikal na
may sariling ponolohiya , sintaksis at leksikon.
A. Varayti ng Wika B. Diyalekto C. Sosyolek D. Rehistro
_____12. Ang baryasyon ng wika na dulot ng dimensyong sosyal.
A. Sosyolek B. Idyolek C. Dayalek D. Taglish
_____13. Nakabatay ito sa partikular na paggamit ng isang tao ng kaniyang wika na
may kaugnayan sa personal na kakanyahan ng tagpagsalita o nagsisilbing
fingerprints ng isang taon na tanging kaniya lamang.
A. Sosyolek B. Idyolek C. Dayalek D. Taglish
_____14. Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat pangwika at nagsasaalang-
alang sa paggamit ng gramatika. Ginagamit din itong panturo sa mga
paaralan at ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaan.
A. Pampanitikan B. Lalawiganin C. Pambansa D. Balbal
_____15. Itinuturing na pinakamababang antas ng wika.
A. Pampanitikan B. Pambansa C. Kolokyal D. Balbal

BALIKAN
Ang mga sumusunod na GAWAIN ay makatutulong upang masukat muna natin
kung ano na ang mga taglay mong kaalaman sa Konseptong Pangwika. Sikaping
masagutan ang mga ito nang buong katapatan.

Maaari ka nang mag-umpisa!

GAWAIN : SURIIN MO

ANG MGA SUMUSUNOD AY MGA BAGAY NA MAY KAUGNAYAN AT MAY MALAKING


IMPLUWENSIYA SA ATING SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON . TUKUYIN ANG
MGA ITO BATAY SA LARAWAN.

________ 1. __________ 2.

_________ 3. __________ 4.

2
_________ 5.

TUKLASIN
GAWAIN: PAGKILALA SA MGA SALITA
ISULAT ANG LETRANG A KAPAG PORMAL AT LETRANG B NAMAN KAPAG
IMPORMAL NA URI ANG MGA SUMUSUNOD NA SALITA.
____ 1. erpat
____ 2. pamahalaan
____ 3. ewan ko
____ 4. ginintuang puso
____ 5. Parak

SURIIN
Basahin at Unawain mo ngayon ang konseptong Pangwika : Varayti ng Wika at
Antas ng Wika . Ang mga ito ang tuon ng pag-aaral sa modyul na ito. Ang mga teksto at
mga gawaing nakapaloob dito ang siyang gagabay sa iyo kung ano ang inaasahang
matutunan sa araling ito.

Marahil ay handang handa ka na para sa pag-aaral sa nilalaman nito. Alalahanin


mong may guro ka sa asignaturang ito na umaasang makasusunod ka sa lahat ng
Panuto na mababasa at nawa’y matuto kang lubusan sa pamamagitan ng patuloy ,
matiyaga at maingat na pagtunghay sa nilalaman nito.

VARAYTI NG WIKA
 Pagkakaroon ng natatanging katangian na
nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal
 Pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa pormalidad, bigkas, tono,
uri, anyo ng salita atbp.
Halimbawa:
1. Kung guro sa Filipino ang kausap:
Binibini, di ko po maunawaan/maintindihan.
2. Kung kaklase ang kausap:
Ano ba ‘yan? Di ko gets!

DIMENSIYON NG VARAYTI NG WIKA


A. Dimensiyong heograpiko – kasama rito ang dayalekto o wikain
B. Dimensiyong sosyal – kasama naman dito ang sosyolek
*** Ang mga pulo sa Pilipinas ay pinaghihiwalay ng mga tubig. Ibinunsod ng ganito ang
pagkakaroon ng maraming wika sa bansa. Ika nga, kung may pitong libong isla ang
Pilipinas , maaring may ganito rin karaming wika ang sinasalita sa bansa. Ang pagiging
archipelago ng bansa ay nagbunga ng pagiging multilinggwal ng mga naninirahan dito.
Ayon kay Constantino mula sa aklat ni Bernales et.al (2008), ang pagkakaroon ng
barayti ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik na pinagbatayan ng ideya ng
pagiging heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-ugat ang mga barayti ng wika

3
sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes,
gawain, pinag-aralan at iba pa.
Sa ilang pag-aaral tulad ng kay Jessie Grace Rubrico, ang barayti ng Wika ay
maihahalintulad sa tinatalakay niyang baryasyon ng wika. Pinangkat ni Rubrico ang
baryasyon sa tatlo-dayalekto, sosyolek at rehistro ng wika.

