You are on page 1of 22

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 4:
Pagsunod Sa Batas Tungo Sa
Kabutihang Panlahat
Edukasyon sa Pagpapakatao – 9 na Baitang
Ikalawang Markahan: Modyul 4: Pagsunod sa Batas tungo sa Kabutihang Panlahat

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cecil L. Amad


Editor: Juliet Ano-os, Robert C. Doria, Jeannie Pearl Y. Niñonuevo
Tagasuri: Leah A. Pana
Tagaguhit: Perzal Abendan
Tagalapat: Angelica M. Mendoza, Dexter Licong
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. GUillena
Alma C. Cifra

Aris B. Juanillo

Lydia V. Ampo

Inilambag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Davao City

Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph


9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 4:
Pagsunod Sa Batas Tungo Sa
Kabutihang Panlahat
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya
ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto
upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit.
Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi
ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila
ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

2
Alamin Natin

Nakatutuwang basahin ang isang tula mula kay Robert Fulghum na nagsasabi na
natutuhan na natin ang lahat ng kailangan nating malaman noong tayo ay musmos pa
lamang (All I Really Need to Know I Learned in Kindergarten). Tulad ng huwag
mandaya, huwag manakit ng kapwa, maghugas ng kamay bago kumain, matulog ng
maaga, mag-ingat sa pagtawid at iba pa. Iilan lamang ang mga ito sa kaniyang mga
binanggit at kung iisipin, sa dami ng mga ipinatutupad na batas at sa mga tungkuling
dapat gampanan, gayundin sa dami ng mga sinasabi sa atin na dapat at hindi dapat
gawin, napakasimple lang naman ng utos sa tao: magpakatao, maging makatao.
Ngunit anong mga dahilan bakit kahit marami sa mga tao ang naunawaan ang mga
utos na ito, marami pa rin ang nabibigong sundin ang mga ito?

Sa mga naunang modyul partikular sa pagtalakay tungkol sa lipunan at kabutihang


panlahat sinasabing ang bawat isa sa atin ay bahagi ng kabuuan ng lipunan. Lahat ay
nararapat magpasakop at maging tagasunod sa mga lider na siyang binigyan ng
kapangyarihang mamahala at mamuno nang maayos.

Inaasahan sa modyul na ito na maipamamalas mo ang pag-unawa sa mga batas na


nakabatay sa Likas na Batas Moral. At sa pagtatapos nito ay masasagot mo ang
mahahalagang tanong na: Ano ang batas na gabay sa ating pagpapakatao? Bakit
kailangan umayon sa batas na ito? Gagabayan ka ng modyul na ito upang
maunawaan mo ng lubos ang mga batas na umiiral sa lipunan.

Ang modyul na ito ay may dalawang Kasanayang Pagkatuto:

1. Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral


(Natural Law), gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at
umayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihinging tamang katwiran, ay
mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat. (EsP9TT-IIb-6.3)
2. Naipapahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa
pagtugon nito sa kabutihang panlahat. (EsP9TT-IId-6.4)

Mula sa Kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa mag-


aaral (Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon,2015)

1
Subukin Natin

Gawain 1: Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tamang kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang


panlahat. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahiwatig sa tunay na diwa nito?
a. Kondenahin ang mga mapagsamantala
b. Ingatan ang interes ng marami
c. Itaguyod ang karapatang pantao
d. Protektahan ang mayayaman at makapangyarihan
2. Paano mo mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?
a. Tunay ang pagsunod sa utos ng Diyos
b. Mapagkampi sa tao
c. Pagiging matulungin sa kapwa
d. Nagbibigay ng pagsaklolo sa iba
3. Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral?
a. Sumisibol mula sa konsensiya
b. Naiisip lamang
c. Itinuturo ng bawat magulang
d. Ibinubulong ng anghel
4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o
desisyon?
a. Ito ay ayon sa mabuti
b. Magdudulot ito ng kasiyahan
c. Makapagpapabuti ng tao
d. Walang nasasaktan
5. Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?
a. Maraming anyo ng Likas na Batas Moral
b. Nag-iiba ang Likas na Batas Moral batay sa kultura at kinagisnan
c. Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat
d. Nagbabago ang Likas na Batas Moral sa paglipas ng panahon.

