You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

REGIONAL DIAGNOSTIC ASSESSMENT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Pangalan: ______________________ Antas /Pangkat:___________________ Petsa:________

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang angkop na sagot sa mga pamimilian.
Isulat ang titik ng inyong sagot sa sagutang papel.

1. Sa kabila ng kinakaharap na pandemya ng bansa dulot ng COVID-19 ay patuloy pa rin na


gumagawa ng hakbang ang ahensya (DepEd) upang masiguro ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ano ang pangunahing layunin ng Gawaing ito?
A. maipagtuloy ang taong pampanuruan kahit sa anong paraan
B. may pagkakaabalahan ang mga magulang at bata araw araw
C. makapag aral ang mga bata kahit may pandemya
D. huwag mawalan ng tao sa mga paaralan

2. Habang naglalaro sina Angie at Farrah, biglang nahilo si Angie, hindi malaman ng dalawa ang
kanilang gagawain kaya sila ay humingi ng tulong sa mga taong malapit dito. Sa anong ahensiya sa
lipunan dapat ihatid si Angie?

A. Pamahalaan B. Pagamutan C. Simbahan D. Tahanan

3. Pamilya ang maliit na bahagi ng lipunan at gumagabay at nagpapaunlad sa bawat miyembro nito.
Bilang bahagi ng iyong pamilya, paano mo maipapakita ang iyong pakikiisa?
A. makikiisa sa mga ginawang alintuntuning pampamilya
B. gawin lamang ang nakaatas na gawaing ibinigay
C. huwag pansinin ang utos ng mga magulang
D. ipilit ang pansariling kagustuhan

4. Ito ang tinatawag na pagbubuklod ng mga tao na naipakikita sa pamamagitan ng pag-alala sa


kapakanan ng ibang tao at paggalang sa kanilang karapatan.
A. Bayanihan B. Pagkakaisa C. Pagkakaugnay D. Pakikisama

5. Kung ito ay umiiral, mapananatili ang pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o


pangkat na nasa mababang antas at maisaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng
pamayanan.
A. Komunidad
B. Lipunang pampolitika
C. Prinsipyo ng Subsidiarity
D. Prinsipyo ng Solidarity (Pagkakaisa)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

6. Ang subsidiarity ay pagbibigay-tulong o suporta sa lahat ng kasapi ng lipunan upang maisabuhay


ang kanilang sosyal na kalikasan at kailanman hindi putulin o ipagkait sa kanila ang kakayahang ito.
Alin sa sumusunod ang kaugnay ng prinsipyong ito?
A. Ang prinsipyo ay naniniwala na ang gawain ng tao ay pinakamabuting pangasiwaan sa
mataas na antas ng lipunan sapagkat higit nilang alam ang gagawin para sa mga taong
naapektuhan
B. Ang lipunan ay dapat may mabubuting-loob na magbigay suporta, magpa-unlad, at
luminang alang-alang sa mga may higit na mababang antas at kakayahan
C.Isinasaalang-alang ang pagbibigay suporta o pagtulong sa pangkabuhayan o
pampamayanan sa maliit na samahan lamang sa anumang pamamaraan.
D. Tungkulin ng pamahalaan na ibigay ang anumang hilingin ng mamamayan

7. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang tunguhin ng pamilya sa pag-unlad ng tao sa buhay


moral?
A. Ito ang pangunahing tagapagturo ng mga pagpapahalaga at gampanin ng bawat
kasapi
para sa kahandaan at pagharap nila sa hamon at tungkulin sa buhay
B. Ito ang unang tagapagturo ng iba’t-ibang pananaw tungkol sa pakikiisa at
pakikipagtulungan sa iba’t-ibang bansa
C. Ito ang nagtuturo sa pagigng aktibong mamamayan tulad ng pakikiisa at pagsuporta sa
mahihirap na mamamayan.
D. Ito ay nagtuturo kung paano magpasya ng tama at mali

8. Hangad ni Lucy ang magkaroon ng isang matiwasay na lipunan na may repleksyon ng


kabutihang panlahat. Subalit hindi matatamo ang layunin nito kung wala ang mga magagandang
katangian o pagpapahalaga na dapat taglayin ng mga taong bumubuo dito. Paano makakamit ang
mga ito?
A. magkaroon ng katwiran o hustisya
B. paggalang sa karapatan ng bawat isa
C. pagpapanatili sa katahimikan o kaayusan
D. pagmamalasakit sa sarili, kapwa, at lipunan

9. Binilhan ni Nanay ng bagong damit si Jaya para sa kanyang JS Prom samantalang damit naman
mula sa ukay-ukay ang kay Martin, na lumang luma na ang mga damit pambahay. Paano
ipinapakita ang kabutihang panlahat sa sitwasyon?

