You are on page 1of 2

SENATOR RENATO “COMPAÑERO”

CAYETANO MEMORIAL SCIENCE AND


TECHNOLOGY HIGH SCHOOL

KATITIKAN NG UNANG PULONG NG MGA OPISYALES NG KAPISANAN NG


ICT (2020 - 2021)

Linggo, Enero 24, 2021


Ika-11 ng umaga
Sa isang Zoom Meeting

Mga Dumalo:
Marxel S. Abogado (Presidente)
Sherwin V. Romano (Bise Presidente)
Kian Francis P. Grajo (Kalihim)
Winnard M. Vidal (Ingat-Yaman)

Pagbubukas ng Pulong:
Ang pangkalahatang pagpupulong ay sinimulan ni Presidente Marxel Abogado
matapos pumasok ang lahat sa ibinigay na Zoom link.

Panalangin:
Nagkaroon ng panalangin bago simulan ang pagtalakay ng mga adyenda na
pinangunahan ni Bise Presidente Romano.

Nagsimula ang pulong nang ika-11:00 ng umaga.

Mga Adyenda at Napagpasiyahan:

I. Pagkaroon ng Programa sa Gitna ng Pandemya


● Inihayag ni Presidente Abogado na kailangan magkaroon ng programa ang
kapisanan ng ICT upang mapataguyod ang ICT sa mga mag-aaral at magkaroon ng
pagkakakitaan ng kapisanan.
- Iminungkahi ni Bise Presidente Romano ang pagkaroon ng Esports
tournament dahil madali nitong mapukaw ang interes ng mga kabataan.
Napagkasunduan ito ng lahat ng opisyal at mga maaring maging laro ay:
Mobile Legends, League of Legends, Tekken 7, at Call of Duty: Mobile.
- Napagkasunduan rin ang entrance fee na 150 piso sa mga larong mayroong
mga koponan, at 50 piso naman sa mga larong tig-iisa lamang ang kalahok.
Ang transaksyon ng bayad mangyayari sa pamamagitan ng paghatid ng pera
sa GCash.

II. Paglaan sa Makikitang Pera


● Inihayag ng Presidente na parte ng maiipong kita sa programang ito ay ipamimigay
sa isang donation drive.
- Inirekomenda ni Ingat-Yaman Vidal na sa mga frontliner ito ipamimigay.
Napagkasunduan ito ng lahat ngunit walang tiyak na donation drive na
napag-usapan.
- Walang naging pinal na desisyon kung magkano ang paghati sa donasyon at
itatabing kita.

III. Iba pang Pinag-usapan


- Napag-usapan ng kapisanan kung sino ang maaaring maging opisyales sa
susunod na taon dahil walang naganap na eleksyon ngayong taon.
Napagtanto na lamang ng lahat na karamihan ay manggagaling sa
kasalukuyang klase ng ICT 101.

Itinindig ang pulong sa ganap na 11:45 ng umaga.

Itinala ni:

KIAN FRANCIS P. GRAJO


Kalihim ng Kapisanan

Nabatid ni:

MARXEL S. ABOGADO
Presidente ng Kapisanan

You might also like