You are on page 1of 24

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
CITY OF SAN FERNANDO

MODIFIED STRATEGIC INTERVENTION


MATERIAL IN FILIPINO
Filipino sa Piling Larang: AKADEMIK
Quarter 1-Lesson 3

GRADE 12
Title Card
BUOD/ SINTESIS

GUIDE CARD

Alamin

Ang sintesis o buod ay ang paglalahad ng anumang kaisipan at natutunang


impormasyong nakuha mula sa tekstong binasa sa pagkakasunod sunod na
panyayare.ito ang pinakamahalagang kaisipan ng anumang teksto.Marapat lamang na
maging malinaw sa pagpapahayag.Ang sintesis ay bahagi ng metodong diyaletikal
kaugnay ng pagbuo ng katuwiran.

LEARNING COMPETENCY LEARNING OBJECTIVES

✓ Natitiyak ang angkop na ✓ Naisasagawa nang mataman


ang mga hakbang sa pagsulat
proseso ng pagsulat ng piling
ng mga piniling akademikong
sulating akademiko
sulatin
✓ Nagagamit ang angkop
na format at teknik ng pagsulat ✓ Nakasusunod sa istilo at
ng akademikong sulatin teknikal na pangangailangan
ng akademikong sulatin

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Panuto: Maglagay ng orasan sa iyong tabi at maging tapat sa pagsagot kung ano ang
pamagat ng akda, libro o kaya ay kwento sa loob lamang ng isang minuto.

3. Noong unang panahon, may mayamang mag-asawa na nag ngangalang Dondong at


Iska. Si Mang Dongdong at Aling Iska ay may kaisa-isang anak na ang ngalan ay
Maria. Si Maria ay napakabait at masunuring bata. Sa kabila ng magandang ugali
ng bata ay may pagkamahiyain ito. Ayaw nyang makipag-usap lalo na sa ibang tao.
Madalas lamang magkulong si Maria sa kanyang kwarto.

Ano ang iyong sagot?

1
1. Ang kwentong ito ay tungkol sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego at Don
Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa
puno ng Piedras Platas sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ang ibon upang
mapagaling ang kanilang amang si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng sakit
na hindi kayang gamutin ng karaniwang manggagamot.

Sagot:

2. Sa kabuuan, malalarawan ang isang tao na sinibulan ng bagong pag-ibig at umasa


na natagpuan na niya ang the one that he/she`ve been searching for his/her whole
life. Umasa, nabigo nagmove-on. Napaka tipikal na love story. Eh ano ngayon? Bakit
kailangan kong sabihin sayo to? Ito ay isang halimbawa ng isang awiting pambata
na akala mo ay walang kahulugan ngunit mayroon pala.

Sagot:

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang


kasalukuyang aralin sa naunang leksyon:

Bilang pagbabalik-tanaw tinalakay na ang Abstrak ng akadenikong sulatin na kung


saan Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga
report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng
pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat.

Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang
mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga
kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.

Napakahalaga ng Abstrak na sulatin sa akademikong pag-aaral at upang mahasa lalo


ang pagbuo nito ay tatalakayin ang bagong paksang aralin na Sintesis/buod.

ACTIVITY CARD

Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Pakibasa at unawaing mabuti ang isang halimbawa ng maikling kwento na nasa ibaba:

Sa Bagong Paraiso
Ni: Efren Abueg

Ang kwentong ito'y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-malay ng mga batang si Ariel at
Cleofe. Kapwa sila walong taong gulang at magkababata.
2
Ang kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso'y langit ang kawangis, madalas silang maglaro sa
bakuran ng kanilang bahay na malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo at
mistulang walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay hindi nag-aaway at relihiyoso. Pareho
silang nag-aaral kasama pa ng ibang bata sa isang maliit na gusali sa may dakong timog ng kanilang
nayon at marami silang pangarap. Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na
pista opisyal. Silang dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran, mula sa umaga
hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga puno kahit na marurupok, maaligasgas at malulutong na ang
mga sanga nito. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak ang balat sa kanilang siko,
nagagalusan ang kanilang mukha at kung minsan ay nababalian pa ng buto dahil nahuhulog ngunit ang
lahat ng iyon ay hindi nila iniinda, patuloy pa rin sila sa paglalaro. Sa may lilim ng punong mangga
kung saan ay makapal ang damo kung umaga ay nandun silang dalawa naghahabulan, nagsisirko,
nagpapatiran, at kung sila'y hinihingal na sa pagod ay hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang
langit at magkukunwaring aanawin sa langit ang kanilang mukha. Magtataka ang batang babae at
tatanungin ang batang lalaki kung makikita nga ba ang mukha sa langit at sasagutin ito ng batang lalaki
ng bakit hindi sapagkat ang langit daw ayon sa kanyang itay ay isang malaking salamin. Pagkaraan
tumingin ng matagal sa langit sila'y parehong makakatulog at magigising na lamang sa tawag mula sa
kanilang bahay. Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising; kung minsan naman ay ang
batang babae. Ngunit sinuman sa kanila ang unang magising, ay kukuha ito ng kaputol na damo at
kikilitiin ang tainga ng natutulog. At ang natutulog naman ay magigimbala sa kanyang
pagkakahimbing at pagkarinig na siya'y pinagtatawanan ay magtitindig at ang nangiliti ay
mapapaurong at anyong tatakbo at sila'y maghahabulan sa damuhang iyon hanggang sa mapagod at
sila'y muling babagsak na naman sa damuhan sa kapaguran, magkatabi at hindi nila pinapansin ang
pagkakadantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan. At kapag sila
naman ay nagsasawa na sa looban ay sa dalampasigan naman sila pupunta kung malamig na ang araw
sa hapon.Namumulot sila ng kabibi, naghuhukay ng hilamis sa talpukan, o kaya'y gagawa ng
kastilyong buhangin, o kaya'y nanunugis ng mga lamang-dagat na nagtatago sa ilalim ng buhangin.
Ngunit hindi lang yon ang kanilang ginagawa: naghahabulan din sila dito at kapag napagod na ay
mahihiga rin sila sa buhanginan, tulad ng ginagawa nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang
pagkakatabi ay nagkakatinginan sila. Minsan ay naitanong ng batang lalaki sa batang babae ang
tungkol sa tumutunog sa kanyang dibdib at kung ito'y kanya bang naririnig. Nagtaka ang batang babae
at bumangon ito at tumingin sa nakatihayang kalaro. Inilapit nito ang kanyang tainga sa dibdib ng
batang lalaki, dumadait ang katawan niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang
halimuyak ng kanyang buhok. Nakangiting sinabi ng batang lalaki sa batang babae na mabango pala
ito. Sinabi ng batang babae na hindi naman daw siya nagpapabango at lumupasay ito sa tabi ng
nakahigang kalaro. Sinabi niya pa na paglaki pa raw niya ay saka lamang siya magpapabango dahil yon
ang sinabi ng kanyang nanay. Tinanong ng batang lalaki kung narinig ba ng kalaro ang tunog na
nagmumula sa dibdib nito at sinagot siya ng batang babae ng oo at tinanong kung ano ang ibig sabihin
niyon. Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. Sinagot na lamang ng
batang lalaki ang kalaro ng malay daw niya at niyaya na nitong umalis na sila. Bumangon ang batang
lalaki at inayos ang sarili at nagsimula nang lumakad. Sinabayan ito ng batang babae at habang
isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila sa papalubog
na araw. "Ang ganda, ano?" naibulalas ng batang lalaki. "Parang may pintang dugo ang langit." "Oo
nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na?" tanong naman ng batang babae. Hindi
sumagot ang batang lalaki.Ipinagmamalaki ang dalawang bata ng kanilang mga magulang at ng
kanilang mga kanayon. At kinaiingitan naman sila ng ibang mga batang hindi nagkaroon ng
pagkakataong makahalubilo sa kanila. "Siguro, paglaki ng mga batang 'yan, silang dalawa ang
magkakapangasawahan."Naririnig ng dalawang bata ang salitang iyon at sila'y nagtataka. Hindi nila
madalumat ang kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro sa isang hula sa hinaharap. Higit pang
nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase na silang dalawa'y parang tuko -
magkakapit. At minsan nga ay napalaban ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking malaki
sa kanya ang isang araw na pauwi na sila, ay humarang sa kanilang dinadaanan at sila'y tinudyo nang
tinudyo."Kapit-tuko!Kapit-tuko!"Umiyak ang batang babae.Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag sa
paanan ng nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang kalaban.