1. DAYALEKTO – panrehiyon o heograpikal na varayti ng wika na may sariling


ponolohiya, sintaksis at leksikon (vocabulary)
* Ito ang yaong wikang kinamulatan o kinagisnan sa tahanan, komunidad at lalawigan.
Halimbawa:
Tagalog –Maynila- “ Aalis na ako.”
Tagalog- Batangas- “ Payao na ako. “
Tagalog –Maynila- “ Bakit ba maraming tao.”
Tagalog- Batangas- “ Bakit baga maraming tao. “

Basahin ang nasa loob ng kahon na halimbawa ng iba’t ibang dayalekto sa bansa.
Ingles one person house dog coconut day new
Pangasinan sakey too abong aso niyog agew balo
Ilokano maysa tao balay aso niog aldaw baro
Ivatan asa tao vahay chito niyoy araw va-yo
Ibanag tadday tolay balay kitu niuk aggaw bagu
Gaddang antet tolay balang atu ayog aw bawu

2.IDYOLEK – nakabatay sa partikular na paggamit ng isang tao ng kanyang wika na may


kaugnayan sa personal na kakanyahan ng tagapagsalita. Ito ay inihahantulad sa
fingerprints ng isang tao na tanging kanya lamang.
Halimbawa:
Karaniwang idyolek ng mga estudyante sa mga paaralang pribado at eksklusibo sa
Metro Manila: Taglish o Enggalog (code mixing o palit-koda)
“It’s not that na galit na galit ako. It’s just that. Nakakasabaw. SOBRA.”
“Grabe. Solid talaga.”
“Hindi naman ako one-sided. Hindi ba dapat multiple murder sa halip na rebellion?”
“Kaya kung true yung 2012, ok na rin yon. Kawawa younger generations.”

*Pansinin kung paano nagkakaiba-iba ang idyolek ng mga sumusunod na


brodkaster kahit pa silang lahat ay gumagamit ng isang wika, nabibilang sa isang larangan
at naninirahan marahil lahat sa Metro Manila:
a). Mike Enriquez.  b). Noli de Castro, c). Mon Tulfo, d). Rey Langit at e). Gus Abelgas.
Gayahin ang paraan ng pagsasalita ng bawat isa. Iba-iba, hindi ba?

*Prominente rin ang idyolek ng mga sumusunod na personalidad kung kaya


madalas silang gayahin ng mga impersonators:
a.). Kris Aquino, b). Gloria Macapagal-Arroyo, c). Mel Tiangco d). Anabelle Rama, e).
Ruffa Mae Quinto ,f). Mirriam Defensor-Santiago , g). Manny Pacquio at h). Mommy
Dionisia

3. SOSYOLEK - batay sa katayuan o status ng isang gumagamit ng wika sa lipunang


kanyang ginagalawan– mahirap o mayaman; may pinag-aralan o walang pinag-aralan;
kasarian; edad, salik o factor at iba pa.
Grupo ng ibat-ibang uri o klasipikasyon ng mga mamamayan batay sa lipunan.
4
*Wika ng mga dukha
*Wika ng mga nasa mataas na antas ng lipunan
-Napatunayan ng mga sosyolingguwista na malaki ang nagagawa ng katayuang
panlipunan (social status)
*Sa mahirap, "sira ang ulo", sa mayaman "nervous breakdown"
*Ang mayamang malikot ang kamay tawag ay “kleptomaniac", sa mahirap tawag dito ay "
magnanakaw.
*Kung mahirap ka at masakit ang ulo mo, ikaw ay " nalipasan ng gutom", kung mayaman
ka naman at masakit ang ulo mo meron kang “migraine".
*Kung mahirap ka ikaw ay “kuba", pag mayaman ka naman, meron kang "scoliosis".
*Kung mahirap ka na maitim ikaw ay isang "negrita", pag mayaman ka na maitim ikaw
naman ay "Morena".
*Kung high society ka tawag sa iyo ay "slender", pag low class ka naman tawag sa iyo ay
"payatot"
*Ang anak ng mayaman ay "slow learner", ang anak naman ng mahirap ay "bobo"

A. Register / Rehistro – anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan o


larangang pinag-uusapan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at sa
iba pang mga salik o factor.

