You are on page 1of 12

9

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 2 – MODULE 2

Suplay
ALAMIN
Kung sinalanta ng bagyo ang mga pananim ng mga magsasaka sa isang lugar, ano kaya
ang magiging epekto nito? Tama, tataas ang presyo ng bigas. Ano ang magiging epekto naman
nito sa mga tao lalo na sa mga mahihirap at sa ekonomiya ng bansa?
Matapos matutunan ang konsepto ng demand, tatalakayin naman sa modyul na ito ang
konsepto ng suplay. Bakit may mga panahon na ang suplay ay marami at may panahon naman
na kaunti. Anu-ano angmga salik na nakakaapekto sa suplay? Tatalakayin din sa modyul na ito
ang elastisidad ng suplay. Tinitiyak na lalong madagdagan ang iyong kaalaman sa pag-aaral sa
paksang ito habang sinasagutan ang mga nakawiwiling gawain na inihanda para sa iyo.

MELC (Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto)


Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa suplay sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Inaasahan na sa pag-aaral mo sa modyul na ito, matututuhan mo ang sumusunod


1.Naipapaliwanag ang konsepto ng suplay.
2.Nauunawaan ang mga salik na nakaaapekto sa suplay sa pang-araw-araw na pamumuhay.
3. Nakapagpapasya ng matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na nakaaapekto sa
suplay.

Tinalakay sa nakaraang modyul ang tungkol sa demand. Bakit mahalagang pag-aralan ang
konsepto ng demand? Ipaliwanag ang mga salik na nakaaapekto sa demand ng mga tao. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

TUKLASIN AT SURIIN

https://news.abs-cbn.com/business/10/31/20/ilan-pang-lpg- https://manilastandard.net/business/csr-mining/338365/early-harvest-saves-p17-5-billion-worth-of-
companies-nag-anunsiyo-ng-taas-presyo-sa-nobyembre crops-from-typhoon.html

May kaugnayan ba ang balita sa isyu ng suplay? Ano ang suplay para sa iyo?
Sa Ekonomiks, ang suplay ay ang dami ng produkto o serbisyo nahanda at kayang ipagbili
ng mga nagtitinda sa ibat-ibang presyo sa isang takdang panahon. Hindi lahat ng panahon ay
pare-pareho ang dami ng suplay, may panahon na marami ang suplay, may panahon naman na
kaunti ang suplay. Ang pangunahing nakaaapekto sa dami ng suplay ay ang presyo.
Isinasaad sa Batas ng Suplay na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa
quantity supplied ng isang produkto. Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng
produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili. Kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang
dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili (ceteris paribus).(DepEd Learners Manual,2015, p. 141)
Hindi nangangahulugan na kapag marami ang istak ng isang negosyante ay marami ang
suplay. May mga pagkakataon na ang handang ipagbibili ng negosyante ay kaunti lamang. Hindi
nila ito inilalabas sa pamilihan kung nakikita nila na hindi sila masisiyahan sa tubo na makukuha

1
sa kasalukuyang presyo at dahil dito ang suplay ay kaunti. Ceteris Paribus ang tawag kapag wala
ng ibang salik na nakaaapekto sa suplay kundi ang presyo lamang.
Ang iskedyul ng suplay (supply schedule), kurba ng suplay (supply curve) at punksyon ng
demand (demand function) ay nagpapakita ng direkta o positibong ugnayan ng presyo at quantity
supplied.

Iskedyul ng Suplay (Supply Schedule)

Ang supply schedule ay isang talaan nanagpapakita ng dami ng kaya at gusting ipagbili ng
mga prodyuser sa iba’t ibang presyo. (DepEd Learners Manual,2015, p. 142)

Supply Schedule ng Disposable Face Masks

Punto Presyo Bawat Box Quantity Supplied (Qs)


A 20 0
B 50 300
C 100 800
D 150 1300
E 200 1800
F 250 2300

Makikita sa Iskedyul ng Suplay(Supply Schedule) ang quantity supplied para sa disposable


face masks sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, kapag ang presyo sa bawat box ay Php 20.00, wala
o zero ang handa at kayang ipagbili ng prodyuser. Kapag ang presyo ay Php 50.00 bawat box,
tatlong daan (300) na boxes lamang ang handa at kayang ipagbili ng prodyuser. Ngunit kung
tataas ang presyo sa Php 100.00 ang handa at kayang ipagbili ng prodyuser ay 800 na boxes.
Kapag ang presyo ay tumaas sa Php 250.00 bawat box ang handa at kayang ipagbili ng mga
prodyuser ay 2300 na boxes. Malinaw naipinapakita ang tuwiran o positibong ugnayan ng presyo
at quantity supplied.

Kurba ng Suplay (Supply Curve)

Kapag ilalagay ang mga datos sa iskedyul ng suplay sa isang graph, mabubuo ang kurba
ng suplay (supply curve). Ito ay tumutukoy sa grapikong paglalarawan ng tuwirang relasyon ng
presyo at dami nghandang ipagbiling produkto ng mga prodyuser at nagbebenta.May dalawang
aksis ang graph: ang pataas at pahalang na aksis. Ang presyo ay nasa pataas na aksis at Qs sa
pahalang na aksis. (Imperial, et. al, 2013, 141)

Kurba ng Suplay Para Sa Disposable Masks


Presyo ng Disposable

300 F
Mask kada Box

250 E
200 D
150 C
100 B
A
50
0
0 500 1000 1500 2000 2500

Quantity Supplied (Qs)

2
Kung pagdudugtungin ang mga punto ay makabubuo ng isang kurba na nasa anyong
upward sloping o pataas na pahalang papuntang kanan. Batay sa graph, kung ang presyo ng
disposable mask ay Php 20.00, ang quantity supplied ay 0 na boxes. Mapapansin mo na habang
tumataas ang presyo, ang suplay ay higit na tumataas. Samakatuwid, may tuwirang ugnayan ang
presyo at quantity supplied.

Supply Function

Maaari ring ipakita ang ugnayan ng presyo at quantity supplied sa pamamagitan ng supply
function.
Ang supply function ay ginagamitan ng mathematical equation na kinapapalooban ng
dalawang variables ang Qs bilang dependent variable at P bilang independent variable. Ang Qs
(Quantity Supplied) ay naaapektuhan ng anumang pagbabago ng P (presyo).Ipagpalagay na ang
mathematical equation ay
Qs = -200 + 10P
= -200 + 10(20)
= -200 +200
=0
Ang -200 ay ang imposibleng dami ng disposable masks na nais ipagbili ng suplayer sa
mababang presyo na Php 20.00. Ang negative sign ay ang pag-ayaw ng suplayer na magsuplay ng
produkto at ang positive sign ay nagpapakita ng relasyon ng presyo at suplay. Ang anumang
pagbabago ng Qs ay nauugnay sa value na 10P. Gaano karami ang handing ipagbili ng suplayer
kung ang presyo ay Php 50.00 isang box? Upang makuha ang sagot, gamitin ang mathematical
equationna:
Qs = -200 + 10(P)
= - 200 + 10 (50)
= -200 + 500
= 300
Ano ang napansin mo sa suplay sa bawat pagtaas ng presyo? Ang suplay ay tumataas
kasabay ng pagtaas ng presyo kaya sinasabi na ang presyo at suplay ay may tuwiran o direktang
relasyon. (Imperial, et.al, 1999, p. 185)

Mga Ibang Salik na Nakaaapekto sa Suplay

May mga pagkakataon na kahit hindi nagbabago ang presyo, nagbabago ang suplay sa
pamilihan. Maliban sa presyo mayroon pang ibang salik na maaaring makapagpapabago o
makaaapekto sa dami ng suplay.
1. Teknolohiya:Higit na marami ang nagagawa sa tulong ng teknolohiya o anumang makabagong
pamamaraan ng paggawa. Bukod dito, mas mabilis at mas magaan ang gawain kapag gingamitan
ng makabagong teknolohiya.
2.Inaasahan ng mga Prodyuser: Nagkakaroon ng espekulasyon ang mga prodyuser kung may
magaganap na pagtaas ng presyo ng produkto sa mga susunod na araw. May ilang negosyante na
lilimitahan nila ang dami ng ipagbibili dahil ang iba ay kanilang itatago. Hoarding ang tawag dito.
Nagkakaroon ng pagbaba ng suplay dahil sa hoarding.
3. Dami ng Tindera:Dumarami ang suplay sa isang partikular na produkto kapag dumarami ang
nagtitinda ng parehong kalakal. Maihahalintulad ito sa bandwagon effect sa demand.
4.Kagastusan: Ang lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship ay tinatawag na mga salik ng
produksyon. Kapag tumaas ang gastos sa alinman sa mga salik, tumataas ang gastos sa
produksyon (production cost), Dahil dito, maaaring bumaba ang dami ng produkto na handa at
kayang ipagbili ng mga prodyuser.

