You are on page 1of 2

KATITIKAN NG PULONG NG MGA SANGGUNIANG KABATAAN SA

BRGY. MALASIN
Isinulat ni: Kimberly Joy S. Lazaro

Pangalan ng Organisasyon o Kagawaran: Sangguniang Kabataan ng Brgy. Malasin


Petsa: November 14, 2022
Oras: 9:00 am
Lokasyon: Tanggapan ng barangay ng Malasin

Dumalo:
Bb. Annika Jaye C. Obar Pangulo ng Sagguniang Kabataan
Bb. Sheen Ara C. Jandoc Pang. Pangulo ng SK
Bb. Kimberly Joy S. Lazaro Kalihim ng SK
Bb. Febie A. Orpiano Ingat yaman ng SK
Bb. Cherylyn D. Orogo Kagawad ng SK
Bb. Mary Madeline A. Pangilinan Kagawad ng SK
Bb. Janis Nicolle P. Gervacio Kagawad ng SK
Bb. Crystalyn B. Baltazar Kagawad ng SK

Hindi Dumalo:
G. Audrick Lucian F. Manguerra Kagawad ng SK
G. Paul Wesley F. Santos Kagawad ng SK

Usaping Napagkasunduan

Ang pangulo ng Sangguniang kabataan na si Bb. Annika ay nagpatawag ng pagpupulong


patungkol pag i-implementa ng akitibidad na siyang pagkukunan ng pondo para sa nalalapit na
Pista ng barangay. Boluntaryong nagpasimula ng dasal si Bb. Febie na siyang sinundan naman ni
Bb. Cherylyn upang buksang pormal ang pagtitipon. Pagkatapos, nagsimula ng mag bigay ng
mga suhestyon ang ilan sa mga kasapi. Unang suhestyon ay ang pagkakaroon ng Zumba, ang
pera na malilikom dito ang siyang gagamiting pondo sa programa. Pangalawa ay ang Brgy. Sari-
Sari Store na suhestyon ni Bb. Janis, ang tubo rito ay maaaring magamit ayon sa kaniya.
Panghuling suhestyon ay ang pagkakaroon ng “Color Fun Run” na suhestyon ni Bb. Sheen
sapagkat ayon sa kaniya, maraming tao ang ma e-engganyo na sumali rito.

Sa kabilang dako, isa lamang ang maaari nilang i-implementa, kaya naman pinag-
botohan ng mga kalihim ang mga suhestyong nakalap. At ang nakakuha ng maraming boto ay
ang “Color Fun Run” kaya naman ito ang napag desisyonang i-implementa. Dahil dito
nagsimula na ring pag planuhan ang “registration fee” ng mga kalahok at napag kasunduang
₱300 na lamang. Bukod sa “registration fee” napag-usapan na rin ang mga gagastusin sa
nasabing programa. Ang “colored powder” na nag kakahalaga ng ₱1500, “t-shirt” at “bowler”
na nagkakahalaga ng ₱5000, panghuli ay ang tubig at lugaw na may badget na ₱1000. Ang lahat
ng ito ay may kabuuang ₱7500, at ang target na kalahok ay 250 katao, kaya naman makaka
likom ng ₱75,000 na siyang magagamit para sa Pista ng barangay. Ang paunang gastusin ay mag
mumula muna sa pondo ng barangay na ₱25,000.

Ang mga napag-kasunduang aktibidad na ito ay ipapa-alam sa ibang kabataan na hindi


naka dalo sa pagpupulong. Matapos malinawagan ang lahat, napagkasunduan nilang ganapin ang
aktibidad sa ika 18 ng Disyembre. Samantala, nagbigay ng pangwakas na pananalita si Bb.
Cherylyn at nanalangin ng pangwakas na pagdarasal si Bb. Madeline.

Iskedyul ng susunod na Pulong: November 24, 2022


Lokasyon ng susunod na Pulong: Tanggapan ng barangay ng Malasin
Oras ng Pagtatapos: 12:00 pm

Isinumite: November 16, 2022 Bb. Kimberly Joy S. Lazaro


Kalihim ng SK

You might also like