You are on page 1of 22

9

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Implasyon
Araling Panlipunan – Baitang 9
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Implasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Yazmin O. Umpar
Editor:
Tagasuri: Cleofa R. Suganob, Aimee D. Chua
Tagaguhit: Jean Clarisse R. Suganob
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - Region XI, Davao City Division

Office Address: DepEd Davao City Division Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines
Telefax: (082) 224-0100/ 228 3970
E-mail Address: info@deped.davaocity.ph / lrmds.davaocity@deped.gov
9

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Implasyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung sakaling mahirapan ka sa pagsagot sa mga inilaang gawain ,
huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy.
Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa
pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Kumusta ka na mag-aaral? Handa ka na ba sa panibagong aralin na


iyong sasanayin? Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin na
naglalayong mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa implasyon.
Tatalakayin sa araling ito ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon ng
implasyon. Mauunawaan mo dito ang mga dahilan ng patuloy na pagtaas ng
presyo ng mga produkto at serbisyo na kalimitang dahilan sa paghina ng
ekonomiya ng bansa. Dito, mas lalo mong maiintindihan kung bakit
maraming mamamayang dumaranas ng kahirapan.

Ang mga gawain dito ay inaasahang makakatulong sa iyo upang


maintindihan mo at lalong mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa aralin.
Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competencey para sa
Baitang 9 na: Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa
implasyon.

Mula sa nabanggit na kasanayan pag-aaralan mo ang kinauukulang


paksang:
• Implasyon

Pagkatapos mong pag-aaralan ang mga nabanggit na aralin, ikaw ay


inaasahang;

• Naipaliliwanag ang dahilan at epekto ng implasyon sa ekonomiya ng


bansa;
• Nakapagmumungkahi ng mga paraan sa pagtugon ng mga suliraning
kaugnay ng implasyon.

Mag-aaral, mula dito sa mga kasanayang nabanggit ay bibigyan ka na


kaukulang mga gawain upang maihanda mo ang iyong sarili sa pag-alam ng
aralin sa modyul na ito.

1
Subukin Natin

Magandang araw mag-aaral, bago mo simulan ang pag-aaral sa aralin,


subukan mong sagutan ang gawaing ito upang malaman kung gaano kalawak
ang iyong kaalaman tungkol sa paksa na iyong pag-aaralan sa susunod na
pahina.

I. Maramihang Pagpipili: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng


bawat bilang. Piliin ang titik na kumakatawan sa wastong sagot at isulat sa
iyong sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling


produkto na nakapaloob sa basket of goods.
A. Demand C. Produkto
B. Implasyon D. Suplay

2. Ito ay implasyon na kung saan nagkakaroon ng dami ng salapi na nagtulak


sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin?
A. Cost-Pull Inflation C. Demand- Pull Inflation
B. Cost-Push Inflation D. Demand- Push Inflation

3. Ito ay tumutukoy sa implasyon kung saan tumataas ang presyo ng bilhin


dahil sa pagtaas ng ilang gastos sa produksiyon?
A. Cost- Push Inflation C. Demand- Push Inflation
B. Cost- Pull Inflation D. Demand- Pull Inflation

4. Alin sa sumusunod na kaisipan ang nagpapahayag tungkol sa CPI o


Consumer Price Index?
A. Nagpapakita sa kabuuang kita at gastos ng sa loob ng isang
taon.
B. Tumutukoy sa pagbabago ng presyo ng mga bilihin sa loob ng
isang taon.
C. Hanay ng mga nakasaad na presyo ng mga bilihin na itinalaga ng
pamahalaan.
D. Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon upang mapag-
aralan an pagbabago sa presyo ng mga produkto.

5. Alin sa ideyang ibinigay ang nagsasabi ng dahilan at bunga ng implasyon?


A. Tataas ang presyo ng mga bilihin dahil sa pagtaas din ng suplay ng
pera.
B. Ang pagtaas ng suplay ng salapi ay isang dahilan sap ag-unlad ng
ekonomiya ng ng bansa.

