You are on page 1of 2

Reflection Paper

Sa Aralin 11, dito natin nalamam kung paano ang pagsusuri ng Pambansang
Ekonomiya gamit ang paikot na daloy ng ekonomiya o ang circular flow model, sa araling ito,
dito napapasaloob ang mga bahagi at bumubuo ng Pambansang Ekonomiya. May dalawang uri
ng paikot na daloy, ito ang simpleng ekonomiya at bukas na ekonomiya. Tulad ng kabahayan na
kung saan binubuo ng mga konsyumer at prodyuser na bumibili at gumagamit ng mga
produksyon at serbisyog ipinagbibili sa mga pamilihan, kumikita sila galing sa mga hilaw na
materyales at gumagastos mula sa nabuong produkto at serbisyo. Ang negosyo naman ay ang
nangunguna sa produksyon ng produkto at serbisyo, nagbabayad sila sa pamilihan ng hilaw na
materyales at kumikita mula sa kanilang produksyon. Ang panlabas na sektor ay tumutukoy sa
mga pamilihan mula sa labas ng bansa, ang leakage o import ay isa sa tulay upang makabili tayo
ng produkto mula sa ibang bansa, ang injection o export naman ay ang pagbebenta natin ng
likas na yaman papunta sa ibang bansa. May mga pangunahing pansin ang makroekonomiks, ito
ang aggregate demand-aggregate supply na tumitingin sa mga pagbabago sa mga pamilihan sa
isang ekonomiya sa loob nv isang takdang panahon, ang aggregate demand-aggregate supply
din ang Konseptong Pangkalahatan ng makroekonomiks, ang sanghay nito ay ang consumer
price index o ang pinagsama-samng presyo ng mga bilihin sa merkado at Gross domestic
Product o ang pangkalahatang kita ng mga produkto sa ekonomiya. Ang mataas na antas ng
produksyon, mataas na lebel ng empleyo sa bansa price stability at mababang antas ng
implasyon, at ang malago at balanseng panlabas na kalakalan ay tulay at layunin ng
makroekonomiks patungk sa kaularan. Sila Adam Smith, David Ricardo, John Stuart Mill at Jean
Baptiste Say ay ang pangunahing tagapagtaguyod ng makroekonomiks. Isa sa pangunahing
konsepto ng Wealth of Nations ni Adam Smith at ang invisible hand at kaugnay naman nito ay
ang laissez-faire. Ang Keynesian Macroeconomics, The General Theory of Employment, Interest
and Money, na ginawa ni John Maynard Keynes na nagpapahayag na may magagawa pa ang
gobyerno upang maiahon ang bansa mula sa pagkalugmok.

Sa Aralin 12, nalaman kung paano ang Pagsukat ng Pambansang Ekonomiya gamit
ang Pagsukat ng Pambansang kita,Pinal na halaga, Gross Domestic Product, Gross National
Income, Nominal GDP at Real GDP. Sa pinal na halaga sinusukatbang pangkahalatng produksyon
ng ekonomiya, ginagamit ng mga ekonomista ito upang alamin kung may pagbabagong
naganap sa mga prudokto at serbiyong naiprodyus. Sa pambansang kita ang sumusukat ng mga
produkto at serbisyong nagawa sa loob ng isang taon, at tuwing taltong buwan naman
nagkakalap ng pamahalaan hinggil aa pambansang kita. Ang Expenditure Approach ay isang uri
ng Pambansang Kita na kung saan ang kabuuang halaga ng produksyon ng isang bansa sa loob
ng isang taon, may tatlong pagsukat ang GDP, una ay ang Expenditure Approach na kung saan
ang kabuuang halaga ng produksyon sa pamamagitan ng pagkwenta sa kabuuang gastusin sa
ekonomiya, napapaloob dito ang mga gastusin ng kabahayan, capital formation, gastos ng
pamahalaan, import at export. Pangalawa ay ang Industrial-Origin Approach tinitingnan nito
ang kabuuang halaga ng produksyon na ibabahagi ng bawat sektor sa pangkahalatng
ekonomiya, napabilang dito ang Agrikultura, Industriya, at Serbisyo. At ang huli ay ang Income
Approach, ito ay ang pagsukat sa pambansang kita ang pagtuloy sa halaga ng kita ng bawat
sektor ng ekonomiya, napabilang dito ang kita ng mga manggagawa, paggamit ng lupa at mga
pag-aari, pagpapautang, at kita ng mga negosyante. Ang Gross National Income ay isa ding uri
ng Pambansang Kita, ito abg sukat ng kabuuang produksyon na nilikha ng lahat ng mamamayan
ng isang bansa, kabilang dito ang kita ng lahat na GDP at net factor income from abroad. Ang
huling pasukat ng Pambansang Ekonomiya ay ang Nominal at Real GDP, ang nominal GDP at
GDP na batay sa kasalukuyang presyo ng mga prudokto at serbisyong nagawa sa loob ng
takdang panahon, at ang Real GDP naman ay GDP na batay sa isang takdang presyo o hindi
magbabagong presyo o constant price