A. Natugunan ang pangangailangan ng magkapatid


B. Naisabuhay ang pagiging responsableng ina
C. Pareho silang ibinili ng damit
D. Pagbili ayon sa kakayahan

10. Kinakailangang kilalanin, igalang, at pakaingatan ng tao na siyang mahalagang bahagi ng ating
lipunan. Sa aling elemento ng kabutihang panlahat ito nakapaloob?
A. kapakanang panlipunan ng pangkat
B. paggalang sa inidbidwal na tao
C. tawag ng katarungan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

D. kapayapaan
11. Ang tao ay inaasahang dapat palaging gumawa ng mabuti sa kanyang kapwa. Anoman ang
mabuti ay dapat isakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng
pagkakataon?
A. Oo, dahil ang mabuting kilos ay kailangan naibabahagi sa lahat ng tao.
B. Oo, dahil ang hindi pagsasakatuparan nito ay isang maling gawain.
C. Hindi, dahil masama ang tumanggi para sa kabutihan
D. Hindi, dahil hindi obligasyon ng tao na gawin ito.

12. Paano mapananatili ng prinsipyo ng subsidiarity ang dignidad ng maliliit at mahihirap na


samahan
ng lipunan?
A. Magkaroon ng desentralisasyon at pagkilala sa karapatang makilahok ng
mga tao sa pagpapasiya ng anumang kaugnay sa buhay nila
B. Limitahan ang pagtatag ng mga boluntaryong internasyonal na institusyon
sa mga layunin na sosyal, kultural at recreational na gawain
C. Hayaan na ang mga minorya ang magtanggol sa kanilang karapatang pantao
D. Makipagtulungan sa mga kabarangay para sa pag unlad.

13. Alin ang HINDI pangunahing pinahahalagahan ng prinsipyo ng subsidiarity sa lokalismo?


A. Ang espiritwalidad at ugnayan, pakikipagkapuwa, sa karunungan, pangangalaga sa lupa,
mga hayop, at iba
B. Ang kayamanang material na naiimbak mula sa likas yaman at mga lugar ng turismo
C. Pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa kanilang pamayanan para sa pag-unlad nito.
D. Pagbaba ng kapangyarihang pangkabuhayan sa mga lokal na pamayanan

14.Ang matalik na magkaibigang Eddie at Uning ay masayang nagkukwentuhan tungkol sa mga


gawaing pamapaaralan, dahil sa hindi pagkakaunawaan nagkaroon sila ng sama ng loob sa isat
isa. Paano mareresolba ang hindi pagkakaunawaan ng magkaibigan?
A. Huwag nalang pansinin at iwasan ang kaibigan
B. Ipaubaya nalang sa tadhana ang pagkakaayos nilang magkaibigan
C. Nararapat na magkaroon ng malusog na diyalogo at paliwanagan
ang magkaibigan alang alang sa pinagsamahan
D. Unawain ang sitwasyon ng bawat isa, magpatawaran at kalimutan
ang nakalipas para sa magandang samahan

15. Si Ronald ay isang pulis. Kilala siya bilang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal
siya ng kanyang mga kapitbbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kanyang mga tinutulungan, na ang
itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa mga nahuhuling tsuper
sa kalsada. Tama ba o mali ang kilos ni Ronald?
A. Mali, kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala ang panloob na kilos
B. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
C. Mali, dahil hindi sa kanya galing ang kanyang naitulong.
D. Tama, dahil obligasyon ng tao ang tumulong.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

16. Ang mabuti ang dapat nating gawin. ang gabay sa pag-alam o pagkilatis sa mabuti ay sa
pamamagitan ng _________.
A. Isip B. Isip at puso C. Tainga D. Puso

17. Kung ikaw ay isang mambabatas, ano ang kategorya na dapat mong gamitin na may kinalaman
sa likas na batas moral?
A. Siguraduhin na ang batas na isusulong ay maiiwasang makasakit ng tao
B. Gumawa ng mga batas na makakapag-paangat sa kabuhayan ng mga mamamayan
C. Pagsulong ng batas sa pagpaparami ng iskolar ng bayan
D. Pagsasagawa ng batas na gawing buwanan ang feeding program