2
C. Ang pagtaas ng suplay ng salapi ay magbubunga ng mataas na
demand o ang paggasta dahil mahahatak ang presyo ng mga bilihin
paitaas.
D. Kapag dumami ang suplay ng pera, magkakaroon din ng maraming
mayayamang mamamayan na humahatak tungo sa mataas na antas
ng ekonomiya.

6. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa purchasing power ng piso kung may


implasyon?
A. Bababa ang kakayahang makabili ng produkto at serbisyo.
B. Mawawalan ng kakayahang bumili ng produkto at serbisyo.
C. Tataas ang kakayahang makabili ng mga produkto at serbisyo.
D. Walang pagbabago sa kakayahang makabili ng produkto at
serbisyo.

7. Paano malulutas ang demand-pull inflation?


A. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang
matamlay na ekonomiya.
B. Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng
karagdagang paggasta.
C. Pagkontrol sa suplay ng salapi upang mabawasan ang labis na
paggasta sa ekonomiya.
D. Pagbibigay-pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas
ang output ng produksiyon.

8. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang may palatandaan ng implasyon?


A. Ang mataas na antas ng implasyon ay magdudulot ng panic-
buying.
B. Bunga ng implasyon, tataas ang presyo ng nga produkto at
serbisyo.
C. Kapag tumaas ng presyo ng bilihin, tataas din ang produksyon sa
pinagkukunang-yaman.
D. Ang kawalan ng kasapatan upang matugunan ang pangunahing
pangangailangan sa pang- araw-araw.

9. Alin sa sumusunod ang epekto ng implasyon sa mga taong may tiyak na


kita?
A. Mas mataas na kita sa interes ng mga pautang.
B. Ang matatanggap nilang pasahod ay naiayon sa implasyon.
C. Mas nangangailangan ng maraming piso upang makabili ng
kalakal.
D. Ang nabibili ay nababawasan dahil bumababa ang tunay na
halaga ng salapi.

3
10. Mahalagang matugunan ng pamahalaan ang suliranin sa implasyon
upang_____.
A. Maiwasan na ang suliranin sa implasyon.
B. Mabawasan ang suplay ng salapi sa sirkulasyon.
C. Maisaayos nang mabuti ang pagkonsumo at produksyon.
D. Matiyak ang katatagan ng ekonomiya at matamo ang pag-unlad.

Aralin Natin

Kumusta ka na? Ang araling ito ay kapana-panabik sa iyo dahil


naglalaman ito ng mga kaalamang panlipunan sa larangan ng ekonomiya.
Ang mga konsepto at palantandaan ng implasyon bilang salik na
nagpapabago sa ekonomiya ay mapag-aaralan mo sa modyul na ito.
Sasagutin mo ang sumusunod na katanungan tulad ng:
Ano-ano ang mga dahilan at epekto ng implasyon sa ekonomiya ng
bansa? Paano nakaaapekto ang implasyon sa mga manggagawa,
mamumuhunan, at sa kalagayang pang-ekonomiya ng bansa? Paano mo din
mabibigyan ng solusyon upang matutugunan ang suliranin sa implasyon?

Ang maraming mamamayang naghihirap ay bunga ng patuloy na


pagtaas ng presyo ng mga produkto. Isa sa mga naging pangunahing salik na
kinakaharap nito ay ang ekonomiya na patuloy tumataas ang presyo ng mga
produkto at serbisyo. Ito ay kinikilala na nakakapekto sa mga desisyong
pang-ekonomiya ng sambahayan, bahay-kalakal, at maging sa pamahalaan.

Kaugnay dito, kinakailangang maisaayos ng pamahalaan ang


pangkalahatang presyo ng ekonomiya upang matulungang maitawid ang
kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin
ay madalas isinisisi sa pamahalaan, ngunit kabilang tao na pangunahing
dahilan sa patuloy na pagtaas ng produkto at serbisyo. Kaya, ang
pangunahing pokus dito ay ang patakaran ng pamahalaan bilang
instrumento sa pagpapatatag ng ekonomiya.