 Jargon - ito ay eklusibong salita o leksikon ng iba’t ibang pangkat ng mga


propesyonal.
Bawat propesyon o okupasyon ay may sariling terminong hindi bastang
maunawaan ng mga hindi ganoon ang trabaho.
*Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang Accountancy at iba
pang kaugnay na disiplina: account, balance, net income,debit, revenue,
asset,credit, gross income. cash flow
*Sa disiplinang Medisina at Nursing naman ay gamitin ang mga sumusunod:
diagnosis, therapy, prognosis, symptom, emergency, patient check up, ward,  x-ray

Pansinin naman na ang mga sumusunod na terminolohiya ay may magkaibang


kahulugan o rehistro sa larangang nasa loob ng panaklong:
mouse (Computer, Zoology) note (Music, Banking)
stress (Language, Psychology) nursery (Agriculture, Education)
strike (Sports, Labor Law) hardware (Business, Computer)
race (Sports, Sociology) operation (Medicine, Military)
server (Computer, Restaurant Management)
accent (Language, Interior Design)

4. PIDGIN-Nabubuo dahil sa paghahalo-halo ng higit sa dalawang wika.


Ito ang varayti ng wikang ginagamit ng mga taong may magkakaibang pinagmulang wika.

5. CREOLE - varayti ng wika na unang naging pidgin at kalaunan ay


naging likas na wika. Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang
nag-angkin dito bilang kanilang unang wika. Pinakamahusay na halimbawa nito ay ang
Chavacano na hindi masasabing purong Kastila dahil sa impluwensiya ng ating
katutubong wika sa estruktura.

Kahit naglipana ang mga modernong pagbabago sa teknolohiya, gaya ng nabanggit


ko noong una, ang telebisyon pa rin ang pinakagamiting teknolohiya sa panahon ngayon
lalo na pagdating sa panonood ng mga balita. Kaya naman napakalaki pa rin ng
impluwensiya ng telebisyon sa pagpapalaganap ng wika at tungkulin nito sa lipunan.

5
Isusunod naman nating talakayin ang isa pang Konseptong Pangwika na may
malaking kinalaman sa kaalaman at kasanayan sa lawak ng Wikang ginagamit sa
pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat, at sa pagtitiwala sa sarili sa pagpapadala ng
mensaheng may kahalagahan. Nababatay rin ito sa lawak ng kaalaman sa paksa at sa
kakayahang pumili ng angkop na salitang nababagay sa antas ng pagkatao ng tatanggap
ng mensahe (Castillo et.al, 2008).

ANTAS NG PAGGAMIT NG WIKA


Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isa pang mahalagang katangian ngwika.
Tulad ng tao, ang wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito.
Kung tutuusin, ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang
mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya
nabibilang.

May antas o lebel ang wika ito ay ang Pormal at Di-Pormal


A. PORMAL
-Ito ang mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
2 URI NG PORMAL NA WIKA
1. Pambansa. Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit
ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
2. Pampanitikan o Panretorika. Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga
manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang
matatayog, malalalim, makulay at masining.
Mga Halimbawa:
Mabulaklak ang dila Di-maliparang uwak
Kaututang dila Balat sibuyas
Taingang kawali may gatas pa sa labi

B. IMPORMAL.
Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang araw-araw na madalas nating gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
MGA URI NG IMPORMAL NA WIKA
1. Lalawiganin. Ito ang mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ang mga ito ang mga
partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay
magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa
pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto.

TAGALOG ILOKANO CEBUANO BIKOLANO


Aalis Pumanaw Malakaw Mahali
Kanin Inapoy Kan-on Maluto
Alikabok Tapok Abug Alpog
Paa Saka Tiil Bitis
Ibon Billit Langgan Gamgam
Halik Ungngo Halok Hadok
Kaibigan Gayyem Higala amiga

6
2. Kolokyal. Ito’y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong
impormal. Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin
itong maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon ay mauuri rin sa antas
nito.
Mga halimbawa:
nasa’n (nasaan), sa’yo (sa iyo),
pa’no (paano), kelan (kailan),
sa’kin (sa akin) meron (mayroon)
3.Balbal. Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito
upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. Mababang antas ng wika ito, bagamat
may mga dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang antas, ang antas-bulgar
(halimbawa nito ay ang mura at mga salitang may kabastusan).