2
Aralin Natin

Gawain 1: Panuto:
Sa gawaing ito, bubuo ka ng isang semantic web na sasagot sa core question na
“Bakit mayroong batas? May apat na elemento ang semantic web: ang (1) core
question, (2) web strand, (3) strand support, at (4) strand lines. Ang core question ang
magiging pokus ng web. Lahat ng mga impormasyon ay naiuugnay sa core question.
Ang sagot sa core question ay ang web strand at isusulat ito sa paligid ng core
question. Ang mga katotohanan (facts) o paghinuha (inferences) na ginagamit sa
pagsuporta sa bawat web ay tinatawag na strand support. Ang strand support ay
nagmumula sa web strand. Ang ugnayan ng mga strand ay tinatawag na strand ties.
1. Makatutulong sa iyo ang template na nasa ibaba. Kalakip nito ang core question
para sa gawaing ito.

Ito ang web strand. Dito


isusulat ang sagot sa core
question.

Ito ang web strand. Bakit mayroong Ito ang web strand.
Ditto isusulat ang batas? Ditto isusulat ang
sagot sa core question. sagot sa core question.

Ito ang web strand.


Ditto isusulat ang
sagot sa core question.

2. Gumawa ng katulad na pormat sa isang kalahating papel. Mula sa core question


(Bakit mayroong batas?), isulat ang mga naisip na sagot sa paligid nito (web strand).
Matapos maitala ang mga sagot, isulat sa ibaba ng bawat strand (strand support) ang
mga impormasyon o nakuhang kaalaman na susuporta sa iyong sagot.

3
Mga tanong:
a. Batay sa mga sagot sa nabuong semantic web, ano ang layunin ng
batas?
b. Sino ang tuon ng batas? Ipaliwanag.
c. Bakit kailangang sundin ang batas? Ano ang epekto sa tao ng hindi
pagsunod nito?
d. Anong batas ang batayan ng lahat ng batas na binuo ng tao?

Kraytirya ng pagtataya:
Pamantayan 5 4 3 2 1
Wasto ang impormasyong nakasulat at
angkop ang mga pahayag
Naipaliwanag ng maayos ang mga sagot
tungkol sa batas
Kabuuang Puntos

5-Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang di mahusay


4- Mahusay 2-Di gaanong mahuusay

Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

Narinig mo na ba ang prinsipyong First, Do No Harm (primum non nocere) ng


mga manggagamot? Sinasabi nito na ang unang layunin ng mga manggagamot ay
hindi makapagdulot ng higit pang sakit. Negatibo man ang pagkakasabi at hindi
positibo gaya ng “magbigay lunas,” positibo ang nais sabihin nito: laging may
pagnanais na makapagpagaling at iiwasan ang lahat ng makapagpapalala ng sakit o
makasasama sa pasyente.
Mapapatanong ka siguro kung bakit kailangan pa itong sabihin. Hindi ba’t kaya
nga pinili ng mga doktor ang ganitong larangan dahil sa pagnanais na
makapagpagaling at makatulong? Walang doktor ang magbibigay ng payong medikal
na nakakapagpalala ng kondisyon ng pasyente. Walang doktor ang papasok sa
operasyon nang hindi handa. Laging ang nasa isip nila ay ang makapagpagaling ng
pasyente.
Magkagayon pa man, may nabalitaan ka na rin marahil na may mga doktor na
nakapagbigay ng maling mga reseta sa kanilang pasyente. May mga kaso rin ng
kamatayan dahil sa mga maling prognosis. Nilabag na nga ba ng mga propesyonal na
ito ang kanilang mga tungkulin bilang manggagamot?
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip.
Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan. At para kay Max Scheler,
ang pag-alam sa kabutihang ito ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip
kundi sa larangan din ng pakiramdam. Ninanasa ng tao ang mabuti, hindi ang