3
Nagpagulung-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang kanilang ilong, nagkalapak-
lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila'y inawat at sila'y pinabalik sa
silid-aralan at pinadapa sa magkatabing desk at tumanggap sila ng tigatlong matinding palo sa
puwit. Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At
sila'y nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-malay. Namulaklak ang
mga manga, namunga, nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang mamamakyaw at sa loob ng ilang
araw, nasaid sa bunga ang mga sanga. Namulaklak din ang mga santol at iyon ay tinanaw ng
dalawang bata sa pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga unang hinog.
Nangalaglag ang mga dahon ng sinigwelas, namulaklak at dumaan ang mahabang tag-araw, at ang
damuhan ay natuyo at ang kanilang naging tagpuan ay ang dalampasigan at madalas man sila roon
ay hindi nila masagut-sagot ang bugtong kung bakit kulay-dugo ang silahis ng araw kung
dapithapon. At sa wakas ay namunga ang sinigwelas, mga luntiang bubot na pinitas nila ang ilan at
pagkaraang isawsaw sa asin ay kanilang tinikman at sila'y naasiman at idinalangin nila ang
maagang pag-ulan --- sapagkat sabi ng kanilang mga lola'y madaling bibintog at mahihinog ang
bunga ng sinigwelas kapag naulanan. Sila'y naniwala at hinintay nila ang ulan, at nang pumatak
iyon nang kalagitnaan ng Mayo silang dalawa'y naghubad, naligo sa ulan, naghabulan sa looban at
nayapakan nila ang mga tuyong damo, na waring bangkay ng isang panahong hinahalinhan
ngayon. Pagkaraan pa ng ilang araw, nadungawan nilang hinog na nga ang sinigwelas.
Nagmamadali silang nanaog at ang batang lalaki'y umakyat sa puno at ang batang babae naman ay
naghanap ng sungkit. At ang pamumulaklak at pamumunga ng manga, santol, at sinigwelas at ng
iba pang punungkahoy o halaman sa loobang iyon ay nagpatuloy. Ang damuhan ay natuyo at
muling sinibulan ng bagong supling; ang araw ay lumubog at sumikat at hindi pa rin nagbabago
ang kulay ng silahis niyon kung dapithapon. Ang paaralan sa nayon ay malapit nang magpinid; ang
guro ay naghanda na ng isang palatuntunan; ang mga magulang ay walang pinag-usapan kundi ang
katalinuhan ng kanilang mga anak. Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang araw ng
pasukan, ang batang lalaki at batang babae ay sakay ng kalesa patungo sa bayan. Doon sila mag-
aaral ng hayskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang batang lalaki'y nakalargo na at pantay na
ang hati ng kanyang buhok na nangingintab sa pahid na pomade. Samantala, ang batang babae ay
may laso sa buhok, na nakatirintas at ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at hindi nakikita
ng batang lalaki ang alak-alakan nito.Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang pagbabago, na
hindi nila napigil at siyang nagbukas sa kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang
kinaroroonan. Sa paglawak ng kanilang daigdig, ang batang lalaki'y hindi na sa batang babae
lamang nakikipaglaro. Isang araw, sa likod ng paaralan, isang pangkat ng batang lalaki ang
nakapabilog at isang batang lalaki ang nasa loob niyon at may ipinakikita sa mga kasamahan.
Nakisiksik sa mga batang lalaki at nakita niya ang isang bagay na natuklasan niyang kailangang
mangyari sa kanya. Umuwi siyang parang tulala nang hapong iyon at kinagabihan ay hindi siya
nag-aral. Naupo siya sa baitang ng kanilang hagdan at nag-isip hanggang sa makita siya roon ng
kanyang ama. Inusisa niya sa ama ang kanyang natuklasan sa paaralan at itinanong niya rito kung
bakit kailangang gawin pa iyon. Napatawa ang kanyang ama. Tinapik siya nito sa balikat. At sinabi
sa anak na kailangan daw 'yon para siya'y maging ganap na lalaki. Natingala lamang niya ito at ang
pamimilog ng kanyang mga mata'y naghiwatig ng pagkakaroon ng lamat sa kanyang kawalang-
malay. Sinabi pa ng ama sa anak na isang araw ay isasama daw siya nito kay Ba Aryo. Maging
matapang lamang daw siya sana. Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang babae, ngunit aywan niya
kung bakit nahihiya siya. Ngayon lamang iyon. Kaya't kahit patuloy pa rin silang naglalaro sa
damuhan o kaya'y nagtutungo sa dalampasigan tuwing wala silang pasok, ang alalahanin ukol doon
ay nakabawas sa sigla ng batang lalaki. At isang araw, Sabado ng umaga, isinama siya ng kanyang
ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabi ng ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit siya at
pagkaraan ng iba pang ginawa, siya'y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog. "Ang
damuho…pagkalaki-laki'y parang hindi lalaki." Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo, kabuntot ng
malutong na halakhak ng kanyang ama ay natanim sa kanyang isip at patuloy na nagpalaki sa lamat
sa kanyang kawalang-malay. Kasunod ng pangyayaring iyon, aywan niya kung bakit iba na ang
kanyang pakiramdam. Gayong magaling na ang sugat na nilikha isang umaga sa harapan ng bahay
ni Ba Aryo, hindi pa rin nagbabalik ang kanyang sigla. Natitigilan siya kung nakikipaglaro sa
batang babae. Nangingimi siyang tumabi rito kung ito'y nakahiga sa damuhan o sa dalampasigan.
Hanggang isang araw ay napansin niyang mapupula ang mga mata ng batang babae nang dumating
ito isang dapithapon sa tabing-dagat. "Bakit?" usisa niya. "Wa-wala..wala!"

4
Nag-isip ang batang lalaki. Naisaloob niyang baka ang kawalang-sigla niya sa pakikipaglaro rito
ang dahilan. Tinudyo niya ang batang babae, kiniliti, napahabol dito..hanggang sa mahawa ito at
sila'y naghabulan na sa buhanginan. Humahagikgik pa sila nang mapatong ang kamay ng batang
lalaki sa kanyang dibdib at madama niyang lalong Malakas ang pintig doon. "Tignan
mo…pakinggan mo ang tunog sa dibdib ko," anyaya ng batang lalaki. Ngunit hindi kumikilos sa
pagkakahiga ang batang babae. Nakatitig lamang ito sa maaliwalas nang mukha ng langit. Nagtaka
ang batang lalaki.Bumangon ito at tinunghan ang nakahigang kalaro. Nangingilid ang luha sa mga
mata nito. "Bakit?" Saka lamang tumingin ang batang babae sa batang lalaki. At ito'y umiyak at
ang luhang tumulo sa pisngi'y pinahid ng palad at ang palad na iyong ipinatong sa buhanginan ay
pinaniktan ng buhangin. At sa isang basag na tinig ay sinabi ng batang babae sa kalaro na hindi na
daw sila maaring maglaro gaya ng dati. "Hindi na?" sagot ng batang lalaki na parang sasabog sa
kawalang-malay ang katauhan ng batang lalaki. "Malalaki na raw tayo…malalaki nang tao.Hindi
raw maglalaon, tayo'y magiging dalaga…at binata.""Sinabi 'yon ng Nanay mo?""Oo, sinabi
niya…na hindi na tayo maaring maghabulan, o kaya'y umakyat sa punongkahoy o kaya'y pagabi
rito sa tabing-dagat," sabi pa ng batang babae."Kangina sinabi sa'yo ng Nanay mo?"Tumango ang
batang babae."Ngayon daw…hindi na tayo bata. Ako raw ay dalagita na…at ikaw raw ay binatilyo
na!" At waring ang batang lalaki'y nagising, napagmasdan niya ang kanyang mga bisig, ang
kanyang katawan at sa harap ng kanyang kalaro ay nauunawaan niyang totoo ang sinabi nito.
"Ayaw ka na palang papuntahin dito'y…bakit narito ka pa… gabi na!" Nagbangon ang kanyang
kalaro. Humarap sa kanya. Palubog na noon ang araw at mapula ang silahis niyon sa langit. Ang
mukha ng dalawa ay animo mula sa malayo at ang pakakahawak nila sa bisig ng isa't isa ay parang
isang pagpapatunay ng tibay ng tanikalang bumibidbid sa kanilang katauhan. Hindi na nga sila mga
bata. Siya'y dalagita na. Siya naman ay binatilyo na. Ang pagbabagong iyon ang nagpaunawa sa
kanilang may tumataas nang dingding sa pagitan nila. Nagkikita pa rin sila sa looban, ngunit hindi
lamang tulad nang dating nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Ngayon, parang lagging may
nakatingin sa kanilang mga matang nagbabawal. Sa looban, ang kanilang mga magulang; sa
paaralan, ang kanilang guro. At ang kanilang tawa tuloy ay hindi na matunog; ang hiyaw ng
dalagita ay hindi na matinis, Malayo sa hiyaw nito noong araw; ang kanilang pag-uusap ay hindi na
Malaya at pumipili na sila ng mga salitang kanilang gagamitin. At buwan-buwan, ang dalagita ay
may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng kanyang katre at kapag tapos na sa paglalaba ang
kanyang ina ay palihim niyang lalabhan sa silong at ikukula sa kubling bahagi ng kanilang likod-
bahay. Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa paglalaba sa silong at sinabi nito sa kanya: "Hindi
mo na kailangang dito pa labhan 'yan…" Nagtapos sila ng hayskul.Nagkamay sila pagkaraang
maabot ang kani-kanilang diploma.At nang magsasayawan nang gabing iyon, magkatambal sila.
Gayong hindi naman sila nahapo, ang tibok sa kanilang dibdib ay mabilis at malakas at ngayon ay
hindi maungkat iyon ng binatilyo. Nagsayaw sila, nag-uusap ang kanilang mga mata ngunit ang
kanilang labi'y tikom at kung gumalaw man ay upang pawiin ang panunuyo o paglalamat niyon. At
hindi nila alam na ang tibok ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpapalaki sa lamat sa
kanilang kawalang-malay. Maliwanag ang narinig na salita ng dalagita: Kung gusto mong
makatapos ng karera, huwag muna kayong magkita ni Ariel. Naunawaan niya ang ibig sabihin
niyon, ngunit ang pagtutol ay hindi niya maluom sa kanyang kalooban. "Pero, Inay…kaibigan ko si
Ariel."May himagsik sa kanyang tinig. "Kahit na…kayo'y dalaga at binata na. Alam mo na siguro
ang ibig kong sabihin." May langkap na tigas ang sagot na iyon. Alam niya ang kahulugan niyon:
Masama: Parang pait iyong umuukit ng kung anong bagay sa kanyang isip. At saglit iyong inagaw
ng tinig ng kanyang ama. "Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki!" At
ang pait na may iniukit sa kanyang isip ay parang pandalas na pinukpok at ang kanyang katauhan
ay nayanig at ang tunog ng pagpukpok ay nag-aalingawgaw ng: Lalaki! Lalaki! Hindi siya
nakatagal sa harap ng kanyang mga magulang. Nakatiim ang mga labing pumasok siya sa kanyang
silid. "Ayaw nila…ng Inay…ng Itay…masama raw," at ang mga labi niya'y nangatal, kasabay ng
luhang umahon sa kanyang mga mata. Nang minsang dalawin ng binata ang dalaga sa dormitoryo
ay pinakiusapan siya ng dalaga na huwag na muna silang magkita. Napatitig lamang ang binata sa
dalaga. Minsan, ang binata ay umuwi sa lalawigan. Mapanglaw ang kanyang mukha at napuna iyon
ng kanyang ama. Nalulungkot ang binata sapagkat ayaw ng makipagkita sa kanya ni
Cleofe. Nagtawa ang kanyang ama, tulad ng nakaugalian nito tuwing may ilalapit siyang suliranin.
Sinabi ng ama sa anak na magkakalapit din namang sila muli pag nakapagtapos na ang dalaga. At
gusto ng mga magulang nito na maging doktora ang anak. Pasigaw ang alingawgaw ng kanyang
tinig sa kanyang isip. "At habang nagdodoktora siya ay masama kaming magkita?"