Sa iyong pagtahak sa araling ito, ikaw ay inaasahang nakapagsuri ng


mga kalaaman na nakatutulong sa paglutas ng mga suliraning bayan na
nauukol sa ekonomiya. Simulan na ang pagtuklas.

Mahal kong mag-aaral, pag-aralan mo sa bahaging ito ang konsepto, dahilan


at epekto ng implasyon. Matutunan mo kung paano lutasin ang mga suliraning
pang-ekonomiya na may kaugnayan sa ating pamumuhay sa kasalukuyan at
maging sa hinaharap. Ngayon ay simulan mo nang pag-aralan ang araling
pinamamagatang “Implasyon” sa modyul na ito. Umpisahan mo na at matuto!

4
KONSEPTO NG IMPLASYON

Ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang


presyo ng mga piling produkto sa pamilihan. Ang pagtaas ng presyo ng mga
produkto at serbisyo tulad ng bahay, damit, transportasyon, gasoline, at iba
pa ay tumataas upang masasabi na may implasyon. Ito din ay Economic
Indicator upang maipakita ang kalagayan ng ekonomiya. Ang patuloy na
pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo ay nakaapekto sa ekonomiya ng
bansa, Maaaring dumami ang mga mahihirap na mamamayan bunsod ng
implasyon. Kung kaya’t, kinakailangang gumawa ng paraan ang pamahalaan
upang mabigyang solusyon ang mga ito.

DAHILAN NG IMPLASYON

Ang karaniwang dahilan ng implasyon ay ang pagtaas ng gastuhin ng


pamahalaan, pagbaba ng pagbubuwis, pagtaas ng presyo ng produkto sa
pandaigdigang pamilihan, at pag-iimbak ng mga produkto. Ang mga salik na
ito ay nagpapataas ng presyo ng produkto at serbisyo na labis na
nakaaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan. Higit na pinaliwanag dito
ang Demand-pull Inflation at Cost- push Infation na mga dahilan ng
implasyon.

A. Demand-pull Inflation

5
Ipinakita sa chart1 ang pagpapaliwanag o nagaganap sa demand-pull
inflation. Kapag nagkaroon ng paglaki sa paggasta ang sambahayan, bahay-
kalakal, pamahalaan at panlabas na sector ngunit ang pagtaas ng aggregate
demand ay hindi katumbas ng paglaki ng kabuuang produksiyon. Dahil dito,
nagkakaroon ng shortage sa pamilihan kaya ang presyo ng bilihin ay
tumataas. Dahil sobra ang salapi, Malaki ang pagkakataon na patuloy na
bibili ng maraming produkto ang mamimili na magtutulak sa pagtaas ng
presyo.

B. Cost- push Inflation

Ang Chart 2 ay nagpapakita ng pagtaas ng mga gastusing


pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin. Kung
ang isang salik sa produksyon, halimbawa ay lakas paggawa, ay
magkakaroon ng pagtaas sa sahod, maaari itong makaapekto sa kabuuang
presyo ng mga produktong ginagawa. Maipapasa ng mga prodyuser ang
pagtaas sa halaga ng lakas paggawa sa mga mamimili. Kaya madalas na
maririnig sa mga negosyante ang pag-iwas sa pagtaas ng sahod ng mga
manggagawa dahil sa epekto nito sa kabuuang presyo ng produksiyon.

Gayundin ang maaaring mangyari kung tataas ang presyo ng inputs o


hilaw na materyales o sangkap sa produksyon. Ang karagdagang gastos sa
mga ito ay makapagpapataas sa kabuuang presyo ng mga produkto dahil
hindi nanaisin ng prodyuser na pasanin ang bigat ng pagbabago sa presyo ng
produksiyon.

6
DAHILAN AT BUNGA NG IMPLASYON

Maraming salik ang nakaaapekto sa presyo sa pamilihan na nagiging


daan sa pagkakaroon ng implasyon.

Dahilan ng Implasyon Bunga ng Implasyon

Pagtaas ng suplay ng salapi Tataas ang demand o ang paggasta


kaya mahahatak ang presyo paitaas

Pagdepende sa importasyon para Kapag tumaas ang palitan ng piso sa


sa hilaw na sangkap dolyar, o kaya tumaas ang presyo ng
materyales na inaangkat, ang mga
produktong umaasa sa importasyon
para sa mga hilaw na sangkap ay
nagiging sanhi rin ng pagtaas ng
presyo

Pagtaas ng palitan ng piso sa Dahil sa kakulangan ng pumapasok


dolyar na dolyar, bumababa ang halaga ng
piso. Nagbubunga ito ng pagtaas ng
presyo ng mga produkto.

Kalagayan ng Pagluluwas Kapag kulang ang supply sa local na


(Export) pamilihan dahil ang produkto ay
iniluluwas, magiging dahilan ito
upang tumaas ang presyo ng
produkto. Kapag mas mataas ang
demand kaysa sa produkto, ito ay
magdudulot ng pagtaas sa presyo

Monopolyo o Kartel Nakapagkokontrol ng presyo ang


sistemang ito. Kapag nakontrol ang
presyo at dami ng produkto, Malaki
ang posibilidad na maging mataas
ang presyo
Pambayad- Utang Sa halip na magamit sa produksiyon
ang bahagi ng pambansang badyet,
ito ay napupunta lamang sa
pagbabayad ng utang.

7
EPEKTO NG IMPLASYON SA MGA MAMAMAYAN

Mga Nakikinabang
sa implasyon Halimbawa
Ang mga umutang ay may 10% interes sa kanilang
Mga umuutang hiniram na pera. Ang ibinayad ng nangutang
kasama ang interes ay Php 1,000. Ngunit dahil sa
15% ng implasyon, ang halaga ng buong ibinayad ay
Php 935 lamang kaya siya ay nakinabang.
Mga negosyante/ Retailer ng gasolina ang isang tao at marami siyang
may-ari ng imbak nito. Kapag tumaas ang presyo ng gasolina,
kompanya tataas ang kaniyang kita nang hindi inaasahan.
Mga speculator at
mga negosyanteng Mga real estate broker, nagtitnda ng mga alahas, at
may malakas ang iba pa nanag speculate na tataas ang presyo sa
loob na hinaharap.
mamuhunan

Mga Taong Nalulugi Halimbawa


Mga taong may tiyak Ang mga empleyado tulad ng guro, pulis, klerk,
na kita nars, at iba pang tumatanggap ng tiyak na kita
bawat buwan ay matinding naaapektuhan sa
pagtaas ng presyo. Ang dating dami na kanilang
nabibili ay nababawasan dahil bumababa ang tunay
na halaga ng salapi.

Ang mga taong Ang taong nagpautang ay umaasa na kikita ng 10%


nagpapautang interes sa kaniyang pinahiram na pera. Ang
ibinayad ng nangutang kasama ang interes ay Php
1,000. Ngunit dahil sa 15% ng implasyon, ang
halaga ng kaniyang tinanggap ay Php 935 lamang
kaya siya ay nalugi.

Mga taong nag- Sila ay malulugi kapag ang interes ng kanilang


iimpok inimpok sa bangko ay mas maliit kompara sa antas
ng implasyon. Ang real value o tunay na halaga

Magaling! Tapos mo nang basahin ang mga mahahalagang konsepto tungkol


sa implasyon. Ang susunod na mga gawain ay magbibigay sa iyo ng
pagpapalalim ng iyong mga nalalaman mula sa paksaIhanda mo na ang sarili!

