You are on page 1of 2

KONSEPTO NG PAG-UNLAD

KONSEPTO NG PAG-UNLAD AYON KAY FELICIANO R. FAJARDO


Sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na Economic Development (1994), malinaw niyang inilahad ang pagkakaiba
ng pagsulong at pag-unlad. Ayon kay Feliciano R. Fajardo na ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso
at ang pagsulong ay ang bunga ng pag-unlad.
Halimbawa ng pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad:
Ang makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay ay kinapapalooban ng isang proseso at ito ang pag-unlad.
Ang resulta nito ay mas maraming ani at ito ang pagsulong.
Ayon din kay Feliciano R. Fajardo na ang pagsulong ay nakikita at nasusukat, ang mga halimbawa nito ay
mga daan, sasakyan, kabahayan, gusali, ospital, bangko at paraalan. Ang mga ito ang resulta ng pag-unlad ngunit
hindi lamang ito ang kahulugan ng pag-unlad, ang pag-unlad ay isang progesibong proseso ng pagpapabuti ng
kondisyon ng tao gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan, di
pagkakapantay-pantay at krimen.
KONSEPTO NG PAG-UNLAD AYON KIN MICHAEL P. TODARO AT STEPHEN C. SMITH
Inilahad nina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith sa kanilang aklat na Economic Development (2012) na
ang dalawang konsepto ng pag-unlad ay ang tradisyonal na pananaw at makabagong pananaw.
Tradisyong pananaw- Binigyang-diin ang pag-unlad bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng per
capita income nang sa gayon ay mas mabilis maparami ng bansa ang kanyang output kaysa sa pagbilis ng
populasyon.
Makabagong pananaw- Ipinapakita rito na ang pag-unlad ay dapat kumatawan sa malawakang pagbabago sa
buong sistemang panlipunan kung saan ang mga tao ay mapalayo sa hindi kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay
tungo sa mas kasiya-siyang pamumuhay.
KONSEPTO NG PAG-UNLAD AYON KAY AMARTYA SEN
Ayon kay Amartya Sen sa kanyang libro na Development as a freedom (2008), ipinaliwanag niya na ang
kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapapaunlad ang yaman ng buhay ng tao kaysa sa yaman ng ekonomiya”.
Upang matamo ito, mahalagang biyan ng pansin kung paano masosolosyunan ang kahirapan, diskriminasyon at
hindi pagkakapantay-pantay.
MGA PALATANDAAN NG PAG-UNLAd
PAGSULONG
Masasabi na ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Sa pagsulong, sinusukat ang halaga ng mga
produkto at serbisyong nalilha sa loob ng isang panahon. Sa pagsukat nito, ginaamit ang Gross Domestic Product
(GDP) at Gross National Product
1. LIKAS NA YAMAN- Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na
ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis
na pagsulong ng isang bansa
2. YAMANG TAO- Isa ring mahalagang salik na tinitingnan na pagsulong ng ekonomiya ang lakas-paggawa. Mas
maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ng mga manggagawa nito.
3. KAPITAL- Sinasabing lubhang mahalaga ang capital sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng
mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakakalikha ng mas maraming produkto at serbisyo.
4. TEKNOLOHIYA AT INOBASYON- Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas mabali ang
pagkuha sa mga pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.
PAG-UNLAD
Hindi sapat na panukat ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo dahil hindi nito naipapakita ung paano
naipamamahagi ang kita at yaman ng bansa sa mga mamamayan nito. Hindi sapat ang mga numero, makabagong
teknolohiya at nagtataasang gusali upang masabing ganap na maunlad ang isang bansa.
HUMAN DEVELOPMENT INDEX
Ginagamit din ang Human Development Index bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang
bansa. Ang Human Development Index (HDI) ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa
na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: Kalusugan , Edukasyon at; Antas ng Pamumuhay
PANGKALUSUGAN
Ipinapahiwatig dito ang bilang ng taon na inaasahang itatagal ng isang sanggol kung ang umiiral na
dahilan o sanhi ng kamatayan sa panahon ng kaniyang kapanganakan ay mananatili habang siya ay nabubuhay.
PANG-EDUKASYON
Ipinapakita rito ang pagsukat ng literacy rate ng isang bansa. Ang mean years of schooling at expected
years of schooling din ang ginagamit na pananda. Ayon sa United Nation Educational, Scientific and Cultural
Organization na batay sa mga datos mula sa sarbet at sensus na ang mean years of schooling ukol sa antas ng pinag-
aralan ng mamamayan na may 25 taong gulang. Samantala, ang expected years of schooling naman ay natataya base
sa bilang ng mga nag-aaral sa lahat ng antas ng edukasyon. Itinakda na 18 taon bilang expected years of schooling
ng UNESCO.
KAHALAGAHAN NG HDI
Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na
pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya .
Sa pinakaunang Human Development Reportna inilabas ng United Nations Development
Programme (UNDP) noong 1990, inilahad ang pangunahing saliganng sumunod pang mga ulat na nagsasabing
“Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa.” Ang Human Development Report ay magkaroon ng
mahalagang implikasyon sa pagbuo ng mga polisiya ng mga bansa sa buong mundo.
Ang Human development ay hindi napapako sa iisang konsepto lamang, bagkus, habang nagbabago ang
mundo ay patuloy ring nagbabago ang pamamaraan at konseptong nakapaloob dito, tanging ang katotohanangg ang
pag-unlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto sa pamumuhay ng mga tao.
SAMA-SAMANG PAGKILOS PARA SA PAMBANSANG KAUNLARAN
Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mamamayan. Bawat isa ay may gampanin
sa pag-unlad ng bansa, maaring ang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng
pansariling pagsisikap o sama-samang pagtutulungan. Ang paglaya sa kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na
maaring gawin ng isang indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamahala at pananalapi. Maaring gawin ang
sumusunod bilang ilan sa mga estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa:
MAPANAGUTAN
1. Tamang pagbabayad ng buwis- 2. Makialam-
MAABILIDAD
1. Bumuo o sumaIi sa kooperatiba- 2. Pagnenegosyo-
MAKABANSA
1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa 2. Pagtangkilik sa mga Produktong Pilipino.
MAALAM
1. Tamang pagboto.
2. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyekton pangkaunlaran sa komunidad-

You might also like