You are on page 1of 12

DepEd Cabadbaran 9

Araling Panlipunan 9
Learning Activity Sheets
Quarter 3-Week 4-5

1
Mahalagang Kasanayan Sa Pagkatuto

Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon.

Mga Layunin:

1) Nasusuri ang konsepto at palatandan ng implasyon


2) Naipapaliwanag ang mga dahilan at epekto ng implasyon
3) Naipapahayag ang mga solusyon sa paglutas ng mga suliran kaugnay ng implasyon.

MINERVA B. ACEBIDO
Writer/Developer
DPNHS

2
Pangalan: _______________________________Baitang & Seksyon: ___________________________
Paaralan: ___________________________________________________________________________
Guro: ______________________________________________________________________________

Alamin

Ano ang Implasyon?


 Ito ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling
produkto na nakapaloob sa basket of goods.
 Pataas na paggalaw ng presyo at ang deplason ay ang pagbaba sa halaga
ng prseyo.
 Kung ang pagbabago ay dulot ng pangkalahatang pagtaas ng presyo,
pagbaba sa halaga ng salapi at may negatibong epekto sa tao, ito ay bunga
ng implasyon.
 Hyperinflation – ang presyo ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at
linggo.

Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo


 Consumer Price Index (CPI). Upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga
produkto. Ang pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling produktong nakapaloob sa
basket of goods. Ang mga nasabing produkto ay kumakatawan sa mga pangunahing
pangangailangan at pinagkakagustuhan ng mamamayan. Ang price index ay depende
sa uri ng bilihin na gustong suriin.
Iba’t Ibang Uri ng Price Index

 GNP Implicit Price Index o GNP Deflator. Ito ang average price index na
ginagamit para mapababa ang halaga ng kalukuyang GNP at masukat ang totoong
GNP. Ito ang sumusukat sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga produkto at
serbisyong nagawa ng ekonomiya sa loob ng isang taon.
 Wholesale o Producer Price Index. Index ng mga presyong binabayaran ng mga
tindahang nagtitingi para sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili.
 Consumer Price Index. Sinusukat ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at
serbisyong ginagamit ng mga konsyumer. Batayan sa pagkompyut ng CPI ang presyo
at dami ng produktong kadalasang kinokonsumo ng bawat pamilya na nasa loob na
tinatawag na market basket.
CPI = Total Weighted Price ng Kasalukuyang Taon x 100
Total Weighted Price ng Basehang Taon

3
Purchasing Power = CPI ng Batayang Taon x 100
CPI ng Kasalukuyang Taon

Dahilan ng Implasyon

 Demand- Pull. Ang tanging dahilan ng implayon ay galing sa punto ng mga


mamimili. Mayroong patuloy at walang tigil na pagtaas ng demand. Kapag ang
demand ay tumataas at hindi ito matugunan ng suplay, ang pangkalahatang presyo ng
mga bilihin ay tataas na siyang sanhin ng implasyon.
 Cost-Push. Ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng
pagtaas sa presyo ng mga bilihin. Kung ang isang salik sa produksiyon, ay
magkakaroon ng pagtaas sa sahod, maaari itong makaapekto sa kabuuang presyo ng
mga produktong ginagawa.

Implasyon
Mataas na Presyo
Dagdag na sahod, inputs, o hilaw na
materyales o sangkap

 Import-induced inflation o imported inflation. Ang pag-angkat ng mga produkto at


serbisyo ay maaaring maging sanhi ng implasyon. Halimbawana dito ay ang
Singapore na pangunahing umaasa sa mga kalapit bansa nito para sa pagkain at iba
pang mga hilaw na materyales.
 Profit-Push Inflation. Ito ay sanhi ng mga gahaman na prodyuser na itinatago ang
kanilang mga produkto na siyang nagiging sanhi ng artipisyal na kakulangan. Ang
mga gawaing ito ay nagpapalobo ng mga bilihin na nagdudulot sa kanila ng mataas na
kita.
 Currency Inflation. Ang theorya ng mga monetarist sa implasyong ito ay sanhi
naman ng masyadong malaki na suplay ng pera sa sistema. Ang masyadong malaking
suplay ng pera ay nagdudulot paggamit ng malaking halaga ng salapi upang makabili
ng kakaunting produkto.
 Petrodollars Inflation. Ito ay nakakaapekto lalong lalo ng sa mga umaangkat ng mga
produktong petrolyo. Ang labis na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo ay
nagiging sanhi sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin.

4
Dahilan at Bunga ng Implasyon

Dahilan ng Implasyon Bunga ng Implasyon


Pagtaas ng Supply ng Salapi Tataas ang demand o ang paggasta kaya
mahahatak ang presyo paitaas
Pagdepende sa Importasyon para sa Hilaw Kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar,
na Sangkap o kaya tumaas ang presyo ng materyales na
inaangkat ang mga produktong umaasa sa
importasyon para sa mga hilaw na sangkap
ay nagiging sanhi rin ng pagtaas ng presyo
Pagtaas ng Palitan ng Piso sa Dolyar Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dlyar,
bumababa ang halaga ng piso. Nagbubunga
ito ng pagtaas ng presyo ng mga produkto.
Kalagayan ng Pagluluwas (Export) Kapag kulang ang supply sa local na
pamilihan dahil ang produkto ay iniluluwas,
magiging dahilan ito upang tumaas ang
presyo ng produkto. Kapag mas mataas ang
demand kaysa sa produkto, ito ay
magdudulot ng pagtaas sa presyo.
Monopolyo o Kartel Nakapagkokontrol ng presyo ang sistemang
ito. Kapag nakontrol ang presyo at dami ng
produkto, malaki ang posibilidad na maging
mataas ang presyo.
Pambayad -Utang Sa halip na magamit sa produksiyon ang
bahagi ng pambansang badyet, ito ay
napupunta lamang sa pagbabayad ng utang.

Epekto ng Implasyon sa Mga Mamamayan

Mga Nakikinabang sa Implasyon Halimbawa


Mga umuutang Ang mga umutang ay may 10% interes sa
kanilang hiniram na pera. Ang ibinayad ng
nangutang kasama ang interes ay 1,000.
Ngunit dahil sa 15% ng implasyon, ang
halaga ng buong ibinayad ay 935 lamang
kaya siya ay nakinabang.
Mga negosyante/may-ari ng kompanya Retailer ng gasoline ang isang tao at marami
siyang imbak nito. Kapag tumaas ang presyo
ng gasoline, tataas ang kaniyang kita nang
hindi inaasahan.
Mga speculator at mga negosyanteng may Mga real estate broker, nagtitinda ng mga
malakas ang loob na mamuhunan. alahas at iba pa na nag-speculate na tataas
ang presyo sa hinaharap.
Mga Taong Nalulugi Halimbawa

5
Mga taong may tiyak na kita
Ang mga taong nagpapautang
Mga taong nag-iimpok

Ang Mga Gawain

Gawain 1:

Panuto: Tanungin ang inyong lolo at lola, nanay at tatay at ate at kuya mo
tungkol sa mga presyo ng mga sumusunod na produkto.

Presyo ng Produkto/ Serbisyo


Produkto Panahon nina Panahon Panahon Kasalukuyang
Lolo at Lola nina Tatay nina Kuya at Panahon
at Nanay Ate
1 kilo bigas
1 kilo asukal
1 kilo
Galonggong
1 kilo Baboy
Pamasahe

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napansin mo sa presyo ng mga produkto ayon sa mga panahong ibinigay?
Sagot:______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng pagbabago sa presyo ng mga produkto?
Sagot:______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Paano naaapektuhan ang inyong pamilya at ang ibang tao sa pagbabago sa prseyo?
Sagot:______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6
Ikalawang Gawain:

Panuto: Halimbawang nagkakaroon ng malawakang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at


naaapektuhan nito ang iyong pamilya, ano ang magagawa mo upang makatulong sa iyong
mga magulang. Gumawa ng isang listahan ng iyong gagawin.

Gawain 3:

Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ano sa mga ito ang dahilan ng
implasyon (DI) o bunga ng implasyon (BI) Isulat ang DI o BI sa kuwardeno.

______________1.Malaking bahagi ng badyet ng bansa ang napupunta sa pambayad-utang.


______________2. Mas malaki ang gastusin sa military kaysa sa agrikultura.
______________3. Maraming produkto ang hindi kayang bilhin ng mamamayan.
______________4. Maraming mag-aaral ang hindi na kayang pag-aralin ng kanilang mga
magulang.
______________5. Paghingi ng karagdagang sahod ng mga mangggagawa.
______________6. Mataas na halaga ng mga materyales na kailangan sa produksiyon.
______________7. Mataas na interes ang ipinapataw sa mga utang.
______________8. Malaki ang posibilidad na maging mataas ang presyo.

7
______________9.Tataas ang demand o ang paggasta kaya mahahatak ang presyo paitaas.
_____________10. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar.

