You are on page 1of 6

ANG SEKTOR NG PAGLILINGKOD

Sinasabing ang kaunlarang pan-ekonomiya ay nasasalamin sa paglawak at pag-unlad ng kakayahan


ng mga kasapi sa lipunan ng lumilikha ng ibat ibang kalakal at paglilingkod sa lipunan ay hudyat na ang
mga tao ay makalilikha ng produktong hindi lamang para sa pangkasalukuyang gamit bagkos ay para
narin sa hinaharap.

Kaalinsabay ng kaunlarang pang-ekonomiya ay ang karagdagang pangangailangan para sa mga


taong bumubuo sa sektor ng paglilingkod. Ito ang sektor na nagbibigay-paglilingkod sa transportasyon ,
komunikasyon, media, pangangalakal, pananalapi, paglilingkod mula sa sa pamahalaan, at turismo. Ito
rin ang sektor na umalalay sa boung yugto ng produksyon, Distribusyon, Kalakalan, at pag kunsumo ng
ekonomiya matapos ang agrikultura at industria.

Sa ekonomiya ang isang bansa, hindi lamang mga prudokto tulad ng mga damit, Kasangkapan,
gamot, at pagkain ang pinagkakagastusan at kinukunsumo ng mga mamamayan. May mga
pangangaylangan din sila bukod sa mga prudoktong agrikultutra at industria. Ang sektor ng paglilingkod
ay binuobuo ng sub-sektor sa pananalapi, insurance, kumirsio, real estate, kalakalan, pakyawan at pag
titingi, transportasyon, pag-iimbak, Kumonikasyon, at mga paglilingkod na pampamayanan, panlipunan
at personal.

Isa sa mga kilalang nakakatutulong sa ekonomiya ngayon ay ang pag lakas ng business prosses
outsourcing lalo na ang call center company na nagkakaloob ng trabaho sa maraming Pilipino. Sa
pangkalahatan, ang pag lilingkod ay pagbibigay ng paglilingkod sa halip na bumubuo ng prudokto. Ang
pormal na idustriyang bumubuo sa sektor ng paglilinkod ay sumusonod:

 Transoprtasyon, komunikasyon, at mga lambakan- binubuo ito ng paglilingkod na nag mula sa


pagbibigay ng publikong sakayan, mga paglilingkod ng telepono, at mga pinapaupahang bodega.
 Kalakalan- Mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t- ibang prudokto at
paglilingkod
 Pananalapi- Kabilang ang paglilingkod na binibigay ng ibat ibang institusyong pampinansyal
tuald ng mga banko, bahay-sanglaad, remittance agancey, foreign exchange dealers at iba pa.
 Paupahang Bahay at Real Estate- MGa upahan tulad ng apartment, mga developer ng sub
divison, town house, at condominium
 Paglilingkod ng Pampribado- lahat ng mga paglilingkod na nag mula sa pribadong sektor ay
kabilang ditto
 Paglilingkod ng Pampubliko- lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan.

Sa mga mga nakalipas na kasaysayan ng tao sa mundo, ipinakita rito ang malaking pagbabago sa
paraan ng pamumuhay ng mga lipunan mula sa pangangaso at pangangalap ng pagkain sa
kapaligiran at ekonomiyang agricultural patungo sa ekonomiyang industrial. Dahil sa pag
babagong ito, lumawak ang pangangailangan at kagustuhan ng tao para sa paglilingkod.
Ang mga Manggagawang Pilipino sa Sektor ng Paglilingkod

Ang mga manggagawang Pilipino na kabilang sa sektor ng paglilingkod ay hindi pahuhuli sa


nasabing larangan. Taglay nila ang mataas na antas na katangian ng isang mahusay na tagapaglingkod.
Sila ay masipag, malikhain, matiyaga, at nakakatulong nang malaki upang umangat sa larangan ito. Sa
akdang A Moral Recovery Program: Building a People-Building a Nation ni Patricia Licuanan, inilahad na
ang pagiging malikhain, at mapamaraan ng mga Pilipino ay naipakikita sa kanilang kakayahang iangkop
ang kanilang pamumuhay saan mang panig ng mundo.