8
Gawin Natin

Kumusta ka mag-aaral? Binabati kita sa mahusay mong pag-aaral sa


paksang-aralin. Sa bahaging ito, ikaw ay inaasahang mapalawak ang iyong
natutunan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga kaukulang gawain dito. Alam
kong kaya mo yan. Simulan mo na.
Gawain 1: LARAWAN-SURI!
Ang larawan ay nagpapakita ng konseptong napag-aralan mo sa
modyul na ito. Suriin ng mabuti at sagutin ang mga tanong ayon sa napag-
aralan mo. Ang pagmamarka dito ay ayon sa rubriks na makikita sa ibaba.
Isulat ang iyong sagot malinis na sagutang papel.
Tanong:
1. Ano ang ipinahiwatig ng larawan?
2. Sa tingin mo, paano nakaaapekto ang pagtaas ng piso sa kabuhayan ng
mga mamamayan? Ipaliwanang ito na hindi bababa sa limang pangungusap
lamang.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
Rubrik sa Pagmamarka
___________________________________________________________________________
Puntos 5 3 3 2
Ang saloobin o Ang saloobin o Ang saloobin o Walang
___________________________________________________________________________
paliwanag ay paliwanag ay paliwanag ay tamang
naglalaman ng naglalaman ng naglalaman ng ideyang
malalim, sapat at sapat at simpleng patunay inilahad
_______________________________________
KRAYTERYA makabuluhang makabuluhang o ideya na
ideya na patunay o ideya na ginagabayan ng
ginagabayan ng ginagabayan ng matalinong
matalinong pananaw matalinong pananaw
pananaw

9
Sanayin Natin

Binabati kita mahal kong mag-aaral dahil sa patuloy mong


pagpapalalim ng iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot ng mga
Gawain. Ngayon, patunayan mo na naman ang iyong kaalaman sa
pamamagitan ng pagsagawa ng isang Campaign Slogan. Sundin ang panuto
sa ibaba kasunod sa rubriks na ibinigay dito.
Gawain 2. Campaign Slogan Mo!
Bilang isang mag-aaral, papaano mo maipapakita o
maiimpluwensiyahan ang iyong kapwa sa pamamaraan ng pangangalaga sa
salapi upang makatulong sa ekonomiya sa bansa? Ilahad ang iyong
kasagutan sa pamamagitan ng paggawa ng isang sanaysay, pagguhit, tula o
campaign slogan. Maaring gumamit ng anong uri ng papel. Pumili lamang
ng isang gawain na nagugustuhan mo alinsunod sa rubrik na nasa ibaba.

Pamantayan sa Pagwawasto

Puntos 5 3 3 2
Ang saloobin o Ang saloobin o Ang saloobin o Walang
paliwanag ay paliwanag ay paliwanag ay tamang
naglalaman ng naglalaman ng naglalaman ng ideyang
KRAYTERYA malalim, sapat at sapat at simpleng patunay inilahad
makabuluhang ideya makabuluhang o ideya na
na ginagabayan ng patunay o ideya na ginagabayan ng
matalinong pananaw ginagabayan ng matalinong
matalinong pananaw
pananaw

10
Tandaan Natin

Kumusta ang iyong pag-aaral sa araling ito? Binabati na


naman kita sa matagumpay mong pagsagot sa isa na namang
gawain. Ngayong natapos mo na ang aralin sa modyul na ito, ano
ang mahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?

DAPAT TANDAAN

Ang implasyon ay isang suliraning pang-ekonomiya ng bansa na


tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo
na maaring magdulot ngdumadaming mahihirap na mamamayan
Ang paggalaw ng isa sa mga economic indicators tulad ng Consumer
Price Index (CPI); Implasyon; at Purchasing Power of Peso (PPP) ay
nakaaapekto sa ibang indikador kaya dapat makontrol ang paggalaw
ng bawat isa.
• Ang Demand- pull inflation ay sanhi ng napakataas na demand ng
isang produkto laban sa suplay nito.
• Ang Cost-push inflation ay sanhi ng pagtaas ng gastusin sa
produksyon.
• Ang Import- induced inflation ay sanhi ng labis na paggamit ng
imported na produkto.
• Ang Profit- push inflation ay sanhi ng pagtatago ng mga produkto ng
mga prodyuser upang magkaroon ng artipisyal na kakulangan sa
produkto.
• Hindi maaring gumawa ng maraming salapi ang Bangko Sentral
dahil nakakaapekto ito sa presyo ng mga produkto at serbisyo.

Mahalagang malaman na lumiliit ang halaga ng piso habang


tumataas ang CPI. Mapapansin na habang tumataas ang CPI ay
bumababa naman ang kakayahang bumili ng piso.

