Professional Documents
Culture Documents
sa Loob at Labas ng
Akademikong Larang
Pagsulat ng Tala sa
May-akda o Bionote
Magsimula
Sumulat ng isang talata
tungkol sa iyong sarili. Isipin
kung anong mga impormasyon
ang mahalagang ibahagi sa
iba.
Ano ang Tala
ng May-akda?
Tala ng May-akda o Bionote
▹ Entri sa Ensayklopedya
▹ Entri sa Aklat ng impormasyon gaya
ng “Buhay ng mga Manunulat sa
Pilipinas”.
▹ Tala sa Aklat ng pangunahing
manunulat o editor
▹ Tala para sa mga Hurado ng isang
Lifetime Achievement Award
▹ Tala para sa adminstrador ng paaralan
Halimbawa:
Nagtapos si Bienvenido Lumbera ng Pamamahayag
sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1950 at ng
Comparative Literature sa Indiana University noong
1967. Nagturo siya ng pamitikan, Araling Pilipino, at
Malikhaing Pagsulat sa Pamantasang Ateneo de
Manila, Pamantasang De La Salle- Maynila,
Unibersidad ng Pilipinas at sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Inatasan siya bilang panauhing Propesor ng
Araling Pilipino sa Araling Panlabaas ng Pamantasang
Osaka sa Japan mula 1985 hanggang 1988 at kauna-
unahang resident scholar sa Pamantasan ng Hawaii sa
Manoa.
sa kalagitnaan ng Batas Militar, humawak si
Lumbera ng isang malikhaing proyekto. Nagsimula
siyang sumulat ng mga libretto para sa teatrong
pangmusika. Sa simula pa lamang, humiling ang
Kapisanan ng Teatrong Pang-edukasyon ng Pilipinas
(PETA) sa kaniya na lumikha ng pangmusikang Nasa
Puso ang Ameriika mula kay Carlos Bulosan. Sa huli,
lumikha si Lumbera ng mga dramang pangmusika na
may mataas na karangalan tulad ng Mga Kwento ng
Manuvu, Rama, Hari; Bayani, Noli Me Tangere:
Pangmusika at Hibik at Himagsikan nina Victoria
Laktaw, Ang Sa Sariling Bayan, Apat na Dulang May
Musika, isang antolohiya ng dramang pangmusika ni
Nakapag-akda rin si Lumbera ng mga aklat,
antolohiya at mga kalat-batayan tulad ng mga
Muling Pagsusuri, Paghahanda sa Pagtuturo;
Panitikan ng Pilipinas; Isang Kasaysayan at
Antolohiya; Pagsusulat ng mga Pilipino;
Panitikang Pilipino mula sa mga Rehiyon; at
Paano Magbasa ng Paniitikang Filipino: Mga
Babasahing Pangkolehiyo.
Nakatanggap din siya ng mga gawad na
kumilala sa kaniyang ambag sa Pilipinong
pantikan, tulad ng Gawad Palanca para sa
panitikan (1975); Gawad Ramon Magsaysay para
sa Pamamahayag, Panitikan at Malikhaing Sining
Pangkomunikasyon (1993); mga Gawad
Pambansa sa Aklat mula sa pangkatt ng mga
Tagapuna ng Maynila; Parangal na Pampanitikang
Sentenyal ng Pilipinas (1998) at Sanghayang
Sentenyal ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
para sa Sining (1999).
Siya at naging patnugot ng Sanghaya
(Pambansang Komisyon sa Sining at Kultura,
Propesor sa Kagawaran ng Ingles sa Paaralan ng
Katuruang Panntao ng Pamatasang teneo de
Manila, Propesor na Emeritus sa Deaprtamento ng
Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Dalubhasaan ng
Sining at Panitikan, Unibersidad ng Pilipinas-
Diliman, at Propesor ng Panitikan sa Pamantasang
De La Salle- Maynila. Naglingkod din siya bilang
pangulo ng Alliance of Concerned Teachers, isang
pambansang organisasyon na binubuo ng humigit
sa 40,000 guro’t manggagawa sa sector ng
Mga mahahalagang impormasyong kasama sa
pagbuo ng mahabang tala: