Professional Documents
Culture Documents
1. Ito ay naglalarawan sa dami ng produkto o serbisyo na nais at kayang bilhin ng isang tao o mamimili
na may kaukulang presyo sa isang takdang panahon
10. Kung ang pagtaas ng presyo ng isang produkto ay magdudulot ng pagtaas ng demand ng isang
produkto masasabing ang mga produktong ito ay may pamalit sa isa't isa
11. Kapag ang ugnayan ng presyo sa isang produkto ay negatibo taliwas sa demand para sa isang
produkto masasabing magkaugnay ang mga ito
12. Isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nag-iisang korporasyon ang nagtitinda ng
isang produkto
14. Isang uri ng di-perpektong kompetensiya na kung saan ang mga maraming prodyuser ay nagbebenta
ng mga produkto na makikilala ang pagkakaiba mula sa iba pa (halimbawa, pagtatatak o kalidad) at sa
gayon di-perpektong pamalit
15. Isang sistema sa pamilihan kung saan walang sino man sa prodyuser at maging sa konsyumer ang
may kontrolado sa presyo ng mga produkto
16. Nagpapakita ng magkasalungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin
ng mamimili
18. Isang chart o talahanayan na nagpapakita ng bilang ng isang produkto o serbisyo at ang mga presyo
nito na karaniwang hinihiling
20. Ang relasyon sa pagitan ng suplay at ang mga salik na nakakaapekto sa kakayahan ng taga suplay na
magbenta ng produckto
21. Ang halaga ng bayad o kompensasyon na binibigay ng isang partido sa isa pang partido upang
makakuha ng produkto (goods) o serbisyo
22. Isang pook kung saan pumupunta ang mga tao at ang mekanismo na kung saan nagtatagpo ang
konsyumer at prodyuser
23. Ang kanyang kakayahang tumugon sa dalang pagbabago ng isa pang bagay
Ito ay naglalarawan sa dami ng produkto o serbisyo na nais at kayang bilhin ng isang tao o mamimili na
may kaukulang presyo sa isang takdang panahon. Ang presyong ito ay may malaking epekto sa
pagtatakda ng demand sa mga tagatangkilik o consumer. Sa madaling salita, ang presyo at demand ay
hindi maaaring paghiwalayin sapagkat ito ay laging magkaugnay.
b. Suplay
Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na nais at handang ipagbili ng mga negosyante sa pamilihan
sa magkakaibang presyo sa isang takdang panahon.
c. Konsyumer
Sa kanila rin naibabatay ang suplay at demand, dahil ang pangunahing dahilan ng mga konsyumer sa
pagbili o paggamit ng produkto o serbisyo ay upang pagtugon sa kanilang pangangailangan o kasiyahan.
d. Prodyuser
e. Price ceiling
Ang ibig sabihin ng price ceiling ay ang pinakamataas na presyo na puwedeng ipataw ng merkado sa
isang produkto o serbisyo.
Kapag pinatawan ng price ceiling, hindi ito maaring mas taasan pa ng mga negosyante dahil may
karampatang parusa ang sinumang lalabag sa pag-uutos na ito.
f. Price Flooring
Ang price floor ay isang termino o konseptong pang-ekonomiya na tumutukoy sa pamamaraan ng isang
gobyerno o grupo sa pagkontrol ng presyo, partikular na sa kung ano ang pinakamababang presyo na
dapat ipataw sa isang produkto
g. Shortage
hal. si ana ay isang tindera ng tinapay may 50pcs. na may presyong 3.00 syang kailangan ibenta at nais
ng mamimili na bumili ng 60pcs. ipinapakita nito na may kakulangan o shortage sa supply ito ay
nangangailangan pa ng 10pcs.
h. Surplus
Ang surplus ay ang pagkakaroon ng pataas ng bilang ng supply o pagkakaroon ng sobra sa supply.
hal. si ana ay isang tindera ng mga tinapay sa araw na ito may 50 piraso syang tinapay na kinakailangan
ibenta sa presyong 5.00 ngunit ang 40 piraso lamang ang binili ng mamimili kaya nagkaroon ng sobra o
pagtaas ng bilang sa supply.
i. Ekwilibriyo
hal.may 50pcs na tinapay sa presyong 4.00 si ana na ibebenta nya at ang mamimili ay bumili ng 50pcs
kaya ipinapakita nito ang ekwilibriyo kung saan nagkakasundo ang tindera at mamimili sa iisang presyo
kumbaga sakto
j. Substitute Product
Kapag dumami ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng kita ang mga produktong ito ay
maituturing na normal goods.