11
Suriin Natin

Sa bahaging ito, susuriin mo ang mga konseptong naibigay mula sa


napag-aralan mong paksa sa modyul na ito.

Maramihang Pagpipili: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng bawat


bilang. Piliin ang titik na kumakatawan sa wastong sagot at isulat sa iyong
sagutang papel.

1. Ano ang pinakaangkop ng kahulugan ng implasyon?


A. Tumutukoy sa halaga ng salapi sa na maaring makaaapekto sa
ekonomiya.
B. Pamamaraan sa pagtatago ng produkto upang magkulang ang suplay
sa pamilihan.
C. Pagtatago ng mga produkto ng mga prodyuser upang magkaroon ng
artipisyal na kakulangan sa produkto.
D. Ito ay suliraning pang-ekonomiya ng bansa na tumutukoy sa patuloy na
pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo.

2. Ano ang ibig sabihin ng Consumer Price Index (CPI)?


A. Ang pamaraan ng pagsukat sa lahat ng uri ng mga produkto sa loob at
labas ng bansa.
B. Ito ang bahagi ng pambansang badyet napupunta sa pagbabayad ng
utang.
C. Ito ay tumutukoy sa sanhi ng napakataas na demand ng isang produkto
at serbisyo laban sa suplay nito.
D. Ito ay karaniwang panukat ng implasyon upang mapag-aralan ang
pagbabago sa presyo ng mga produkto.

3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa implasyong nagaganap dahil sa


walang tigil na pagtaas ng demand ng mga bilihin?
A. Cost-Pull Inflation C. Demand- Pull Inflation
B. Cost-Push Inflation D. Demand- Push Inflation

4. Aling dahilan ng implasyon ang may kaugnayan sa pagkokontrol ng presyo


at dami ng produkto na maging sanhi ng pagtaas ng presyo?
A. Kalagayan ng Pagluluwas C. Monopolyo o Kartel
B. Pagtaas ng Palitan ng Dolyar D. Pagtaas ng Suplay ng Salapi

5. Alin sa sumusunod na konsepto ang maging bunga kapag tumataas ang


palitan ng piso sa dolyar?
A. Bawal bumili ng dolyar ang piso dahil maliit ang halaga nito.
B. Bawasan ang pagpasok ng dolyar sa bansa upang dumami ang piso.
C. Bumababa ang halaga ng piso at nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo
ng mga produkto.
D. Bumibili ang pamahalaan ng maraming dolyar upang hindi
maaapektuhan ang ekonomiya ng bansa.

12
6. Alin sa mga sumusunod ang epekto o nakikinabang sa implasyon?
A. Nagkakaroon ng mas mataas ang demand kaysa sa produkto dahil ito
ay magdudulot ng pagtaas sa presyo
B. Ang pagbaba ng kita ng mga mamumuhunan dahil tumatataas ang
halaga ng pagbubuwis kanilang kalakal sa pamilihihan.
A. Retailer na nag-iimbak ng gasolina, kapag tumaas ang presyo nito ay
tataas ang kaniyang kita nang hindi inaasahan.
B. Ang mga empleyado tulad ng guro, pulis, klerk, nars, at iba pang
tumatanggap ng mas mataas na sahod at yayaman.

7. Bakit kinakailangang kontrolin ng pamahalaan ang produksyion ng pera?


Dahil ____________.
A. higit na dumami ang mga dayuhang magbebenta ng kanilang dolyar.
B. magkakaroon ng masiglang kalakalan sa panloob at panlabas ng
bansa.
C. dumadami ang mapagsamantalang negosyante na magbebenta ng
mataas na presyo.
D. habang tumataas ang Consumer Price Index ay bumababa naman ang
kakayahang bumili ang piso.