3
5. Presyo ng Ibang Produkto: Nahihikayat ang ibang prodyuser na magpalit ng ibang produktong
gagawin dahil mataas ang presyo nito sa pamilihan. Nakikita nila na mas malaki ang kita sa
paggawa o pagprodyus ng produkto na may mataas na presyo sa pamilihan. Dahil dito, dumarami
ang suplay sa pamilihan.
6. Subsidi: Kapag nabibigyan ng tulong pinansyal ng pamahalaan o ng pribadong sektor ang mga
prodyuser tulad ng mga magsasaka o ng mga maliliit na negosyante, napag-iibayo ang produksyon
ng mga pananim at iba pang mga kalakal.
7. Panahon/Klima: Kapag ang kalagayan ng panahon ay naaangkop sa pangangailangan ng mga
prodyuser, tulad ng mga magsasaka, magkakaroon ng magandang ani. Kapag may mga bagyong
dumadaan at sinasalanta ang mga pananim, bumababa ang ani o ang produksyon.

Paglipat ng Kurba ng Suplay


Pigura 1: Pagtaas ng Suplay Pigura 2: Pagbaba ng Suplay

S1
S2 S2
S1
A
P B P B A

0 QS1 QS2
QS2 QS1
Katulad ng kurba ng demand, ang kurba ng suplay ay maaari ring lumipat pakaliwa o
pakanan. Kung ang suplay ng produkto o serbisyo ay tumaas, ang kurba ng suplay ay lilipat
pakanan na makikita sa Pigura 1. Sa kabilang dako, kung ang suplay ay bumaba, ang kurba ng
suplay ay lilipat pakaliwa. Ito ay makikita sa Pigura 2.(Flores, Ferrer, 2015, p. 148)

Presyong Elastisidad ng Suplay (Price Elasticity of Supply)

Ang presyong elastisidad ng suplay ay ang pagsukat sa porsyento ng pagtugon ng mga


prodyuser o tindera sa porsyento ng pagbabago ng presyo. (Imperial, et. al, 1999, p. 195))
Mahalaga ang wastong pagtugon ng mga prodyuser sa bahagdan ng pagbabago sa presyo
upang makaagapay sa naging pagbabago nang makuha ang ninanais na kita. Upang malaman
kung gaano kalaki ang pagtugon ng prodyuser sa bawat pagbabago sa presyo, ang pormula ay

%∆QS
Es =
%∆P

Ang bahagdan ng pagbabago ng quantity supplied (Qs) o %∆Qs ang dependent variable at
ang bahagdan ng pagbabago sa presyo o %∆P ang independent variable. Ang Price Elasticity of
Supply ay palaging positibo dahil ang Qs ay ay may direktang relasyon sa presyo. Hindi na gagamit
pa ng absolute value sa Price Elasticity of Supply sapagkat ang sagot ay palaging positibo.

Gamit ang midpoint formula ang %∆Qs at ang %∆P ay makukuha sa pamamaraang:

%∆Qs
Es =
%∆P

4
%∆Qs %∆P
𝑄2−𝑄1 𝑃2−𝑃1
= 𝑄1+𝑄2 X 100 = 𝑃1+𝑃2 X 100
2 2
Halimbawa:
Q1 = 0 P1= 20
Q2 = 300 P2= 50

%∆Qs %∆P
𝑄2−𝑄1 𝑃2−𝑃1
= 𝑄1+𝑄2 X 100 = 𝑃1+𝑃2 X 100
2 2
300−0 50−20
= 0+300 X 100 = 20+50 X 100
2 2
300 30
= 300 X 100 = 70 X 100
2 2
300 30
= X 100 = X 100
150 35
= 2 x 100 = .8571 x 100
= 20% = 85.71%
Q%∆Qs
Es =
%∆ P