18. Nakita mo ang iyong kaklase na nangongopya sa kanyang katabi, ano ang iyong gagawin?
A. Babalewalain ko ang ginagawa nyang pangongopya
B. Kokopya din ako sa iba para patas ang laban
C. Gagawa ako ng paraan upang mahinto ang pangongopya
D. Ituturo ko siya sa iba pa naming kaklase para lahat kami ay pumasa

19. Ang lahat ng batas ay mabuti ngunit hindi nangangahulugan na ito ay ____.
A. Nakapagpapaunlad C. Dapat sundin
B. Moral D. Kanais-nais

20. Nararapat tandaan na ang Likas Batas Moral ay isang ___ at hindi isang tiyak na utos kung ano
ang gagawin ng tao sa iba’t-ibang pagkakataon.
A. Kabutihan B. Suhestiyon C. Gabay D. Motto

21. Alin sa sumusunod and HINDI kasali kung bakit ang batas na iyong sinasang-ayunan ay
nakabatay sa likas na batas moral?
A. Ang batayan ng batas na ito ay ayon sa tama.
B. Ang batayan ng batas na ito ay ginamit ang pagsunod sa konsensiya.
C. Ang batayan ng ginamit sa batas na ito ay angkop sa pangangailangan
D. Ang batayan ng batas ay magkaroon ng kaayusan kahit na ang paraan ay hindi moral

22. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na tama ang desisyon ng tao sa pagsunod sa batas na
nakabatay sa batas moral?
A. Kapag ito ay nakapagdudulot ng kasiyahan
B. Kapag ito ay nagkakaroon ng kapakinabangan
C. Kapag walang nasasaktan
D. Kapag ito ay nakapagpapatahimik ng kapwa

23. Ito ay ang obheto ng paggawa. Ano ito?


A. Mga taong gumagamit ng mga produktong likha
B. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang
makalikha ng mga produkto.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

C. Tunay na layunin ng tao sa kanyang paglikha ng mga produkto


D. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto

24. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang
_____.
A. Kapuwa tao rin nya ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya
ibinubuhos nya ang lahay ng kanyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang
makabuluhang produkto.
B. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat na
iasa lamang niya ang kanyang mga pag iral sa mga produktong nilikha para sa kanya ng
kanyang kapwa
C. Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan sya upang
mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa
D. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus
kailangan ang paggawa upang makamit ang kanyang kaganapan.

25. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa?


A. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng likha ng kapuwa
B. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot sa ating
kapuwa
C. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba
D. Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa

26. Ang paggawa ay nakatutulong upang malinang ng tao ang kanyang _______.
A. Pakikisama
B. Kayamanan
C. Kaalaman
D. Kagandahan
E.
27. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan ang
kanyang pangunahing pangangailangan. Alin sa mga pahayang ang tama?
A. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili
B. Hindi nararapat ang pera ang maging layunin sa paggawa
C. Hindi mabibili ng tao ang kanyang pangangailangan kung wala syang pera
D. Likas sa tao na unahing tugunan ang kanyan pangunahing pangangailangan.

28. Ang gawaing ito ay isang malikhaing proseso upang paunlarin ang sarili at tugunan ang
personal na pangangailangan.
A. Paggawa
B. Paghahanap buhay
C. Pagtatrabaho
D. Paglikha

29. Ang tao ay pinagkalooban ng talento upang sya ay patuloy na umunlad bilang kasapi ng
kanyang komunidad. Isa sa mga talentong ito ay ang kakayahan sa ____, ito ang nagbibigay ng
katuturan sa buhay bilang tao.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

A. Pakikisama B. Pagmamahal C. Paggawa D. Pagtugon

30. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan tungkol sa paggawa?


A. Isang gawain ng tao na palagiang sinasagawa nang may pakikipagtulungan sa
kanyang kapuwa.
B. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa
C. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain
D. Ano mang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.

31. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pahayag tungkol sa pamamahala at paggamit
ng oras?
A. Isa sa nakapag-aaksaya ng oras natin ay ang pagpapaliban ng gawain.
B. Ang taong nagpapahalaga sa oras ay siyang may mahusay na nagagawa.
C. Tayong lahat ay pinagkalooban ng 24 oras sa bawat araw na malaya nating
gamitin sa anumang naisin nating gawin.
D. Ang maayos na paggawa at pagsunod ng iskedyul ay isang halimbawa
nang maayos na pamamahala ng oras.

32. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng suhestiyon o mungkahi upang maiwaksi ang
pagpapaliban sa paggawa. Alin ang HINDI kabilang?
A. Gumawa ng konkretong plano ng pagkilos upang matapos nang maayos.
B. Pagtukoy sa iyong layunin na magbibigay sa nais mong matupad.
C. Tasahin kung nagawa ang nararapat gawin.
D. Umpisahan ang gawain kahit sa paanong paraan para lang makatapos.

33. Sa anong yugto ng paggawa malalaman ang mga iba’t ibang estratehiyang maaaring gamitin
upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala ng
mga konkretong hakbang upang maisagawa ang proyektong napili at mga posibleng
problemang haharapin at posibleng solusyon?
A. Pagkatuto Bago ang Gawain
B. Pagkatuto Habang Ginagawa
C. Pagkatuto Matapos Malaman ang Kamalian
D. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain

34. Natatapos kaagad ni Cherryl ang kaniyang mga takdang aralin at mga gawain sa bahay.
Nakapaglalaan pa siya ng oras sa kaniyang pamilya at mga kaibigan. Ano ang katangiang
taglay ni Cheryll?
A. malikhain C. mapagkakatiwalaan
B. marunong mamahala sa oras D. disiplinado

35. Si Mr. Henry Lao ay napakatanyag sa larangan ng negosyo. Naging matagumpay siya dahil sa
tamang pagpaplano at pagpa- prioritize niya ng gawain sa takdang panahon. Hangga’t may nakikita
siyang dapat tapusin at unahin sa gawain ay ginagawa niya ito. Kaya lahat ng kaniyang ginagawa
ay kaniyang napagtatagumpayan. Alin sa mga sumusunod na kasabihan ang kaniyang naipakikita?
A. Ang oras ay hindi kailanman mabibili.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

B. Ang oras ay tulad ng ginto, mamahalin.


C. Ang oras ay parang buhay, nawawala rin ito.
D. Ang oras ay mahalaga, dapat gamitin ito nang wasto.
36. Paano mo mapamamahalaan nang wasto ang iyong oras?
A. Bibilisan ang paggawa upang makahabol sa deadline.
B. Hindi magsisimula sa gawain hangga’t hindi sinasabi
C. Gagawin at tatapusin ang gawain ayon sa ginawang iskedyul.
D. Marami ang kanyang natapos dahil mabilis siya sa paggawa.

37. Ang isang taong matagumpay sa gawain ay may nagtutulak sa kanya upang harapin ang
anomang pagsubok na pagdaraanan sa pagkamit ng mithiin. Anong salik sa kalidad ng
paggawa ang ipinakikita dito?
A. Nagpupuri at Nagpapasalamat sa Diyos.
B. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga.
C. Nagtataglay na Kagalingan sa Paggawa.
D. Nagtataglay ng Positibong Kakayahan/Pananaw.

38. Batay sa pagsasaliksik ang kakulangan ng mga kwalipikadong aplikante ang nagiging malaking
suliranin sa kawalan ng trabaho sa bansa. Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan ang
problemang ito?
A. Bibigyan pansin ang diskriminasyon sa pagitan ng mga kasarian
B. Alamin ang in-demand na trabaho na ayon sa iyong talento at hilig.
C. Maghahanap kaagad ng trabaho kahit hindi na tapusin ang pag-aaral.
D. Pagtanggap ng suporta mula sa pamahalaan upang makahanap ng trabaho.
39. Hindi natapos ni Jack ang pag-aaral sa kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Pero dahil gusto at
hilig niya ang pagnenegosyo, nagtiyaga at nagsumikap siya na mapaunlad ang kaniyang
pinasukang negosyo gamit ang kanyang kakayahan. Ano ang katangian ang taglay ni Jack?
A. Madiskarte at matalino.
B. May angking kasipagan at pagpupunyagi.
C. May pananampalataya at disiplina sa sarili.
D. Maganda ang relasyon sa Diyos at may pagpapahalaga sa sarili.
40. Tumutukoy ito sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain ng may kalidad. Tinatapos
ang isang gawain ng walang pagmamadali at buong pagsisikap.
A. Kabutihan B. Kakayahan C. Karapatan D. Kasipagan

