You are on page 1of 3

PAGSULAT NG TALA SA MAY-AKDA O BIONOTE

Ano ang tala sa may-akda o bionote?

Ito ay pinaikling buod ng tagumpay, kakayahang edukasyong natamo, publikasyon, at mga


pagsasanay na taglay ng isang may-akda. Karaniwan itong nakasulat sa ikatlong panauhan.

Kadalasan itong hinihiling sa sumusunod na pagkakataon:

o Pagpapasa ng artikulo o pananaliksik sa dyornal


o Pagpapasa ng aplikasyon sa palihan o workshop
o Pagpapakilala ng sarili sa website o sa isang blog
o Panimulang pagpapakilala ng aplikante sa isang posisyon o scholarship
o Tala ng emcee upang ipakilala ang isang tagapagsalita o panauhing pandangal
o Pagpapakilala ng may-akda, editor, o iskolar na ilalathala sa huling bahagi ng kaniyang
aklat o anomang publikasyon
o Bilang maikling impormasyon upang magsilbing gabay sa mga mananaliksik

Dalawang uri ng tala sa may-akda

➢ Maikling tala para sa mga dyornal – maikli ngunit siskik sa impormasyon. Hindi na
kailangang banggitin ng may-akda ang mga tala na walang kaugnayan sa tema at paksain
ng dyornal.

Si Carla M. Pacis ay manunuilat ng mga aklat ng pambata at mga kwentong pangkabataan na ang ilang
akda ay nagwagi sa National Book Award, Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, at sa PBBY
Salanga Prize. Siya rin ay full time na propesor sa Departamento ng Panitikan sa De La Salle University-
Manila, at tagapagtatag ng Kwentista ng mga Tsikiting (KUTING), at council member ng National
Council for Childrens Television.

Nailathala sa Bumasa at Lumaya 2: A Sourcebook on Children’s Literature in the Philippines (Anvil


Publishing, Inc., 2016)
Bilang gabay, kadalasang nilalaman ng maikling tala ang sumusunod:

o Pangalan
o Pangunahing trabaho ng may-akda
o Edukasyong natanggap ng may-akda (antas batsilyer hanggang antas gradwado)
o Mga akademikong karangalan gaya ng Latin honors, Best thesis, o scholarship na
natamo bilang mag-aaral
o Mga premyo o gantimpalang natamo na may kinalaman sa paksain ng dyornal
o Dagdag na trabaho sa isang may-akda bukod sa kaniyang pangunahin posisyon
o Organisasyong Kinabibilangan
o Mga tungkulin sa pamahalaan o komunidad
o Kasalukuyang proyekto
o Mga detalye ng pakikipag-ugnayan gaya ng e-mail address (kung kinakailangan)

➢ Mahabang uri ng tala sa may-akda – isinusulat ito bilang prosang bersyon ng


isang curriculum vitae. Mahalaga ang mahabang bionote upang may sangguniang
mapagkukunan ang mga iskolar at mananaliksik. Binubuo ito ng dalawa hanggang
walong pahina at doble espasyo.

Kadalasan itong hinihiling sa sumusunod na pagkakataon:

o Entri sa ensiklopidya
o Entri sa aklat ng impormasyon gaya ng Buhay ng mga Manunulat sa Pilipinas
o Tala sa aklat ng pangunahing manunulat o editor
o Tala para sa isang hurado ng isang lifetime achievement award
o Tala para sa administrador ng paaralan

Itinanghal si Bienvenido L. Lumbera (Bi·yén·ve·ní·do El Lum·bé·ra) bilang Pambansang Alagad ng Sining sa


Panitikan noong 2006. Makata, libretista, iskolar, makabayan. Kinilala ang ambag ni Lumbera sa
pagpupunyagi niyang matuklasan ng mamamayang Filipinong ang kanilang identidad pangkultura, gayundin,
ang pag-uugnay niya ng kaniyang sining sa bayan.

Bilang makata, nakilala si Lumbera sa isang labas ng Heights noong 1965 na may mga tulang pinamagatang
Bagay. Kasama ang kaibigan at kapuwa Pambansang Alagad ng Sining na si Rolando S. Tinio at mga
estudyanteng sina Jose F. Lacaba, Antonio E. Samson, at Edgar C. Alegre, at paring Heswita na si Edmundo
Martinez, nagpamalas ang kanilang mga tula ng Modernistang paraan laban sa labis na pangangaral at
sentimentalismo na umiiral sa pagtulang Tagalog.
Bilang libretista, itinatanghal ni Lumbera sa kaniyang mga dula ang katutubong sining at pagpapahalaga sa
kasaysayan at kultura ng bansa at isinasakongkreto sa manonood ang kaniyang mithiing demokratiko para sa
Filipinas, gaya sa musikal na Tales of the Manuvu at Rama Hari, pagsasatanghalan ng Noli Me Tangere,
America is in the Heart, at Banaag at Sikat, at sarsuwelang Hibik at Himagsik.

Si Lumbera ay isa ring mahusay at masugid na tagasubaybay at tagapagsalaysay ng pag-unlad ng panitikan,


wika, at kulturang Filipino. Produkto nito ang mga aklat na Philippine Literature: A History and Anthology,
Revaluation: Essays on Philippine Literature, Cinema and Popular Culture, Abot-Tanaw: Sulyap at Suri sa
Nagbabagong Kultura at Lipunan, Paano Magbasa ng Panitikang Filipino?, at Writing the Nation, Pag-akda ng
Bansa. Aktibo rin siyang kasapi sa mga kapisanang politikal mula noong maging tagapangulo siya ng Panulat
para sa Kaunlaran ng Sambayanan (PAKSA) hanggang sa Concerned Artists of the Philippines (CAP). Kabilang
sa mga karangalan niya ang Gawad CCP para sa Sining (Panitikan) noong 1991, Ramon Magsaysay Awards for
Journalism, Literature and Creative Communication Arts noong 1993, at Gawad Tanglaw ng Lahi ng Ateneo
De Manila University noong 2000.

Halimbawa ng mahabang tala ng Pambansang Alagad ng Sining si Dr. Bienvinido Lumbera.

Bilang gabay, kadalasang nilalaman ng mahabang tala ang sumusunod:

o Kasalukyang posisyon sa trabaho


o Mga tala ukol sa kasalukuyang trabaho
o Mga pamagat na naisulat na aklat, artikulo, o kaugnay na akda tulad ng mga sining-
biswal, pelikula, o pagtatanghal
o Listahan na parangal na natanggap
o Tala sa pinag-arallan o edukasyon gaya ng digring natamo at kung saan ito natanggap
o Mga natanggap na training at nasalihang palihan
o Mga posisyon o karanasan sa propesyon o trabaho
o Mga gawain sa pamayanan o bayan
o Mga gawain sa samahan o organisasyon

Sanggunian:

Evasco, E at Ortiz P. 2017. Filipino: pagbasa at pagsulat sa piling larangan (akademik). Quezon City:
C&E Publishing Inc.

https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/17826480293

You might also like