Ang pagmamalasakit ng mga manggagawang Pilipino sa kanilang pamilya ang nagtutulak sa


kanila na pumunta sa ibang bansa upang doon magtrabaho. Sa katunayan, ayon sa pinakahuling datos
ng National Statistical Coordination Broad (NSCB) mahigit 2.04 milyong Overseas Filipino Workers
(OFWs) o tinatayng 2% ng kabuang populasyon ng Pilipinas ang umalis ng bansa nonng taong 2010 para
magtrabaho.

Maraming ng parangal ang inani ng maraming Pilipino sa ibat ibang panig ng daigdig na kumilala
sa kanilang kahusayan sa larangan ng caregiving, bartending, entertainment, healthcare at pati ang
pamamahala sa tahanan bilang isang kasambahay. Sa katunayan, nangingibabaw ang pilipinas sa
pagdating sa Business process outsourcing (BPO). Ang mataas na antas ng kasanayan at kasipagan ng
mga Pilipino ay nagbibigay-daan sa de kalidad ng paggawa na siya namang gustong-gusto ng mga
namumuhunan . Marami ring Pilipino ay may mataas na pinag-aralan at bihasa sa paggamit ng mga
makabagong teknolihiya. Sila ay computer literate at bihasa sa iba’t ibang larangan ng pagbibigay ng
paglilingkod na nagpapatunay ng kanilang kahandaang makipagsabayan sa pandaigdigang larangan ng
paglilingkod.

Mga Ahesyang Tumutulong sa Sektor ng Paglilingkod

 Department of labor & Employment (DOLE)


-nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtrabaho, humuhubog sa kakayahan ng mga
manggagawa, at nagpapanatili sa kahusayan at kapapayaan sa industriya ng paggawa sa bansa.

 Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)


-ahensya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.

 Philippine Overseas Employment Administration (POEA)


-itinatag sa bisa ng Executive Order 797 noong 1982 na may layuning isulong at paunlarin ang
mga programa ukol sa paghahanap buhay sa ibayong-dagat at pangalagaan ang kapakanan ng
mga Overseas Filipino Workers.
 Technical Education and skills Development Authority (TESDA)
-Itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong 1994. Isinusulong ng batas na ito na hikayatin ang
buong partisipasyon ng industriya, paggawa, mga lokal ng pamalahaan, at mga institusyong
teknikal at bokasyonal upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga manggagawa sa
bansa.

 Professional Regulation Commission (PRC)


-nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga manggagawang propesyonal upang matiyak
ang kahusayan sa paghatid ng mga serbisyong propesyonal sa bansa.

 Commission on Higher Education (CHED)


-nangangasiwa sa Gawain ng mga pamantasa at kelohiyo sa bansa upang maitaas ang kalidad ng
edukasyon sa mataas na antas.

Noong taong 2014 ay naglabas ang Bureau of Working Conditions ng Department of Labor and
Employment ng handbook ukol sa mga benepisyo ng mga manggagawa ayon sa batas. Ito ang
magsisilbing gabay at makapagbibigay ng dagdag kaalaman tungkol sa mga umiiral na batas sa larangan
ng paggawa. Narito ang ilan sa mahahalagang probisyon ng nasabing handbook.

 Republic Act No. 6727 (Wage Rationalization Act)


-nasasaad ng mga mandato para sa pagsasaayos ng pinkamababang pasahod o minimum wage
na naaangkop sa iba’t bang pang-industriya sektor na kinabibilangan ng sumusunod: hindi pang-
agrikultura (non-agriculture), plantasyong pang-agrikultura at di-pamplantasyon,cottage/sining
sa pagyari sa kamay, at pagtitingi/sebisyo, depende sa bilang ng mga manggagawa o puhunan o
taunang kita sa ilang mga sektor.

 DAGDAG NA BAYAD TUWING PISTA OPISYAL (Holiday Pay-Artikulo 94)


-tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa na katumbas ng isang (1) araw na sahod kahit hindi
pumasok sa araw ng pista opisyal.

