Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL ANNEX
San Miguel, Tarlac City
Pangalan: ___________________________________
Antas at Seksyon: _____________________________
Pagsasanay I
Panuto: Bilugan at unawain ang mga sumusunod na pahayag at bilugan ang tamang sagot.
Araw na mulat
Sa may gintong palayan
Ngayong taglagas
Di ko alam kung kailan
Puso ay titigil na
2. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit hayop ang giamit na tauhan sa pabula
maliban sa isa.
a. Nasasalamin sa mga tauhang hayop sa pabula ang mga katangiang taglay ng mga tao.
b. Ang mga hayop ay nagbibigay ng mahahalagang kaisipan na matututunan ng tao.
c. Pinahirapan si Aesop ng kaniyang alagang hayop kaya hayop ang piniling tauhan sa
pabula.
3. Piliin ang wastong pag-aantas ng damdaming ipinahayag ng bawat salita. Ang bilang 3
ang pinakamataas na antas at ang 1 ang pinakamababang antas ng salita.
Noong unang panahon, nakatira sa isang bayan sa Korea ang isang batang palakang puno
at ang kanyang ina. Yumao na ang ama ng palaka kaya silang mag-ina na lamang ang
magkasamang namumuhay. Mahal na mahal ng ina ang kanyang anak na palaka at nais niyang
mapalaki ito nang tama. Mapagmahal naman ang anak na palaka subalit may katigasan nga lang
ang ulo kaya’t nahihirapan ang inang palakang pasunurin siya
Kilalang-kilala na ng kanyang ina ang ugali ng anak. Alam niyang sa bawat iutos niya sa
anak ay kabaliktaran nito ang gagawin. Halimbawa, kapag inutusan niya itong magpunta sa
kanluran ay sa timog ito pupunta. Kapag pinapasok niya ay lalabas ito, at kapag pinagsasabihan
ay magbibingibingihan. Hindi lingid sa anak na palaka na hindi nagugustuhan ng kanyang ina
ang ganitong Sistema.
Isang araw na mainit ang panahon, hinayaang maglaro ng ina ang kaniyang anak. “Anak,
mainit ang panahon maaari kang makipaglaro sa iba pang mga palaka sa batis," ang wika ng ina.
Ngunit katulad ng dati, ang kabaligtaran ng sinabi ng ina ang kanyang ginawa. Pumunta ang
anak na palaka sa bundok at doon naglarong mag-isa.
Nang sumunod na araw nagbilin ang ina sa anak na palaka, "Huwag kang lalayo ngayon,
narinig ko sa usapan sa kanto na may parating na ahas.".
"Gusto n'yo bang mamasyal at magsaya? Tayo na at manghuli ng ahas! Ang balita ko ay may
parating na ahas sa ating lugar," ang tila nanghahamon pang sinabi nito, Ngunit muli, lumabas
ang anak na palaka at nagyakag ng mga kaibigan.
Nagpatuloy ang ganitong ugali ng anak na palaka. Ito ay labis na nagpapahirap sa
kalooban ng ina dahil alam niyang hindi makabubuti sa kanyang anak ang ganitong ugali. Subalit
dahil hindi nakikinig ang kanyang anak ay wala na siyang magawa kundi malungkot at lumuha
na lang nang tahimik dahil sa asal niyang ito.
Dahil sa katandaan at dahil na rin sa hirap ng kaloobang nararanasan niya sa kanyang
anak, hindi naglaon ay nagkasakit ang ina. Sa kanyang pagkakasakit ay umasa ang inang
magbabago ang kanyang anak, subalit nagpatuloy pa rin ito sa masamang ugali na lalong
nagpahirap sa kaawa- awang ina.
Isang araw habang nahihirapang huminga ang ina ay naghabilin ito sa anak. "Anak,
huwag mo sanang putulin ang punò sa harapan ng ating bahay dahil iyan ang magiging
proteksiyon natin."
Hindi umimik ang anak, ngunit kinabukasan nakita ng ina na wala na ang puno sa harapan.
Nagtanong ang ina, "Nasaan ang punò sa ating harapan? Ano ang ginawa mo sa puno?" Hindi
sinagot ng anak ang lumuluhang ina.