20%
Es=
85.71%

Es=.23

Tandaan, upang makuha ang sagot, sundan lamang ang mid-point formula. Ang una mong
ikompyut ay ang %∆Qs kaya alamin kung alin ang Q1 at Q2 mula sa given atgamitin ang formula
rito. Pagkatapos ay kunin din ang %∆P, alamin kung alin ang P1 at P2 mula sa given at gamitin
na ang formula nito. Ang sagot sa %∆Qs ay i-divide sa %∆P upang makuha ang coefficient of
elasticity. Ang coefficient of elasticity ang magsasabi kung gaano kalaki ang pagbabago ng quantity
supplied (Qs) sa bawat bahagdan ng pagbabago sa presyo.
(Deped Learners Manual, 2015, pp. 152 – 153)

Uri ng Price Elasticity of Supply

Elastiko (Elastic) – Sa kurba ng elastikong suplay, mas malaki ang bahagdan ng pagbabago ng
suplay sa bawat bahagdan ng pagbabago sa presyo.

B S
P2
A
P1

(Flores, Ferrer, 2015, pp.152 – 154)

0 QS1 QS2

5
Kung titignan mo ang kurba (graph) mas malaki ang pagbabago ng suplay kaysa sa
pagbabago ng presyo. Ibig sabihin nito, madaling tumugon o mahikayat na gumawa ng marami
ang mga prodyuser sa maikling panahon kapag ang presyo ay nagbabago.

%∆Qs > %∆P o kaya ay Es > 1 (DepEd Learners Manual, 2015, pp. 154)

Di-Elastiko (Inelastic)–Mas maliit ang bahagdan ng pagbabago ng suplay kaysa sa bahagdan


ng pagbabago ng presyo
S
B
P2

P1 A (Flores, Ferrer, 2015,pp. 152 – 154)

0 Q1 Q2

Ipinapakita ng kurba (graph) na ang pagbabago ng dami ng suplay ay mas mababa sa


pagbabago ng presyo. Hindi sensitibo ang mga prodyuser o bahay-kalakal sa pagbabago ng presyo
ng kanilang produkto o serbisyo. Matagal na panahon pa ang kakailanganin ng mga prodyuser o
supplier upang makatugon sa pagbabago ng demand.

%∆Qs < %∆P o kaya ay Es < 1 (DepEd Learners Manual, 2015, pp. 154)

Unitary –Ang bahagdan ng pagbabago sa presyo ay pareho sa bahagdan ng pagbabago ng quantity


supplied.

S
P2 B

P1 A (Flores, Ferrer, 2015, pp. 152 – 154)

0 Qs1 Qs2

Kung titignan ang graph, ang laki o bahagdan ng pagtaas ng presyo ay pareho sa laki o
bahagdan ng pagbabago ng quantity supplied.

%∆Qs = %∆P o kaya ay Es = 1 (DepEd Learners Manual, 2015, pp. 154)

Ganap na Elastiko (Perfectly Elastic)–Kahit walang pagbabago sa presyo, ang mga bahay-kalakal
ay handing magsuplay ng kahit gaano karaming produkto o serbisyo. Ang kurba ng ganap na
elastiko (perfectly elastic) ay pahiga o horizontal ang linya.

P3 A B C S
P2 A
P1 (Flores, Ferrer, 2015, pp. 152 – 154)

0 Qs1 Qs2 Qs3


Es = ∞ (DepEd Learners Manual, 2015, pp. 154)

6
Ganap na Di- elastiko (Perfectly Inelastic)– Sa ganitong uri ng elastisidad, kahit tumaas man o
bumaba ang presyo ng isang produkto ay hindi nagbabago ang dami ng produkto na handang at
kayang ipagbili ng mga prodyuser, bahay-kalakal o nagtitinda.

S
P5 B
P4
P3

P2 A

P1
(Flores, Ferrer, 2015,pp. 152 – 154)

0 Qs1 Qs2 Qs3 Qs4 Qs5

Es = 0 (DepEd Learners Manual, 2015, pp. 154)

MGA GAWAIN:
Gawain1: Math-tinik

Panuto: Kompyutin ang hinahanap sa bawat kolum gamit ang pormula na tinalakay. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

%∆Qs
Q1 = 10 P1 = 2 %∆Qs %∆P Es = Uri ng Elastisidad
%∆P
Q2 = 20 P2 = 5 _______________ ______________ ____________ _______________

Gawain 2: Pa-otoGraph

Panuto: Gumawa ng graph o supply curve batay sa sumusunod na iskedyul ng suplay.