8. Ano ang maaaring mangyari kung tataas ang presyo ng inputs o hilaw na
materyales o sangkap sa produksyon?
A. Magkakaroon ng mataas na bintahan ng mga gawang produkto.
B. Walang kaukulang epekto sa presyo ng inputs o hilaw na produkto.
C. Ang pagkakaroon ng mataas na presyo ng inputs o hilaw na produkto
ay nakaaapekto sa presyo ng gawang produkto sa pamilihan dahil sa
karagdagang buwis nito.
D. Ang karagdagang gastos sa mga ito ay makapagpapataas sa kabuuang
presyo ng mga produkto dahil hindi nanaisin ng prodyuser na pasanin
ang bigat ng pagbabago sa presyo ng produksiyon.

9. Bilang mag-aaral, mahalaga bang malaman ang epekto ng lumiliit na


halaga ng piso sa ekonomiya? Patunayan.
A. Oo, upang maintindihan na kapag lumiliit ang halaga ng piso ay
bumababa ang kakayahang bumili nito
B. Oo, dahil ipaalam natin sa kapwa na mas mangunguna ang halaga ng
dolyar sa pamilihan at mawawalan ng halaga ang piso.
C. Hindi, dahil walang kinalaman ang mamaayan sa suplay ng pera sa
pamilihan at hindi ito nakakatulong sa pagsulong ng ekonomiya.
D. Hindi, dahil ang pamahalaan lang ang may control sa lahat ng isyung
pang-ekonomiya at walang responsibilidad ang mga mamamayan dito.

10. Bilang isang mamamayan, paano mo imumungkahi ang iyong mga


natutunan sa implasyon?
A. Gagawin ko ang simpleng programang maghahatid ng kaalaman
tungkol sa kalagayan ng presyo ng pangunahing produkto sa
pamilihan.

13
B. Isiwalat ang kakulangan ng mga ekonomista sa pagtugon ng pagtaas
ng presyo ng produkto at serbisyo.
C. Hikayatin ang mga mamumuhunan sa pagpapalawak ng kanilang
negosyo na naging sanhi din sa pagtaas ng presyo.
D. Imungkahi sa pangulo ng bansa na magsagawa ng mga programa na
magpapaunlad ng ekonomiya ng mamamayan.

Payabungin Natin

Kumusta ka mag-aaral? Binabati kita ng husto dahil natapos mo ang


pag-aralan ang modyul na ito. Ang bahaging ito ng modyul ay susubukin ang
iyong kagalingan tungkol sa mga nabanggit na aralin. Ngayon, pagyamanin
mo ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain handa
kana sa panibagong gawain upang iyong mailapat ang iyong mga natutunan.
Maaari kanang magsimula.

Gawain 3: Pagtatapat-tapat!
Panuto: Suriin ang mga pahayag sa Hanay B na tumutukoy sa mga konsepto
ng nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

HANAY A HANAY B
1. Demand- pull inflation * sanhi ng pagtaas ng gastusin sa
produksiyon
2. Cost-push inflation * sanhi ng napakataas na demand
ng isang produkto laban sa suplay
nito.
3. Import- induced inflation * sanhi ng pagtatago ng mga
produkto ng mga prodyuser upang
magkaroon ng artipisyal na
kakulangan sa produkto.

4. Profit- push inflation *sanhi ng labis na paggamit ng


imported na produkto.

5. Consumer Price Index *ay economic indicator na


nakaaapekto sa ibang indikador
kaya dapat makontrol ang
paggalaw ng bawat isa.

Higit na binabati kita mag-aaral sa matagumpay mong pag-aaral sa


modyul na ito. Ngayon, higit ka ring inaasahan na maisasabuhay mo ang mga
natutunan mo mula dito at maari mo nang gabayan ang kapwa mo sap ag-
intindi at pagbibigay-suporta sa ekonomiya ng ating bansa.

14
Pagnilayan Natin

Binabati kita sa masigasig mong pag-aaral sa mga aralin dito. Ngayon,


inaasahan kang magkapagmungkahi ng iyong mga natutunan upang
maipaabot mo sa iyong kapwa ang maari nilang gawin o sundin upang
mapaunlad ang ekonomiya. Ang gawain na ito ay patunay ng iyong nalalaman
mula sa modyul na ito. Simulan mo na.

