You are on page 1of 4

QUEZON INTEGRATED SCHOOL

Quezon, Balingasag, Misamis Oriental


School Year 2021-2022
ARALING PANLIPUNAN 9
QUARTER 2: Week 3&4
Summative Test No. 2
Name: _______________________________ Date:_________________
Section: ______________________________ Score: ________________
Teacher: Ms. Abegail Mae M. Zaballero

Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang ipagbili ng mga


prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
A. Demand B. Ekwilibriyo
C. Supply D. Produksyon

2. Ito ang pangunahing salik na nakaapekto sa demand at supply.


A. Presyo B. Konsyumer
C. Prodyuser D. Nagtitinda

3. Salik ng produksyon na tumutukoy sa mga makabagong makinarya o kasangkapan na


nagpapabilis sa produksyon ng partikular na produkto.
A. Halaga ng produksyon B. Teknolohiya
C. Bilang ng nagtitinda D. Presyo

4. Inaasahang tataas ang presyo ng bigas sa darating na buwan. Ano ang magiging epekto
nito sa supply ng bigas?
A. Bababa ang magiging supply B. Mananatili ang dami ng supply
C. Tataas ang magiging supply D. Aangkat ng supply

5. Sinasabing naapektuhan ang dami ng supply sa pagbabago ng presyo ng kaugnay na


produkto. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng magkaugnay na produkto?
A. Peanut butter- hotdog B. Brown sugar – white sugar
C. Face mask at alcohol D. Asukal – kape

6. Ang batas ng supply ay nagsasaad na may direktang ugnayan ang presyo at supply.
Anong pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Kapag mataas ang presyo, mataas din ang supply at kapag mababa ang presyo,
mababa din ang supply.
B. Kapag mataas ang presyo, bababa ang supply at kapag mababa ang presyo, tataas
ang supply.
C. Kapag mataas ang presyo, walang pagbabago sa supply at kapag mababa ang presyo,
bahagyang tataas ang supply.
D. Kapag mataas ang presyo, bahagyang bababa ang supply at kapag mababa ang
presyo, walang pagbabago sa supply.

7. Ang presyo ay nagtatakda sa dami ng supply sa pamilihan. Bakit binabawasan ng


prodyuser ang produkto sa pamilihan kapag bumababa ang presyo?
A. Dahil mag-aagawan ang mga tao
B. Dahil marami siyang magiging kakompetensya sa pagtitinda
C. Dahil malulugi siya sa maliit na halagang ipagbibili ang produkto
D. Dahil mababa ang salik ng produksyon nito

8. Kung susuriin ang graph na nasa ibaba, anong direksyon ang ipinapakita ng kurba ng supply
o supply curve?

A. Kumikilos paitaas patungong kanan


B. Kumikilos mula itaas, pababa at pakanan
C. Kumikilos paitaas at pakaliwa
D. Kumikilos mula itaas, pababa at pakaliwa

https://
commons.wikimedia.org/
wiki/File:Supply_curve.jpg

9. Sa supply equation na Qs=0+8P, ano ang quantity supply kung ang presyo ay Ᵽ20.00?
A. 140 B. 160 C. 100 D. 200

10. Ang pagtaas ng supply ay nakaaapekto sa ating pagkonsumo. Paano ka maging apektado
kapag may nagaganap na pagtaas ng supply sa bigas?
A. Maging cool lang dahil maging mababa ang presyo nito.
B. Malungkot dahil tataas ang magiging utang ko.
C. Mag-aalala dahil maging apektado ang badyet ko pagtaas ng presyo.
D. Maging masaya dahil mas higit ang mabibili ko sa pagtaas ng supply.

11. Ang hoarding ay minsang isinagawa ng mga prodyuser sa mga produktong nakatakdang
magkaroon ng limitadong supply. Paano isinagawa ang hoarding sa pamilihan?
A. Pagtatago ng mga produkto habang mura pa ang mga presyo nito.
B. Paglilimita ng produksyon ng produkto habang mura pa ang presyo ng mga ito sa
pamilihan.
C. Maramihang produksyon ng mga produkto para ito ay maibenta sa mas mataas na
presyo.
D. Pagpigil na makapasok ang mga produkto sa mga pamilihan.
12. Ang ugnayan ng presyo at supply ay maaring maipakita sa supply schedule at supply curve.
Paano mo mailalarawan ang mga ito?
A. Ang supply schedule ay talaan ng ugnayan ng presyo at dami ng supply habang ang
supply curve ay grapikong paglalarawan.
B. Ang supply schedule at talaan ng dami ng supply habang ang supply curve ay
grapikong paglalarawan sa presyo.
C. Ang supply schedule ay grapikong ugnayan ng presyo at dami ng supply habang ang
supply curve ay talaan ng presyo at dami ng supply.
D. Ang supply schedule at talaan ng presyo habang ang supply curve ay grapikong
paglalarawan ng dami ng supply.
13. Maraming produkto ang tumaas ang supply dulot ng pandemya na COVID-19. Kung ikaw ay
isang mamimili, anong pangunahing pangangailangan ang iyong bibilhin kahit tumaas pa
ang presyo nito?
A. Smart phone para madali kong matawagan ang pamilya ko.
B. Kotse dahil nakatutulong ito na makapag-grocery at makapunta kahit saan.
C. Bigas at pang-ulam bilang pantawid-gutom sa panahon ng lockdown.
D. Mamahaling alahas upang may maisangla kung kakailanganin.

14. Naglipana ngayon sa social media ang pagbebenta ng halos magkaparehong produkto na
may ibat-ibang presyo. Kung ikaw ay isang negosyante, ano ang gagawin mo para maging
mabenta ang iyong produkto?
A. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo kasama na ang delivery
charge.
B. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo at hiwalay ang delivery
charge.
C. Itatakda ang presyo sa bawat item na may katamtamang tubo at delivery charge rate
sa bawat lugar.
D. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mababang tubo at pagpipiliin ang mga
mamimili kung ito ay pick up o delivery na may charge na nakadepende sa lugar.
15. May malaking epekto ang pandemya sa supply ng alcohol at face mask sa bansa. Paano
maapektuhan ang supply ng alcohol at face mask sa lokal na pamilihan kung ang materyales
nito ay nabibili sa labas ng bansa sa mataas na halaga?
A. Bababa ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito at ipagbibili lamang sa
mababang presyo.
B. Tataas ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito at ipagbibili sa mataas
na presyo.
C. Bababa ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito at ipinagbibili sa
mababang presyo.
D. Tataas ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito at ipinagbili sa mataas
na presyo.

16-20. Gamit ang supply function, kompyutin ang hinihinging datos para makumpleto ang schedule
na nasa ibaba. Ipakita ang iyong kompyutasyon sa ibaba o sa likod na bahagi ng papel.

Supply Function na Qs= 0 + 4P

Presyo (Php) Qs
10 20
15 60
20 80
25 100
ANSWER KEY

1. C
2. A
3. B
4. C
5. D
6. A
7. C
8. A
9. B
10. C
11. A
12. A
13. C
14. D

You might also like