 DAGDAG NA BAYAD TUWING ARAW NG PAHINGA O SPECIAL DAY


(Premium Pay – Artikulo 91-93) – karagdagang bayad sa manggagawa sa loob ng walong (8)
oras na trabaho sa araw ng pahinga at special days

 DAGDAG NA BAYAD PARA SA TRABAHO NG LAMPAS SA WALONG ORAS


(Overtime Pay –Artikulo 87) – karagdagang bayad sa pagtatrabaho na lampas sa walong (8)
oras sa isang araw
 DAGDAG NA BAYAD SA PAGTATRABAHO SA GABI (Night Shift Differential – Artikulo 86)
- Karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa gabi na hindi bababa sa sampung porsiyento (10%)
ng kaniyang regular na sahod sa bawat oras na ipinagtrabaho sa pagitan ng ikasampu na
gabi at ikaanim na umaga

 SERVICE CHARGES (Artikulo 96) – lahat ng manggagawa sa isang establisimyento o kahalintulad


nito na kumokolekta ng service charges ay may karapatan sa isang pantay o tamang bahagi sa
walumpu’t limang porsiyento o bahagdan (85%) na kabuuang kolekisyon. Ang service charges
ay kadalasang kinokolekta ng halos lahat ng hotel, kainan o restaurant , night club, cocktail
lounges at iba pa.

 SERVICE INCENTIVE LEAVE (SIL – Artikulo 95) – Ang bawat manggagawa na nakapaglingkod
nang hindi kukulangin sa isang (1) taon ay dapat magkaroon ng karapatan sa taunang service
incentive leave (SIL) na limang (5)araw na may bayad.

 MATERNITY LEAVE (RA 1161, as amended by RA 8282) – ang bawat nagdadalang- taong
manggagawa na nagtatrabaho sa pribadong sektor, kasal man o hindi, ay makatatanggap ng
maternity leave na animnapung (60) araw para sa normal na panganganak o pagkakunan; o
pitumpu’t walong (78) araw para sa panganganak sa pamamamgitan ng caesarian section,
kasama ang mga benipisyong katumbas ng isang daang porsiyento (100%) ng humigit kumulang
na arawang sahod ng manggagawa na nakapaloob sa batas.

 PATERNITY LEAVE (RA 8187)- maaaring magamit ng empleyadong lalaki sa unang apat(4) na
araw mula ng manganak ang legal na asawa ng kaniyang kapisan; Para sa layuning ito, ang
“pakikipagpisan” ay tumutukoy sa obligasyon ng asawang babae at asawang lalaki ng magsama
sa iisang bubung.

 PARENTAL LEAVE PARA SA SOLONG MAGULANG (RA 8972)- ipinagkaloob sa sinumang solong
magulang o sa indibidwal na napagiwanan ng responsibilidad ng pagiging magulang.

 LEAVE PARA SA MGA BIKTIMA NG PANG-AABUSO LABAN SA KABABAIHAN AT KANILANG


MGA ANAK (Leave for victims of violence against Women and their Children – RA 9262)- Ang
mga babaeng empleyado na biktima ng pang-aabusong pisikal, seksuwal, sikolohikal, o
anumang mga uri ng paghihirap, kasama na ditto ang hindi pagbibigay ng sustento,
pagbabanta, pananakit, harassment, pananakot, at hindi pagbibigay ng kalayaang
makisalamuha o makalabas ng tahanan mula sa kaniyang asawa, dating asawa o kasintahan ang
may karapatang gumamit ng leave na ito.
 SPECIAL LEAVE PARA SA KABABAIHAN (RA 9710)- Kahit sinong babaeng manggagawa, anoman
ang edad at estadong sibil, ay may karapatan sa special leave benefit kung ang empleyadong
babae ay mayroong gynecological disorder na sinertipikahan ng isang competent physician.

 THIRTEENTH-MONTH PAY (PD 851)- lahat ng empleyo ay kinakailangang magbayad sa lahat ng


kanilang rank-and-file employees ng thirteenth-month pay anumang estado ng kanilang
pagkakaempleyo at anoman ang paraan ng kanilang pagpapasahod. Kinakailangan lamang na
sila ay nakapaglingkod nang hindi bababa sa isang buwan sa isang taon upang sila ay
makatanggap ng proportionate thirteenth-month pay. Ang thirtheenth-month pay ay ibinibigay
sa mga empleyado nang hindi lalagpas ng ika24 ng Disyembre bawa’t taon.