Nagpatuloy sa paglubha ang karamdaman ng ina, subalit hindi pa rin natitinag ang anak
sa pagsuway sa kanyang magulang. Nang makahanap ng tiyempo ay kinausap ng ina ang
kanyang anak, "Anak, sandali nalamang ang itatagal ng buhay ko, ang nais ko sana kapag ako ay
pumanaw na ay ilibing mo ang aking labí sa gilid ng batis. Huwag mo akong ililibing sa burol
"Inay, huwag po kayong magsalita ng ganyan, gagaling po kayo, ang sagot ng anak na
palaka habang nangingilid ang luha. Ang totoo ay nais ng inang ilibing siya sa burol ngunit dahil
alam niya ang ugali ng anak na sinusuway ang kanyang bawat utos at ginagawa ang kabaligtaran
nito, naisip niyang ang kabaligtaran ng kanyang hiling ang ihabilin.
Dumating nga ang araw na kinatatakutan. Bago malagot ang kanyang huling hininga ay
inulit ng ina ang kanyang hiling, "Sa gilid ng batis mo ako ilibing anak."
"Inay, huwag mo akong iwan! ang palahaw ng anak na palaka, ngunit tuluyan nang
nalagutan ng hininga ang kanyang ina. Labis ang pighati ng anak. Ngayon lamang siya
nakaramdam ng ganitong paghihinagpis. Sinisisi rin niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng
ina. "Dahil sa samâ ng loob niya sa akin ay nagkasakit si Inay at tuluyan nang namatay hu, hu.
Kahit kalian ay hindi ako nakinig sa mga utos niya, ang wika ng palakang buong pusong
nagsisisi.
"Ngayong wala na siya, alam kong nais niyang maging masunurin ako. Susundin ko ang
kanyang hiling na ilibing siya sa gilid ng batis, " ang sabi nito sa sarili. At ganoon na nga ang
nangyari. Sa kagustuhang makabawi sa katigasan ng kanyang ulo ay sinunod ng anak ang huling
habilin ng ina. Inilibing niya ito sa gilid ng batis sa halip na sa burol, kahit pa nagtataka siya
kung bakit sa tabi ng batis gusto ng inang mailibing ang kanyang labi.
Araw-araw ay dinadalaw ng anak ang puntod ng inang palaka. Hanggang isang araw ay
bumuhos ang napakalakas na ulan. Walang humpay ang pag-ulan sa loob ng ilang araw kaya't
umapaw ang tubig sa batis at naanod ang bangkay ng kanyang ina. Dahil dito'y labis na
nalungkot at umiyak nang umiyak ang anak na Palaka, "Wala na si Inay. Kung naging masunurin
lang sana ako sa kanya ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito, " ang buong pagsisisi niyang
nasabi sa sarili. Simula noon, tuwing umuulan ay hindi niya mapigilan ang pag-iyak habang
naaalaala ang kanyang ina.
Naging isang paniniwala sa Korea na ang labis na kalungkutan at pag-iyak ng palaka sa
pagkakaanod sa kanyang ina ang dahilan kung bakit nag-iingay ang mga palaka tuwing umuulan.
Sa Korea ay tinatawag na Cheong Kaeguli o palakang punò ang isang tao kapag siya ay
sumusuway o hindi sumusunod sa inuutos ng kanyang mga magulang.
Mga Tanong
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento.
a. Mag-inang palaka
b. Mag-inang pagong
c. Mag-inang ibon
2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng ina paano makakaapekto sayo ang ganitong ugali ng
anak mo?
a. Bilang isang ina, ako'y matutuwa sapagkat may sarilung desisyon ang aking anak.
b. Bilang isang ina, magiging malaking hamon sa akin ang pagpapalaki nang wasto sa
aking anak.
c. Bilang isang ina, makakampante ako kahit iwan ko ang aking anak sapagkat kaya na
niyang tunayo sa sarili niyang paa.
DIWATA G. UDIONG
T-III
Susi sa Pagwawasto
Pagsasanay I
1. B
2. C
3. C
4. A
5. B
Pagsasanay III
1. A
2. B
3. B
4. B
5. C