Mga Halimbawa:
Parak (pulis) Lobat (lupaypay)
skapo (takas ng bilangguan) Istokwa (naglayas)
Juding (bakla) Tiboli (tomboy)
Balkonik (taong maraming balahibo sa katawan)
Brokeback (lalaki sa lalaking relasyon)

Ang pag-aaral sa mga sumusunod na sitwasyon pangwikang umiiral sa sa telebisyon,


radyo, talumpati ,at mga panayam ay mahalagang pagtuunan din ng pansin,

SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON

1. Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil


sa dami ng mga mamamayang naabot nito.
2. Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang
malalayong pulo at ibang bansa.
3. Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng
mga lokal na channel.
4. Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay
mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show, news and public
affairs, reality show at iba pang programang pantelebisyon.
5. Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o
pantanghaling programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong
manununood ang dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay
nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino.

SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DYARYO

1. Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM.


2. Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may
kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap.
3. Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman
sa tabloid.

SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT


1.Ang pagpapadala ng sms (short messaging system) ay isang mahalagang bahagi ng
7
komunikasyon sa bansa.
2. Humigit kumulang 4 bilyong text ang ipinapadala at natatanggap ng ating bansa kaya ito
ay kinilala bilang “Text Capital of the World”.
3.Madalas ang paggamit ng Code Switching at madalas pinaiikli ang baybay ng mga
salita.
4. Walang sinusunod na tuntunin o rule.

SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET


1. Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen.
2. Karaniwang may code-switching.
3. Mas pinagiisapang mabuti ang mga gagamiting salita bago ipost.
4. Ingles ang pangunahing wika dito.
5. pagpapadala ng sms (short messaging system) ay isang mahalagang bahagi ng
komunikasyon sa bansa.

PAGYAMANIN

GAWAIN 1 : PAGSUSURI
ISULAT KUNG ANONG VARAYTI NG WIKA (DAYALEKTO, IDYOLEK, SOSYOLEK,
PIDGIN O CREOLE) ANG SUMUSUNOD NA PAHAYAG.
1. Naulan na naman. Hindi na tumigil ey.
2. Ang mahal pero. Bibilhin ko sana ay.
3. Guys, may pagsusulit tayo sa Filipino ngayong araw.
4. Ipapasa ninyo ang inyong proyekto sa susunod na linggo. Ang hindi
makapagbibigay sa takdang araw ay hindi tatanggapin.
5. What’s up yo? Break it down.
6. Pagkaganda pala ng anak ng mag-asawang yan pare, ah.
7. hindi pa siya nangan ng hapunan. Nagsasakit ang kanyang tiyan.
8. You’re so… Whatever…
9. Pagkatagal moga.
10. Anggapoy dago.

GAWAIN 2 : TUKUYIN MO
TUKUYIN MO KUNG KANINONG REHISTRO ANG MGA SS.
1. Tanggapin si Jesus sa inyong puso sapagkat Siya lamang ang tanging daan para sa
inyong kaligtasan.
2. Roland, bibigyan ko nang antibiotics ang iyong anak, kapag di pa bumama ang
kanyang lagnat pagkalipas ng 2 oras, ay sabihin mo agad sa akin.
3. Pakibuksan ang iyong aklat sa pahina 63.
4. Your honor, I would like to make a manifestation. As per record of the case, the
dependent was actually present in the crime scene.
5. Kapag ako’y inihalal, titiyakin ko sa lahat na walang magugutom

GAWAIN 3. PAGPILI
PUMILI SA NAKASULAT SA KAHON KUNG ANONG LARANGAN NABABAGAY ANG
MGA SS. NA JARGON.
broadcasting banking
music law
education science
8
publishing farming
engineering mining
film and movies graphic design
1. wire bender 9. white space
2. vertical groupings 10. dead air
3. self-sufficient case 11. G clef
4. media pirate program 12. reclusion perpetua
5. public editor 13. prospect
6. biodiversity 14. denomination
7. drover 15. giga barrel
8. hard rock mining

