You are on page 1of 2

Senior High School Field Trip

Ika-12 na Baitang
Enero 13, 2020
COC Quadrangle, PHINMA-COC

MGA DUMALO:
DUMALO: Gng. Ruth M. Balmores (SHS Principal)
12 na guro mula sa STEM, ABM, HUMSS, TVL at GAS Strand
487 na mag-aaral mula sa ABM Strand
883 na mag-aaral galling sa GAS Strand
379 na mag-aaral mula sa STEM Strand
332 na mag-aaral mula sa TVL Strand
143 na mag-aaral mula sa HUMSS Strand
MGA HINDI DUMALO:
15 na mag-aaral mula sa ABM Strand
14 na mag-aaral mula sa GAS Strand
24 na mag-aaral mula sa STEM Strand
21 na mag-aaral mula sa TVL Strand
10 na mag-aaral mula sa HUMSS Strand

ANG MGA NAPAG-USAPAN SA PAGPUPULONG AY ANG MGA SUMUSUNOD:


1. Ang layunin ng Field Trip na mangyayari para sa mga mag-aaral ay para mas mapabisa pa
ang kanilang pag-aaral, personal na pag-unlad, mas mapalalim pa ang kaalaman sa lipunan
at kapaligiran, mapaunlad ang kritikal na pag-iisip, paggalang sa kultura, mapahusay ang
pananaw sa mga bagay-bagay, at magkaroon ng epektibong komunikasyon.
2. Oryentasyon ng mga mag-aaral sa ika-12 na baitang. Napagkasunduang sususndin ang
iskejul na ipinakita ni Gg. Lagaolao tungkol ditto. Si Bb. Chiu ang naatasang gumawa ng
format ng program para sa oryentasyon. Ipinaliwanag sa oryentasyon na magaganap sa ika-
22 ng Pebrero sa Malasag Eco Village, Cagayan de Oro City ang Senior High School Field
Trip. Ang lahat ng ika-12 na baiting na mga mag-aaral at guro ay magkikita-kita sa ika-7
n.u. sa PHINMA-COC main campus at sabay-sabay na pupunta sa nasabing lokasyon ng
Field Trip.
3. Tinalakay rin ni Gng. De Arca ang mga aktibidad na mangyayari sa araw ng Field Trip.
Magkakaroon raw ng mga palarong Pilipino, mga aktibidad sa pagninilay at pagmamasid
sa kalikasan.
4. Si Gg. Soriano ang isa sa mga nagsalita sa naturang okasyon hingil sa mga bagay na
kailangan dalhin sa Field Trip. Nilinaw niya na kailangan magdala ng name tag, first aid
kit, notebooks, maliwanag na damit, pito, bag, cellphone at sapat na halaga ng pera.
5. Idinagdag din ni Bb. Egos ang sulat ng pahintulot bilang isang kinakailangan para makasali
ng Field Trip. Binigyan ng sulat ng pahintulot ang lahat ng mga mag-aaral pagkatapos ng
pagpupulong na kailangan nilang ibigay sa kani-kanilang guro bago ang sa araw ng Field
Trip na may pirma na ng kanilang magulang o tagapag-alaga na nangangahulugang
pinayagan o binigyan sila ng pahintulot na lumahok sa nasabing kaganapan.
6. Paalala: Pebrero 21, 2020, araw na ibibigay ang sulat ng pahintulot para sa pinal na listahan
ng mga mag-aaral na sasali sa Senior High School Field Trip.
7. Patalastas
Ang pulong ay natapos sa ganap na ika-9 n.u.na may pahabol ni Gng. Balmores, Prinsipal
sa Departamento ng Senior High School, “Punan mo ang iyong buhay ng mga
pakikipagsapalaran, hindi mga bagay. Mag-aral ng maayos, maging sa pang-akademiko
man o sa iyong buhay.”

Inihanda ni:
Gg. Reyland Espinosa
Senior High School Field Trip
Petsa/Oras: Lunes, Enero 13, 2020 8 n.u. hanggang 10 n.u.
Lokasyon: COC Quadrangle, PHINMA Cagayan de Oro College
Magsisidalo: Prinsipal sa Departamento ng Senior High School, mga mag-aaral at guro na nasa
ika-12 (SHS) na baitang ng PHINMA-COC
Layunin: Maibalangkas ang plano para sa Senior High School Field Trip 2020
Iskedyul:
8:00 – 8:10: Presentasyon ng paksang pag-uusapan (SHS Field Trip)
8:10 – 8:20: Pagbahagi sa Lokasyon at Oras na mangyayari ang Field Trip
8:20 – 8.30: Pagbalangkas sa mga aktibidad na mangyayari sa Field Trip
8:30 – 8.40: Pagtalakay sa mga bagay ng kailangan dalhin sa Field Trip
8:40 – 8:50: Sulat ng Pahintulot
8:50 – 9:00: Iba pang mga bagay
Tungkulin:
Materyales na Gagamitin: Bb. Chazel Chiu
Tagasulat ng mga napag-usapan: G. Reyland Espinosa
Magbubuod ng napagkasunduan: Bb. Jedah Quiňo

You might also like