5
"Tama ka!" maagap na pakli ng ama. "Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa babae ay malapit
ka rin sa tukso!" At ang dalawa'y hindi na nga nagkita, gayong nasa lungsod na maliit at maglakad
ka lamang sa mga lansangan ay hindi ka mawawalan ng makakasalubong na kakilala. Mangyari'y
iniwasan nila ang magkita, at hindi sila nagkita sapagkat inihasik sa kanilang isip na ang pagkikita
nila ay masama, tukso. Nabubuhay sila ngayon sa isang bagong daigdig, daigdig ng aklat, ng
matataas na gusali ng malalayong kabataan sa kapaligiran. Hindi sila nagkita sa loob ng mahabang
panahon. Hindi sila nakatiis. Isang araw na hindi sinasadya'y nagkasalubong sila sa pamimili ng
kagamitan. Kapwa sila napahinto sa paglalakad at nabangga na sila ng mga tao sa bangketa ay
hindi pa rin sila makakilos. Ang binata ang naglakas-loob at binati niya ang dalaga.Hindi nakasagot
ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at nang anyayahan siya nitong magpalamig
sila sa isang kanugnog na restawran ay napasunod lamang siya, napatangay sa agos kanyang
damdamin. At sa harap ng kanilang hininging pagkain, sila'y nagkatitigan at sila'y nakalimot at
akala nila'y nasa luntiang damuhan sila sa looban sa lalawigan, nakahiga at nakabaling sa isa't isa.
At sila'y nagkita sa Luneta, hindi lang minsan kundi maraming pagkikita, maraming-marami at ang
kanilang sikil ng damdamin ay lumaya at sa unang pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwan, sila'y
lumigaya. Ngunit ang inihasik na binhi ng pagkakilala sa masama at sa mabuti sa kanilang isipo ay
sumibol na at nagpaunawa sa kanilang ang ginagawang iyon ay masama. Ngunit sila'y
naghihimagsik. Nakatanggap ng sulat ang dalaga mula sa kanyang mga magulang. May nakakita sa
kanilang dalawa ni Ariel na magkahawak-kamay sa Luneta, sa pook na dapat pakaiwasan. Hindi
man lang daw sila nahiya. Hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa sa liham. Nagbabanta ang
mga sumusunod pang talata: luluwas ang ama mo kapag hindi mo itinigil ang kabaliwang yan.
Pinagsabihan din ang binata ng mga magulang nito sapagkat nakaabot na pala sa mga ito ang
nangyari. Muli na namang ipinaalala sa binata na ang babae ay isang tukso. Ibig niyang umalis sa
silid na iyon at upang hindi na marinig ang alingawngaw ng katagang iyon: tukso --- tukso ----
tukso! Sinabi ng dalaga: hindi na ngayon tayo maaaring magkita. Sinasabi ng binata: magkikita
tayo… magtatago tayo…ililihim natin sa kanila ang lahat. At sila nga ay nagkita, sa mga pook na
hindi sana nila dapat pagkitaan, ngunit doon sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik ng takot na
matutop at ng pangangailangan. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, suluk-sulok, malamig din,
ngunit hinahamig ng init ng kanilang lumayang mga katawan. Maligaya sila sa kanilang daigdig.
Maligaya sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang araw ay kumulog, dumagundong ang
kalawakan, at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamaya-maya, pumatak ang ulan, na ang
pasimulang madalang ay naging masinsin. Ang dalaga ay dumungaw sa bintana - masama ang
kanyang pakiramdam. May kung anong nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang
ilabas, na ibig niyang itapon. At iyon ay umaakyat sa kanyang lalamunan. Humawak siya sa
palababahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng kanyang
pakiramdam.Natanaw niyang maitim ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan. Tumungo
siya at nakita niyang nilinis ng tubig ang bangketa at kasabay ng kanyang pagtungo, parang may
isinikad na pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at siya'y napanganga at siya'y napapikit at
siya'y napaluha at paghigpit ng kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay napaduwal siya…at
ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling kumalat doon at pagkaraa'y
nilinis ng patak ng ulan, inianod ng nilikhang mumunting agos sa gilid ng daan. At ang dalaga'y
napabulalas ng iyak.