GAWAIN 4: PAGSASAAYOS NG MGA SALITA


A. ISAAYOS ANG MGA SUMUSUNOD NA SALITA BATAY SA KLASIPIKASYONG NASA
B.
Dyan Tsaka Panayam
Penge Datung Sang-ayon
Plangak Maaliwalas Pinoy
Semplang Sumakabilang buhay Tsiks
Agtutudo Lumagay sa tahimik Kalahating buhay
Mapanak Ay ina yan pay sa! Nakain ka na ba?
Mekini Pusod ng pagmamahalan NaCI
Pare Di-mahulugang karayom
Website Kelan
B. DITO IHAHANAY ANG MGA SALITA.
PAMBANSA PAMPANITIKAN LALAWIGANIN KOLOKYAL BALBAL

ISAISIP

Ngayon naman ay sikaping ibuod ang mga natutunan sa pamamagitan ng pagsagot sa


mga sumsusunod na gawain.
GAWAIN: PAGPAPALIWANAG -PASANAYSAY
SIKAPING IPALIWANAG ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG. (10 PUNTOS BAWAT
ISA).

1. Paano naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood na


sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon ?

2. Dapat nga bang lagyan ng antas ang paggamit ng wika sa pakikipanayam ,


pagtatalumpati at kapag ginagamit ang radiyo , diyaryo at telebisyon?

9
ISAGAWA

Ipakita mo naman ngayon ang natamong kaalaman sa aralin at ang iyong kahusayan sa
pagbubuo ng promosyonal na materyal.
GAWAIN: PAGSULAT NG SANAYSAY ( Gumamit ng bond paper).

Sumulat ng isang sanaysay na hindi lalagpas sa 150 na salita tungkol sa naging


karanasan mo sa panahon ng pandemya (COVID-19) gamit ang pormal na antas
ng wika.

Rubrik ng Pagmamarka (5 ang pinakamataas at 3 ang pinakamababa)


Katangian 10 8 7
1. Nakabuo ng sanaysay na may 150 na salita
2. Naiugnay ang karanasan sa paggamit ng wika
1. Kompleto at malinaw ang konseptong inilahad
Kabuuan:
Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito. Kung
may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong balikan ang modyul o dili
kaya’y magtanong sa iyong guro. Tandaang ang nagtatanong ay nagpapahayag ng
pagnanais na matuto. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa
iyong Panapos na Gawain sa Module na ito.
Alamin natin ang lawak na ng iyong mga kaalaman tungkol sa paksang konseptong
Pangwika- Varayti at Antas ng Wika.

TAYAHIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Alamin natin ang lawak na ng iyong mga kaalaman tungkol sa Varayti ng Wika
at Anats ng Wika. Basahin at Unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang
tamang letra ng iyong kasagutan at isulat Ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Instrumento ito upang maipahayag at maipabatid ang


pangangailangan ng bawat tao.
A. konsepto ng wika B. wika C. salita D. tunog
_____2. Itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil
sa dami ng mga mamamayang naabot nito.
A. Internet B. messenger C. aklat D. telebisyon
_____3. Nangungunang midyum na ginagamit sa sa telebisyon sa bansa na ginagamit
sa mga lokal na channel.
A. Wikang Filipino C. Dayalekto
B. Wikang Ingles D. Wikang Prances
_____4. Dahilan kung bakit halos lahat ng mga mamamayan sa bansa ay nakauunawa
10
at nakapagsasalita ng Wikang Filipino.
A. Pag-aaral C. Pagdami ng mga palabas sa telebisyon
B. Pagbabasa D. Ito ang unang wika ng mga Filipino

