You are on page 1of 3

MANICAHAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Lagumang Pagsusulit 1- Ikaapat na Markahan


Araling Panlipunan 9
Taong Panuruan 2021 – 2022

Pangalan: ______________________________________ Iskor: __________________


Grado/Seksyon: ________________________ Petsa: _________________

WRITTEN WORK
Test I. Multiple Choice / Maramihang Pagpipili-pili:
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat katanungan at piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.

Para sa bilang 1-3. Basahin at intindihin ang dalawang pahayag. Isulat ang
A. Kung ang pahayag A ay tama at pahayag B ay mali C. Kung ang pahayag A at B ay tama
B. Kung ang pahayag A ay mali at pahayag B ay tama D. Kung pahayag A at B ay mali

_____1. A. Ang pag-apruba ng Pangulo sa pagtanggal ng kontraktuwalisasyon sa mga trabaho ay isang manipesto ng
palatandaang pangkabuhayan.
B. Ang pagbibigay ng libreng contraceptives at serbisyo sa mga pamilya para sa “Family Planning” ay patuloy na
isinasagawa ng pamahalaan upang masiguro ang pagplano ng pamilya. Ang palatandaang ito ay tungkol sa
mainam na buhay para sa lahat.
_____2. A. Ang kinikita ni Lothbrok (isang alemanya) bilang isang inhinyeros sa bansang Oman ay napapabilang sa
Gross Domestic Product (GDP) ng bansang Pilipinas na kung saan napapabilang sa palatandaang pangkabuhayan.
B. Si Siggy ay isang matandang dalaga na naninirahan sa Lunzuran. Siya ay nasa edad 80 sa kasalukuyan. Isa sa
mga sikreto ni Siggy ay ang pagkain ng masustansyang mga pagkain. Ang pagkakaron ng mahabang buhay ni
Siggy ay isang panlipunang palatandaan.
_____3. A. Ang proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan at kawalan ng
trabaho ay palatandaan ng pag-unlad.
B. Ang patuloy na pakikipag-ugnayan ni Pangulong Duterte sa iba’t-ibang bansa ay nagpapakita ng palatandaang
pang-kaunlaran.
_____4. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng palatandaan ng kaunlaran?
A. Hindi ganap na maipakikita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
B. Sa mga OFWs lamang nabubuhay ang ekonomiya ng bansa.
C. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan rin ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga
mamamayan.
D. Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na panukat gaya ng GDP
_____5. Sa kasalukuyan, ang nagsisilbing batayan ng kaunlaran ng isang bansa ang pagkakaroon ng makabagong
teknolohiya. Sa pananaw na ito, nagaganap lamang ang kaunlaran kung nagkakaroon ng pagbabago mula sa
pagiging agrikultural patungo sa pagiging industriyal. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatotoo
rito?
A. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa pa ng mas maraming produkto at serbisyong
kailangan at gusto ng mga tao.
B. Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga makinarya ay nakaaapekto sa pagkakaroon ng
hanapbuhay para sa mga manggagawa.
C. Unti-unting nasisira ang ating kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong mabilis na industriyalisasyon.
D. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga na rin ng mataas na pambansang kita.
_____6. May mga gampanin ang bawat mamamayang Pilipino upang makatulong sa pambansang kaunlaran. Ano ang ibig
sabihin ng salitang gampanin?
A. pananagutan C. karapatan
B. tungkulin o responsibilidad D. lahat ng nabanggit
_____7. Ano ang pinakatamang kahulugan ng kooperatiba?
A. Ang kooperatiba ay isang pagsasama-sama ng puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng negosyo na ang
makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi rin.
B. Ang kooperatiba ay isang pagsasama-sama ng puhunan ng mga negosyante upang magtayo ng negosyo na ang
makikinabang at tatangkilik ay mga negosyante.
C. Ang kooperatiba ay isang samahan ng mga tao na may ibat ibang interes subalit nagbubuklod at nagtitipon ng
kanilang yaman upang matulungan ang nangangailangan
D. Wala sa nabanggit ang sagot
_____8. Anong gampanin ang tumutukoy sa pagbabayad ng tapat at wastong buwis sa pamahalaan?
A. pagnenegosyo C. tamang pagbabayad ng buwis
B. pagsali sa kooperatiba D. tamang pagboto
_____9. Ang mga sumusunod ay mga gampanin ng isang mamamayang Pilipino. Alin ang hindi kabilang dito?
A. pagiging mapanagutan C. pagiging makabansa
B. pagiging maalam D. pagiging makasarili
_____10. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang makatulong ka sa bansa?
A. maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan
B. makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad
C. tangkilikin ang mga produktong Pinoy
D. wala sa nabanggit ang sagot
_____11. Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng ibat ibang sektor na may malaking kontribusyon sa pagtamo ng
pambansang kaunlaran. Alin sa mga pangunahing sektor ang pangunahing tagapagtustos ng pagkain?
A. Agrikultura B. Industriya C. Paglilingkod D. Impormal na Sektor
_____12. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (2016), magkano ang naitalang kita ng komersyal na
pangingisda na nakatulong sa ekonomiya ng bansa?
A. 58,866,556.69 bilyong piso C. 100,390,234.45 bilyong piso
B. 48,239,800 bilyong piso D. 457,79,79.57 bilyong piso
_____13. Aling uri ng pangingisdaan ang nakatala ng pinakamalaking naitalang produksiyon ng pangisdaan na umabot sa
91,141,919.73 bilyong piso noong 2016?
A. munisipal B. aquaculture C. komersyal D. ekonomik
_____14. Karamihan sa mga Pilipino na naninirahan sa mga probinsiya o rural na lugar ay umaasa sa agrikultura. Alin sa
mga sumusunod ang hindi kabilang sa gawaing agrikultural?
A. Paggugubat C. Pagmimina
B. Paghahayupan D. Pangingisda
_____15. Isa sa sektor na dapat bigyang pansin ng pamahalaan ay ang sektor ng agrikultura dahil napakahalaga nito sa
bawat mamamayan. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng sektor ng agrikultura maliban sa ___________.
A. ito ay pinagkukunan ng kitang panlabas.
B. sa agrikultura nagmumula ang mga hilaw na sangkap para sa industriya
C. sa agrikultura nanggagaling ang ating mga pagkain
D. ito ay nagpoproseso ng mga hilaw na sangkap
_____16. Upang malutas ang mga suliranin sa agrikultura tulad ng pagkaubos ng kagubatan at mga lamang dagat, alin sa
mga sumusunod ang dapat gawin ng pamahalaan para malutas ito?
A. Bibigyan ng malaking budget ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura.
B. Magtatatag ng mga ahensya at programana tutulong sa sektor na ito.
C. Magsasagawa ng isang kampanya upang humikayat na pangalagaan ang agrikultura.
D. Magbigay ng maraming pananim at binhi ng mga isda sa mga mamamayan upang alagaan.
_____17. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na tumulong sa pagsagip sa kalikasan, ano ang iyong gagawin?
A. Magtatanim ng maraming puno upang maibalik ang mga nawalang puno sa kagubatan.
B. Sasali sa mga pambansang kilusan na laban sa ilegal na pagtotroso.
C. Magtatanim ng maraming bakawan upang maging alternatibo sa mga puno na nawala.
D. Maglilinis ng kapaligiran at magtatapon ng basura sa tamang tapunan nito.
_____18. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng climate change sa sektor ng agrikultura?
A. Pagpalit ng lupang agrikultural patungong industriyal
B. Paglawak ng lupaing pansakahan
C. Pagbaba ng kitang pang-agrikultural
D. Paglaki ng populasyon
_____19. 9. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng mabilis na pagkaubos ng mga kagubatan?
A. Erosyon ng mga lupain at pagbaha.
B. Pagkaubos ng mga puno at watershed.
C. Nawawalan ng tirahan ang mga hayop.
D. Hindi na napapalitan ang mga punong tinanggal.
_____20. 10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga suliranin sa sektor ng pangingisda?
A. Irigasyon B. Climate change C. Thrawl fishing D. Polusyon