41. Mahina sa asignaturang Math si Carlos. Alam niya na malulungkot ang kaniyang magulang
kapag nakita nila na mababa ang kanyang mga marka sa Math kaya sinisikap niyang pag
-aralan ito nang mabuti. Anong pagpapahalaga na may pinakamalapit na kaugnayan
sa paggawa ang taglay niya?
A. Disiplina sa Sarili B. Kasipagan C. Mapagkumbaba D. Matiyaga
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

42. “Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kaniyang ginagawa, sinisiguro niya na magiging
maayos ang kalalabasan ng kaniyang ginagawa.” Alin sa sumusunod na sitwasyon ang
nagpapakita ng nasabing pahayag?
A. Mabilis na tinatapos ni Armand ang gawain para may iba pang magawa.
B. Mabagal sa paggawa si Arnold dahil mayroon siyang ibang ginagawa.
C. Maingat si Alex sa paggawa dahil ayaw niyang magkamali sa kanyang
gawain.
D. Maraming natatapos na gawain si Albert dahil minamadali niya ang paggawa.

43. Ayon kay Francisco Colayco, kinakailangan na tratuhin ang pag-impok bilang isang
obligasyon at hindi optional. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapamalas nito?
A. Binibili lahat ni Roan ang gusto mula sa kaniyang baon.
B. Kapag may natira sa pera ni Roan minsan ay inilalagay niya ito sa alkansiya.
C. Laging nagtitira ng baon si Alyssa, itinatabi niya ito at inihuhulog sa
alkansiya.
D. Sa tuwing may sobrang pera si France ay lagi siyang bumibili ng mga gamit sa
paaralan.

44. Gusto mong makaipon upang may magamit ka sa pangangailangan sa takdang panahon.
Alin sa sumusunod ang iyong dapat gawin upang makatipid?
A. Pagbili ng mga kailangan sa palengke sa halip na sa mall.
B. Nagbabaon na lamang ng pagkain kaysa bumili ng mamahaling pagkain sa
kantina.
C. Naglalakad sa halip na sumasakay kung malapit ang pupuntahan.
D. Lahat ng nabanggit ay gagawin para sa ikakabuti ng buhay at sa pag abot
ng pangarap.

45. Ang taong tamad ay ayaw tumanggap ng gawain, hindi pa niya nasisimulan ay umaayaw na
siya. Sa aling sitwasyon maaaring iwasan ang pagiging tamad?
A. Iniiwasan ni Shiela ang mga gawaing bahay tuwing walang pasok.
B. Tinatapos ni Lea ang mga gawaing bahay kahit hindi siya inuutusan.
C. Tuwing inuutusan si Iñigo ng kanyang nanay ay lagi siyang umaayaw.
D. Ginagawa ni Patricia ang gawain ngunit iniiwan niya ito nang hindi tapos.
46. Ang kasipagan ang tumutulong sa tao upang mapaunlad niya ang kanyang pagkatao. Alin sa
mga sumusunod ang nagpapamalas ng kahulugang ito?
A. Hindi natapos ni Alex ang takdang-aralin dahil hindi niya maintindihan.
B. Maagang natapos ni Fred ang gawaing bahay kaya’t nakapag-aral pa siya.
C. Tumulong si Stephen sa gawaing bahay ngunit iniwan rin itong hindi tapos.
D. Tinapos nang mabilis ni Eric ang kaniyang mga gawain para makapaglaro.

47. Kung ikaw ay naguguluhan pa sa pagpili ng Senior High School track na kukunin sa Grade
11, ano ang dapat mong gawin?
A. Suriin ang sarili kung ano ang kayang gawin, mag-isip at magplano
B. Hayaang magdesisyon ang resulta ng aking entrance exam.
C. Ipagpaliban muna ang pag-aaral sa susunod na taon.
D. Piliin kung ano ang gusto ng mga kaibigan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

48. May mga mahalagang gampanin ka na dapat gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob
sa iyo na may kaugnayan sa pagpili ng nais na kurso sa pagtuntong ng Senior High
School.
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa iyong tungkulin?
A. Pahalagahan at paunlarin.
B. Pagtuunan ng pansin at palaguin.
C. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat.
D. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso.

