You are on page 1of 3

Katitikan ng Pulong sa “Fund Raising sa Brgy.

Night”

Pangalan ng Organisasyon/Departamento/Institusyon: Brgy. Pacpacac, San Juan, La Union

Petsa: Nobyembre 27, 2022

Lugar ng Pulong: Barangay Hall/Silid Pulungan

Mga Dumalo. Mga Hindi Dumalo

1. G. Emmanuel N. Sobrepeña

2. G. Ven Gil Quilas

3. Bb. Jubelle Marzan

4. Bb. Joan Bermudez

5. Bb. Sheena Ochoco

6. G. Ericson Miranda

7. Bb. Kayla Nara

Nagsimula ang pulong sa ganap na 11:00am (Pamantayan ng Oras ng Pilipinas)

AGENDA

• Pagpapatibay ng nakaraang katitikan

• Talakayan sa pagsasagawa ng Fund Raising para sa Brgy. Night

• Talakayan sa kakailanganing pondo para sa naturang programs

Panimula:

Punong Barangay ( Ven): Upang pormal na simulant ang ating pagpupulong, lahat tayo at magsitayo at
magdasal sa pangunguna ni Kagawad Emmanuel Sobrepeña.

Matapos ang panalangin at binasa ng kalihim ang nakaraang katitikan para narin sa kabatiran ng mga
walang hawak na sipi ng katitikan.

Punong Barangay (Ven): Maari na po tayong umupo. Bb. Marzan, pakibasa ang nakaraang katitikan ng
ating pagpupulong.
Kalihim (Jubelle): Sa nakaraan nating pagpupulong ay pinag-usapan natin ang paghahanda para sa
pagsasagawa ng Barangay Night sa ating Barangay. Walang masyadong nating katanungan sa
nakaraang pagpupulong ukol sa Barangay Night at na aprobahan ito ng Barangay Council.

Punong Barangay (Ven): Bb. Marzan pakilista na rin ang mga dumalo sa pagpupulong na ito. Magtaas po
kayo ng kamay kapag tinawag ang pangalan ninyo.

Kalihim (Jubelle): *roll call* ( Narito po!)

Ang mga dumalo ay sina:

Bb. Joan Bermudez, G. Emmanuel Sobrepeña, Bb. Sheena Ochoco, Bb. Kayla Nara at G. Ericson Miranda.

Lahat po ay nakadalo sa pulong na ito.

Kalihim (Jubelle): Ngayon ay opisyal hang magsisimula ang sa oras na 11:00.

Punong Barangay (Ven): Ang pagpupulong na ito ay tungkol sa opinyon at mungkahi ng bawat isa ukol sa
paghahanap ng panggagalingan ng pondo sa ating nalalapit na Barangay Night. Malaya ang bawat isa na
magbigay ng suhestyon.

Punong Barangay (Ven): Sige Kagawad Sobrepeña.

Kagawad (Emmanuel): Minumungkahi ko pong tayo ay magsagawa ng Isang Fun Run upang makalikom
ng pondo. Maganda rin ito sapagkat maraming kabataan ang gustong sumali dito dahil ito ay
napapanahon. Magandang paraan din ito ng paghihikayat upang tayo ay mag -ehersisyo.

Punong Barangay (Ven): Maraming salamat Kagawad Sobrepeña. May iba pa po bang suhestyon?

Kagawad (Ericson): Maaari din tayong magkaroon ng Brgy. Sari- Sari Store at ang tubo ng benta ay
mapupunta sa pondo ng ating Barangay.

Punong Barangay (Ven): Maraming salamat Kagawad Miranda. May iba pa po bang suhestyon?

Kagawad (Sheena): Kapitan, maari tayong magpa-Zumba. Tiyak na magugustuhan ito ng publiko.
Maaaring isabay ito sa pagtitinda ng Barangay.

Treasurera (Kayla): Maaari po tayong magkaroon ng Chroma o isang Colored Fun Run. Maraming mae-
enganyong sumali rito sapagkat maraming kulay ang ibabalot sa paligid at maging sa kanilang pagtakbo.

Punong Barangay (Ven): Maraming salamat Kagawad Ochoco at Sec. Bermudez. May iba pa po bang
suhestyon?

Punong Barangay (Ven): Yun na ba ang lahat ng suhestyon?

Kagawad (Emmanuel): Sinasarado ko na po ang pagbibigay ng suhestyon.

Punong Barangay (Ven): Sa apat na suhestyon na inyong ibinigay, tayo po ay magkakaroon ng botohan
upang mapag desisyonan kung ano ang ating pipiliin. Sinong may gusto sa Fun Run, sino naman ang may
gusto sa Sari-sari Store, sa Zumba naman tayo, at sa Chroma o Colored Fun Run.

Secretarya ( Joan): Dahil sa pagkakaroon ng pinaka madaming boto, ang Chroma o Colored Fun Run ang
nanalo. Ito ang ating gagawin para sa ating Fund Raising Activity.
Punong Barangay(Ven): Magkano ang gusto ninyong maging registration para dito?

Kagawad (Ericson): Sa pagkokonsidera sa gagamiting mga pampakulay, asking iminumungkahi na ito ay


gawing 250.00php.

Punong Barangay (Ven): Maraming salamat Kagawad Miranda. May iba pa po bang suhestyon?

Secretarya ( Joan): May iba pang kakailanganin dito sa Chroma tulad ng tubing at iba pa, siguro nasa
500.00php ang kakailanganin nating.

Kagawad (Sheena): Masyado naman atang mahal kapag limang Daan. Maaari sa sigurong 300.00php.

Punong Barangay (Ven): 300.00php na ating gagamiting registration.

Treasurera (Kayla): Ito po ang mga gagastusin nating para sa Chroma:

Colored powder = 50php/kilo = 50 php x 30 kilo

Tubing = 500php/jug

Mga pagpapagawa ng ibebentang souvenir t-shirt at bowler = 3000php

Sa kabuuan, kakailanganin nating ng 5000php para sa aktibidad na ito. The

Secretarya (Joan): Ayon sa ating Brgy. Treasurer ay mayroon tayong 15,000.00php na maaari nating
gamiting pampasimula ng gawing ito. Ang target natin na dadalo sa Chroma ay 250 na tao, mayroon
tayong 75,000.00php na maiipon sa Fund Raising Activity na ito.

Punong Barangay (Ven): Bilang pagbubuod, maari bang magbahagi ang ating taga talang si Bb. Marzan?

Kalihim (Jubelle): Pagbubuod, sa pagpupulong na ito ay nailatag ang mga suhestyon tungkol sa aktibidad
na pagkukuhanan ng pondo para sa gaganaping Barangay Night. Napagkasunduhan ng lahat na ang
Chroma o Colored Fun Run ng gagamiting Fund Raising Activity at ang nakalaang pondo para sa
aktibidad na ito.

Punong Barangay (Ven): Salamat Bb. Marzan. Muli salamat sa kooperasyon ninyo at ikinagagalak kong
sabihin na nating matagumpay ang pagpupulong na ito. Bago tayo magtapos ay iniaanyahan ko kayong
tumayo at tayo ay manalangin sa pangunguna ni Kagawad Emmanuel Sobrepeña.

Kagawad (Emmanuel): Tayo ay yumuko at damhin ang presensya ng Panginoon.

Itinindig ang kapulungan sa ganap na ika-12 ng tanghali.

Pinapatunayang wasto at tumpak ang isinasaad ng katitikang ito.

You might also like