PERFORMANCE TASK
Graphic Organizer
Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga datos na hinihingi sa ibaba.

MANICAHAN NATIONAL HIGH SCHOOL


Araling Panlipunan 9
Taong Panuruan 2021 – 2022

Pangalan: ______________________________________ Iskor: __________________


Grado/Seksyon: ________________________ Petsa: _________________

KARAGDAGANG GAWAIN 1

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong na may kinalaman sa pag-unlad ng bansa at tamang gampanin
ng mamayang pilipino. Lagyan ng tsek (/) ang kolum na sinasang-ayunan mo.

PAHAYAG OPO HINDI


PO
1. May pag-unlad kung napapangalagaan ang kapaligiran.
2. May pag-unlad kung tumataas ang export ng isang bansa.
3. May pag-unlad kung dumarami ang dayuhang mangangalakal.
4. May pag-unlad kung ang bayan ay naging lungsod.
5. May pag-unlad kung may trabaho ang mga mamamayan.
6. Maging mahusay na manggagawa lamang habambuhay.
7. Pagboto sa mga sikat na kandidato sa halalan.
8. Pagbabayad ng tamang buwis
9. Pag- iwas o ‘di pagbili sa mga produktong galing sa ibang bansa.
10. Pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran.

B. Panuto: Batay sa nabasa mong teksto, punan ang tsart ng mga bumubuo ng sektor ng agrikultura at ang
kahalagahan nito.

Mga Tanong:
1. Ano ang masasabi niyo sa Gawain natin? Madali ba, katamtaman, o mahirap?

2. Ano ang naramdaman niyo habang sinasagot ang Gawain?

3. Ano ang nagging motibasyon mo upang matapos sa takdang oras ang Gawain?

Inihanda ni:

CRISTINA S. TEVES
Guro sa ARPAN 9

You might also like