You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division OFFICE of Nueva Ecija
RESTITUTO B. PERIA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bibiclat, Aliaga, Nueva Ecija

IKAAPAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS)

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Karamihan sa mga magsasaka ay walang sariling lupaing sakahan kaya ang pamahalaan ay kailangan nang magpatupad ng
repormang pansakahan. Kapag di-maisulong ang programang ito, maraming magsasaka ang di- magkakaroon ng lupa, ano ang isang
maaaring maging epekto nito?
A. Ang paglakas ng ugnayan ng magsasaka at ang may-ari ng lupa
B. Ang kawalan ng sigla ng magsasaka upang dumami ang ani
C. Ang pagsusumikap ng magsasaka upang maparami ang ani
D. Ang pagkakasundo sa pagitan ng pamahalaan at ng magsasaka
2. Maraming biyaya ang nakukuha sa kagubatan subalit mabilis ang pagliit ng sukat ng kagubatan dahil sa pag-aabuso ng tao. Ano
ang maaaring epekto nito?
A. Erosyon ng lupa C. Matinding tagtuyot
B. Magkakaroon ng malawakang pagbaha D. Lahat ng nabanggit
3. Ang modernong transportasyon gaya ng MRT at LRT ay mahalaga sa pag-unlad ng ekonomiya. Ang mga sumusunod ay tulong nito
sa pag-unlad, maliban sa isa. Alin ito?
A. nakapaglululan ng maraming pasahero C. Nakapagdudulot ng maginhawang paglalakbay
B. Nakapagpapabagal ng paglalakbay D. Nakapagbibigay ng mabilis na serbisyo
4. Ahensya ng pamahalaan na nangunguna sa pagsubaybay sa larangan ng kalakalan at industriya.
A. Dept. of Labor and Employment C. Dept. of Foreign Affairs
B. Dept. of Trade and Industry D. Dept. of Finance
5. Ito ay tumutukoy sa pagpoproseso at pamamahagi ng mga datos at impormasyon gamit ang computer hardware at software,
telekomunikasyon,at digital electronics
A. on-the job training B. Information Technology C. Industrial Technology D. Manual Laborer
6. Alin sa sumusunod ang naitutulong ng makabagong teknolohiya sa industriva?
A. Nakagagawa ng de kalidad na produkto at serbisyo
B. Nadadagdagan ang bilang ng mga manggagawa na namamasukan sa mga kumpanya
C. Napapabilis nito ang pagkaubos ng likas na yaman ng bansa
D. Nagpapabagal sa pag-angkat ng kalakal ng bansa
7. Ang kasalakuyang pakinabang sa internet sa pamamagitan ng kompyuter ay mahalaga sa pagsulong ng ekonomiya sa bansa dahil
sa mga sumusunod maliban sa isa. Alin ito?
A. Nakadadagdag sa dami ng kalakal C. Nakakahadlang sa pag-angkat ng kalakal
B. Napapabilis ang ugnayan sa mga bansa D. Nakapagbibigay ng wastong impormasyon
8. Alin sa sumusunod na pinagkukunang-yaman ng bansa ang nauuri na yamang dagat?
A. Pagmimina B. Pangingisda C. Paghahayop D. Pagkakaingin
9. Sa anong larangan ng ekonomiks ang tumutukoy sa pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
A. Pag-unlad B. Pagsulong C. Pag-iimpok D. Pamumuhunan
10. Ang UNDP ay nagsagawa rin ng pagsusuri sa kalagayan ng kaunlaran at pagsulong ng ating bansa. Sa anong estado nabibilang ang
Pilipinas sa kanyang antas ng kaunlaran?
A. Medium Human Development C. High Human Development
B. Very High Human Development D. Low Human Development
11. Isa sa mabigat na suliranin ng mga magsasaka ay ang kakulangan ng puhunan na kailangan sa pagpapalaki ng produksyon. Ano
ang mga posibleng kalutasan ng ganitong suliranin sa sektor ng agrikultura?
A. Pagbili ng mamahaling sasakyan para sa mga magsasaka
B. Pagtatakda ng mataas na interes sa pautang na pera
C. Pagtatatag ng mga kooperatiba at bangko rural na nagkakaloob ng pautang sa mga magsasaka
D. Pagkakaloob ng tulong sa pamilya ng bawat magsasaka
12. Tumutukoy hindi lamang sa redistribusyon ng lupa sa magsasaka kundi pati na rin sa pagtatayo ng bahay-ugnayan, pagtatayo ng
gulayan, at pagsisiguro na ang mga anak ng mga magsasaka ay makapag-aral.