49. Kung si Karen ay malikhain, mataas ang imahinasyon, at may malawak na isipan, alin
sa mga sumusunod na “Job /Careers/ Work Environment “ang kaniyang taglay?
A. Artistic B. Conventional C. Investigative D. Realistic
50. Ito ay tumutukoy sa hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo
sa kaganapan ng kaniyang minimithi.
A. Bokasyon B. Edukasyon C. Misyon c. Propesyon

51. Kailangang isa-alang-alang ang kraytiryang SMART sa paggawa ng Personal na Misyon


sa Buhay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan nito?
A. Mahalaga, dahil ito ang magtatakda ng iyong nais sa buhay.
B. Mahalaga ito upang maging konkreto ang buhay na iyong tatahakin.
C. Mahalaga ito upang makamit ang lahat ng mga naisin sa buhay.
D. Mahalaga ito dahil nakasalalay dito ang kasalukuyan.
52. Si Jenny ay matiyagang nagtatrabaho bilang nurse. Kahit maliit lamang ang sweldong
natatanggap, masaya pa rin siya dahil mahal niya ang kaniyang trabaho at ang
kaniyang mga pasyente. Sa sitwasyong ito, ano ang turing o tingin ni Jenny sa kaniyang
trabaho?
A. Bokasyon B. Mithiin C. Pagpapahalaga D. Propesyon

53. Sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) dapat ito ay nakatuon sa
kung ano ang nais mong mangyari. May kasabihan nga na “All of us are creators of our
own
destiny”. Ano ang ibig sabihin ng katagang ito?
A. Sa ating kagustuhan magkakaroon tayo ng buhay.
B. Sa ating naisin mas magiging maganda ang buhay.
C. Sa pagdarasal sa Diyos magkakaroon tayo ng magandang trabaho.
D. Sa misyon sa buhay tayo ang lilikha ng ating kapalaran sa buhay.

54. Sa anong sitwasyon ipinakikita ng tao na ang turing niya sa kanyang trabaho ay hindi lamang
isang propesyon kundi isa din itong bokasyon?
A. Magaling sa ginagawa si Vince kapag may nakakikita sa kanya.
B. Magiliw sa trabaho si Maris kahit maliit lang ang sahod.
C. Napakasipag magtrabaho ni Paolo kapag malapit na ang sweldo.
D. Pumipili ng trabaho si Michael ayon sa natapos na kurso.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

55. “Ako ay si Melissa G. Santiago, labing – limang taong gulang at kasalukuyang nag – aaral sa
Pampanga High School. Balang araw, nais kong maging ganap na Civil Engineer ”. Sa bahaging
ito ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ni Melissa, aling elemento sa kraytiryang SMART
ang sinunod niya?
A. Attainable B. Measurable C. Relevant D. Specific

56.Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o mapalitan. Ano ang nararapat na
paghuhusga na isinasaad ng pangungusap na ito?
A. Tama, sapagkat hindi ito permanente araw-araw ay may nagbabago sa tao.
B. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o
papalitan.
C. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon
sa
buhay.
D. Mali, sapagkat ito ang iyong saligan sa buhay. Maaaring magkaroon ng
problema
kung ito ay babaguhin pa.

57.Sa pagkamit ng mithiin ay may GPS o Global Positioning System na maaaring gamitin upang
hindi maligaw ng landas sa buhay, ano ang maituturing natin na GPS?
A. Plano ng Diyos
B. Gawain sa buhay
C. Pangarap sa Buhay
D. Personal na Misyon sa Buhay
58.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon o pagkilos maipakikita ang kahulugan ng katagang
“Begin with the end in mind?”
A. Kuntento na si Ria sa mga marka niya kaya hindi na nag-aral nang mabuti.
B. Nais ni Elisa ng magandang kinabukasan kaya siya ay nagsisikap.
C. Okay lang kay Bernard na mababa ang marka sa pagsusulit.
D. Sa pagpasok sa silid - aralan ay umupo lamang si Kim at nakinig sa talakayan.