--WAKAS--

Matapos basahin ang kwento bumuo ng buod nito ayon sa iyong pagsusuri. Maging mapanuri sa
pagbubuod at ang pagbubuod ay susuriin sa pamantayan sa ibaba.

Indikador Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng


tulong
Pagbubuod 5 4-3 2-1
Kongklusyon 5 4-3 2-1
Gramatika/Pagbabantas 5 4-3 2-1
Kabuuan 15 6
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

SINTESIS/BUOD

7
Katangian ng
mahusay na Buod
Gumamit ng sariling salita

May obhetibong balangkas

Hindi nagbibigay ng sariling ideya o


kritisismo

Lahat ng ideya aymakatotohanan

Gumamit ng mga susing salita

8
9
ENRICHMENT CARD

Pagyamanin

Gawain 1

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga anyo ng isang sintesis?


a) explanatory at investigative b) argumentative at investigative
c) explanatory at narrative d) argumentative at explanatory

2. Alin sa mga uri ng sintesis ang may kahulugan na nangangailangang pagsama-


samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa?
a) Background synthesis b) Thesis-driven synthesis
c) Synthesis for the literature d) Analytic synthesis

3. Sa bawat maikling kwento ay may maiiwan na kakintalan sa mga mambabasa


sa huling bahagi ng kwento. Ano ang tawag sa pagbibigay ng sariling
interpretasyon sa nasabing akda?
a) sanaysay b) kongklusyon c) sintesis d) buod

4. Si Mina ay nangangailangan ng mga dating pag-aaral na isinagawa o isinatupad


na malapit mismo sa kaniyang ginagawang pananaliksik. Anong sintesis ang
makatutulong kay Mina upang makamit ang maayos na paksa sa kanyang
pananaliksik?
a) Background synthesis b) Thesis-driven synthesis
c) Synthesis for the literature d) Analytic synthesis

5.Si Jisoo ay magsusulat ng isang sintesis bilang ikaw ay may kaalaman na sa


pagsulat nito ano ang pinaka-unang dapat gawin ni Jisoo?
a) ilista ang mga sanggunian b) rebisahin ang sintesis
c) isulat ang unang burador d) linawin ang layunin

10
ENRICHMENT CARD

Gawain 2

Bumuo ng sariling gawang buod at kongklusyon batay sa awiting bayan na


makikita sa ibaba.
Sitsiritsit alibangbang

Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto, salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumuri’y parang tandang

Santo Nino sa Pandacan


Puto seko sa tindahan.
Kung ayaw mong magpautang?
Uubusin ka ng langgam.

Mama, mama, namamangka


Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika

Ale, ale namamayong,


Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.

11
ENRICHMENT CARD

Malayang Gawain 1

Batay sa binasang akdang pampanitikan na maikling kwento ni Ginoong Efren


Abueg na may pamagat na “Ang Bagong Paraiso”. Bawat bilang ay pupunan ng mga
wastong kasagutan.

Sa Bagong Paraiso
(Ni Efren Reyes Abueg)

II. PAGKILALA SA MAY-AKDA:

III. URI NG PANITIKAN:

IV. LAYUNIN NG MAY-AKDA:

V. TEMA O PAKSA:

VI. SARILING PUNA:

VII. ARAL NA MAKUKUHA:

VIII. REPLEKSYON:

12

IX. SINTESIS:
Malayang Gawain 2

Basahing mabuti ang maikling kwento na akda ng isang napakahusay na


manunulat na si Rogelio Sicat na pinamagatan niyang “TATA SELO”. Pagkatapos
basahin ang kwento ay gagawa kayo ng sariling buod nito at magbibigay kayo ng
kongklusyon o sintesis kung paano natapos ang kwento.

Tata Selo
Ni Rogelio Sikat

Ang panitikan ay salamin ng buhay. Ito’y isang representasyon ng mga karanasan sa buhay ng tao sa
tulong ng mga salita. Sa kuwentong ito, alamin kung anong mga pangyayari sa mga tao sa lipunan ang
malinaw na pinapaksa ng may akda. Matagumpay ba itong nailahad ng may akda? Anong paraan ang
ginamit niya? Gumawa ng sariling buod at magbigay ng kongklusyon sa huli ng akda.

Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang
araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng
bahay-pamahalaan.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangan makalapit sa istaked.

“Totoo ba, Tata Selo?”

“Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”

Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo.
Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot,
may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid
ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid ang kanyang kahangga, na isa sa
nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao.
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi ko ho
mapaniwalaan.”

Hinaplus-haplos ni tata Selo ang ga-daliri at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan,
di kalayuan sa istaked, ipinagtitilakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang
Sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay
nakalutang ang nagsasalisod na alikabok.

“Bakit niya babawiin ang saka?” tanong ng Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na
ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin
ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?”
Hndi pa rin umalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa
labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.

Hindi mo na sana tinaga ang Kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San
Roque, na tila isang magilas na pinunong bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao sa istaked.
Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay, at nakapamaywang habang naninigarilyo.

“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na
akong saka?”

Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang Kabesa. Ari niya ang
lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapapaalis ka niya anumang oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.

13
“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng
sigarilyo at mariing tinapakan pagkatapos. “alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla
lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng Kabesa. Pangarap ko pong
bawiin ang lupang iyon kaya nga po ako hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi
ko na naman po mababawi, masasaka man lamang po.nakikiusap po ako sa Kabesa kangina. ‘kung
maaari po sana, ‘Besa’’, wika ko po, ‘kung maaari po sana, huwag naman po ninyo akong paalisin. Kaya
ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako pa nama’y malakas pa.’
Ngunit…Ay! Tinungkod po niya ako nang tinungkod, Tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po
‘nyo.”

Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang
pulis.

“Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”

Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na
nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, anak-magbubukid na naniniwala
sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata.

Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.

“Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka. Pinaalis
ako sa aking saka, ang wika’y iba na raw ang magsasaka. Nang makiusap ako’y tinungkod ako. Ay!
Tinungkod ako, amang, nakikiusap ako sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”

“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”

Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.

