You are on page 1of 16

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
CITY OF SAN FERNANDO

MODIFIED STRATEGIC INTERVENTION


MATERIAL IN FILIPINO
Filipino sa Piling Larang: AKADEMIK
Quarter 1-Lesson 2

GRADE 12
FILIPINO SA PILING LARANG:
AKADEMIK

GUIDE CARD

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.


Ang modyul na ito ay binuo upang magpatuloy ang paglinang sa kaalaman ng mga mag-aaral. Sa
kasalukuyang panahon malaki ang magiging gampanin ng modyul. Sa pamamagitan ng modyul na ito ay
magkakaroon ng gabay ang mga mag-aaral upang tuklasin ang mga kaalamang may kaugnayan sa mga
akademikong sulatin. At ang magiging pokus nito ay ang abstrak na kung saan tutuklasin ang layunin, gamit,
katangian at anyo nito.

LEARNING COMPETENCY LEARNING OBJECTIVES


• Natutukoy ang kahulugan ng abstrak,
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong • Napagsusunod-sunod angmga
sulatin sa: hakbang sa pagsulat ng abstrak,
(a) Layunin • Nasusuri ang halimbawa ng abstrak,
(b) Gamit • Nakasusulat ng pagpapaliwanag sa
(c) Katangian kalikasa ng abstrak, at
(d) Anyo • Napapahalagahan ang gamit ng
CS_FA11/12PN-0a-c-90 abstrak.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
A. PANUTO: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay tama o mali. Isulat ang salitang TAMA kung
ang pahayag ay wasto, at MALI kung may nagpapamali sa pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.
____________1. Ang abstrak ay isang maikling buod na inilalagay sa unahan ng panimula o introduksyon ng
isang tesis o disertasyon.
____________2. Huwag maging maligoy sa pagsulat ng abstrak.
____________3. Maging subhetibo sa pagsulat ng abstrak.
____________4. Kailangang basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng
abstrak.
____________5. Buoin ang abstrak gamit ang mga saknong, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng
bawat bahagi ng sulatin.

1
B. PANUTO: Punan ng impormasyon ang mga kahon batay sa iyong kasalukuyang kaalaman sa salitang
abstrak.

Anong mga salita ang pumasok


sa iyong isipan nang marinig ang
salitang ABSTRAK?

Gamit ang mga salitang ibinigay sa itaas bumuo ng sariling pagpapakahulugan sa salitang Abstrak.

2
Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang


kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
PANUTO: Gamit ang word map magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa akademikong sulatin.

ACTIVITY CARD

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
PANUTO: Halina’t basahin ang isang halimbawa ng abstrak.
TESIS ABSTRAK
Pamagat: Pagsususri sa Florante at Laura Gamit ang Iba’t Ibang Teoryang Pampanitikan
Mga Mananaliksik: Ma. Elizabeth M. Ariola
Saraj Jane P. Langcay
Lovely Joy C. Mojado
Kurso: Batsilyer ng Pangsekundaryang Edukasyon
Medyor: Filipino
Uri ng Dokumento: Tesis
Kabuung Bilang ng Pahina: 99
Taon: 2012-2013
Tagapayo: G. Adelaido P. Pinawin, MAT

3
Buod
Ang pananaliksik na ito ay binuo ng mga mananaliksik upang suriin ang Florante at Laura na akda ni
Francisco Balagtas na itunututing na isa sa mga pinakadakilang akda sa larangan nga Panitikang Filipino.
Sang-ayon kay Pedro L. Ricarte, ang akdang Florante at Laura ni Francisco Balagtas, kung ito’y isang
kathang walang kupas, ay dapat maangkin ng nakaraan, ng kasalukuyan at ng hinaharap man.
Inasam na maipamulat sa mga mag-aaral ang kalagahan ng pag-aaral at pagpapahalaga sa
nasabing akda dahil ito ay isa sa mga nakadisenyo upang pag-aralan sa panahong ito. Nakasaad sa Basic
Education Curriculum na manantili.

Layunin
Nilalayong masagot sa pananaliksik na ito kung ano-anong teoryang pampanitikan ang ginamit sa
kabuuan ng awit na Florante at Laura at tukuyin ang limang teoryang pinakanangingibabaw. Dagdag pa,
ilarawan at ihambing ang mga ito sa bawat isa. Sa huli, makabuo ng mga patnubay na tanong upang masuri
sa iba’t ibang perspektibo ang anumang akdang pampanitikan.

