You are on page 1of 14

P W

a i
g k
a
-
n
u g
n P
l a
a m
d b
a
n
n
s
g a
Wikang Pambansa
“Ang filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa
buong pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang
filipino ay dumaraan sa proseso sa paglinang sa
pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng
pilipinas at mga ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika
para sa iba ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na
may ibat ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag.”

Ang naunang mga pahayag ay depinisyong ibinigay ng


komunikasyon sa Wikang filipino (KWF) sa Filipino bilang
wikang pambansa . Nakasaad ito sa Resolusyon Blg. 92-1
(May 13, 1992).
Panayam
Isang pakikipagpulong ng kinakatawang pahayagan
sa isang taong nais niyang kunan ng mga
impormasyong maiuulat o maipalilimbag.

Isang pagtatanong upang makuha ng impormasyon


tulad ng opinion , kaisipan ng tanging kaalaman
ukol sa isang paksang nakakatawag ng kawilihan sa
madla na karaniwa’y nagmumula sa tanyag na tao o
kilalang otoridad na kinakapanayam.
Mga Taong Kinakapanayam:

1. Panauhing tagapagsalita
2. Resource person
3. Bagong dating a guro buhat sa komvensyon o sa isang tanging pook
4. Isang gurong katatapos lamang ng isang seminar, at iba pa.
5. Isang magaling na manlalaro
6. Isang tagasanay ng laro
7. Isang gurong katatapos lamang ng M.A o Ph.D.
8. Pinakamagaling na mag-aaral sa lahat ng asignatura
9. Pinakamagaling na mag-aaral sa isang asignatura
10. Mag-aaral na may tanging kakayahan sa pagsulat
11. Mag-aaral na nagwagi sa isang patimpalak
12. Mag-aaral na galing sa ibang bansa (personal man o bilang isang opisyal na
delegado saisang komferensiya o bilang isang iskolar)
Panayam ayon sa paksa
Aktuwal – Panayam na ang mga tanong ay sumasaklaw lamang sa mga
impormasyon, kuro-kuro, at reaksiyong nais malaman ng nagtatanong at
ang mga iyon ay makapagbibigay-liwanag sa isang bagay o isyu.

Nagtatamok – Higit na masigla at kawili-wili sapagkat kinapapalooban ng


paglalarawan at pagpapahalaga sa mga taong bantog at kilala gaya ng
isang artista, namumukod na politiko, lider-manggagawa o kaya’y sangkot
sa isang sensasyonal na pangyayari.

Pantalambuhay – Ang mga tanong na ibibigay rito ay naglalayong


makakuha ng mga impormasyon hinggil sa pinagdaanan buhay ng isang
taong ipinalalagay na nakapagbibigay-inspirasyon at kawilihan sa
mambabasa.
Panayam ayon sa pamaraan
Impormal – Payak lamang ang mga tanong sa bagay-bagay
na nais malaman.
Halimbawa: Sa isang Health Center, tinanong ang doktora
kung ano ang puwedeng inuming gamot ng batang pitong
taong gulang na sumasakit ang tiyan. Kraninwang
nangyayari ang uring ito sa mga pang-araw-araw na
sitwasyon sa buhay.

Pormal – Pinaghahandaan upang maging komprehensibo.