4
masama. Walang sinuman ang magnanais na mapasama siya. Kahit na tinatamad
akong mag-aral, alam kong mabuti ang mag-aral. Kahit na natatakot akong
magpatingin sa doktor, alam kong mabuting gawin ito upang makita ang kalagayan ng
aking kalusugan. Kahit gustong-gusto kong kunin ang cellphone ng kapatid ko, hindi
ko dapat gawin dahil alam kong masama ito.
Paano ko nalaman kung ano ang mabuti at ano ang masama? Itinuro ito sa atin
ng mga magulang. Nakuha natin sa mga kapitbahay, napanood sa telebisyon, nabasa
o narinig. Ang nakakamangha dito ay sa dami ng ating mga naririnig o nalalaman, may
maliit na tinig pa rin ng kasiguraduhan sa ating loob na nagsasabi sa atin kung ano
ang mabuti. Nararamdaman ko ang mabuti. Nararamdaman ko ang tama kahit na
kung minsan ay parang sinasabi ng isip ko na mali ito. Sa kilos ng pakiramdam ko
kung ano ang dapat kong gawin, napapanatag ako at natatahimik kapag sinunod ko
ang tinig na ito.
Konsensya ba ito? Diyos ba ito? Takot ba ito sa aking mga magulang?
Pressure mula sa mga kaibigan? Tukso ng media? Isa lang ang totoo: naaakit ako sa
alam kong mabuti.

I. Ang Mabuti

“Ang mabuti ang laging layon ng tao. Ang isip at puso ang gabay para
kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May matinong pag-iisip, pagsusuri,
pagtitimbang at paglilinis sa mga motibasyon ang kasabay ng pagkilala
sa mabuti.

Pansinin na hindi pa talaga natin pinag-uusapan dito kung ano ang mabuti.
Sinasabi lang na may natural na pagkaakit ang tao sa mabuti. Ang mabuti ang laging
pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang gabay para kilatisin kung ano talaga ang
mabuti. Mabuti bang tumulong sa gawaing bahay? Mabuti bang tumambay kasama
ng barkada? Mabuti bang uminom ng alak? Ang tanungin ang tanong na “Mabuti ba’?
Bago pa gawin ang isang bagay ay tanda na nang masikap na paghahangad na
matupad ang mabuti. Hindi agad-agad lumulusong sa paggawa ng walang pagtitimpi
at pagmumuni-muni sa kabutihan ng gagawin. Nakakatakot at delikado ang taong
agad may sagot at hindi nag-iisip dahil malamang, ang ginagawa niya ay piliin lamang
ang pinakawili-wili sa kaniya. Ang nag-iisip ay namimilipit pa sa pagtimbang kung tama
ba talaga ang pipiliin, kung ano ang mga posibleng epekto ng pagpili at kung
mapaninindigan ba niya ang mga bungang kaniyang kakaharapin. Sa pinakapayak na
paliwanag, ang mabuti ay pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at
pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.

II. Ang Tama: Iba sa Mabuti


Ang mabuti ay ang pagtungo lagi sa pagkabuo ng sarili.

5
Ang tama ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon, kasaysayan,
konteksto at situwasyon. Tinitingnan dito ang mga pangangailangan at
kakayahan ng gagawa ng pagpili.
Halimbawa: Kung nakikita ni Rommel na makabubuti sa kaniya ang
pagboboksing, hindi lang siya basta-basta sasabak sa laro. Kailangan niyang
tingnan ang kanyang kakayahan bago siya magsimulang magboksing.
Ang tama ay pagsunod sa mabuti:
Sa lahat ng panahon at pagkakataon
Ayon sa sariling tantya
Angkop sa pangangailangan at kakayahan
Nang walang pasubali

Ang mabuti ay:


Paggawa ng tama
Pagsunod sa batas
Pagbuo sa sarili
Pagsunod sa Diyos

III. Ang Kaisa-isang Batas: Maging Makatao


Bakit pinakamahalaga ang maging makatao?
Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Likas sa atin na maging makatao
(para sa tao): ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninuman.
Ang lumabag dito ay lumalabag din sa sarili niyang kalikasan.