59. Si Maria ay nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo bilang nars at ngayon ay kumikita na. Sa
tuwing tinatanggap niya ang kaniyang sweldo, lagi siyang may badyet para sa
pangangailangan ng pamilya. Bukod dito, lagi siyang nakahandang magbigay ng donasyon
sa kanilang simbahan sa tuwing siya ay nilalapitan. Ano ang naibibigay kay Maria ng
magandang gawain niyang ito?
A. Kabutihan B. Kaligayahan C. Kaligtasan D.
Kapayapaan

60. Sa ginawang Personal na Misyon ni Elma, nabanggit niya na nais niyang maging isang
Math Teacher dahil paborito niya ang mga numero at gustong – gusto niya ang
asignaturang Math at kayang-kaya naman siyang papag-aralin ng kaniyang mga magulang
dahil parehong may trabaho ang mga ito. Anong elemento sa kraytiryang SMART ang
naipakita sa kanyang Personal na Misyon sa Buhay?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

A. Specific, Measurable, Attainable


B. Specific, Relevant, Time-bound
C. Measurable, Relevant, Attainable
D. Time-bound, Specific, Measurable

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Susi sa Pagwawasto
1. C 31.D
2. B 32. D
3. A 33. B
4. C 34. B
5. B 35. D
6. A 36. C
7. C 37. D
8. A 38. B
9. B 39. B
10. A 40. B
11. A 41. D
12. D 42. C
13. C 43. C
14. A 44. B
15. D 45. B
16. B 46. B
17. A 47. D
18. C 48. D
19. B 49. C
20. C 50. C
21. D 51. B
22. C 52. A
23. A 53. D
24. D 54. B
25. C 55. D
26. C 56. C
27. D 57. C
28. A 58. B
29. C 59. B
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

30. A 60. A

TABLE OF SPECIFICATION IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

THINKING SKILLS/ITEM PLACEMENT

UNDERSTANDING
REMEMBERING

EVALAUTING
ANALYZING
MELC MELC

APPLYING
CODE

EsP9PL-Ia-  Natutukoy ang mga element 10 1


1.1 ng kabutihang panlahat
EsP9PL-Ia-  Nakapagsusuri ng mga 3 2 8
1.2 halimbawa ng pagsasaalang-
alang sa kabutihang panlahat
sa pamilya, paaralan,
pamayanan o lipunan
EsP9PL-Ib-  Napangangatwiranan na ang
1.3 pagsisikap ng bawat tao na 9
makamit at mapanatili ang
kabutihang panlahat sa
pamamagitan ng
pagsasabuhay ng moral na
pagpapahalaga ay mga
puwersang magpapatatag sa
lipunan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

EsP9PL-Ic-  Natataya ang pag-iral o kawalan 12


2.2 sa pamilya, paaralan, baranggay,
pamayanan, o lipunan/bansa ng:
a. Prinsipyo ng Subsidiarity b.
Prinsipyo ng Pagkakaisa
 Kung umiiral ang Prinsipyo ng
EsP9PL-Id- 13
Subsidiarity, mapananatili ang
2.3 pagkukusa, kalayaan at
pananagutan ng pamayanan o
pangkat na nasa mababang antas
at maisasaalang-alang ang
dignidad ng bawat kasapi ng
pamayanan
EsP9PL-Id-  Nakapagtataya o
2.4 nakapaghuhusga kung umiiral 6
ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag
sa pamilya, paaralan, pamayanan 4
(baranggay), at lipunan/bansa

EsP9PL-Ig-  . Nasusuri ang mga adhikaing


4.2 nagbubunsod sa mga lipunang
sibil upang kumilos tungo sa 14
kabutihang panlahat
EsP9TT-IIa-  Natutukoy ang mga karapatan at
5.1 tungkulin ng tao 7
 Nasusuri ang mga paglabag sa
EsP9TT-IIa-
karapatang pantao na umiiral sa
5.2
pamilya, paaralan,
baranggay/pamayanan, o
lipunan/bansa
EsP9TT-IIb-  Naisasagawa ang mga angkop na 11
5.4 kilos upang ituwid ang mga
nagawa o naobserbahang
paglabag sa mga karapatang-
pantao sa pamilya, paaralan,
baranggay/pamayanan, o
lipunan/bansa
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

EsP9TT-IIc-  Natutukoy ang mga batas na 16,


6.1 nakaayon sa Likas na Batas Moral
EsP9TT-IIc-  Nasusuri ang mga batas na
6.2 umiiral at panukala tungkol sa
mga kabataan batay sa pagsunod 19,20
ng mga ito sa Likas na Batas
Moral
EsP9TT-IId-
 Nahihinuha na ang pagsunod sa
6.3 batas na nakabatay sa Likas na
Batas Moral (Natural Law), 17,22
21
gumagaratiya sa pagtugon sa
pangangailangan ng tao at
umaayon sa dignidad ng tao at sa
EsP9TT-IId- kung ano ang hinihingi ng tamang
6.4 katwiran, ay mahalaga upang
makamit ang kabutihang panlahat 18
 Naipahahayag ang pagsang-ayon
o pagtutol sa isang umiiral na
batas batay sa pagtugon nito sa
kabutihang panlahat

