You are on page 1of 1

KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA

Sa panahon ngayon mas dumarami na ang populasyon ng ating bansa kung kaya't dumarami na
rin ang pangangailangan.Dahil sa pagdami ng populasyon mas lalong nahihirapan ang ating
pamahalaan kung paano paghahatiin /pagpapantayin ang mga supply.
Tayong mga filipino ay may maraming suliraning kinakaharap at ang mga patakarang pang
ekonomiyang itinataguyod ng pamahalaan upang mapalakas ang sektor ng agrikultura
Nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya ang pag unlad ng isang bansa.
Ang agrikultura ay ang pinagmumulan ng hanapbuhay ng ating mga mamamayan ,pagkain sa
pang araw-araw at iba pa na tumutugon sa pangangailangan ng mga tao.nahahati ang sektor ng
AGRICULTURA sa mga sumusunod:
*paghahalaman
*paghahayupan
*pangingisda
*paggugubat
Dahil sa lumalaki na ang populasyon mas dumarami na rin ang naokupar na lupa upang
pagtirikan ng mga bahay.Kung kaya't lumiliit na rin ang bakanteng lupa na pagsasakahan ng
mga mamamayan.
MAY 5 KAHALAGAHAN ANG AGRIKULTURA SA PAGKAMIT NG KAUNLARAN NG ATING BANSA
ang AGRIKULTURA ay ang pangunahing pinagmulan ng pagkain .
---dito natin kinukuha ang pang araw- araw na pagkain upang mabuhay.
pinagkukunan ng materyal upang makabuo ng bagong produkto.
---ito yung mga hilaw na materyal na produkto upang makabuo pa ng Iba pang bagong
produkto.
pinagkukunang ng kitang panlabas
---dito natin kinukuha ang dolyar /pagpalit ng pera sa ivang bansa
pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga pilipino
---dito kumukuha ng trabaho ang mga tao o dito ay mas maraming antas ng tao ang
nagtratrabaho.
pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa sektor agricultural patungo sa sektor ng
industriya at paglilingkod.
Kaya tayong Mga mamamayan ay huwag nating abusuhin at sirain ang mga likas na yaman .
Dahil ito ang nagbibigay ng trabaho at iba pa sa ati n sa pang araw araw na pangangailangan
natin.
Upang makamit ang kaunlaran ng ating bansa ,kailangan nating pahalagahn at ingatan ito dahil
dito nakasalalay ang ating buhay .
Tayo ay mapalad dahil binigyan tayo ng mga kakaibang klaseng likas na yaman ,o natural
resources .

You might also like