Resulta
Matapos isagawa ang pagsusuri, natuklasan na ang mga teoryang pampanitikang ginamit sa awit ay
arketaypal, eksistensyalismo, feminism, humanism, sosyolohikal, klasismo, markismo, moralistiko, naturalism,
realismo, romatisismo, saykolohikal at imahismo. Sa kabuuan, ang limang teoryang pampanitikang
nangibabaw ay ang romantisismo, naturalism, arketaypal, saykolohikal at moralistiko. Sa pamamagitan ng
paglalarawan at paghahambing sa limang pinakanangibabaw sa teoryang pampanitikan ay nabatid ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito sa bawat isa. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mungkahing
gabay sa pagsususri ng panitikan ay binuo.

Konklusyon
Matapos maisaayos ang mga resulta ng pananaliksik at pagsusuri, nabuo ang mga sumusunod na
konklusyon. Iba’t ibang teoryang pampanitikan ang maaaring magamit para sa isang partikular na akdang
pampanitikan. Lalo na sa mga akdang binubuo ng maraming kabanata tulad ng awit sapagkat ang may-akda
ay nagbibigay-tuon sa daloy ng pangyayari at hindi sa mga teorya na maaaring mabakas sa kanyang akda.
Kapuna-puna rin na hindi magiging pantay ang bilang ang mga teoryang pampanitikang ginamit sa akda at
mayroong mga teorya na magiging dominante kaysa iba. Gayundin, ang mga teoryang pampanitikan ay
mailalarawan at mapaghahambing sa bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay tuon sa anggulo ng
pagakakatulad at pagkakaiba ng mga ito. Dagdag pa, kapaki-pakinabang ang paggamit ng mga patnubay na
tanong upang magkaroon ang mga mag-aaral ng gabay sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan na
angkop para sa limang toeryang pinakanangingibabaw sa awit.

Rekomendasyon
Batay sa konklusyon, nabuo ang mga sumusunod na rekomendasyon: Una, magkaroon ng malalim
na pag-aaral hinggil sa teoryang pampanitikan at akdang babasahin nang sa gayon ay makapagsuri pa ng
iba’t ibang likhang akda ng mga mahuhusay na makata at kwentistang Pilipino. Ikalawa, tukuyin ang mga
teoryang pampanitikan na nangibabaw sa kabuuan ng akda uapng maiugnay sa buhay at layon ng may akda
at maunawaan nang lubos ang akdang sinusuri. Ikatlo, ilarawan at ihambing ang mga teoryang pampanitikan
sa bawat isa nang sa gayon ay mas maging malinaw ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mhga ito. Kaugnay
nito, iminumungkahing bigyang pansin at pahalagahan ang kasanayan sa pagbabasa at pagsusuri ng mga
akdang pampanitikan. Malaki ang gampanin ng pagbabasa tungo sa epektibong pagkaunawa ng akda. At
huli, ay gamitin bilang pantulong sa kagamitang panturo ang mga nabuong patnubay na tanong upang
malinang ang mas mataas na antas ng pag-iisip at pagkaunawa. Angkop ito para sa anumang anyo ng
panitikan gaya ng maikling kwento, nobela at epiko. Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga na gumamit ng
mga kagamitang panturo na makapupukaw ng interes ng kanilang mga estudyante. Sa tulong ng mga ito ay
higit na magaganyak ang interaktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa oras ng talakayan at malalaman pa
ang iba’t ibang anggulo ng pagkaunawa ng kanilang mga mag-aaral.

4
Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin


nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
PANUTO: Halina’t basahin ang mga kaalaman na may kaugnayan sa abstrak.
Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga
report.
Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.

• Naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.


Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang mahalagang
elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya,
resulta at konklusyon.
Ayon naman sa aklat ni Atanacio h.c. Et.Al. 2009 ang abstrak o halaw ay pinaikling deskripsyon ng
isang pahayag o sulatin. Sa mga sulating pampanitikan maaari ito ay bahagi ng isang buo at mahabang
sulatin, aklat, dayalogo, sanaysay, pelikula at iba pang hinango ang bahagi upang bigyang diin ang pahayag o
gamitin bilang sipi.
Sa mga sulating tulad ng tisis o disertasyon naglalaman ito ng kabuuan ng buong aklat kasama ng
mga layunin ng pag-aaral, teoryang ginamit, metodolohiya, resulta ng pag-aaral, konklusyon at
rekomendasyon.
Gayundin, ang abstrak ay isang maikling buod na inilalagay sa unahan ng panimula o introduksyon ng
isang tisis o disertasyon. Nakatutulong ito sa mambabasa na malaman agad ang layunin sa isinagawang pag-
aaral.
Ang abstrak ay ginagamit din sa mga papel na inihaharap sa isang komperensya. Ginagawa ito dahil
hindi naman inilalathala ang buong teksto ng papel na inihaharap sa komperensya. Isa rin itong maikling buod
na naglalarawan sa pangunahing ideya o nilalaman ng teksto gaya ng artikulo, aklat, tisis o disertasyon.
(Batay sa aklat ni Asotrga, Jr. E.R. at Nucasa, W.P.,2010)
Ito rin ay naglalaman ng buod ng iyong pananaliksik resulta ng pananaliksik at konklusyon ng
pananaliksik nang hindi lalam pas sa 200 na salita. Mahalagang maingat itong naisagawa dahil ito ang
karaniwang binabasa ng mga taong interesado mabasa ang ginawa mong pananaliksik. (Research paper
outline na hango sa aklat ni Bernales, et.al,2013)

Gabay na terminolohiya sa pagsulat ng abstrak

1. Buod- Ito ay ang muling pagpapahayag ng mga binibigay na impormasyon sa maikling pamamaraan.
(hango sa aklat ni Bernales et.al,2013)
2. Layunin ng Pag-aaral at kahalagahan ng pag-aaral- Kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang
magiging kontribusyon nito sa napiling larangang. Gayundin kung sino ang makikinabang at ang posibleng
implikasyon ng pag-aaral.(batay sa aklat ni Astorga,Jr . E.R. at Nucasa, W. P.,2010)
3. Resulta - Mahalagang datos sa kinalabasan ng pag-aaral.
4. Kongklusyon- Inilalarawan ang resulta o ang kinalabasan ng pag-aaral. Tinatalakay rin ang mahalagang
natutunan o nabuo mula sa pananaliksik. Karaniwang sumasagot sa mga tanong o haypotesis na ibinigay sa
panimula ng sulating pananaliksik.
5. Rekomendasyon - Ang mga obserbasyon sa ginawang pag-aaral at nagbibigay ng mga mungkahi ang
mananaliksik na maaaring gawin pa ng ibang mananaliksik sa paksa na hindi nagawa dahil sa limitasyon ng
pag-aaral.

5
Nilalaman ng abstrak

✓ Rationale- Nakapaloob dito ang Layunin at Suliranin ng Pag-aaral


✓ Saklaw at Delimitasyon
✓ Resulta at Konklusyon

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1. Lahat ng mga detalye o o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin ,
hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag- aaral o sulatin.
2. Iwasan ang paglalagay ng statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng
deyalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang
mga ito.
5. Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang
pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1. Basahing Mabuti at pag- aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon,
kaugnay na literature, metodolohiya, resulta at konklusyon.
3. Buoin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito s kabuoan ng mga papel.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang
kinakailangan.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat isama
rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

6
ENRICHMENT CARD

Pagyamanin

Gawain 1

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

PANUTO: Basahin at pasunod-sunorin ang mga hakbang sa pagsulat ng abstrak. Gamitin ang numero 1
hanggang 6 at isulat sa patlang.

_______ a. Basahing mabuti at pag- aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.
_______ b. Isulat ang pinal na sipi nito.
_______ c. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat
isama rito.
_______ d. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksyon, kaugnay na literature, metodolohiya, resulta at konklusyon.
_______ e. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang
kinakailangan.
_______ f. Buoin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin.
Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito s kabuoan ng mga papel.

7
Tayahin 1

PANUTO: Bigyan ng kahulugan ang abstrak base sa iyong natutunan sa Suriin, gamit ang espasyo sa ibaba.

ENRICHMENT CARD

vz
Gawain 2

PANUTO: Sa tulong ng semantic grid bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya para maging
gabay sa pagsulat ng abstrak ng isang pananaliksik.

ABSTRAK
Layunin Suliranin Resulta Konklusyon Rekomendasyon

8
Tayahin 2

PANUTO: Pag-isa-isahin ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak.

ENRICHMENT CARD

Malayang Gawain 1

PANUTO: Pumili ng isang akda o pelikula na iyong nagustuhan. Iguhit sa picture frame ang konsepto ng napiling
akda pagkatapos ay sumulat ng abstrak tungkol dito.
LARAWAN

ABSTRAK

9
Malayang Gawain 2

Paano makatutulong ang abstrak ng isang teksto sa isasagawang pagbasa ng isang partikular na babasahin o
aklat?