Iskedyul ng Suplay para sa Mantika


Punto Presyo kada Kilo Quantity Supplied (Qs)
A 50 50
B 55 60
C 60 70
D 65 80
E 70 90

Gawain 3. SALIK-sikin

Panuto:Suriing mabuti ang mga sumusunod at tukuyin kung anong salik ang nakaaapekto sa
suplay.

________ 1. Ang suplay ng mga produkto sa pamilihan ay nagiging marami at sagana


kapag maraming nagtitinda ng isang produkto.
________ 2. Nakikita ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng produkto sa

7
darating na araw kaya nagbabawas ng produkto sa kasalukuyan.
________ 3. Ang traktor, thresher at kuliglig ay ilan lamang samga kasalukuyang
ginagamit ng mga magsasaka sa kanilang pagtatanim
________ 4. Kapag ang kalagayan ng panahon ay naaangkop sa pangangailangan ng mga
prodyuser, inaaasahan ng mamimili na ang suplay ng produkto ay matutustusan.
________ 5. Mataas ang presyo ng rambutan kaya karamihan sa mga magsasaka ay
lumilipat sa pagtatanim nito.

TAYAHIN

I. Panuto: Basahin ang mga pahayag at piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang. Isulat
sa sagutang papel.
1. Lahat ay nagpapaliwanag kung bakit marami ang ani ng bigas sa Pilipinas, alin ang hindi?
a. Magandang panahon at klima.correct punctuation.
b. Mataas na gastos sa produksyon ng palay.
c. Paggamit ng makabagong pamamaraan sa pagtatanim.
d. Pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka mula sa pamahalaan.
2. Kapag ang kalagayan ng panahon ay naaangkop sa pangangailangan ng mga
prodyuser, tulad ng magsasaka, makakaasa ang mamimili na ang suplay ng mga
produkto ay matutustusan. Anong salik ang nakatulong sa pagtaas ng suplay?
a. klima b. kagustuhan c. subsidi d. teknolohiya
3. Tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga maliliit na negosyante at
mga magsasaka upang paramihin ang produkto na kanilang produksyon na ipagbibili.
a. presyo ng ibang produkto b. kagustuhan c. subsidi d. dami ng tindera
4. Isa sa mga uri ng elastisidad ng suplay ay ang perfectly elastic. Ibig sabihin nito, ang presyo
ay hindi nagbabago, pero ang ang demand sa isang produkto ay maaaring magbago. Alin sa
mga sumusunod na kurba o graph ang nagpapaliwang ng perfectly elastic?
a. b. c. d.

5. Isang libo ng sako ng palay ang binili ng rice dealer na si Reynald sa mga magsasaka
sa Nueva Ecija. Giniling niya sa kaniyang rice mill at nakakuhang 700 na sako
ng bigas. Dahil nakita niya na tataas ang presyo ng bigas sa susunod na dalawang
buwan, kalahati lamang sa nagiling na bigas ang ibinebenta ng nasabing dealer sa
presyong Php 700.00 isang sako na may 25 kilos. Ilan ang naitalang suplay ng bigas?
a. 25 b. 350 c. 700 d. 1000
6. I. Sa elastic supply, mas malaki ang bahagdan ng pagbabago ng quantity supply sa
bawat bahagdan ng pagbabago sa presyo.
II. Sa inelastic supply, mas maliit ang bahagdan ng pagbabago ng quantity supply
sa bawat bahagdan ng pagbabago sa presyo
a. Parehong tama ang I at II c. Tama ang I, mali ang II
b. Parehong mali ang I at II d. Mali ang I, tama ang II
7. Ayon sa Batas ng Suplay (Law of Supply), kapag ang presyo ay mataas, ang supply ay
marami. Kapag ang presyo ay mababa, ang supply ay _____________.
a. marami b. kaunti c. sobrang kaunti d. walang pagbabago
8. Ang paglipat ng kurba ng suplay pakaliwa ay dulot ng ____________.
a. pagbaba ng suplay c. pagtaas ng presyo
b. pagbaba ng presyo d. parehong a at b