A. Comprehensive Agrarian Reform Program C. Agricultural Land Reform Code
B. Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972 D. Land Registration Act ng 1902
13. Batas na naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas.
A. Phil. Fisheries Code of 1998 C. P.D. # 704 ng 1975
B. Local Government Code of 1991 D. Fisheries act of 1932
14. Aling sektor ang lumilikha ng pagkain at nagsusuplay ng hilaw na materyales sa bansa?
A. Agrikultura B. Industriya C. Paglilingkod D. Impormal na sektor
15. Pangulo ng Pilipinas na nagpatupad at isinabatas ang Comprehensive Agrarian Reform Program
A. Diosdado Macapagal B. Corazon Aquino C. Ferdinand Marcos D. Gloria Arroyo
16. Alin sa mga sumusunod na salaysay ang pinakawasto tungkol sa suliranin sa Sektor ng Agrikultura?
A. Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng paglakas ng mga
takdang lupain para sa pagsasaka.
B. Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may pinakamataas na sahod na natatanggap.
C. Hindi malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng bansa dulot ng pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
D. Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa sektor ng agrikultura
17. Ano ang ipinagawa ng pamahalaan upang higit na mapadalas ang pagdadala ng mga huling isda sa pamilihan?
A. Mga kalsada B. Mga daungan C. Mga gamit pangingisda D. bangkang de motor
18. Isang paraan kung saan ang mga korporasyon at negosyo ay sumasailalim sa kontrol o pamamahala ng pamahalaan
A. pagsasapribado B. nasyonalisasvon C. prangkisa D. kaloob
19. Paraan o inobasyong makaagham upang mapunlad ang paraan ng paggawa
A. agham B. preserbasyon C. teknolohiva D. konserbasyon
20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa sektor ng industriya?
A. Pagmimina B. Pananalapi C. Konstruksiyon D.Utilities
21. Ano ang tawag sa paggamit ng mga makinarya at makabagong teknolohiya sa paglinang ng mga industriya at likas na yaman?
A. Industriyalisayon B. Transpormasyon C. Korporasyon D. Produksiyon
22. Sektor na kulang sa mga legal na dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng gawaing pangkabuhayan.
A. impormal na sektor B. sektor ng industriya C. sektor ng agrikultura D. sector ng pananalapi
23. Ito ay upang masiguro na ang kapaligiran sa bansa ay magiging kaaya-aya sa pagnenegosyo.
A. Anti-trust/Competition Law C. Local Government Code
B. Tariff & Customs Code D. Intellectual Property Code
24. Ang mga sumusunod ay mga adhikain na nakatakdang isakatuparan ng pamahalaan sa sektor ng industriya maliban sa isa.
A. Masiguro na ang mga nagsitapos sa mga paaralan ay hindi kinakailangan ng industriya.
B. Maitaguyod ang paglinang ng mga manggagawa upang masiguro ang kalidad sa pamamagitan ng training at iba pa
C. Mapabuti ang persepsiyon ng mga namumuhunan sa bansa bunga ng katanggap-tanggap na kapaligiran sa pagnenegosyo.
D. Mapanatili ng pamahalaan ang pagbibigay insentibo
25. Alin sa sumusunod na konsepto sa ekonomiks ang tinatawag na "soul of all economic activities?"
A. produksyon B. distribusivon C. pagkonsumo D. pakikipagpalitan
26. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa bumubuo ng sektor ng paglilingkod?
A. Kalakalang pakyawan at pagtitingi C. Sektor ng pananalapi
B. Serbisyong pampamayanan, panlipunan, at personal D. Pagmimina
27. Ito ay ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.
A. Department of Labor and Employment (DOLE) C. Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
B. Professional Regulation Commission (PRC) D. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
28. Sa mga tagasulong ng economic growth, ang pagsulong ng ekonomiya ang pinakamabisang paraan upang _____.
A. mapaunlad ang kalidad ng buhay
B. makalikha ng empleyo para sa mga walang trabaho
C. bawasan ang sobrang kahirapan at itaas ang per capita output
D. malampasan ang kahirapan at polusyong dulot ng gawaing ekonomiko
29. Anong sektor ng paglilingkod ang may kinalaman sa mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t ibang produkto at
paglilingkod?
A. Pananalapi B.Kalakalan C. Pampubliko D. Imbakan
30. Anong benipisyo ang maaring matanggap ng isang empleyadong lalaki kapag nanganak ang legal na asawa na kaniyang kapisan?
A. Sick Leave B. Special Leave C. Paternity Leave D. Parental Leave
31. Isa sa kilalang nakatutulong sa ekonomiya ngayon ay ang paglakas ng business process outsourcing lalo na ang call center
companies. Saang sektor kabilang ang ganitong uri ng gawain?
A. Sektor ng Agrikultura B. Impormal na Sektor C. Sektor ng Industriya D. Sektor ng Paglilingkod
32. Alin sa sumusunod ang magandang dulot ng industriyalisasyon?
A. Ang maraming pabrika ay nakapagdudulot ng malawakang polusyon.
B. Ang makabagong teknolohiya ay nakapagpapabilis ng mga gawain
C. Unti-unting nasisira ang kapaligiran dulot ng industriyalisasyon
D. Mabilis ang pagkaubos ng likas na yaman ng bansa
33. Alin sa mga sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa
operasyon ng negosyo, at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na itinatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo?