_____5. Salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mga kakilala at


kaibigan.
A. Pormal B. Impormal C.Pambansa D.Pampanitikan
_____6. Ang tawag sa mga taong gumagamit ng social media at internet .
A. Citizen C. Generation Z
B. Millenials D. Netizen
_____7. Pangunahing Wikang ginagamit sa social media.
A. Filipino B. Ingles C. Dayaklekto D. Tagalog
_____8. Pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa pormalidad,
bigkas, tono, uri, anyo ng salita atbp.
A. Dimensyon ng Wika C. Antas ng Wika
B. Antas ng Wika D. Barayti ng Wika
_____9. Dimensyon sa Varayti ng Wika na kasama rito ang dayalekto o wikain.
A. Dimensyong Heograpiko C. Dayalekto
B. Dimensyong Sosyal D. Wikang Pambansa
_____10. Dimensyon ng Varayti ng Wika na kasama naman dito ang Sosyolek.
A. Dimensyong Heograpiko C. Dayalekto
B. Dimensyong Sosyal D. Wikang Pambansa
_____11. Ang baryasyon ng wika na nalilikha dulot ng dimensiyong heyograpikal na
may sariling ponolohiya, sintaksis at leksikon.
A. Varayti ng Wika B. Diyalekto C. Sosyolek D. Rehistro
_____12. Ang baryasyon ng wika na dulot ng Dimensyong sosyal.
A. Sosyolek B. Idyolek C. Dayalek D. Taglish
_____13. Nakabatay ito sa partikular na paggamit ng isang tao ng kaniyang wika na
may kaugnayan sa personal na kakanyahan ng tagpagsalita o nagsisilbing
fingerprints ng isang taon na tanging kaniya lamang.
A. Sosyolek B. Idyolek C. Dayalek D. Taglish
_____14. Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat pangwika at nagsasaalang-
alang sa paggamit ng gramatika. Ginagamit din itong panturo sa mga
paaralan at ginagamit sa pakiipag-ugnayan sa pamahalaan.
A. Pampanitikan B. Lalawiganin C. Pambansa D. Balbal
_____15. Itinuturing na pinakamababang antas ng wika.
A. Pampanitikan B. Pambansa C. Kolokyal D. Balbal

KARAGDAGANG GAWAIN
GAWAIN: PAGTUKOY
TUKUYIN ANG HINIHILING SA BAWAT BILANG. GAMITIN ANG MGA CLUE SA IBABA
UPANG PUNAN ANG MGA PATLANG SA PUZZLE .
1. ___ ___ ___
2. ___ ___ ___ ___
3. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ____
4. ___ ___ ___ ___ ___ ___
5. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___

1. Pangunahing gumagamit ng wika at bumubuo ng lipunan.


11
2. Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
abitraryo upang magamit ang ng mga taong kabilang sa isang kultura.
3. Antas ng wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mga kakilala at
kaibigan.
4. Pangunahing Wikang ginagamit sa sitwasyong pangwika sa Social Media at Internet
5. Tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wika dahil sa Dimensyong Heyograpiko at
Dimensyong Sosyal.

PAUNANG
PAGSUSULIT
SUSI SA PAGWAWASTO
1. B 9. A Balikan Tuklasin
2. D 10. B Gawain: Suriin Mo Gawain: Pagkilala sa mga Salita
3. A 11. B 1. TELEBSYON 1. B
4. C 12. A 2. CELLPHONE 2. A
5. B 13. C 3. DIYARYO 3. B
6. D 14. C 4. RADIYO 4. A
7. B 15. B 5. PANAYAM 5. B
8. B

GAWAIN 1: PAGSUSURI GAWAIN 2 : TUKUYIN MO GAWAIN 3: PAGPILI


1. DAYALEKTO 1. PARI O PASTOR 1. ENGINEERING
2. IDYOLEK 2. DOCTOR/NARS 2. GRAPHIC DESIGN
3. PIDGIN 3. ABOGADO 3. LAW
4. SOSYOLEK 4. HUSGADO 4. BROADCASTING
5. SOSYOLEK POLITIKO 5. PUBLISHING
6. PIDGIN/CREOLE 6. EDUCATION
7. CREOLE 7. DENTAL
8. SOSYOLEK 8. MINING
9. PIDGIN 9. FILM AND MOVIES
DAYALEKTO 10. BROADCASTING
11. MUSIC
12. LAW
13. ENGINEERING
14. BANKING
15. OIL AND ENERGY

GAWAIN: PAGSASAAYOS NG MGA SALITA

DITO IHAHANAY ANG MGA SALITA.