 Napatutunayan na sa
EsP9TT-IIf- pamamagitan ng paggawa,
7.3 nakapagpapamalas ang tao ng
mga pagpapahalaga na
makatutulong upang patuloy na
maiangat, bunga ng kanyang
paglilingkod, ang antas kultural at
moral ng lipunan at makamit niya
23, 26,28
ang kaganapan ng kanyang 25,27
5,15,30
pagkatao
 Nakabubuo ng sintesis tungkol sa
kabutihang naidudulot ng
EsP9TT-IIf- paggawa gamit ang panayam sa
7.4 mga manggagawang 29
kumakatawan sa taong 24
nangangailangan
(marginalized) na nasa iba’t ibang
kurso o trabahong teknikal-
bokasyonal
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

EsP9KP-  Natutukoy ang mga indikasyon na


IIIa-11.1 may kalidad o kagalingan sa 32,35 31,33,
paggawa ng isang gawain o
produkto kaakibat ang wastong
paggamit ng oras para rito
 Nakabubuo ng mga hakbang
EsP9KP- upang magkaroon ng kalidad o
IIIa-11.2 kagalingan sa paggawa ng isang
gawain o produkto kasama na
ang
EsP9KP- pamamahala sa oras na ginugol
IIIb-11.3 dito
 Naipaliliwanag na kailangan ang
kagalingan sa paggawa at
paglilingkod na may wastong 36
pamamahala sa oras upang
maiangat ang sarili, mapaunlad
ang ekonomiya ng bansa at
mapasalamatan ang Diyos sa
mga talentong Kanyang kaloob
 Nakapagtatapos ng isang gawain
EsP9KP- o produkto na mayroong kalidad o
IIIb-11.4 kagalingan sa paggawa at 34
wastong pamamahala sa
 oras
 Natutukoy ang mga indikasyon ng
EsP9KP- taong masipag, nagpupunyagi sa
IIIe-12.1 paggawa, nagtitipid at 37 42,43 46 44
pinamamahalaan ang naimpok
 Nakagagawa ng journal ng mga
EsP9KP- gawaing natapos nang
IIIe-12.2 pinaghandaan, ayon sa 8 38
pamantayan at may motibasyon
sa paggawa
EsP9KP- Napatutunayan na:
IIIf-12.3 a. Ang kasipagan na nakatuon sa
disiplinado at produktibong
gawain na naaayon sa itinakdang
mithiin ay kailangan upang
umunlad ang sariling pagkatao, 39,40 42,45
kapwa, lipunan at bansa
 b. Ang mga hirap, pagod at
pagdurusa ay nadadaig ng
pagpupunyagi tungo sa pagtupad
ng itinakdang mithiin
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Nakikilala ang mga pagbabago sa


EsP9PK- kanyang talento, kakayahan at hilig (mula
IVa-13.1 Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito sa
50 47, 52
pipiliing kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at palakasan o
negosyo
EsP9PK- Napagninilayan ang mga mahahalagang
IVa-13.2 hakbang na ginawa upang mapaunlad
ang kanyang talento at kakayahan ayon 48,51
sa kanyang hilig, mithiin, lokal at global
na demand
EsP9PK- Natutukoy ang kanyang mga
IVb-13.4 paghahandang gagawin upang makamit
ang piniling kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at palakasan o
49
negosyo (hal., pagkuha ng impormasyon
at pag-unawa sa mga tracks sa Senior
High
School)
EsP9PK- Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo
IVc-14.2 ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa 55 53 56
Buhay
EsP9PK- Nahihinuha na ang kanyang
IVd-14.3 Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay ay dapat na nagsasalamin ng
kanyang pagiging natatanging nilalang na 57 54
nagpapasya at kumikilos nang
mapanagutan tungo sa kabutihang
panlahat
Nakapagbubuo ng Personal na Pahayag
EsP9PK- ng Misyon sa Buhay
IVc-14.4 60 59 58

TOTAL 20 16 10 13 1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

You might also like