IV. Lahat ng Batas: Para sa Tao


Lahat ng isinakatuparang batas ay para sa tao dahil ang batas ay ginawa upang
magsilbing instrumento ng Panginoon upang mapangasiwaan ang pamahalaan na
inaasahan ng lipunan na magsasabuhay sa mga karapatang pantao ng mga
mamamayan. Ang batas ay tuntunin na ginagawa at ipinapatupad ng pamahalaan
para sundin ng mga tao at ng mamamayan. Ang batas ay pinagbabatayan ng
anumang kautusan, desisyon o programa na ipinatutupad ng gobyerno o pamahalaan
para sa ikaaayos at ikabubuti ng bawat mamamayan.

Batas – ay mga utos o mga patakaran na kailangang sundin ng


mamamayan para makamit ang kabutihang panlahat.

Mga posibleng mangyari kung ang tao ay hindi sumunod sa batas:


● Maaring maparusahan
● Maaring makulong ang isang taong susuway
6
● Maaring walang pag-unlad ang isang bansa
● Walang pagkakaisa at pagtutulungan ang isang lipunan
● Maaring gumawa ng hindi mabuting hakbang ang pamahalaan na maaring
ikapahamak at ikasasama ng mamamayan kung patuloy ang hindi
pagsunod sa batas.

Kabutihang dulot ng Batas:


● Nagagawa ng batas na mapangalagaan at maproteksyunan ang ating mga
karapatan
● Nagkakaroon ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan
● Nagiging ligtas ang bawat isa
● Ginagarantiyahan ng batas ang pagkakaloob ng mga benepisyo sa mga
mamamayan

V. Likas na Batas Moral: Batayan ng mga Batas ng Tao


Nagtagumpay na ba ang mga bansa na tuparin ang mga pagpapahalagang ito?
Isang proseso ang pagtupad sa mabuti. Hindi laging tama. Madalas pa nga ay
nagkukulang ang mga estado sa pagtalima sa tawag ng mabuti. Dala na rin ito ng
napakaraming mga tinig at mukha na kailangan lahat pakinggan at tingnan. Hindi
perpekto ang mga batas. Subalit, muli, babalik tayo sa depinisiyon ng mabuti – sapat
na ang laging pagtingin sa kabutihan at ang pagsisikap na matupad ito.
Kung ang buhay sana ay tulad ng cellphone na may kasamang instruction
manual, madali na sana ang lahat. Kung ang katawan ay may instruction manual,
madali na sana sa doktor ang makatiyak sa gamot, nutrisyon, at pag-aalagang mabisa
sa lahat. Sa kasamaang palad, walang instruction manual ang tao at ang mundo. Ang
Likas na Batas Moral ay hindi instruction manual. Hindi ito isang malinaw na utos kung
ano ang gagawin ng tao sa iba’t ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang makita
ang halaga ng tao. Ang konstitusyon at mga batas din ay hindi mga instruction manual.
Naisatitik ng mga ito ang anumang makatulong sa pagpapahayag ng tao. Gabay din
lamang ang mga ito na natutunan sa karanasan ng mga tao sa pagdaan ng panahon.
Malayo sa pagiging absolutong batas para sa pag-unlad at kaayusan ng lipunan.
Matutupad ba natin ang Likas na Batas Moral sa ating bayan? Isang simpleng
sagot: habang may nakatingin sa mabuti – nagtataka, nagtatanong – tiyak na
hahakbang tayo papalapit sa mabuti.

Ano ang pinakaunang hakbang? First Do No Harm.