A. Agrikultura B. Impormal na Sektor C. Industriya D. Paglilingkod
34. Alin sa mga pandaigdigang samahan na ito ang nagtatakda sa mga kalakalang pandaigdig?
A. Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) C. Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC)
B. World Trade Organization (WTO) D. World Health Organization (WHO)
35. Alin sa mga ito ang mabuting epekto ng kalakalang panlabas?
A. Mas mataas na ang presyo ng mga bilihin (deregulasyon at pribatisasyon)
B. Paglabas ng dayuhang salapi
C. Pagpapabuti ng mga serbisyo
D. Pagpapalit ng mga manggagawa sa makinarya
36. Ano ang tawag sa programang inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng mga
gawain at pagsasanay upang mapaunlad ang mga mahihirap na pamilya ang kanilang mga kasanayan at makapagsimula ng sariling
negosyo?
A. Self-employed Assistance Kaunlaran Program (SEA-K) C. Sustainable Livelihood Program (SLP)
B. Pantawid Pamilyang Pilipinono Program (4Ps) D. Supplementary Feeding Program (SFP)
37. Sa anong batas nakapaloob ang pagsasaayos ng pinakamababang pasahod o minimum wage na naaangkop sa iba’t-ibang pang-
industriyang sektor.
A. Wage Rationalization Act (RA 6727) C. Special Day (Art. 91-93)
B. Service Charges (Art. 96) D. Thirteenth-Month Pay (PD 851)
38. Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ano ang pinakamatinong hakbang na dapat isagawa ng
pamahalaan?
A. Gumamit ng mga alternatibong pamalit sa langis C. Dagdagan ang utang panlabas
B. Bawasan ang pag angkat ng langis D. Umangkat ng maraming langis at imbakin ito
39. Si Mariano Sotelo Caranta ay umabot na sa takdang edad para magretiro. Alin sa sumusunod na benipisyo ang maaari niyang
matanggap?
A. Thirteenth-Month Pay B. Separation Pay C. Premium Pay D.Retirement Pay
40. Alin sa sumusunod ang hindi public good?
A. pambansang daanan B. tanggulang Pambansa C. nasyonalisasyon D. pribatisasyon
41. Kapag ipinatutupad ng mga bansa ang patakaran ng pag-alis sa mga hadlang sa pagpasok ng dayuhang kalakal, ipinaiiral nito ang
patakarang ng _
A. deregulasyon B. liberalisasyon C. pribatisasyon D. nasyonalisasyon
42. Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t-isa ayon sa konsepto ng comparative advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila
makikinabang?
A. Trade embargo at Quota B. Kasunduang Multilateral C. Espesyalisasyon at Kalakalan D. Sabwatan at Kartel
43. Ito ay programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na kung saan sa ilalim nito, ang mga biktima ng
kalamidad o mga evacuee ay bibigyan ng kabayaran kapalit ng serbisyong kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng
rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga nasalantang lugar.
A. Self-Employment Assistance Kaunlaran Program (SEA-K)
B. Cash-for-Work Program (CWP)
C. Integrated Services for Livelihood Advancement of the Fisherfolks (ISLA)
D. DOLE Integrated Livelihood Program (DILP)
44. Ang Republic Act 7875 o National Heath Insurance Act of 1995 ay _____.
A. Naglalaman ng mga probisyon para sa "espesyal na manggagawa" kabilang ang mga industrial homeworker, kasambahay,
batang manggagawa, at kababaihan na kabilang sa impormal na sektor.
B. Tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa.
C. Hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba't ibang sektor ng lipunan
D. Naglalayong mapagkalooban ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at sistematikong kaseguruhang
pangkalusugan.
45. Ayon sa Internation Labor Organization (ILO) may pitong mahahalagang katapatan ang mga manggagawa. Alin ang HINDI
kabilang dito?
A. Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat.
B. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon
C. Bawal ang lahat ng anyo ng mga anyo ng diskriminasyon sa
D. Walang minimum na oras sa pagtatrabaho
46. Ano ang tawag sa halaga ng piso laban sa ibang salapi?
A. exchange rate B. foreign exchange C. stock exchange D. securities and bonds
47. Ilang sub-sektor ang bumubuo sa sektor ng industriya?
A. Tatlo B. Apat C. Lima D. Anim
48. Sinong pangulo ang lumagda sa Agricultural Land Reform Code o batas na nagsasabing ang nagbubungkal ng lupa ang siyang
tunay na may-ari nito?
A. Benigno Aquino B. Diosdado Macapagal C. Gloria Arroyo D. Rodrigo Duterte
49. Ito ang tawag sa pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng dalawang panig.
A. Barter B. Kalakalan C. Kalakalang Panlabas D. Kalakalang Panloob
50. Ang sumusunod ay tinatawag na fresh water o tubig tabang maliban sa _____.
A. ilog B. sapa C. dagat D.lawa

You might also like