“Patay po ba?”

Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.

“Pa’no po niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong anak ni Tata Selo
na ulila na sa ina.

Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo.
Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-
abot ang busina ng dyip na kinasaksakyan ng dalawang upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-
aalisang tao.

Tumigil ang dyip sa di-kalayuan sa istaked.

“Patay po ba? Saan po ang taga?”

Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao. Itinaas ng may-katabaang alkalde ang dalawang
kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking lalaking hepe.

“Saan po tinamaan?”

“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing ihinagod hanggang sa
kanang punog tainga. “Lagas ang ngipin.”

Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw ng batuta ang
mga pulis. Ipinasya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan.
Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.

“Mabibilanggo ka niyan, Tata Selo,” anang alkalde pagkapasok ni Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa
silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa
nasasalaminang mesa.

14
“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot at galit na tanong ng alkalde. Matagal bago nakasagot si Tata Selo.

“Binawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong
amin ang lupang iyon, amin, po, Naisangla lamang po at naembargo—“
“Alam ko na iyan,” kumukupas at umiiling na putol ng nabubugnot na alkalde.

Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw nang luha sa
kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.

“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka.
Makatuwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”

“Saan mo tinaga ang Kabesa?”

Matagal bago nakasagot si Tata Selo.

“Nasa may sangka po ako nang dumating ang Kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas na pilapil. Alam ko
pong pinanonood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman
niyang ako po’y talagang malakas pa, kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako
at nang ako po’y lumapit, sinabi niyang makakaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang
magsasaka.

‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’
Tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a’ Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kanya,
ngunit ako po’y… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod nang tinungkod.”

“Tinaga mo na no’n,” anag nakamatyag na hepe.

Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin—may mga eskribante pang nakapasok doon—ay
nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw
ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik,
maalikabok at luyang paa.

“Ang iyong anak, na kina Kabesa raw?” usisa ng alkalde.

Hindi sumagot si Tata Selo.

“Tinatanong ka anang hepe.”

Lumunok si Tata Selo.

“Umuwi na po si Saling, Presidente.”

“Kailan?”

“Kamakalawa po ng umaga.”

“Di ba’t kinakatulong siya ro’n?”

“Tatlong buwan na po.”

“Bakit siya umuwi?”

Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na napayuko siya.

“May sakit po siya.”

15
Nang sumapit ang alas-dose—inihudyat iyon ng sunod-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na
katapat lamang ng munisipyo—ay umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama
ang hepe at dalawang pulis.

“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na

Nakayuko at di pa natitinag sa upuan.

“Binabawi po niya ang aking saka.” Katwiran ni Tata Selo. Sinapo ng hepe si Tata Selo. Sa lapag halos
mangudngod si Tata Selo.

“Tinungkod po niya ako ng tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo.

Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig napaluhod si

Tata Selo, nakakapit sa uniporment kaki ng hepe.

“Tinungkod po niya ako ng tinungkod… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod ng tinungkod…”

Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.

“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e,” sinabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag
sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.

Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo nagkalat ang papel na naiwan nang
nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng buwang iyo’y dapat nang
nag-uuulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.

“Dadalhin ka siguro sa kabesera, Selo,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang
nasa loob ng istaked. “Don ka suguro ikukulong.”

Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruming sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa
paligid niya’y natutuyong tamak-tamak na tubig. Naka-unat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at
nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, naka-sandal siya sa steel matting na
siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi na gagalaw ang sartin ng
maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.

“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ito ng tabako at lumapit sa
istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.

“Patayin na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang narinig si Tata Selo. Napatay ko po ang
Kabesa. Patayin na rin ninyo po ako.”

Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo ang rehas ngunit pinagkiskis niya ng
mga palad at tiningnan niya kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo
nang nakiling ito.

May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti lang iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga
iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong
langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay taga-Poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y
nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang Kabesa. Nagtataka
at hindi makapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na
itatanghal.

Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni
Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.

Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan.

16
Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos
buhatan siyang dalawang pulis.

Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng lakad si Tata Selo. Nakita niya ang
babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.

“Hindi ka na sana naparito Saling,” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka, Saling, may sakit ka!”

Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok,
ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang araw. Matigas ang kanyang namumulang mukha.
Pinalipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.

“Umuwi ka na, Saling” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na…bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag,
huwag ka nang magsasabi…”

Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa istaked. Pagkabalik niya sa
istaked, pinanood na naman siya ng mga tao.

“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi ng halata.”

“Ang anak, dumating daw?”

“Naki-mayor.”

Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagkaraang
siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinanakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod
na ginapang niya ang rehas. Mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila
huhutukin. Tinawag siya ng mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang
kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapag. Matagal siyang
nakadapa bago niya narinig na may tila gumigising sa kanya.

“Tata Selo…Tata Selo…”

Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng mga luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.

Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umabot sa kanya.

“Nando’n amang si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo.”
Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na nag-paulik-ulik, pagkaraa’y takot at
bantulot nang sumunod…

Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang
lihin sa istaked, sa may dingding na steel matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya,
nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila
lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked,
nakasandig sa rehas ang batang Inutusan niya kanina. Sinabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa
tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi pagbawi ng saka ang
sinasabi.

Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay!
Ang lahat ay kinuha na sa kanila…

17
REFLECTION CARD

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata


upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Sa pamamagitan ng nalamang paksa ay iyong isasalaysay lahat ng iyong natutunan sa


paksang ito gamit ang pagbubuod.

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
__

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong


kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Sitwasyon: Ikaw ay isang taga-ulat at inatasan kang iulat kung ano ang Covid 19 paano
mo ito maipapaliwanag sa loob lamang ng isang daang mga salita?

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________.

18
ASSESSMENT CARD

Tayahin

Isulat ang S kung tinutukoy sa pangungusap ay ukol sa sintesis, B kung sa buod at


SB kung wala sa nabanggit.
____1. Ito ay isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o
tagapakinig.
____2. Ginagamitan ng sariling salita ngunit ang diwa ay ayon sa akda.
____3. Hindi nagbibigay ng sariling ideya o kritisismo.
____4. Inililista na ang mga detalye habang nagbabasa.
____5. Ginagawa o sinusulat para sa sarili.
____6. Obhetibo sapagkat taglay ang mga pinaghanguang sanggunian.
____7. Madalas na ginagawa sa mga tekstong naratibo.
____8. Sumasagot sa 5 w’s at how.
____9. Inihaharap sa mga mga komperensya ng pananaliksik.
____10. Nagpapatibay sa pananaliksik na ginawa.