Karaniwan sa mga lektyur , Porum, Seminar-worksyap, at iba
pa. Pagkatapos ibigay ang panayam, nagkakaroon ng
malayang talakayan.
Balik-tanaw sa
Kasaysayan ng Wikang
Pambansa
Panahon ng Hapon
-Itinuturing ito ng marami na gintong panahon ng maikling
kuwento at ng dulang Tagalog. Ang wikang Ingles nanakuhang
maipasok ng mga Amerikano hanggang sa kamalayan ng mga
Pilipino ay ipinagbawal gamitin ng mga Hapones kung kayat
ang nagtamasa ng bunga ng pagbabawal na ito ay ang
panitikang Pilipino sa wikang Tagalog. Ang isang manunulat ay
likas na manunulat, kayat nang ipagbawal ang pasulat ng Ingles
siya’y napilitang gumamit ng wikang Tagalog upang
makapagsulat lamang. Ang isang naging bunga nito ay ang
paglitaw ng isang uri ng pamamaraan sa pagsusulat na gagad sa
Ingles, maging sa pagbuo ng mga pangungusap hanggang sa
istilo ng pagsusulat.
Panahon ng Pagsasarili
- Ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili simula noong
Hulyo 4, 1946. Pinagtibay rin ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles
sa bias ng Batas Komonwelt Bilang 570.Ito ang panahon ng pagbangon sa
mga nasalanta ng digmaan. Dahil bumabangon pa lamang ang Pilipinas nang
mga panahong iyon, sumentro sa mga gawaing pang-ekonomiya ang mga
Pilipino.Noong Agosto 13,1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang pambansa.
Mula Tagalog, ito ay naging Pilipino sa bisa ng kautusang Pangkawagaran Blg.
7 na ipinalabas ni Jose B. Romero, ang dating Kalihim ng Edukasyon.
Nilagdaan naman ni alihim Alejandro Roces at nag-utos na simulant sa taong-
aralan 1963-1964 na ang mga sertipiko at diploma sa pagtatapos ay ipalimbag
na sa wikang Pilipino. Noong 1963, ipinag-utos na awitin ang Pambansang
Awit sa titik nitong Pilipino. Ito ay batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg
60 s. 1963 na nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal.
Panahon ng Kasalukuyan

Nagpatupad ng patakarang bilingguwal ang


kagawaran ng edukasyon at sinimulang ipatupad ito
ng taong 1974 sa mababang paaralan, sekondarya, at
tersaya sa lahat ng paaralan sa bansa. Lalong
pinagtibay ang implementasyon ng patakarang
biligguwal noong 1987.
Kautusang Pangkagawaran:
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24
-Ipinalabas noong 1962 ng kalihim ng edukasyon, Alejandro Roces na nag-uutos na mula sa taong-
aralan 1962-1964, ipalilimbag ang lahat ng sertipiko at diploma ng pagtatapos sa wikang pilipino.

Kautusang Pangkagawaran Bl. 25


-Hulyo 19, 1974. nilagdaan ng kalihim ng edukasyon at kultura, Juan Manuel ang pagpapairal ng
edukasyong billinguwal sa mga paaralan simula sa taong-panuruan 1974-1975.

Kautusang tagapagpaganap Blg. 60


-Ipinag-utos ni Pangulong Diosdado Macapagal na awitin ang pambansang awit sa wikang pilipino.

-Kautusan Blg. 22
-Hulyo 21,1978. nilagdaaan ni kalihim ni Juan Manuel na simula sa taong panuruan 1979-1980,
ituturo ang 6 yunit ng pilipino sa kolehiyo.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 1179(1981)


-Pagpapalit ng pangalan ng surian ng wikang pambansa (SWP) sa linangan ng mga wika sa filipino
(LWP).

Saligang-batas ng 1973
-Dapat gumawa ang batasang pambansa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na
adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging pilipino.

Batas Republika Blg. 7104(1986)


-Nilikha ang komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
“Pagsusulit”
“Isulat nang malinaw ang iyong sagot”
“Yung malinaw, hindi tulad ng feelings
niya para sayo, magulo na, malabo pa.”

✎___
Mga tanong:
Panuto: ‘Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbubura’

1. Ito ay kautusan na nilagdaan ni kalihim Juan Manuel.


2. Batas na nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
3. Magbigay ng dalawang uri ng Panayam, ayon sa paksa.
4. Ito ay uri ng Panayam ayon sa pamaraan.
5. Payak lamang ang tanong sa mga bagay-bagay na nais malaman.
6. Itoy pinaghahandaan upang maging komprehensibo.
7. Anong taon nakasaad ang Rebolusyon Blg. 92-1
8. Sa panahong ito salitang tinuro ang Nihongo at inalis ang Ingles.
9. Anong kautusang ipinag-utos ni Pangulong Diosdado Macapagal na
ang awitin ang pambansang awit wikang pilipino.
10. Ito ay ipinalabas noong 1962 ng kalihim ng Edukasyon.
Salamat sa
pakikinig
Group: 3

You might also like