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

Malayang Gawain 3

PANUTO: Gamit ang KWL chart punan ang hinihingi ng mga sumusunod na kahon.

Paksa: Abstrak
Know (Alam) Want (Nais malaman) Learn (Natutunan)

10
REFLECTION CARD

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata


upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
PANUTO: Gumawa ng tatlong hugot lines na may kaugnayan sa iyong natutunan pagsulat ng abstrak.
HUGOT ABSTRAK!

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong


kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
PANUTO: Ipahayag ang iyong pananaw hinggil sa kung anong mga bagay sa iyong buhay na maaaring
gawing simple o madaliin at ano-ano naman ang mga bagay sa iyong buhay na hindi dapat madaliin o
nangangailangan ng matiyagang paghihintay. Magbigay ng maikling paliwanag sa iyong pananaw.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

11
ASSESSMENT CARD

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng


natutuhang kompetensi.
PANUTO: Gamit ang akrostik ng salitang ABSTRAK, tukuyin at ipaliwanag ang mga impormasyon na natutunan sa aralin
na may kaugnayan sa abstrak.

A B S T R A K

REFERENCE CARD

Aklat

Julian, Aileen B. et. al. Pinayamang Pluma: Filipino sa Piling Larang Akademik. Phoenix Publishing House, Inc.
2016
Ariola, Ma Elizabeth M. et. al. Filipino sa Piling Larang: Akademik. Jimczyville Publications. 2016
TG at LM ng Filipino sa Piling Larang: Akademik

Internet

http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/abstrak.html
https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089

12
13
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Subukin A
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali
Balikan
(Magiging batayan ang nakaraang aralin)
Gawain 1
a. 1
b. 6
c. 5
d. 2
e. 4
f. 3
Tayahin 1
(Magiging batayan ang bahagi ng Suriin)
Gawain 2
1. Buod- Ito ay ang muling pagpapahayag ng mga binibigay na impormasyon sa maikling pamamaraan.
(hango sa aklat ni Bernales et.al,2013)
2. Layunin ng Pag-aaral at kahalagahan ng pag-aaral- Kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano
ang magiging kontribusyon nito sa napiling larangang. Gayundin kung sino ang makikinabang at ang
posibleng implikasyon ng pag-aaral.(batay sa aklat ni Astorga,Jr . E.R. at Nucasa, W. P.,2010)
3. Resulta - Mahalagang datos sa kinalabasan ng pag-aaral.
4. Kongklusyon- Inilalarawan ang resulta o ang kinalabasan ng pag-aaral. Tinatalakay rin ang
mahalagang natutunan o nabuo mula sa pananaliksik. Karaniwang sumasagot sa mga tanong o
haypotesis na ibinigay sa panimula ng sulating pananaliksik.
5. Rekomendasyon - Ang mga obserbasyon sa ginawang pag-aaral at nagbibigay ng mga mungkahi
ang mananaliksik na maaaring gawin pa ng ibang mananaliksik sa paksa na hindi nagawa dahil sa
limitasyon ng pag-aaral.
Tayahin 2
1. Lahat ng mga detalye o o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig
sabihin , hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag- aaral o
sulatin.
2. Iwasan ang paglalagay ng statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng
deyalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa
pagsulat nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag
ang mga ito.
5. Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang
pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa.
Subukin B, Malayang Gawain 1,2,3, Isaisip, Isagawa, Tayahin
Rubrik
Nilalaman- 30
Organisasyon- 10
Pagpili ng angkop na salita- 10
KABUOAN- 50
Susi sa Pagwawasto
This material was
contextualized by the

Curriculum Implementation
Division (CID)

Learning Resources Management and Development System


(LRMDS)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic intervention Material


Manunulat: Arlene P. Simbulan
Editor: Cherry G. Vinluan, EdD
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD-EPS Filipino
Ellaine D. Chua, PDO-LRMDS
Tagaguhit: Carlo S. Yambao / Timothy Bagang (cover)
Tagalapat: Roland M. Suarez

Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent


Leonardo C. Canlas, EdD,CESE-Asst. Schools Division Superintendent
Rowena T. Quiambao, CESE- Asst. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID

Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino


Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMDS
June D. Cunanan, EPS-ADM Division Coordinator

You might also like