Implasyon ay ang pagtaas sa pandaigdigang antas ng presyong


merkado at ang market ng mga serbisyoo, sa kontekstong ekonomiya para
sa inoobserbahang tagal ng panahon. Ang pagtaas ng presyo ng mga
pangunahing mga produkto sa merkado ay nakakaapekto din sa kita ng
mga mangagawa.
Malaki ang epekto ng implasyon sa pamumuhay ng mga tao, at mga
bansa. At ang epekto nito ay masama at walang naidudulot ng mabuti.
Kapag nagkakaroon ng implasyon, tataas ang bilihin at maraming tao ang
magpapanic buying upang mag-unahan sa mga produktong mura pa,
magkakaroon ng matinding kahirapan na magdudulot ng taggutom na
maaaring ikakamatay ng maraming tao. Maari ding magbigay ng suliranin
sa mga negosyante sapagkat mawawalang-bisa ang pera at tataas ang
halaga ng mga produkto at serbisyo kasabay ng pagbaba ng halaga ng pera.
Kung magkagayon, tataas ang bilang ng krimen at ang bansa ay
magkakautang ng malaki at maapektuhan din ang mga ekonomiya ng
ibang bansa.
Karamihan nangyayari ang implasyon kapag marami ang salapi na
nasa sirkulasyon. Kaya naman, maraming hawak na salapi ang mga
mamamayan. Tumataas ang kanilang demand sa mga produkto sa
ganitong sitwasyon. Kapag mataas ang demand ng isang mamamayan sa
pamilihan, naaapektuhan ang supply ng produkto. Dahil dito hindi
makaagapay ang pagdating ng supply sa pamilihan sa taas ng demand ng
tao na patuloy ding bumibili. Kapag tumaas ang demand ng tao at bumaba
ang supply ng produkto, magkakaroon ng implasyon.

Kaya naman kapag may implasyon, hindi na makakayanan ng


mamimili ang pagbili ng produkto batay sa dami ng produktong kanyang
kinagisnan.

Paano maiibsan ang mga suliranin na hatid ng implasyon?

Isang pananaw sa ekonomiks ang pagsang-ayon sa panghihimasok


ng pamahalaan sa ekonomiya. Maaaring gamitin ng pamahalaan ang
pagbubuwis, pangungutang, at pagkontrol sa badyet upang mapatatag ang
ekonomiya at ito ay tinatawag na patakarang piskal (fiscal policy).

15
16
PAGYABUNGIN SURIIN SUBUKIN
1. sanhi ng pagtaas ng gastusin sa produksiyon 1. D 1. B
2. D 2. C
2. sanhi ng napakataas na demand ng isang 3. C 3. A
produkto laban sa suplay nito. 4. C 4. D
5. C 5. C
3. sanhi ng labis na paggamit ng imported na
6. A 6. A
produkto.
7. A 7. C
8. C 8. C
4. sanhi ng pagtatago ng mga produkto ng mga
9. A 9. D
prodyuser upang magkaroon ng artipisyal na
10. A 10. D
kakulangan sa produkto.
5. ay economic indicator na nakaaapekto sa ibang
indikador kaya dapat makontrol ang paggalaw ng
bawat isa.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Ekonomiks: Modyul para sa Mag-


aaral. Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc. Ground Floor Bonifacio
Building, DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City. Unang Limbag 2015.

Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Ekonomiks: Modyul para sa Mag-


aaral. Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc. Ground Floor Bonifacio
Building, DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City. Muling Limbag 2017

Lopez, Lozanta Jr., et al. (2015). Ekonomiks 9: Araling Panlipunan sa Makabagong


Siglo. Karapatang Ari@2015 ng Salesiana Books by Don Bosco Press,
Inc.Antonio Arnaiz cor. Chico Roces Avenues, Makati City.

Imperial, Abulencia, et.al. (Binagong Edisyon). Eknomiks: Kayamanan. Batayan at


Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan.Rex Bookstore. Nicanor Reyes, Sr. St.,
Manila, Philippines.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Region XI Davao City Division

Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines

Telephone: (082) 224 0100/228 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph

You might also like