Pamprosesong Tanong:
1. May pagkakaiba ba ang Likas na Batas Moral sa ibang kultura?
2. Bakit First Do No Harm ang unang hakbang sa pagtupad sa mabuti?
3. Paano mo malalaman kung ano ang mabuti at kung ano ang masama?
4. Bakit dapat matutuhan ng isang mag-aaral ang Likas na Batas Moral at
ano ang kaugnayan nito sa pang – araw – araw na pamumuhay?
7
5. Paano maihahambing ang buhay sa isang instruction manual?
Gabay sa Pagwawasto:
Pamantayan 5 4 3 2 1
● Ang pagpapaliwanag ay may
tuwirang kaugnayan sa paksa o
katanungan
● Buo ang Diwa

● Magkakaugnay

● Makatotohanan

5-Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang di mahusay


4- Mahusay 2-Di gaanong mahusay

Gawin Natin

Gawain 2: Panuto:
Kumuha ng isang malinis na papel. Isulat ang lahat ng mga mahahalagang konsepto
na iyong natutuhan mula sa mga gawain at sa babasahin.
Gumawa ng isang concept web upang mapag-ugnay –ugnay ang mga konseptong
naisulat. Matapos gawin ito ay subuking sumulat ng isang malaking konsepto mula sa
mga maliliit na konsepto.

Makatutulong sa iyo ang gabay na tanong na:


1. Bakit mahalaga ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral?
2. Ano ang maitutulong nito tungo sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao?
Maaaring gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba. Huwag lilitahan ang konseptong
isusulat sa bilang ng bilog na nasa halimbawa. Maaring sumulat ng kahit gaano
karaming konsepto na iyong maiisip.

8
Pagsunod
sa Batas

Rubrik para sa pagpapaliwanag ng Batayang Konsepto gamit ang concept web


Kraytirya 5 4 3 2 1
Pagpapaliwanag ng konsepto
● Malinaw na naipaliwanag ang
lahat ng mahahalagang
konsepto
Paggamit ng concept web
● Nakalikha ng sariling concept
web na ginamit upang maibigay
o maibahagi ang batayang
konsepto
Kabuuang Puntos

5-Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang di mahusay


4- Mahusay 2-Di gaanong mahusay

9
Sanayin Natin

Gawain 3: Panuto:
1. Magsagawa ng pagsusuri sa mga pinagtibay na batas na ipinatutupad sa
kasalukuyan.

2. Pumili ng tatlong batas na iyong sinasang-ayunan dahil pinaniniwalaan mong


nakatuon ang mga ito sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

3. Pumili rin ng tatlong batas na iyong tinutulan dahil pinaniniwalaan mong hindi
nakatuon ang mga ito sa kabutihang panlahat.

4. Mahalagang pangatwiranan ang iyong pagtutol o pagsang-ayon. Mahalagang


banggitin sa pagsusuri ang mga probisyon sa batas na siyang lumalabag sa
Likas na Batas Moral.

5. Gamitin ang katulad na pormat na makikita sa ibaba.

Mga Batas Mga Dahilan Mga Probisyong Mungkahing


Labag sa Likas na Rebisyon
Batas Moral
Ang Aking Sinasang-ayunan

1.

2.

3.

Ang Aking Tinututulan


1.

2.

3.

10
Gabay sa Pagwawasto

Kraytirya 5 4 3 2 1
Makatotohanan ang batas na sinang-
ayunan at tinutulan
Malinaw at maayos ang pagkakasunod-
sunod ng presentasyon ng katuwiran

May konkretong mga dahilan kaugnay sa


mga batas na inilahad

Kabuuang Puntos

5-Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang di mahusay


4- Mahusay 2-Di gaanong mahusay

Tandaan Natin

Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:

1. “Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-


iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam.” (Max Scheler)

2. “Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang


makaunawa sa kabutihan.” (Sto. Tomas de Aquino)

3. Ang Likas na Batas Moral ay hindi instruction manual ito ay gabay lamang
upang makita ang halaga ng tao.

4. Ang mabuti ay ang pagtungo lagi sa pagkabuo ng sarili.

5. Ang tama ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon, kasaysayan, konteksto


at sitwasyon. Tinitingnan ditto ang mga pangangailangan at kakayahan ng
gagawa ng pagpili.