REFERENCE CARD

Ipinaskil ni Unknown sa 6:02 AM


I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/abstrak.html
https://www.scribd.com/document/384405182/Ang-Sintesis-o-Buod
https://philnews.ph/2019/12/06/buod-ng-tata-selo-buod-ng-isinulat-ni-rogelio-r-sikat/
https://www.scribd.com/document/246826137/Sa-Bagong-Paraiso

19
Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Subukin:
1. Alamat ng Makahiya
2. Ibong Adarna
3. Leron leron Sinta

Tuklasin:

Sa kwentong ito mayroong dalawang batang matalik na magkaibigan at iyon ay sina


Arielat Cleofe. Ang mundo nila ay parang isang paraiso na kawangis ng mapayapang
langit, puno ngsaya at walang iniisip na kahit anumang problema. Noong sila'y walong
taong gulang pa lamang, palagi na silang nagkakasama sa paglalaro. Madalas silang
maglaro sa kanilang looban o di kaya'ysa kanilang dalampasigan. Dahil sa palagian
nilang pagsasama, sila'y puring-puri ng kanilangmagulang at mga kanayon at minsa'y
inisip nila na sila ay magkakatuluyan sa paglaki nila. Nangmatapos nila ang
elemantarya, tumungo silang dalawa sa bayan upang mag-aral ng haiskul.
Ditomatatahak nila ang unti-unting pagbabago ng kanilang nakaugalian gaya ng siglang
makipaglarosa isa't isa dahil sa sila'y nagbibinata at nadadalaga na. Dumating ang araw
ng Sabado, isinama siAriel ng kanyang tatay upang tumungo sa isang kakilala na
nagngangalang Ba Aryo. Dahil sanagbibinata na si Ariel, sinabihan siya ng kanyang
tatay na magpatuli na upang siya'y magingisang ganap na lalaki. Ngumata siya ng
dahon ng bayabas, pumikit siya at pagkaraan ng iba pang
ginawa, siya’y itinaboy ni Ba Aryo upang m
aligo sa ilog. Kasunod ng pangyayari, tuluyan nangang nawalan na ng sigla ang
dalawang bata na maglaro. Dumating ang panahon, nung nataposna nila ang haiskul at
sila na ay magkokolehiyo. Napagbawalan si Cleofe na makipagkita munakay Ariel dahil
sa nais ng magulang na maging doktora siya at magpukos muna sa kanyang pag-aaral
at upang maiwasan ang tukso. Sa sumunod na mga araw hindi na tuluyang nagkikita
angdalawa. Gayunpaman, sa hindi inaasahang pangyayari, nagkasalubong sila sa isang
pamilihan atdoon niyaya ni Ariel si Cleofe na makipagusap muna sa kanya at kumain
sa isang restawran. Saoras na yan, nagtapat si Ariel kay Cleofe na may nararamdaman
siya para sa kanya sabay halik sa palad ng babae. Napagdesisyonan nilang dalawa na
magkita sa Luneta park at sa mga nagdaangaraw palagi na muli silang nagkikita pero di
pa rin nila maiiwasan ang mga suliranin dulot ngmagulang ng babae. Nagpadala ng
lihim ang nanay ni Cleofe sa kanya na nakita siyang maykahawak kamay na lalake at
'yun ay si Ariel. Dahil sa ayaw nilang matigil ang kanilang pagiibigan,nagpadesisyonan
ng dalawa na ilihim na muna ang kanilang relasyon at ang palagiang pagkikitasa kani-
kanilang mga magulang. Dahil sa patago na pagiibigan nina Ariel at Cleofe, nagbago
naang paraisong kanilang hinahatak. Kung noon ay parang kawangis ng mapayapang
langit, ngayonay hindi na malawak sa kanilang kalooban o kaya parang isang
dalampasigang malamig kung angdapithapon ang silahis ng araw ay mapulang parang
dugo. Bilang pangwakas, naging maligayasila sa kanilang daigdig at sa kanilang bagong
paraiso. Hanggang sa dumating ang araw, biglangmay hindi naging maganda ang
pakiramdam ni Cleofe. Biglaang sumikad ang kanyang lalamunan.Siya'y napanganga,
napapikit, napaluha at sa pagkakapit niya sa palababahan ng bintana aynaduwal siya.
Sa huli'y napabulalas ng iyak ang dalaga.

Gawain 1:
1. D
2. A
3. B
20
4. C
5. B
Gawain 2:

Indikador Napakahusay Mahusay Nangangailangan


ng tulong
Buod 3 2 1
Gramatika at 2 1 .5
Pagbabantas
Kabuuan 5

Malayang Gawain 1:

Sa Bagong Paraiso
(Ni Efren Reyes Abueg)

I. PAGKILALA SA MAY-AKDA: Si Efren Abueg ay isinilang sa Tanza, Cavite


noong Marso 3, 1937 at isa sa mga iginagalang na kuwentista, nobelista,
mananalaysay, at krititiko sa kanyang kapanahonan. Kabilang sa kaniyang mga aklat
ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang
editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga
Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang
Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973).

II. URI NG PANITIKAN: Ang anyo ng panitikang sinulat ay nasa kaanyuang isang
maikling kwento.

III. LAYUNIN NG MAY-AKDA: Nag-udyok sa kanyang isulat ang akda dahil sa


pagnanais niyang tumatak sa isipan ng bawat mambabasa ang aral na nais nitong
ipahiwatig sa kwento. Nais niyang ilahad at hikayatin ang mga kabataan na kailangan
parin nilang sundin ang payo ng kanilang mga magulang at ng mga nakakatanda.