8
9. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapaliwanag ukol sa suplay?
a. Dami ng produkto na handang bilhin ng mga mamimili.
b. Mga produkto o serbisyo na handing bilhin ng mga mamimili.
c. Bilang o dami ng produkto na handing ipagbili ng mga prodyuser o nagtitinda.
sa ibat-ibang presyo sa isang takdang panahon.
d. Ipagbibiling produkto o serbisyo ng mga prodyuser o nagtitinda.
10. Kung tumaas ang suplay pero di-nagbabago ang presyo, nangangahulugan nito na
______________.
a. may ibang salik na maaaring nakaapekto sa suplay.
b. nais ng mga prodyuser na matugunan ang pangangailangan ng mga tao.
c. tumulong hindi kumita ang layunin ng mga prodyuser.
d. tulong pinansyal ang pangunahing nagpapataas ng produksyon.

II. Panuto: Suriin ang mga sitwasyon at isulat ang T kung tataas ang suplay, B kung bababa ang
suplay.
1. Pagbili ng pamahalaan ng bagong makinarya
2. Pananalanta ng bagyong Ulysses
3. Paglaki ng gastos sa produksyon
4. Pagpasok ng mga dayuhang kalakal
5. Pagpapautang sa mga magsasaka

III. Panuto: Sumulat ng tula tungkol sa kahulugan, kahalagahan at epekto ng suplay sa


pang-araw- araw na buhay ng tao. Isulat ito sa isang buong papel.

Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Kaangkupan ng Konsepto 5
Organisasyon at Presentasyon 5
Angkop na Sukat at Tugma 5
Original 5
Kabuuan 20

SAGOT NG PAGWAWASTO SA MGA GAWAIN


Gawain 1: Math-tinik

9
Gawain 2: Pa-otoGraph Gawain 3. SALIK-sikin

SANGGUNIAN
Mga Aklat
 Reynele Bren G. Zafia, M.A., Ekonomiks, Katuturan, Gamit at Kahalagahan, St. Augustine Publication, Inc,
(2015), pp. 55 - 62
 Consuelo M. Imperial, Eleanor D. Antonio, et. al. Kayamanan, Workteks sa Araling Panlipunan, Rex Book Store,
Inc. (2013), pp. 139 - 147
 Herminia J. Flores, Jerick C. Ferrer, Kalakaran sa Ekonomiks, St. Bernadette Publishing House Corporation
(2015), pp. 67 - 82
 Consuelo M. Imperial, Eleanor D. Antonio, et. al., Pana-Panahon IV, Rex Book Store, Inc. (1999), pp. 185 - 197
 DepEd’s Learners Module, Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul Para Sa Mga Mag-aaral (1st Edition), Vibal
Group, Inc. (2015), pp. 138 – 144
Website
 https://commons.deped.gov.ph/categories/77d57859-6654-49d9-823b-90f7a80b4db8
 https://news.abs-cbn.com/business/10/31/20/ilan-pang-lpg-companies-nag-anunsiyo-ng-taas-presyo-sa-
nobyembre
 https://manilastandard.net/business/csr-mining/338365/early-harvest-saves-p17-5-billion-worth-of-crops-
from-typhoon.html

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jocelyn G. Pascua


Tagasuri:
Dr. Marilex A. Tercias
Victor B. Aban
Virginia B. Fregillana
Jamelie M. Crispino
Danilo T. Siblag
Telesforo L. Arquero
Julieta P. Marquez
Rowena A. Domingo
Geni M. Sarmiento
Tagapamahala:
Dr. Danilo C. Sison
Dr.Teodora V. Nabor
Dr. Cornelio R. Aquino
Dr. Jerome S. Paras
Dr. Maybelene C. Bautista

10
11
I. II.
1. b 1. T
2. a 2. B
3. c 3. B
4. b 4. T
5. b 5. T
6. a
7. b
8. d
9. c
10. a
III.
Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Kaangkupan ng Konsepto 5
Organisasyon at Presentasyon 5
Angkop na Sukat at Tugma 5
Original 5
Kabuuan 20
SAGOT NG PAGWAWASTO SA PAGTATAYA

You might also like