You are on page 1of 32

Aralin 21

Sektor ng Agrikultura
Panimula
• Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang
kahulugan at palatandaan ng kaunlaran.
Kaugnay nito, ating kikilalanin at aalamin
ang kalagayan ng mga sektor ng ekonomiya
na batayan sa pagsukat ng mga produkto at
serbisyo na nagagawa ng bansa, gayundin
ang kontribusyon ng mga ito sa pagtatamo
ng kaunlaran. Sisimulan natin ang
pagtalakay sa Sektor ng Agrikultura.
Sektor ng Agrikultura
• Ang agrikultura ay isang agham, sining at
gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at
hilaw na mga produkto, pagtatanim at pag-
aalaga ng hayop na tumutugon sa
pangangailangan ng tao.
Sektor ng Agrikultura
• Humigit kumulang na 7,100 isla ang
bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak at
dami ng mga lupain, napabilang ang
Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil
malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga
gawaing pang-agrikultura. Sa katunayan,
malaking bilang ng mga mamamayan ang
nasa sektor na ito ng ekonomiya .
Sub-sektor ng Agrikultura
• Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende
sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang
nagtataguyod sa malaking bahagdan ng
ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa
sa agrikultura upang matugunan ang
pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na
sangkap na kailangan sa produksiyon.
• Nahahati ang sektor ng agrikultura sa
paghahalaman (farming), paghahayupan
(livestock), pangingisda (fishery), at
paggugubat (forestry).
Sektor ng agrikultura
Paghahalaman Pangingisda

Paghahayupan Paggugubat
Paghahalaman
•Maraming mga pangunahing pananim ang
bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo,
saging, pinya, kape, mangga, tabako, at
abaka. Ang mga pananim na ito ay
karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng
bansa. Ayon sa National Statistical
Coordination Board (NSCB), tinatayang
umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang
sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong
2012. Ito ay nagmula sa mga produktong
palay, mais, at iba pang pangunahing
pananim ng Pilipinas.
Paghahayupan
• Ang paghahayupan ay binubuo ng pag-aalaga
ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at
pato. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa
pag-supply ng ating mga pangangailangan sa
karne at iba pang pagkain. Ang paghahayupan
ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan
ng ating mga tagapag-alaga ng hayop.
Mayroon ding mga pribadong korporasyon na
nasa ganitong hanapbuhay.
Pangingisda.

• Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga


pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong
mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng
mga huling isda ay matatagpuan sa ating
bansa. Samantala, ang pangingisda ay
nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at
aquaculture.
Pangingisda.

• Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa


uri ng pangingisdang gumagamit ng mga
bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong
tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o
pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15
kilometro sa labas ng nasasakupan ng
pamahalaang bayan.
• Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa
loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at
gumagamit ng bangka na may kapasidad na
tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi
nangangailangan na gumamit ng mga fishing
vessel.
Pangingisda.

• Ang pangisdang aquaculture naman ay


tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga
isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri
ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish
(maalat-alat) at marine (maalat). Ang
aquaculture ang pinakamalaki ang naitala sa
kabuuang produksiyon ng pangisdaan na
umabot sa Php92,289.9 bilyon noong 2012.
Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang
panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga ng
mga damong dagat na ginagamit sa paggawa
ng gulaman.
Paggugubat

• Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-


ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura.
Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan
bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng
pagkaubos ng mga yaman nito. Mahalaga itong
pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at
veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto,
pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw,
kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
Kahalagahan ng
Agrikultura
• Nagtutustos ng pagkain
• Nagbibigay ng empleyo
• Pinagkukunan ng hilaw na
materyal
• Tagabili ng mga yaring produkto
• Nagpapasok ng dolyar sa bansa
Suliranin ng Sektor ng
Agrikultura
• Mataas na gastusin
• Problema sa imprastruktura
• Problema sa kapital
• Masamang panahon
• Malawakang pagpapalit-gamit ng lupa
• Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
• Kakulangan sa pananaliksik at makabagong
teknolohiya
• Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa
Mataas na Gastusin sa
Pagsasaka
• Nalulugi ang mga nasa sektor ng agrikultura
sapagkat napakalaki ng kanilang gastusin kung
ihahambing sa kanilang kinikita
• May mga institusyong pinansiyal tulad ng bangko
at kooperatiba na naglalayong magpahiram ng
kapital sa mga magsasaka upang mapalago ang
kanilang ani.
Problema sa Imprastruktura
• Inirereklamo ng maraming magsasaka ang kakulangan
ng mga daanan o farm-to-market road upang madala
nila ang kanilang mga produkto sa pamilihan sa tamang
oras
• Karamihan sa ani ng mga magsasaka ay madaling
mabulok (perishable). Bumababa ang halaga ng
produkto sa pamilihan sa pagbaba ng kalidad nito.
• Mahalaga rin na may maayos at sapat na imbakan o
storage facility ang mga magsasaka upang hindi
mabulok ang kanilang mga ani tulad ng bigas, bawang,
sibuyas, at iba pa.
Problema sa Kapital
• Bunga ng kakulangan o kawalan ng kapital, sang
mga magsasaka ay napipilitang umasa sa
sistema ng pautang o usury. Ang mga usurero
[nagpapautang] ay tinatawag ding mga loan
shark dahil sila ay nagpapautang ng pera na may
malaking tubo.
• Dahil dito, nababaon ang mga magsasaka sa
pagkakautang at hindi na tuluyang nakaaahon.
• Sa maraming pagkakataon, ang pagkakautang
na ito ay naisasalin mula sa kasalukuyang
henerasyon hanggang sa mga susunod pa.
Masamang Panahon
• Nasisira o lumiliit ang produksyon ng
sektor ng agrikultura tuwing may tag-
tuyot, malakas ng ulan at mga bagyo.
Malawakang Pagpapalit-
gamit ng Lupa
• Mula sa pagiging lupang agrikultural, sumasailalim
ito sa transpormasyon upang maging pook-
pasyalan, golf course, industrial complex, at pook-
residensiyal.
• Ang unti-unting pagkawala ng mga lupang sakahan
ang isa sa maraming dahilan kung bakit sapilitang
nakikipagsapalaran sa kalunsuran ang ibang
magsasaka.
• Ang lumiliit na sakahan at limitadong taniman na
natitira upang sakahin ng mga magsasaka ay
maaaring magresulta sa pagkaabuso sa lupa at
pagkaubos ng sustansiya nito.
Pagdagsa ng mga
Dayuhang Kalakal
• Ang hindi pagtangkilik sa sariling
produkto ay lubhang nakaapekto sa
kalagayan ng sektor ng agrikultura at
ng mga taong umaasa rito.
Kakulangan sa Pananaliksik at
Makabagong Teknolohiya