PAMBANSA PAMPANITIKAN LALAWIGANIN KOLOKYAL BALBAL
WEBSITE PUSOD NG AGTUTUDO DYAN PLANGAK
PAGMAMAHALAN
SANG-AYON KAHATI NG BUHAY MAPANAK PENGE SEMPLANG
PANAYAM DI-MAHULUGANG AY INA YAN! TSAKA DATUNG
KARAYOM
MALIWALAS SUMAKABILANG MEKENI PARE PINOY
BUHAY
NaCl LUMAGAY SA NAKAIN KA NA KELAN TSIKS
ISAISIP TAHIMIK BA? ISAGAWA PANAPOS NA
GAWAIN : PAGPAPALIWANAG-PASANAYSAY PAGTATAYA
Ang mga sagot sa bahaging ito ay maaring magkakaiba-iba Pagbubuo 1. B
Tanong 1: ng 2. D
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga Sanaysay 3. A
napakinggan/napanood sa radyo, talumpati at telebisyon sa hinggil sa 4. C
pamamagitan ng pagbibigay ng malaking impluensiya sa isang panayam 5. B
12 pang-araw-
indibidwal na siya niyang ginagamit sa kaniyang na 6. D
araw na pakikipagkomunikasyon sa kapwa. napanood 7. B
Tanong 2: batay sa 8. B
Marapat lamang na lagyan ng antas ang paggamit ng wika sa kraytirya. 9. A
pakikipanayam, pagtatalumpati at kapag ginagamit sa radiyo 10. B
Baguio City National High School
SENIOR HIGH SCHOOL
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Mga Konseptong Pangwika: Kahulugan, Katangian at Teorya ng Pinagmulan ng Wika
Quarter 1, Week 2

SAGUTANG PAPEL

Pangalan:____________________________ Petsa:___________________
Baitang at Pangkat:___________________ Iskor: ___________________

SUBUKIN : Panimulang Pagtataya

1._____ 2. _____ 3.______ 4. _____ 5. _____ 6.______ 7._____ 8._____


9._____ 10._____ 11. _____ 12. _____ 13. _____ 14. ______ 15. ____

BALIKAN : Suriin Mo TUKLASIN : Pagkilala sa mga Salita


1.__________________________ 1.____________________________
2.__________________________ 2.____________________________
3.__________________________ 3.____________________________
4.__________________________ 4.____________________________
5.__________________________ 5.____________________________

PAGYAMANIN
Gawain 1 : Pagsusuri Gawain 2 : Tukuyin Mo
1.___________________ 6.________________ 1.______________________
2.___________________ 7.________________ 2.______________________
3.___________________ 8.________________ 3.______________________
4.___________________ 9_________________ 4.______________________
5.___________________ 10.________________ 5.______________________

Gawain 3 : Pagpili
1.___________________ 6.__________________ 11._____________________
2.___________________ 7.__________________ 12._____________________
3.___________________ 8.__________________ 13._____________________
4.___________________ 9.__________________ 14._____________________
5.___________________ 10._________________ 15._____________________

Gawain 4 : Pagsasaayos ng mga Salita


PAMBANSA PAMPANITIKAN LALAWIGANIN KOLOKYAL BALBAL

13
ISAISIP : Pagpapaliwanag-Pasanaysay
1.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

ISAGAWA
Sa gawaing ito gamitin ang nasa pinakahuling pahina ng modyul na ito.

TAYAHIN : Panapos na Pagtataya

1._____ 2. _____ 3.______ 4. _____ 5. _____ 6.______ 7._____ 8._____


9._____ 10._____ 11. _____ 12. _____ 13. _____ 14. ______ 15. ____

KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain : Pagtukoy
1.___ ___ ___
2. ___ ___ ___ ___
3. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ____
4. ___ ___ ___ ___ ___ ___
5. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___

Binabati kita! Napagtagumpayan mong sagutin ang ikalawang modyul modyul!{

Kung may mga katanungan, klaripikasyon, komento at anumang bumabagabag sa inyo patungkol sa aralin
o sa sagutang papel , pakisulat na lamang ito sa ibaba o di-kaya’y itanong ito sa inyong guro .
Suliraning Kinaharap sa pagsagot sa modyul :
________________________________________________________________________
______________________________________________________________
Komento:
________________________________________________________________________
______________________________________________________________

________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang/Guardian
Contact Number: ____________________

hcdawayen /gdgardingan
nlmadeo/mbferrer

14
Pangalan:____________________________ Petsa:___________________
Baitang at Pangkat:___________________ Iskor: ___________________

GAWAIN: PAGSULAT NG SANAYSAY


Sumulat ng isang sanaysay na hindi lalagpas sa 150 na salita tungkol sa naging
karanasan mo sa panahon ng pandemya (COVID-19) gamit ang pormal na antas ng wika.

Karanasan sa Panahon ng Pandemya (Covid -19)


(Pamagat)

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
____________________________
_______________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang/Guardian
15
Contact Number: ____________________

16

You might also like