You are on page 1of 6

Department of Education

Region III
DIVISION OF CITY SCHOOL
BONIFACIO V. ROMERO HIGH SCHOOL
EPZA Pulung Cacutud, Angeles City

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: __________________


Taon at Pangkat: ______________________________________ Guro: __________________

PANUTO: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ang iyong
sagot bago ang bilang.
Para sa bilang 1-3, suriin ang graph sa ibaba at sagutin ang mga kaugnay na tanong tungkol dito.

GDP Growth Rate for 2017


Source: National Economic Development Authority (NEDA)

1. Sa anong bahagi ng 2017 nagkaroon ng pinakamataas na paglago sa kita ng bansa?


A. 1st Quarter C. 3rd Quarter
B. 2 Quarter
nd
D. 4th Quarter

2. Sa anong bahagi ng 2017 nagkaroon ng pinakamababang paglago sa kita ng bansa?


A. 1st Quarter
C. 3rd Quarter
B. 2nd Quarter
D. 4th Quarter

3. Ano ang pangkalahatang ipinapahiwatig ng graph tungkol sa ekonomiya ng bansa?


A. Tuloy-tuloy ang naging pagtaas ng GDP sa taong 2017.
B. Nabawasan ang bilang ng mahihirap na Pilipino noong 2017.
C. Bahagyang humina ang paglago ng ekonomiya sa pagtatapos ng 2017.
D. Naging matagumpay ang pamahalaan sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa.

4. Bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong gawin upang makatulong paunlarin ang ekonomiya?
A. Tangkilikin ang mga produktong gawang Pilipino.
B. Maging mapagmasid sa mga nagyayari sa lipunan.
C. Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran.
D. Lahat ng nabanggit.

5. Alin sa mga sumusunod ang nakakatulong upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa na maari mong
gawin bilang konsyumer?
A. Pagbili sa mga tindahang dayuhan
B.Pagbili ng mga pekeng produkto
C.Pagbili ng mga produktong mula sa cottage industry
D.Pagbili ng mga kalakal na smuggled

6. Alin sa mga sumusunod na salaysay ang pinakawasto tungkol sa pambansang kaunlaran?


A. Lahat ng mamamayang Pilipino ay may mga tungkuling dapat gampanan upang makamit ang
pambansang kaunlaran.
B. Ang kaunlaran ay nakasalalay sa mga dayuhang bansa tulad ng US at China.
C. Tungkulin lamang ng pamahalaan ang pambansang kaunlarin.
D. Malabo nang makamit ng Pilipinas ang pambansang kaunlaran.
7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tradisyunal na pananaw ng kaunlaran.
A. Ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
B. Dapat na ituon ang pansin sa iba’t ibang pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao.
C. Binigyang-diin ang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita (pagtaas ng kita).
D. Ang kaunlaran ay matatamo lamang kung mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa
yaman ng ekonomiya nito.

8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI palatandaan ng Pag-unlad at Pagsulong ng bansa?


A. Daynamikong kaayusang panlipunan
B. Karahasan at Kaguluhan
C. Kasaganaan at Kasarinlan
D. Sapat na mga lingkurang panlipunan

9. Aling sektor ang lumilikha ng pagkain at nagsusuplay ng hilaw na materyales sa bansa?


A. Agrikultura C. Paglilingkod
B. Industriya D. Impormal na sektor

10. Ano ang ibang tawag sa sektor ng agrikultura?


A. Primaryang Sektor C. Tersaryang Sektor
B. Sekondaryang Sektor D. Intermedyang Sektor

11. Alin ang HINDI kabilang sa sektor ng agrikultura?


A. Pagsasaka
C. Pagtitinda
B. Paghahayupan D.
Pangingisda

12. Ang agrikultura ay isang mahalagang sektor sa ekonomiya ng Pilipinas. Ngunit sa panahon ngayon, ito ang
may pinakamaliit na ambag sa taunang kita. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan nito?
A. Patuloy na pagkasira ng mga sakahan dahil sa kaingin at pagkalbo ng mga kagubatan.
B. Patuloy na pag-angkat ng bigas mula sa China, Vietnam at Thailand.
C. Walang suporta ang pamahalaan sa mga magsasaka.
D. Lahat ng nabanggit.

