You are on page 1of 3

BAGONG SILANG NATIONAL HIGH SCHOOL

Tagkawayan I District

ARALING PANLIPUNAN 9
Pre-Test
Pangalan: ____________________________ Iskor:___________
Pangkat: _________________

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.


_______1. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tutulong upang higit na mapahalagahan ang konsepto ng
ekonomiks:
a. pagpapahalaga sa yaman ng bansa
b. pag-aaral sa kasaysayan ng ekonomiks
c. pagtangkilik sa sariling produkto
d. panonood ng TV at pagbabasa ng dyaryo upang mabatid ang araw-araw na pangyayari sa lipunan
_______2. Ang salitang ekonomiks ay galing sa oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay:
a. Pamamahala ng negosyo c. Pamamahala ng tahanan
b. Pakikipagkalakalan d. Pagtitipid
_______3. Piliin sa sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan?
a. Ang kakapusan ay panandalian lamang.
b. Ang ating likas na yaman ay walang limitasyon.
c. Lahat tayo ay nahaharap sa pagpili at pagdedesisyon.
d. Ang kakapusan ay nararanasan lamang ng mangilan-ngilang mahihirap.
_______4. Naihahalintulad ang Ekonomiya sa pamamahala ng sambahayan. Ikaw bilang bahagi ng isang pamilya, ay
maituturing na bahagi ng namamahala ng inyong sambahayan”.
A. tama B. mali C. maaari D. hindi
_______5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon ay:
a. Dinadalihang okasyon c. Opportunity cost ng desisyon
b. Kagustuhang desisyon d. Tradisyon ng pamilya
_______6. Nangako ang iyong ama na bibilhan ka ng bagong mobile phone kung magkakaroon ka ng grado na 90 sa
lahat ng asignatura. Ang konseptong ito sa Ekonomiks ay:
a. Trade-off B. Opportunity cost c. marginal thinking d. incentives
_______7. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang
pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa
pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
_______8. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kaniyang
pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang wa-lang katapusang pangangailangan at
kagustuhan sa harap ng ka-kapusan.
_______9. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
a. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
c. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa.
_______10. Anong sangay ng Agham Panlipunan ang nag-aaral kung paano matutugunan ng mga tao ang kanilang
pangangailangan at kagustuhan kahit limitado lamang ang pinagkukunang-yaman?
a. Antropolohiya b. Ekonomiks c. Heograpiya d. Sosyolohiya
_______11. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit nararanasan
natin ang kakapusan?
a. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman
b. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-yaman
c. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan
d. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado ang
pinagkukunang-yaman

_______12. Nakaugalian na ni Ardie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa isang bagay kung ito ba
may pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Ardie ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong
pagdedesisyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking c. Opportunity Cost d. Trade-off
_______13. Masaya si Lydia sa kanyang napiling baunan dahil maliban sa ito ay maganda at mura, eco-friendly pa.
Ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking c. Opportunity Cost d. Trade-off
_______14. Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksyon sa ekonomiks kaysa sa manood ng KDrama ng mga
oras na iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy sa sitwasyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking c. Opportunity Cost d. Trade-off
_______15. Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang paglala ng suliraning ito,
kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa apat na pangunahing katanungan pang-ekonomiko. Ang “tradisyunal
na paraan o paggamit ng teknolohiya” ay sumasagot sa aling katanungang pang-ekonomiko?
a. Anu-anong produkto o serbisyo ang gagawin?
b. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
_______16. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng:
a. Konsyumer b. Pamahalaan c. Pamilihan d. Prodyuser
_______17. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano
rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
a. Likas-yaman b. Pamahalaan c. Presyo d. Prodyuser
_______18. Ano ang tawag sa pagtatakda ng mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang kagustuhan
at pangangailangan?
A. Distribusyon B. Alokasyon C. Pamumuhunan D. Reserbasyon
_______19. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-ekonomiko batay sa
puwersa ng pamilihan.
a. Traditional Economy c. Command Economy
b. Market Economy d. Mixed Economy
_______20. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There isn’t enough to go
around.” ni John Watson Howe?
a. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao.
b. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan.
c. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman.
d. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.

_______21. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa konsepto ng “LUPA” sa salik ng produksyon?
A. Puno B. Makina C. Mineral D. Tubig
_______22. Kung ang bayad sa manggagawa ay sahod, ano naman ang bayad sa lupa?
A. Interes B. Upa C. Kita D. Tubo
_______23. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kapital?
A. Manggagawa B. Makina C. Gusali D. Kompyuter
_______24. Alin sa salik ang gumagamit sa mga gawaing pisikal at mental sa produksiyon?
A. Lupa B. Manggagawa C. Kapital D. Entreprenyur
_______25. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa grupo o tinatawag na “blue collar job”?
a. Karpentero b. driver c. magsasaka d. engineer
_______26. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng produksyon?
a. tinataniman ng mga magsasaka c. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
b. patayuan ng mga imprastraktura d. pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon
_______27. Paano nakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon?
a. maraming hilaw na sangkap ang magagamit
b. maraming output ang mabubuo
c. mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
d. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer
_______28. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksyon?
a. interes b. kita c. pera d. regalo

_______29. Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang sumusunod ay katangiang taglay
niya MALIBAN sa:
a. puno ng inobasyon
b. maging malikhain
c. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
d. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
_______30. Ito ay nanggagaling sa kakayahan at kasanayan ng isang taong nagtatrabaho.
a. kapital b. lupa c. paggawa d. produksyon
_______31. Bakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksyon?
a. pinagmulan ito ng lahat ng produktong ibenenta sa pamilihan
b. dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong produkto
c. mas malawak ang sukat ng lupaing tinataniman
d. ito ay patayuan ng mga imprastraktura na kailangan sa produksyon
_______32. Ang pahayag na kung saan napakahalaga ng inobasyon para sa isang entrepreneur dahil magaganap ang
patuloy na pagbabago sa kaniyang mga likhang produkto ay ideya ni ___________, isang ekonomista ng ika-20 siglo.
a. Abraham Harold Maslow c. Joseph Schumpeter
b. Edward Denison d. Upton Sinclair
_______33. Alin sa sumusunod ang kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo?
a. interes b. sahod c. subsidy d. tubo o profit
_______34. Sa apat na salik ng produksyon, ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng bagong produkto.
a. enterprise b. kapital c. lupa d. paggawa
_______35. Saan nanggagaling ang lupa, lakas paggawa, kapital at kakayahang entrepreneur bilang mga salik ng
produksyon?
a. bahay-kalakal b. industriya c. pamahalaan d. sambahayan
_______36. Kailan mo masasabing matalino ang isang mamimili?
A. Gumagamit ng credit card C. Sumusunod sa budget
B. Bumibili ng segunda mano D. Bumibili ng mura
_______37. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?
a. kakaunti ang suplay c. mataas ang presyo
b. marami ang suplay d. mababa ang presyo
_______38. Sa ekonomiks, ano ang tawag sa paggamit ng kalakal o serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan?
A.Distribusyon B.Produksyon C. Pagkonsumo D. Alokasyon
_______39. Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?
a. Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto
b. Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan
c. Nagsasara ang mga malalaking tindahan
d. Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan
_______40. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagkonsumo?
A.Paggamit ng mga produkto. C.Pagbebenta ng mga produkto.
B.Paggawa ng mga produkto. D.Paghahanap ng produkto

Inihanda ni:

DANIEL S. LOBERIZ
Guro AP 9

You might also like