 BAYAD SA PAGHIWALAY SA TRABAHO(Separation Pay – Artikulo 297-298)-kahit sino


manggagawa ay may karapatan sa separation pay kung siya ay nahiwalay sa trabaho sa mga
dahilan na nakasaad sa Artikulo 297 at 298 ng Labor Code of the Philippines. Ang karapatan ng
manggagawa sa separation pay ay nakabase sa dahilan ng kaniyang pagkakahiwalay sa
paglilingkod. Maaaring mahiwalay sa trabaho ang manggagawa kung may makatuwirang
kadahilanan (i.e., malubha o palagiang pagpapabaya ng manggagawa sa kaniyang mga
tungkulin , pandaraya, o paggawa ng krimen), at iba pang mga kahalintulad na dahilan na
nakasaad sa Artikulo 296 ng Labor Code. Sa pangkalahatan, maaari lamang magkaroon ng bayad
sa paghihiwalay sa trabaho kung may mga awtorisadong kadahilanan.

 BAYAD SA PAGRERETIRO (Retirement Pay – Artikulo 3015)- Ang sinumang manggagawa ay


maaaring iretiro sa sandaling umabot siya sa edad na animnapu’t limang (65) taong gulang at
nakapaglilingkod nan g hindi kukulangin sa limang (5) taon.

 BENEPISYO SA EMPLOYEES’ COMPENSATION PROGRAM (PD 626)- Isang programa ng


pamahalaan na dinisenyo upang magbigay ng isang compensation package sa mga manggagawa
o dependents ng mga manggagawang nagtatrabaho sa pampubliko at pampribadong sektor
sakaling may kaganapang pagkakasakit na may kaugnay sa trabaho, pinsala, kapansanan, o
kamatayan.
 BENEPISYO SA PHILHEALTH (RA 7875, as amended by RA9241) – Ang National Health Insurance
Program (NHIP), dating kilala bilang Medicare, ay isang health insurance program para sa mga
kasapi ng SSS at sa kanilang dependents kung saan ang walang sakit ay tumutulong sa
pananalapi sa may sakit, na maaaring mangangailangan ng pinansiyal na tulong kapag sila ay na-
ospital.
 BENEPISYO SA SOCIAL SECURITY SYSTEM (RA 1161, sa amended by RA 8282) – nagbibigay ng
isang pakete ng mga benepisyo sa pagkakataon ng kamatayan, kapansanan, pagkakasakit,
pagigng ina, at katandaan ng empleyado. Ang Social Security System (SSS) ay nagbibigay bilang
kapalit sa nawalang kita adahil sa mga nabanggit na contingencies.
 BENEPISYO SA PAG-IBIG (Republic Act No. 9679) – Ang Home Development Mutual Fund, na
kilala bilang Pag-Ibig (Pagtutulungan Sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya sa gobyerno)
Fund ay isang mutual na sistema nang pag-iimpok at pagtitipid ng kumikita, na suportado sa
pamamagitan ng parehas na pinag-uutos na mga kontribusyon ng kani-kanilang mga may-
pagawana ang pangunahing investment ay pabahay.

Maliban sa mga batas na nabanggit, ayon naman sa International Labor Organization (ILO) ang
pinakamahalagang karapatan ng mangagawa ay ang sumusunod:

Una, ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga uyon na Malaya mula sa
paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.

Ikalawa, ang mga manggawa ay may karapatang makipagsundo bilang bahagi ng grupo sa halip
na mag-isa

Ikatlo, bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang traabaho, lalo na ang mapangaliping trabaho
at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bunga ng pamimilit o ‘duress’.

Ikaapat, bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatuwid mayroong


minimum na edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.

Ikalima, bawal ang lahat ng mga anyo ng diskriminasyon sa trabaho: Pantay na sweldo para sa
parehong trabaho.

Ikaanim, ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga
manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtratrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.

Ikawalo, ang sweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.

You might also like