Mula sa simula, wika na ang nagsisilbing tulay upang magkaroon ng interaksyon
ang bawat indibiduwal sa isang komunidad. Ayon nga kay Bienvinido Lumbera, parang hininga ang wika. Dahil ito ang ginagamit ng tao para mabuhay at makasabay sa daloy ng paligid saan man siya naroroon kagaya ng isang tulad ko
Ako ay napabilang sa komunidad na hindi gaano kalapit sa sibilisasyon at ang
pag-unlad ay mahina dahil literal na walang kuryente at napapalibotan ng bukid ang boung paligid. Ang tanging meron lang sa amin noon ay radyo na siyang nagsisilbing daan upang aming malaman ang mga kaganapan sa bansa sa pamamagitan ng pagbabalita ng mga ito sa kalawakan. Gamit ang mga wikang Sinugboanong Bisaya ay mas yumaman ang aking kaalaman tungkol sa wikang Cebuano sa pamamagitan ng pakikinig sa radyo araw-araw na malimit naming ginagamit sa kumunidad na aking kinabibilangan. Dati, sobrang limitado lang ang aking kaalaman tungkol sa wika ng bansa dahil nga ang aming lugar ay di kaagad nakasabay sa daloy ng panahon. Naaalala ko nga dati, masaya na ako kung makapagtagalog ng kahit isang salita lamang sapagkat sa aking pagkakaalam, mga galing Maynila lamang ang nakakagawa ng mga ganoong bagay.
Sa aking paglaki ay dahan-dahan ding lumawak ang aking kaalaman at unti-
unti ring lumalim ang lebel ng aking kakayahan sa pag-iintindi ng mga bagay-bagay. Sa pamamagitan ng pag-aaral at pag-usbong ng teknolohiya sa bansa ay mas naging madali para sa akin na makaangkop sa mundong aking kinabibilangan o kahit saan man ako naparoon dahil madali nalang para sa akin ang makakuha ng mga mahahalagang impormasyon mula sa internet kung may gusto akong malaman. Ayon nga sa pag-aaral, ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon ng mga magaaral sa panahon ngayon (FilipinoBlog, 2019). Na isa sa mga dahilan upang lalong yumabong ang aking kaalaman sa wika.
Dahil din sa pagtuloy ko sa aking pag-aaral at pakikihalubilo o pakikipag-usap
sa ibat-ibang taong aking mga nakakasalamuha ay dahan-dahan kong napagtanto na marami pa pala akong dapat matututunan sa wika mula sa pagsulat, pagbigkas, pagbaybay, pagpapantig, at ang tamang paggamit ng mga ito na siyang isa sa pinakaimportante ng lahat.
Naging daan din ang panonood ko ng telebisyon partikular na ang telenobela,
Dokumentaryo, mga balita, at mga diskusyon sa loob ng silid-aralan upang mas lalo ko pang mapayaman ang aking bokabolaryo at pagkatuto sa wika upang sa ganun ay magiging malikot din ang aking imahinasyon sa paggawa ng mga akdaing pampanitikan. Ayon nga kay Ponciano Penida, Ang Wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha ng kanyang sining. Karaniwa'y di totoong mahalaga kung ano man ang wikang iyon. Ang higit na mahalaga'y kung paano ginagamit ng maguni- guning manunulat ang wikang kasangkapan. Katunayan, may mga literaturang nailimbag mula sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa na nagtataglay ng mga iba’t-ibang tradisyon at kulturang Pinoy dahil sa Wika na naging daan din upang mas mapadali at maging mabisa ang pagtuturo ng wika sa bawat indibiduwal partikular na sa mga mag- aaral sa pamamagitan ng Limang Makrong Kasanayan.
Sa pag-ikot ng panahon at dahil na rin sa Globalisasyon ay mas umunlad at
patuloy na nagbabago ang wika hanggang sa umangkop ito sa pangkalahatan. Bunga na rin sa malikot na pag-iisip ng iilan ay mas marami pang wika ang napauso mula sa kanilang mga nabasa, napanood, at narinig. Mas dumami rin ang mga wikang hiram o wikang banyaga na tinumbasan ng pagbabaybay sa wikang Filipino at mga wikang palasak na ginagamit sa agham.
Kaya, ang Limang Makrong kasanayan (Pakikinig, Panonood, Pagsasalita,
Pagbasa, at Pagsulat) ay ang mga mabisang paraan sa pagkatuto at pagtuklas ng mga bagong kaalaman lalo na sa pagpapaintindi na ang wikang Filipino ay umuunlad at patuloy na yumayabong at hindi ito kailanman mamamatay. Aking napagtanto na ito ay epektibong paraan upang mas maibigay o mailahad nang maayos ng mga magtuturo ang kanilang mga tunguhin lalo na sa pagpapaintindi ng wika. Magagamit ang mga ito upang mas lalong maintindihan ng mga mag-aaral na ang wika kailanman ay hindi humakbang paurong kundi ito ay humakbang pasulong para makaangkop sa daloy ng panahon. Gamit ang mga ito, mas madali para sa bawat indibiduwal na matuto at mas mapaunlad pa ang pagkatuto ng wika. Ang lima ang naging daan ng kaunlaran at pagkakaintindihan sa pangkalahatan.