• Nasa makalumang panahon pa rin ang


ating mga sistema sa pagsasaka.
• Iilan lamang ang may kakayahan sa
makabagong paraan at hindi pa nga
halos inaabot ng modernong
kagamitan sa pagsasaka.
Monopolyo sa Pagmamay-
ari ng Lupa
• Nananatiling pag-aari ng iilang landlord ang
mga lupain sa bansa.
• Malaking bilang ng magsasaka ang walang
sariling lupang binubungkal.
• Sa halip na pakinabangan nila ang kanilang
ani, tumatanggap lamang sila ng
kakarampot na suweldo nna karaniwang
hindi sapat para ipantustos sa mga
pangunahing pangangailangan ng kanilang
mag-anak.
Batas Republika Blg. 6657 ng
1988
• Kilala sa tawag na Comprehensive
Agrarian Reform Law (CARL) na
inaprobahan ni dating Pangulong Corazon
Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988.
Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng
publiko at pribadong lupang agrikultural. Ito
ay nakapaloob sa Comprehensive Agrarian
Reform Program (CARP).
Batas Republika Blg. 6657 ng
1988
• Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng
lupang agrikultural anuman ang tanim nito
sa mga walang lupang magsasaka. May
hangganan ang matitirang lupa sa mga may-
ari ng lupa. Sila ay makapagtitira ng di hihigit
sa limang ektarya ng lupa. Ang bawat anak
ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng
lupa kung sila mismo ang magsasaka nito.
Ang pamamahagi ng lupa ay isasagawa sa
loob ng 10 taon.
Batas Republika Blg. 6657 ng
1988
• Hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang:
liwasan at parke
mga gubat at reforestration area
mga palaisdaan
tanggulang pambansa
paaralan
simbahan
sementeryo
templo
watershed, at iba pa
Sangay ng Pamahalaan na
Tumutulog sa Sektor ng
Agrikultura
• Department of Agriculture (DA) – Gumagabay sa
mga magsasaka ukol sa makabagong teknolohiya at
wastong paraan ng pagtatanim.
• Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
(BFAR) – Sinisikap na paunlarin ang larangan ng
pangingisda.
• Bureau of Animal Industry (BAI) – Nangangasiwa
sa larangan ng paghahayupan.
• Ecosystem Research and Development Bureau
(ERDB) – Nagsasagawa ng pananaliksik sa
ecosystem upang magbigay ng siyentipikong batayan
sa pangangalaga ng kapaligiran at yamang gubat.
Pagbubuod:
• Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng
pagbubungkal ng lupa, pagpoprodyus ng hilaw na
mga produkto, pag-aalaga ng hayop at poultry na
tumutugon sa pangangailangan ng tao.
• Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng iba’t ibang
industriya tulad ng pagsasaka, paggugubat,
paghahayupan, pagmamanukan, at pangingisda.
• Ang sektor ng agrikultura ay may napakahalaga sa
ating ekonomiya. Pinagmumulan ito ng pagkain,
hilaw na materyales, at empleyo.
PAGPAPAHALAGA

•Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya


ang agrikultura?
•Sa iyong palagay, paano ka
makakatulong upang maitaguyod ang
sektor ng agrikultura? Ipaliwanag.
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
Isulat kung ano ang tinutukoy sa
pangungusap. NO ERASURES. Wrong
Spelling Wrong.
1-2. Ang dalawa sa pangunahing pinoprodyus ng
sektor ng agrikultura.
3. Ang sub-sektor ng agrikultura na nakatutulong sa
pag-supply ng ating mga pangangailangan sa
karne at iba pang pagkain
4. Uri ng pangingisda na nagaganap sa loob ng 15
kilometro sakop ng munisipyo.
5. Ang Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 ay kilala
rin sa pangalan na _____________________.
SAGOT:

1. Pagkain
2. Hilaw na Materyales
3. Paghahayupan
4. Munisipal Fishing o munisipal na
pangingisda
5. Comprehensive Agrarian Reform
Law/Program

You might also like