13. Ano ang pangunahing dahilan bakit ipinagbabawal ang paggamit ng dinamita sa pangingisda?
A. Sinisira nito ang tirahan ng mga isda.
B. Delikado para sa mga mangingisda ang paggamit ng dinamita.
C. Hindi nagbabayad ng buwis ang mga prodyuser ng dinamita.
D. Iligal ang paggawa at pagbebenta ng dinamita.

14. May makabagong paraan ng pagbibiyahe ng isda na natuklasan. Sa paraang ito, maaring umabot ng
buhay ang mga isda sa pamilihan. Paano makakatulong ang teknolohiyang ito?
A. Mapabubuti ang kalidad ng isda sa pamilihan.
B. Mapapabilis ang panghuhuli ng isda.
C. Bababa ang halaga ng isda sa pamilihan.
D. Mapaparami ang isdang nahuhuli ng mga mangingisda.

15. Dahil sa naganap na malakas na bagyo sa bansa, ano ang pinakamalaking pinsala ang naidulot nito sa
sektor ng agrikultura?
A. Pagkasira ng mga tirahan ng ibon at hayop sa gubat.
B. Pagbaba ng kita ng mga mangingisda at magsasaka.
C. Mabagal na sistema ng transportasyon.
D.Pagkasira ng malawak na lupaing pansakahan at mga palaisdaan

16. Bakit mahalaga para sa mga magsasaka ang pagkakaroon ng sariling lupaing sakahan?
A. Mapapataas nito ang kita ng mga magsasaka.
B. Maiiwasan ang pagrarali ng mga magsasaka laban sa pamahalaan.
C. Maiiwasan ang pananamantala ng mga grupong makakaliwa (NPA) sa mga magsasaka.
D. Mapapataas nito ang suplay ng pagkain sa bansa.

17. Alin sa mga sumusunod na lupain ang HINDI sakop ng CARP?


A. Lahat ng lupaing ideneklara bilang National Park.
B. Mga lupain na pagmamay-ari ng gobyerno na maaring sakahin.
C. Mga pribadong lupa anuman ang nakatanim dito.
D. Lahat ng lupang agricultural anuman ang tanim o tenyur.

18. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na industriya?


A. Paghahabi ng tela C.
Pag-aasembol ng kotse
B. Pagtatanim ng palay D.
Pagsusulat ng tula

19. Saang uri ng industriya kabilang ang paggawa ng mga lamesa at upuuan?
A. Pagmimina
C. Konstruksyon
B. Pagmamanupaktura D.
Utilities

20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa sektor ng industriya?


A. Konstruksyon ng tulay C. Paggawa
ng damit
B. Pagmamanupaktura ng makinarya D. Pagbabangko

21. Bakit mahalaga ang magkaroon ng makabagong teknolohiya sa mga pagawaan?


A. Mabawasan ang mga empleyado sa isang pagawaan.
B. Unti-unti nitong inaalis ang manual labor sa mga pagawaan.
C. Maaantala ang pagluluwas ng mga lokal na produkto sa ibang bansa.
D. Mapapataas nito ang produksyon ng mga manggagawa sa mga pagawaan.

22. Paano nakakatulong sa ekonomiya ng bansa ang pagkakaroon espesyalisasyon ng mga manggagawa sa
isang pagawaan?
A. Napapabilis ang produksyon
B. Nagiging bihasa ang mga manggagawa.
C. Naiiwasan ang pagkakamali sa trabaho.
D. Napapataas ang kasanayan ng mga manggagawa.