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng may pinakatamang sagot.

1. Ano ang tawag sa pangkalahatang pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa


pamilihan?
A. Implasyon C. Consumer Price index
B. Deplasyon D. Hyper inflation

2. Ano ang tawag sa patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo?


A. Hyper-inflation C. Deplasyon
B. Demand-pull D. Implasyon

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI sanhi ng implasyon?


A. Paglaki ng demand kaysa sa produksiyon
B. Kakulangan sa enerhiya
C. Pagtaas ng kapasidad sa produksiyon
D. Pagtaas ng halaga ng pamumuhay

4. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa cost-push inflation?


A. Pagtaas ng halaga ng eletrisidad
B. Pagtaas ng pamimili ng mga konsyumer
C. Mas mataas na demand sa pagtaas ng sahod
D. Mga regulasyon ng pamahalaan

5. Ano ang pinakamadalas gamitin sa panukat sa pagbabago ng presyo?


A. PPC C. GNP
B. CPI D. PPI

6. Ano ang tawag sa patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin sa


pamilihan?
A. Cost-push C. Implasyon
B. Demad-pull D. Deplasyon

7. Anong dahilan ng implasyon na kung saan ang sanhi ng implasyon ay ang


pagtaas ng gastusin sa produksiyon.
A. Cost-push C. Currency Inflation
B. Demand-pull D. Petrodollars inflation

8
8. Anong dahilan ng implasyon na kung saan ito ay sanhi ng mga gahaman na
prodyuser na itinatago ang kanilang mga produkto na siyang nagiging sanhi ng
artipisyal na kakulangan.
A. Cost-push C. Currency Inflation
B. Demand-pull D. Profit-push inflation

9. Sa monopolyo, bakit mas malaki ang posibilidad na maging mataas ang presyo?
A. Dahil nakapagkokontrol ng presyo ang sistemang ito.
B. Dahil marami ang nagmamay-ari ng sistemang ito.
C. Dahil sila ang may-ari ng produkto
D. Dahil malayo pa ang pinanggalingan ng mga produktong ito.

10. Anong uri ng price index na kung saan ang average price index na ginagamit
para mapababa ang halaga ng kasalukuyang GNP at masukat ang tototong GNP.
A. GNP Deflator C. Consumer Price Index
B. Wholesale D. Hyperinflation

Karagdagang Gawain

Gawain 4:

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung tama ang pangungusap. Isulat ang salitang
MALI kapag mali ang pangungusap.
.
_______1. Sa lahat ng pagkakataon ay maganda ang idinudulot ng implasyon.
_______2. Sa implasyon magkakaroon ng mas pantay na distribusyon ng kita.
_______3. May apat na epekto ang implasyon sa balance ng kalakalan.
_______4. Ang mga magsasaka ay makikinabang sa pagkakaroon ng implasyon.
_______5. Kapag may implasyon ay nakakapag engganyo sa mga mangangalakal.
_______6. Sa pagtaas ng suplay ng salapi, maaaring tataas ang demand o ang paggasta kaya
mahahatak ang presyo paitaas.
_______7. Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar, tataas ang halaga ng piso.
Nagbubunga ito ng pagbaba ng presyo ng mga produkto.
_______8. Kapag tumaas ang palitan ng piso ng dolyar, ang mga produktong umaasa sa
importasyon para sa mga hilaw na sangkap ay nagiging sanhi rin ng pagbaba ng presyo.

9
_______9. Ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagbaba sa
prseyo ng mga bilihin.
_______10. Nagaganap ang demand-pull inflation kapag nagkaroon ng paglaki sa paggasta
ang sambahayan, pamahalaan, at panlabas na sektor ngunit ang pagtaas ng aggregate demand
ay hindi katumbas ng paglaki ng kabuuang produksiyon.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 3 Pagtataya Karagdagang Gawai

1. DI 1. A 1. Mali
2. BI 2. A 2. Mali
3. BI 3. D 3. Mali
4. BI 4. D 4. Mali
5. BI 5. B 5. Tama
6. DI 6. C 6. Mali
7. BI 7. A 7. Mali
8. BI 8. D 8. Mali
9. BI 9. A 9. Mali
10. DI 10. A 10. Tama

Sanggunian

Balitao, Bernard R. et.al.Ekonomiks: Modyul Para sa Mag-aaral Aralin 1: Paikot na Daloy ng


Ekonomiya. Vibal Group, Inc. pp. 272-282.

10
11
12

You might also like