GAWAIN
I. Suriin ang bawat pangungusap sa bawat hana. Ang mga pangusap ay pa
tungkol sa bionote. Isulat sa bawat patlang ang tamang titik ng tamang
sagot.
1. Ang bionote tala tungkol sa individwal.
2. Inilalahad dito ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa isang individwal.
3. Nakasulat ang bionote gamit ang punto de ikatlong panauhan.
4. Ang bionote ay maikling paglalarawan sa manunulat gamit ang ikatlong
panauhan na madalas na inilalakip sa kanilang mga naisulat.
5. Ang isang mahusay na bionote ay maikli ngunit taglay nito ang esensyal na
kwalipikasyon ng may akda.
I. Upang mas mapalawak pa natin ang inyong kaalaman sa paksa, may mga
inihanda akong mga tanong na dapat ninyong sagutin. Suriing mabuti ang
mga ito at sagutin sa abot ng makakaya.
1. Ano ang bionote? Saan ito karaniwang mababasa o maririnig?
▫ Ang bionote ay isang parte ng libro na makikita sa likurang bahagi. Isang
talata na naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon patungkol sa may
akda upang ipakilala ang sarili at nagiging tulay upang ipabatid ang kanyang
mga nakamit. Ito ay gumagamit ng ikatlong panauhin.
2. Paano naiiba ang bionote sa biography at autobiography?
▫ Ang bionote ay siksik at maiksing sulatin na naglalaman ng mga
impormasyon tulad ng digri at mga nakamit sa buhay ng may akda na siya
ring nagsulat gamit ang ikatlong panauhin samantala ang biography ay isang
uri ng literatura na naglalaman ng talambuhay ng isang tao na sinulat ng iba
at ang autobiography naman ay sariling talambuhay ng isang tao na siya rin
ang mismong paksa at sumulat.
3. Bakit kailangan gawing maikli ang ginagawang bionote?
▫ Upang mahikayat ang mga mababasa at madaling maunawahan ang mga
ipormasyon nakalaan. Ito ay isang pasilip lamang sa buhay ng may akda at
kredibilidad nito.
4. Anong uri ng panauhan ang ginagamit sa pagsulat ng bionote? Bakit? ▫
Ikatlong panauhin ang gamit dito sapagkat magiging autobiography ang
magiging kakalabasan kung unang panauhin ang gagamitin.
5. Paano matitiyak ng may-akda ang katapatan niya sa pagsulat ng bionote? ▫
Matitiyak ng may akda ang katapatan niya sa pagsulat ng bionote kung mga
makatotohanang impormasyon ang kanyang ilalakap at dahil kung mga
maling datos ang ilalagay niya ay siya ring magpapahamak sakanya.
1 PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN: AKADEMIK