23. Alin sa mga sumusunod na sektor ang namamahala sa pagproseso ng mga hilaw na materyales upang ito
ay maging isang produkto?
A. Paglilingkod C. Agrikultura
B. Impormal na sektor D. Industriya

24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng HINDI magandang epekto ng industriyalisasyon?
A. Ang malawakang paggamit ng makinarya ay nakakaapekto sa pagkakaroon ng hanapbuhay para sa
mga manggagawa.
B. Ang mga makinarya ay nakatutulong sa paggawa ng mas maraming produkto at serbisyo.
C. Napapataas nito ang pambansang kita ng Pilipinas.
D. Nasisira ang kapaligiran dahil sa polusyon at pagdami ng populasyon

25. Anong sangay ng pamahalaan ang tuwirang tumitingin at nangangalaga sa larangan ng industriya at
pangangalakal?
A. Dept. of Trade and Industry C. Dept. of
Agriculture
B. Dept. of Labor and Employment D. Dept. of Health

26. Bakit isinasagawa ng pamahalaan ang pagsasapribado ng mga kompanya nito?


A. Maiwasan ang tuluyang pagkalugi ng nasabing kompanya.
B. Mapataas ang kalidad ng kalakal o serbisyong ipinagkakaloob ng naturang kompanya.
C. Makakuha ang pamahalaan ng karagdagang pondo para sa mga proyekto nito.
D. Lahat ng nabanggit.

27. Alin sa mga sektor ng ekonomiya ang bumubuo ng pananalapi, komersyo, transportasyon at
komuniskasyon.
A. Agrikultura C. Paglilingkod
B. Industriya D. Impormal na sektor
28. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa sektor ng paglilingkod?
A. Magsasaka C. Abogado
B. Ahente D. Mang-aawit

29. Noong taong 2007, umabot sa 16.49 milyong manggagawa ang nasa sektor ng paglilingkod, 12.16 sa
sektor ng agrikultura at 5.08 naman sa sektor ng industriya. Alin ang pinaka-angkop na konklusyon?
A. Mas maraming namamasukan sa sektor ng paglilingkod ngunit mas mahalaga pa rin ang sektor ng
agrikultura.
B. Pinakakaunti ang kabilang sa sektor ng industriya kahit na ito ang may pinakamalaking kontribusyon
sa GNP ng bansa.
C. Nasa sektor ng paglilingkod ang may pinakamalaking bilang ng mga mangagagawa.
D. Pinakamahalaga ang sektor ng paglilingkod kung ihahambing sa sektor ng agrikultura at industriya.
30. Ang ABC Trading sa Divisoria ay nagbebenta ng maramihan sa mga konsyumer. Saang uri ng kalakalan
kabilang ang ABC Trading?
A. Pagtitingi C. Pagpapakyaw
B. Pagluluwas D. Pag-aangkat

31. Anong sangay ng pamahalaan ang nangangalaga ng kapakanan ng mga manggagawa sa bansa?
A. Dept. of Trade and Industry C. Dept. of
Agriculture
B. Dept. of Labor and Employment D. Dept. of Health

32. Anong probisyon ang maaring matamo ng mga manggagawang buntis sa bansa?
A. Overtime Pay
C. Service Charge
B. Maternity Leave D.
Retirement Pay

33. Anong probisyon ang maaring matamo ng mga manggagawang solo parent?
A. Parental Leave C.
Paternity Leave
B. Maternity Leave D.
Special Leave

34. Alin ang HINDI kabilang sa mga benipisyo na maaring matamo ng isang manggagawa sa pribado sektor?
A. SSS
C. Pag-IBIG
B. Philhealth
D. GSIS

35. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na itinatag ng pamahalaan
para sa pagnenegosyo?
A. Agrikultura C. Paglilingkod
B. B. Industriya D. Impormal na sektor

36. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng impormal na sektor?


A. Mababang libel ng organisasyon.
B. Binubuo ng may-ari at kanyang mga kamag-anak o kakilala.
C. May permiso sa pamahalaang lokal
D. Hindi nagbabayad ng buwis

37. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa impormal na sektor?