Inferior goods tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay ng pagtaas ng kita.
Complimentary goods kapag ang ugnayan ng presyo sa isang produkto ay negatibo taliwas sa demand
para sa isang produkto masasabing magkaugnay ang mga ito.
Substitute goods kung ang pagtaas ng presyo ng isang produkto ay magdudulot ng pagtaas ng demand
ng isang produkto masasabing ang mga produktong ito ay may pamalit sa isa't isa
k. Complimentary Product
Complimentary goods kapag ang ugnayan ng presyo sa isang produkto ay negatibo taliwas sa demand
para sa isang produkto masasabing magkaugnay ang mga ito.
Substitute goods kung ang pagtaas ng presyo ng isang produkto ay magdudulot ng pagtaas ng demand
ng isang produkto masasabing ang mga produktong ito ay may pamalit sa isa't isa
l. Monopolyo
Ang monopolyo ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nag-iisang korporasyon
ang nagtitinda ng isang produkto. Sa kabilang banda, marami namang mga mamimili ang nagnanais sa
produktong iyon. Ang produktong tinutukoy ay may kakaibang katangian: (1) walang kagaya sa merkado,
(2) isang pangangailangan, (3) at walang diretsong kapalit. Sa makatuwid, may kontrol ang mga
monopolista, negosyante na nagmamay-ari ng isang monopolyo, sa malaking porsyento ng kalakalan, at
maaari nilang taasan ang presyo ng kanilang binibenta upang makakuha ng mas mataas na kita.
Kadalasan, may patent o copyright ang isang monopolyo upang maprotektahan sila at hindi magaya ng
iba ang kanilang produkto.
m. Oligopolyo
Ang oligopolyo ay isang estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang ng bahay-kalakal na nagbebenta
ng magkakatulad o magkaugnay na produkto. Maaring magdulot ng iba't ibang uri ng sabwatan ang mga
oligopolyo na binabawasan ang kompetisyon at nagiging sanhi ng mataas na presyo sa mga mamimili.[1]
Mas madali ang makapasok sa pamilihan sa estrukturang oligopolyo kaysa sa monopolyo subalit kung
ihahambing sa monopolistikong kompetisyon at perpektong kompetisyon, mas mahirap makapasok sa
oligopolyo.[2]
n. Monopolistikong Kompetisyon
Ang monopolistikong kompetensiya ay isang uri ng di-perpektong kompetensiya na kung saan ang mga
maraming prodyuser ay nagbebenta ng mga produkto na makikilala ang pagkakaiba mula sa iba pa
(halimbawa, pagtatatak o kalidad) at sa gayon di-perpektong pamalit. Sa monopolistikong
kompetensiya, kinukuha ng isang kompanya ang presyong binayad ng kanilang mga kalaban bilang
nakatakda at hindi pinapansin ang sariling presyo sa presyo ng ibang kompanya.[1][2] Sa pagkakaroon
ng pamahalaang pumipigil, nasa kategoryang monopolyong ginawaran ng pamahalaan ang mga
ganitong monopolistikong kompetensya. Hindi tulad ng perpektong kompetensiya, nagpapanatili ang
kompanya ng panghaliling kapasidad. Kabilang sa mga halimbawa sa aklat ng industriyang may kayariang
merkado kapareho sa monopolistikong kompetensiya ang restawran, angkak, pananamit, sapatos, at
mga industriyang serbisyo sa mga malalaking lungsod. Ang "unang ama" ng teoriya ng monopolistikong
kompetensiya ay si Edward Hastings Chamberlin, na nagsulat ng unang aklat tungkol dito na Theory of
Monopolistic Competition (1933).
o. Ganap na kompetisyon
Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ay isang sistema sa pamilihan kung saan walang sino man sa
prodyuser at maging sa konsyumer ang may kontrolado sa presyo ng mga produkto. Ang ilan sa mga
katangian ng sistemang ito ay ang mga sumusunod:
2. Kalimitan sa mga produkto ay magkakatulad partikular sa palengke kung saan may mga pare pareho
ng klase ng paninda.