Sa Aralin 13, dito natin nalaman ang mga hamon sa Pambansang Ekonomiya, Siklo ng
Negosyo at ang Kalagayan ng Ekonomiya, at paano nagaganap ang implasyon. Ang siklo ng
negosyo o business cycle ay tumutukoy sa pagbabago sa kabuuang produksyon ng ekonomiya
na kadalsang tumatagal nang dalwa hanggang sampung taon, dito natin nalaman ang dalawang
bahagi nito, ito ay ang paglago at paghina. Patuloy na magbabago ang kalagayan ng ekonomiya
mula sa panahaon ng pagpapalawak at paghina ng ekonomiya, ang pinakamataas na lebel ng
paglago ay tinatawag na peak at ang pinakamababang antas naman ay ang through, kapag hindi
makaahon ang ekonomiya sa loob ng sampung taon tinatawag itong depresyon. Ang implasyon
ang pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan. Mayroon itong tatlong uri,
mababang implasyon kunv saan nasa 1%-10% ang itinaas, tumitinding implasyon kung saan
nasa 10%-999% ang itinaas at ang napakatinding implasyon kung saan umaabot hanggang
1000% pataas ang itinaas, ang deplasyon ay ang pagbaba ng presyo ng mga produkto at
serbisyo. Ang cost-push inflation ay dulot ng pagtaas ng halaga ng mga salik sa produksyon
tulad ng mga hilaw na materyales at iba pang gatusin. Ang demand-pull inflation naman ay
bunga ng pag-unlad ng kakayahan ng mga mamimili na bumili ng mga produkto at serbisyo sa
mga pamilihan. Ang lakas-paggawa ng isang bansa ay tumutukoy sa bilangng mga taong nasa
edad na maaari nang magtrabaho o kaya'y naghahanap ng trabaho, ang underemployed ay
namamasukan sa mga trabaho mas mababa kaysa tunay nilang kakayahan. Ang kawalan ng
trabaho o unemployment ay isang malaking surilaning pang-ekonomiya. May tatlong uri nito,
ang frictional unemployment, structural unemployment at cyclical unemployment. Ang
kahirapan ay isang malaking surilaning kailangan tugunan upang makamit ang kaunlaran.
Sa Aralin 14, dito natin nalaman kung ano ang nagaganap sa patakarang piskal at
pagbubuwis. May limang pangunahing tungkuling pang-ekonomiya tayo, ito ay ang Pagsiguro
ng maayos na paggamit ng mga pinagkukunang-yaman, Pagsusulong ng pagkakapantay-pantay
sa alokasyon ng mga pangangailangan, Pananatili ng magandang kalagayan ng ekonomiya,
Paglalatag ng mga patakaran para sa pakikibahagi sa panlabas na sektor, at ang Pagpaplano
tungo sa kaunlaran, para makamit kailangan natin ang tulong ng Pampubliking sektor. Ang
patakarang piskal ang namamahala sa pangungulekta, pagbabadyet at pagimplementa ng
pondo. Ang pambansang badyet ay tumutukoy sa plano ng pananalapi ng gobyerno sa loob ng
isang taon. Nagsisimula ang proseso ng paggawa ng badyet sa paghahanda ng mungkahing
badyet ng sangay ehekutibo na ipapasa sa Kongreso upang siyasatin at patibayin bilang batas.
Matapos nito susuriin ng COA ang badyet upang masigurong tama ang pinaglaanan nito. Ang
pagbubuwis ay tumutukoy sa kapangyarihan ng estado nasumingil ng monetaryang
kontribusyon mula sa mga mamamayan nito. Madalwang uri ng nito, ang direktang buwis at
hindi direktang buwis. Ang buwis ay ang mga bagay at salaping nakolekta ng pamahalaan mula
sa mamamayan. May tatlong uri nito, progresibong buwis, regrisebong buwis, proporsiyonal na
buwis.

Sa Aralin 15, dito natin nalaman ang mga kaganapan ng Patakarang Pananalapi at Mga
uri ng bangko. Ang patakarang pananalapi ay tumutukoy sa mga hakbang na nagtatakda at
kumokontrol ng suplay ng salapi sa isang bansa. Nagsimula ang modernong sistema ng
pagbabangko sa ipinatupad na fraction-reserve system ng mga goldsmith establishment na may
itinatabing porsiyento ng deposito ang mga bangko bilang reserba at ang natitira ay inilalaan
upang muling ipautang. Mayroon tayong apat na uri ng bangko, ito ay anv bangkong
pangkomersiyo, bangkong rural, thrift bank, at espesyal na bangko ng gobyerno. Ang Bangko
Sentral ng Pilipinas ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nagtutupad ng polisiyang
pananalapi at nagkokontrol sa suplay ng salapi sa bansa. Ang pag-iimprenta ng salapi, open-
market operations, discount-window policy, at pagtatakda ng reserba ay ang apat na
mekanismo ng BSP upang impluwensiyahan ang ekonomiya ng Pilipinas.

You might also like