A.Mga convenience stores
B.Mga kooperatiba ng mga magsasaka
C.Mga gawaing pansibiko
D.Mga tindahang pag-aari ng pamahalaan

38. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan kung bakit nagiging impormal ang maraming negosyo?
A. Mababang ng kapital o puhunan .
B. Kakulangan sa kaalaman sa pagrerehistro.
C. Pagtangging magbayad ng buwis
D. Kawalan ng kasanayan sa trabaho.
39. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng dahilan ng pamimirata sa bansa?
A. Kakulangan ng komprehensibong kampanya laban sa pamimirata.
B. Kakulangan ng kikabubuhay ng mga tao.
C. Kakulangan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa pamimirata.
D. Pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa illegal na pamamaraan.

40. Alin ang HINDI kabilang sa mga dahilan kung bakit pumapasok ang mga mamamayan sa impormal na
sektor?
A. Matinding kahirapan
B. Makakaligtas ng pagbabayad ng buwis
C. Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan
D. Malayang pakikipagtransaksyon sa pamahalaan

41. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng positibong epekto ng paglaganap ng impormal na
sektor?
A. Ipinapakita nito ang pagiging maparaan ng mga Pilipino.
B. Sumasalamin ito ng pagiging mahirap ng bansa.
C. Ito ay larawan ng industriyalisadong bansa.
D. Maraming mamamayan ang umaasa sa Pilipinas.

42. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang naitutulong ng pagluluwas sa ekonomiya ng bansa?
A.Pinatataas nito ang produksyon
B.Nakakatulong ito sa paglilipat ng teknolohiya
C.Pinabubuti nito ang seguridad ng bansa
D.Pinatataas nito ang kalidad ng kalakal sa bansa

43. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng Absolute Advantage?


A.Naibebenta ang kalakal na iniluluwas sa murang halaga
B.Nakalilikha ito ng kalakal na wala sa ibang bansa
C.Nakagagawa ito ng kalakal ng walang puhunan
D. Nakalilikha ito ng produkto gamit ang kaunting salik ng produksyon.

44. Alin ang dapat gawin ng Pilipinas kung gusto nitong isulong ang malayang kalakalan?
A. Bawasan ang taripa C.
Magpataw ng bagong taripa
B. Dagdagan ang taripa D.
Walang babaguhin sa taripa

45. Alin ang pinaka angkop na paglalarawan ng globalisasyon?


A. Paglawak ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa.
B. Paglawak ng integrasyon ng mga ekonomiya, kultura at agham sa daigdig.
C. Paglawak ng pag-uunawaan ng mga tao sa buong daigdig.
D. Pagkalat ng iba’t ibang produkto sa buong daigdig.

46. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kabutihan ng pag-aangkat ng kalakal mula sa ibang
bansa?
A. Nagkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na makasanayan ang paggamit ng mga kasangkapan
mula sa ibang bansa
B. Ito ang nagtutulak sa mga Pilipino na magsagawa ng sariling industriya kaugnay nito
C. Hindi nagiging mabili ang mga lokal na produkto sa Pilipinas.
D. Pinabubuti nito ang ugnayan nang dalawang bansa.

47. Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI kabilang sa ASEAN?


A. Singapore C. South Korea
B. B. Malaysia D. Indonesia

48. Ano ang pangunahing layunin sa pagtatatag ng Asia Pacific Economic Council (APEC)?
A. Isulong ang paglago ng kalakalan sa rehiyong Asya-Pasipiko.
B. Magkaroon ng iisang kultura ang rehiyong Asya-Pasipiko.
C. Magkaisa ang mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko.
D. Maipagtanggol ang mga bansang kasapi sa Asya-Pasipiko laban sa terorismo.
49. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kabilang sa WTO?
A. North Korea C. Australia
B. China D. Japan

50. Alin sa mga sumusunod ang pinakaakmang dahilan ng pakikipagkalakalan ng mga bansa sa daigdig?
A. Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.
B. Upang dumami ang mga produktong imported na maaring gayahin o kopyahin.
C. Madaragdagan ang pagtugon ng mga panustos para sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya.
D. Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan.

“Honest hearts produce honest actions.”


-Anonymous-

You might also like