3. Ang mga impormasyon sa pamilihan ay dumadaloy lalo na kung ito ay tungkol sa pagtaas o pagbaba
ng presyo ng mga produkto o halaga ng serbisyo.
p. Demand Curve
Ang demand curve ay ang graph na batay sa demand schedule. Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang
kombinasyon ng mga presyo at quantity demanded ay mabubuo ang demand curve. Kung tutuntunin
ang mga puntong ito ay makabubuo ng isang kurbang pababa (downward sloping curve). Ang kurbang
ito ay nagpapakita ng magkasalungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang
bilhin ng mamimili.
Kapag may pagbabago sa demand ng isang kalakal nagkakaroon ng paglipat ang demand curve:
Lumilipat ang demand curve pakaliwa kung bumababa ang demand ng kalakal.
Lumilipat naman ang demand curve pakanan kung tumataas ang demand ng isang kalakal.
Mas makabubuti kung hindi agad susunod sa uso upang hindi agad magkaroon ng malaking pagbabago
sa demand.
Bago bumili ng kalakal, humanap at tignan ang presyo ng kahalili at kaugnay na kalakal.
q. Demand Function
r. Demand Schedule
Ang demand schedule ay isang chart o talahanayan na nagpapakita ng bilang ng isang produkto o
serbisyo at ang mga presyo nito na karaniwang hinihiling. Kaya isa itong talahanayan na nagpapakita ng
kaugnayan ng mga presyo ng isang produkto at ang bilang ng produkto na gustong bilhin o kunin ng
isang kostumer.
Karaniwan nang nahahati ito sa dalawang columns. Ang unang column ay listahan ng mga presyo ng
produkto. Ang ikalawang column naman ay listahan ng bilang ng mga produkto na hinihiling o
kinakailangan ng mga kostumer. Ang relasyon o kaugnayn ng produkto sa kahilingan ay nagbabago dahil
sa presyo nito. Kapag tumataas ang presyo ng produkto, karaniwan nang bumababa ang bilang ng
kahilingan.
s. Supply Curve
Ang supply function naman ang relasyon sa pagitan ng suplay at ang mga salik na nakakaapekto sa
kakayahan ng taga suplay na magbenta ng produckto.
v. Presyo
Sa pangkaraniwang gamit, ang presyo ay ang halaga ng bayad o kompensasyon na binibigay ng isang
partido sa isa pang partido upang makakuha ng produkto (goods) o serbisyo.[1] Sa mga makabagong
ekonomiya, hinahayag ang presyo sa mga yunit ng ilang uri ng pananalapi.
w. Pamlihan
Ang pamilihan o merkado (Ingles: market, Kastila: mercado) ay isang pook kung saan pumupunta ang
mga tao at ang mekanismo na kung saan nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser. Kapag may mga
bagay na ibebenta ang mga tao, nagtatatag sila ng isang pook pamilihan o pook pakyawan, katulad ng
palengke, tiyangge, talipapa, baraka, tindahan, kabyawan, paryan,[1], perya,[2] at emporyum. Ang
pamilihan ay isang mabuting paraan ng pagbabalanse ng dami ng bagay na maaaring ipagbili at ng mga
pangangailangan sa bagay na iyon, dahil mabilis na nagbabago ang mga halaga upang magbigay ng
tanda kung anong mga bagay na maipagbibili ang mababa o mataas ang dami, o kung gaano kataas o
kababa ang pangangailangan sa bagay na iyon.
x. Elastik
Ang elastisidad (o elasticity sa Ingles) sa ekonomika ay isang sukat ng pagkasensitibo ng isang nagbabago
sa isa pa. Ito ay numero na nagsasabi ng pagbabago sa porsiyento na mangyayari sa isang nagbabago sa
pagtugon nito sa isang porsiyentong dagdag ng isa pang nagbabago.[1] Sa mas madaling salita, ang
pagkaelastiko ng isang bagay ay ang kanyang kakayahang tumugon sa dalang pagbabago ng isa pang
bagay. Ang mga kikita dito ay ang abilidad ng isang nagbabago na maapektuhan ang isa pang nagbabgo.
Kadalasan, ang elastisidad ay sumusukat sa pagiging sensitibo ng isang nagbabgo sa pagbabago ng
presyo.
y. Di elastik
Ang pagtugon ng konsyumer sa porseynte ng pagbabago ng presyo ay higit na mababa. Ang value na
mababa sa isa ang kumakatawan sa di elastik na elastisidad.