11
Suriin Natin

Gawain 4 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
tamang titik na tumutukoy sa tamang kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga
sagot.

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat.
Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahiwatig sa tunay na diwa nito?
e. Kondenahin ang mga mapagsamantala
f. Ingatan ang interes ng marami
g. Itaguyod ang karapatang pantao
h. Protektahan ang mayayaman at makapangyarihan

2. Paano mo mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?


a. Tunay ang pagsunod sa utos ng Diyos
b. Mapagkampi sa tao
c. Pagiging matulungin sa kapwa
d. Nagbibigay ng saklolo sa iba

3. Sa paanong paraan natutuhan ang Likas na Batas Moral?


a. Sumisibol mula sa konsensiya
b. Naiisip lamang
c. Itinuturo ng bawat magulang
d. Ibinubulong ng anghel

4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
a. Ito ay ayon sa mabuti
b. Magdudulot ito ng kasiyahan
c. Makapagpapabuti ng tao
d. Walang nasasaktan

5. Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?


a. Maraming anyo ang Likas na Batas Moral
b. Nag-iiba ang Likas na Batas Moral batay sa kultura at kinagisnan.
c. Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat.
d. Nagbabago ang Likas na Batas Moral sa paglipas ng panahon.

12
Payabungin Natin

Gawain 5: Panuto:
1. Kung ikaw ay isang mambabatas, anong batas ang iyong ipapanukala upang
maingatan ang karapatan ng kabataan ayon sa Likas na Batas Moral?
Pangatuwiranan.
2. Makatutulong sa iyo ang pormat sa nasa ibaba. Lagyan ng mga sanggunian na
pinagbatayan mo ng iyong panukala.

Panukalang Batas Bilang. ________________________________________


Ipinanukala ni: __________________________________________________

Isang Batas na __________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________
Paliwanag ukol sa batas at kung bakit mahalagang ito ay pagtibayin

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

13
Gabay sa Pagwawasto

Kraytirya 5 4 3 2 1
Makatotohanan ang batas na inilahad
Malinaw at maayos ang pagkakasunod-
sunod ng mga katuwiran kung bakit ito
mahalagang pagtibayin
Kabuuang Puntos

5-Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang di mahusay


4- Mahusay 2-Di gaanong mahusay

Pagnilayan Natin

Gawain 6: Panuto:
Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa isang buong
papel.

Ano – ano ang konsepto at Ano ang aking Ano – anong hakbang ang
kaalamang pumukaw sa pagkaunawa at aking gagawin upang
akin? reyalisasyon sa bawat mailapat ang mga pang-
konsepto at kaalamang unawa at reyalisasyong ito
ito? sa aking buhay?

● ● ●

● ● ●

● ● ●

● ● ●

Gabay sa Pagwawasto

Kraytirya 5 4 3 2 1
Makabuluhan ang bawat talata dahil
buo ang pagpapaliwanag at pagtalakay
tungkol sa konsepto
Nakakapanghikayat at malinaw ang
pagkakalahad batay sa konsepto

14
Walang pagkakamali sa mga bantas,
kapitalisasyon at pagbaybay

Kabuuang Puntos

5-Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang di mahusay


4- Mahusay 2-Di gaanong mahusay

15
Susi sa Pagwawasto

Answer

16
Sanggunian

• Mula sa Kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapakato Baitang 9 Modyul para


sa mag-aaral (Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon,2015)
• The Universal Declaration of Human Rights. Retrieved October 11, 2013
from http://www.un.org/en/documents/udhr/index.shtml
• The Universal declaration of Human Rights. Retrieved October 11, 2013
from http://ohchr.org/EN/UDHR/Pages/Language.aspx?LangID=tgl.
• Kahulugan ng batas: brainly.ph/question/1505378 Layunin ng Batas:
brainly.ph/question/416485

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph


18

You might also like