IV. TEMA O PAKSA: Pagsunod sa payo ng magulang.

V. SARILING PUNA: “Sa Bagong Paraiso” ito ay tungkol sa dalawang magkaibigan


na babae at lalaki na pilit pinaghihiwalay ng kanilang mga magulang dahil sa
kadahilanang sila ay binata’t dalaga na at ang lalaki raw ay malapit sa tukso kapag
malapit sa babae. Nais ipahiwatig ng may-akda na dapat tayong mga kabataan ay
sumunod sa payo ng ating mga magulang dahil sila ang mas nakakaalam. Ngunit
masarap gawin ang bawal kung kaya’t pilit silang kumawala sa hawla ng banta at bawal
mula sa kanilang mga magulang at tinahak ang kanilang naging bagong paraiso na
siyang naging dahilan ng pagdilim ng kanilang mga mundo.

VI. ARAL NA MAKUKUHA: Ang pagsunod sa payo ng ating mga magulang ay isang
landas patungo sa ating magandang bukas. Wala silang ibang hinangad kundi ang
mapabuti lang ang ating buhay. Labanan ang tukso upang ang landas natin ay di
lumiko. Sundin ang payo ng magulang upang ang buhay ay maging maayos at naayon.
Walang magulang na gugustuhing ipahamak ang anak (pwera na lang sa iba). Ang
ating mga magulang ang mas nakakaalam kung ano ang tama at mali. Dahil kung tayo
ay papunta pa lamang, sila’y pabalik na.

VII. REPLEKSYON: Lubhang napakahirap labanan ang tukso lalo na’t sila ang naging
dahilan ng ating pagtawa at ang rason kung bakit may saysay ang mundo. Minsan ang
pakiramdam na ito ay hindi naiintindihan ng ibang tao kung kaya’t madali lang sa
kanilang sabihin ang salitang “Lumayo ka sa tukso!” Minsan tayo ay nadadala sa saya
kung kaya’t nakakalimutan natin ang pangarap sa atin ng iba. Ngunit sa kwentong ito,
ito’y nagpapahiwatig na kahit ano man ang maging dahilan mo dapat parin tayong
magising sa ating munting pagiisip tungkol sa larangan ng pag-ibig. Aral muna ang
dapat asikasuhin upang mas maabot natin ang ating mga pangarap sa buhay at
makatulong sa ating mga magulang dahil ang totoong pag-ibig ay nakapaghihintay.
21
I. SINTESIS. Si Cleofe at Ariel ay kapuwa walong taong gulang na matagal
nangmagkaibigan at parehong wala pang ganap na malay sa mundong
kanilangginagalawan. Silang dalawa’y laging naglalaro sa kanilang bakuran at sa
kalapitnitong dalampasigan at ang mga lugar na ito ay ang kanilang paraiso. Kilala
angdalawang magkaibigan sa kanilang nayon dahil sa kanilang pagkakaibigan at
talino.Kinaiingitan ng ibang bata ang kanilang pagkakaibigan at minsa’y narinig ng
dalawamula sa mga saksi sa pagkakaibigan nila’y sila ang makapangaasawahan.
Lumipasang panahon at sila’y nag-umpisa at nakapagtapos din sa hayskul. Noo’y
kinausap nasila ng kanilang mga magulang na panahon na upang sila’y maghiwalay at
hindi muna magkit dahil pinaniniwalaan nila na sila’y tukso para sa isa’t – isa lalo na at
sila ay mga dalaga’t binata na. Sinunod naman ng dalawa ang utos ng kanilang mga
magulang at sila’y nagtungo sa bayan upang magkoleheyo. Nagdaan ang madaming taon
simula nang sila ay tumigil sa pagkikita ngunit isang araw ay hindi sinasadyang nagkita
sina Cleofe at Ariel. Muling nagkabangga ang kanilang mga mundo at sila’y hindi na
nakatiis. Ang isang pagkikita ay nasundan pa ng madami. Ang kanilang pagkikita’y
ginagawa nila ng palihim sa takot na madiskubre ito ng kanilang mga magulang. Ang
mga lugar na kanilang naging lihim na tagpuan ay ang nagingkanilang bagong mundo,
ang kanilang bagong paraiso. Ang paghihimagsik nilang itoay di naglaong humantong sa
kinakatakutang pangyayari ng kanilang mga magulang, ang sila’y masadlak sa isang
kasalanang makakasira sa kanilang mga pangarap at tuluyang magbubukas sa kanilang
kamalayan.

Malayang Gawain 2:
PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY NANGANGAILANGAN NG
TULONG
Wastong Pagbubuod 20-18 17-12 11-1
20
Kakaibang 10-8 7-5 4-1
Kongklusyon 10
Gramatika 10 10-8 7-5 4-1
Malikhain 10 10-8 7-5 4-1
TOTAL =50

Ang kwentong ito ay nagsimula sa Istaked. Dito, pinagkaguluhan ng mga tao si Tata Selo. Ang dahilan
kung bakit ponagkaguluhan siya ay pinatay nya si Kabesang Tano na may-ari ng lupang kanyang
sinsakahan.
Nataga ni Tata Selo ang Kabesa dahil npinaalis siya sa kanyang lupain ngunit tumanggi at pinagpilitan ni
Tata Selo na kaya pa niyang magsaka pero tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag niya sa
binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa
loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.
Isang araw, dualaw si Saling, ang kanyang anak. Naninirahan si Saling dati sa Kabesa at nanilbihan, subalit
umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente. Nakahabag si Tata Selo
nang inisip niyang puwiin si Saling dahil wala na siyang magagawa.
Pinatawag ng Alkalde si Saling sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito.
Dumating muli si Saling at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi ito papasukin,
sabi ng kaniyang anak. Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na “inagaw sa kanya ang
lahat”.

22
This material was contextualized
by the

Curriculum Implementation
Division (CID)
Learning Resources Management and Development System
(LRMDS)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic intervention Material


Manunulat: Jellanie C. Portacio
Editor: Cherry G. Vinluan, EdD
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD-EPS Filipino
Ellaine D. Chua, PDO-LRMDS
Tagaguhit: Carlo S. Yambao / Timothy Bagang (cover)
Tagalapat: Roland M. Suarez

Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V- Schools Division Superintendent


Leonardo C. Canlas, EdD, CESE-Asst. Schools Division
Superintendent
Rowena t. Quiambao, CESE-Asst. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID

Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino


Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, EPS -ADM Coordinator

23

You might also like