You are on page 1of 2

Cordova Catholic Cooperative School

(formerly Cordova Academy)

Poblacion, Cordova, Cebu

Araling Panlipunan 9
Quarter 4-Midterm Examination

Pangalan: _____________________________ Taon at Seksyon:_________________________________

Petsa: _______________________ Lagda ng Proktor: __________________Iskor: __________________

I. Kaalaman sa Agrikultura at Pambansang Industriya. Basahin at unawain ng mabuti ang bawat

katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang industriyalisasyon sa kasalukuyan, ang nagsisilbing batayan ng kaunlaran ng isang bansa. Sa pananaw
na ito nagaganap lamang ang kaunlaran kung nagkakaroon ng pagbabago mula sa pagiging agrikultural
patungo sa pagiging industriyal. Ngunit marami ding limitasyon ang industriyalisasyon. Alin sa sumusunod
na pahayag ang hindi nagpapatotoo rito?
a. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga na rin ng mataas na pambansang kita.
b. Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga makinarya ay nakaaapekto sa availability ng
hanapbuhay para sa mga manggagawa.
c. Unti-unting nasisira ang ating kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong mabilis na industriyalisasyon.
d. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa pa ng mas maraming produkto at
serbisyong kailangan at gusto ng mga tao.
2. Ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang bansa kung ang pag-uusapan ay likas na yaman. Mataba ang mga
lupain at hitik ang mga anyong tubig sa iba’t-ibang yamang dagat. Ngunit kapansin-pansin sa mga datos sa
itaas na ang sector ng agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa ekonomiya ng bansa mula 2005-2010.
Ano ang nais ipahiwatig nito?
a. Mas prayoridas ng pamahalaan ang sektor ng industriya at serbisyo.
b. Kulang ang mga pasilidad at imprastruktura na tutulong sa agrikultura.
c. Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga kababayan nating nasa sektor ng agrikultura.
d. Lahat ng nabanggit.
3. Itinuturing ang agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya samantalang ang industriya naman ang
tinatawag na sekundaryang sektor. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng dalawang sektor na ito sa
pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan
o interaksyon ng dalawang sektor?
a. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksyon ng agrikultura samantalang ang industriya ay sa
mga bahay-kalakal.
b. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor
industriya upang gawing panibagong uri ng produkto.
c. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahahalagang sangkap
sa sektor ng industriya upang gawing panibagong uri ng produkto.
d. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nanatili sa tradisyunal
na pamamaraan ng pagsasaka.
4. Ang industriyalisasyon sa kasalukuyan, ang nagsisilbing batayan ng kaunlaran ng isang bansa. Sa pananaw
na ito nagaganap lamang ang kaunlaran kung nagkakaroon ng pagbabago mula sa pagiging agrikultural
patungo sa pagiging industriyal. Ngunit marami ding limitasyon ang industriyalisasyon. Alin sa sumusunod
na pahayag ang hindi nagpapatotoo rito?
a. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa pa ng mas maraming produkto at
serbisyong kailangan at gusto ng mga tao.
b. Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga makinarya ay nakaaapekto sa availability ng
hanapbuhay para sa mga manggagawa.
c. Unti-unting nasisira ang ating kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong mabilis na industriyalisasyon.
d. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga na rin ng mataas na pambansang kita.
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng sektor ng agrikultura at sektor ng industriya?
a. Ang agrikultura ay ang pinanggagalingan ng pangkabuhayan ng mga mahihirap na mamamayan.
b. Nasa agrikultura nagmumula ang lakas ng mga tao para makagawa sa mga gawaing pang-industriya.
c. Nasa agrikultura nagsisimula ang mga hilaw na ipoproseso o imamanupaktura para makabuo ng tapos na
produkto.
d. Walang kaugnayan ang dalawang sektor sapagkat mag-iba ang kahalagahan at ang ginagampanan nito sa
bawat sektor ng lipunan.
6. Ang Filipino First Policy ay itinaguyod sa panahon ni dating Pangulong Carlos P. Garcia na naglalayon na
____________ para sa ikauunlad ng ekonomiya ng bansa.
a. tangkilikin ang produktong dayuhan c. tangkilikin ang mga produktong mamahalin
b. tangkilikin ang produktong sariling atin d. tangkilikin ang mga imported na mga produkto
7. Ang turismo ay isa sa mga sektor ng paglilingkod na katutulong sa ekonomiya ng ating bansa
sapagkat___________.
a. maliit na pera lamang ang naiaambag ng turismo sa ating bayan
b. nagkakaroon ng pangkabuhayan ang mahihirap na mamamayan
c. marami ang dayuhan ang magbakasyon para masaksihan ang magagandang tanawin
d. kumikita ang bansa sa pamamagitan ng mga buwis at nakikilala ang mga magagandang tanawin
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng patakaran ng pamahalaan na Salary
Standardization Law?
a. nagkakaroon ng malalaking sweldo ang mga taong kilala ng may-ari ng kompanya
b. binibigyan ng pamahalaan ng subsidiya ang mga manggagawa para makatulong sa pamilya
c. nagkakaroon ng pantay na kabayaran para sa pantay na paggawa at batay sa pagkakaiba ng gawain
d. nabibigyan ng prebelihiyo ang mga manggagawa kung ito ay aalis sa kompanya kahit ilang buwan lamang
9. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya at makinarya ay nakatutulong upang ___________ ang mga
gawain at nakapagpapataas ng produksyon ng ating industriya.
a. mapabagal b.mapadali c. mapaunlad d. maubos
10. Ang paglilingkod sa mass media ay nakatutulong sapagkat ito ay __________ ng ating bayan.
a. naghahatid ng balita b. nagpapakita ng kahirapan c. nagtataguyod sa mga kapatan d. wala sa lahat

II. Sanhi at Bunga. Isulat ang sagot sa patlang na inilaan sa bawat bilang.

Sanhi Bunga
11.destructive fishing ______ j a. paghina ng produksyon ng livestock at poultry
12. pagtatapon ng basura at mga kemikal ______d b. pag-angkat ng karneng baka
13. pagkasalanta ng mga pananim na gulay c. nawawalan ng tirahan ang mga isda
dahil sa bagyo______ f d. pagkamatay ng mga isda (fish kill)
14. pagkakaroon ng foot and mouth e. nasisira ang mga tirahan ng mga hayop
disease, ebola virus at bird flue ______ a f. tumaas ang presyo ng gulay sa palengke
15. kakaunti lamang ang nag-aalaga ng baka _____ b g. pinsala sa mga hayop at produksiyon ng gulay
16. kawalan ng irigasyon ______h h. pagkatuyo ng mga pananim
17. tagbaha at tagtuyo ______ g i. nangungupahan ang magsasaka
18. pag-convert ng mga kagubatan sa j. mababawasan ang produksyon ng isda
lupang sakahan ______e k. dumarami ang suplay ng karneng baka
19. pagkasira ng mangrove ______c l. umuunlad ang mga magsasaka
20. kawalan ng lupa ng magsasaka ______i

III. Pagpapalalim ng Kaalaman

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Bawat bilang ay may tiglilimang puntos.
21. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita sa iyong kapwa mag-aaral ang iyong suporta sa
programang pang-agrikultura?
__________________________________________________________________________________________

22. Bakit mahalaga ang sektor ng agrikultura upang mapalago ang sektor ng industriya tungo sa pagkamit ng
pangkabuhayan nap ag-unlad?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
23. Saang bahagi ng PVMGOV ng paaralan ang nagpapakita ng kahalagahan ng paglilingkod? Ano ang
mabisang patakaran na gusto mong ipatupad sa iyong sarili para gampanan ang iyong tungkulin?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

You might also like