You are on page 1of 23

9 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan-Modyul 3
Interaksyon ng Demand at Suplay

May-akda : Roy S. Domingo

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang umangkop sa


kakayahan mo. Ito ay binuo upang matulungan ka na malaman ang
konsepto ng supply at demand sa pamilihan. Ang saklaw ng modyul na ito ay
nagpapahintulot na magamit ito sa iba't ibang sitwasyon sa pag-aaral.
At sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay:
naipapaliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan ng
presyo at ng pamilihan;

1. nalalaman ang ugnayan ng demand at suplay;


2. natutukoy ang interaksiyon ng demand at suplay sa kalagayan ng presyo
at ng pamilihan;
3. nasusuri ang epekto ng shortage at surplus sa presyo at dami ng kalakal at
pagliligkod sa pamilihan

Subukin
Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin, suriin muna natin ang
iyong kahandaan ukol interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan ng
presyo at ng pamilihan. Basahin mabuti ang mga sumusunod na
pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang
mula sa kahon sa ibaba.

Demand Supply Demand Schedule


Supply Schedule Batas ng Supply Batas ng Demand
Complementary Goods Normal Goods Inferior Goods
Elastic Inelastic Unitary Elastic

__________ 1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na gusto at


kayang bilhin ng mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.
__________ 2. Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong
bilhin ng mga mamimili sa iba’t-ibang presyo.
__________ 3. Ito ay nagsasaad na kapag tumaas ang presyo, bumababa ang
dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang presyo, tataas naman
ang dami na gusto at kayang bilhin (ceteris paribus).

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
__________ 4. Kapag ang ugnayan ng presyo ng isang produkto ay negatibo o
taliwas sa demand para sa isang produkto. Ito ay tinatawag na _____.
__________ 5. Kapag tumataas ang kita at dumadami ang demand sa
partikular na produktong ito, ito ay tinatawag na____.
__________ 6. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at
kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba ibang presyo sa isang takdang
panahon.
__________ 7. Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng
produkto o serbisyo na handang ipagbili, at kung bumababa naman ang
presyo, bumababa din ang dami ng handang ipagbiling produkto at serbisyo
(ceteris paribus)
__________ 8. Pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng
pagbabago ng quantity demand/supply.
__________ 9. Kapag maliit ang bahagdan ng pagbabago sa quantity
demand/supply kaysa bahagdan ng pagbabago ng presyo.
__________ 10. Ito ay tawag sa mga produkto na ang demand ay tumataas
kasabay sa pagbaba ng kita.

Aralin Interaksyon ng Demand


1 at Suplay

Balikan

Muli nating balikan ang konsepto ng Demand at Suplay kung paano ito
kumikilos sa pamilihan.
Ano ang batas ng suplay at demand?
Ang batas ng suplay at demand ay isang teorya na nagpapaliwanag ng
ugnayan sa pagitan ng mga nagbebenta / prodyuser ng mapagkukunan ng
produkto at serbisyo (Supply); at sa pagitan ng mga mamimili/ konsyumer
(demand) para sa mga pangangailangan nito (needs and wants).
Ito rin ay tumutukoy sa kung ano-ano ang epekto ng ugnayan o
relasyon sa pagitan ng isang partikular na produkto at ang pagnanais (o
demand) para sa produkto sa takdang presyo nito.

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Halimbawa, tuwing panahon ng habagat, karaniwang tumataas ang
presyo ng mga produktong nagmumula sa dagat tulad ng isda; bakit kaya?
Ito ay sa kadahilanan mahirap o mababa ang mga nahuhuling isda ng mga
mandaragat, subalit nananatiling marami o mataas ang pangangailangan sa
isda. Karaniwan, kapag mababa ang suplay at mataas na man ang
demand, nagkakaroon ng pagtaas ng presyo at vice versa.

Ano ang mga matutunan natin dito?


1. Ang Batas ng Demand ay nagsasabi na kung mas mataas ang mga presyo
ng isang bilihin, ang mamimili ay bibili ng mas kaunti kaysa sa nakaugaliang
bilhin nito, o kaya maghahanap na lang ng alternatibo o pamalit na produkto
(ceteris paribus).
Ang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo ay dahilan rin upang
bumaba ang demand ng mga ito, at ang pagbaba ng presyo nito ay
magdudulot sa pagtaas ng demand para sa produkto at serbisyo.

2. Ang Batas ng Suplay ay nagsabi na kung mas mataas ang presyo ng


bilihin, ang mga supplier ay nagbebenta o nagsusuplay ng higit pa o mas
marami kaysa sa nakatakdang bilang nito sa pamilihan (ceteris paribus).
Ito ay nangangahulugan na ang mga prodyuser ay handang mag-alok
ng higit pa o mas marami na ibebenta sa pamilihan, sa mas mataas na
presyo sa pamamagitan ng pagtaas ng produksyon. Ito ay isang paraan ng
pagtaas ng kita, sa madaling salita - mas marami produktong ibinibenta, mas
maraming bibili, mas malaki ng kikitain.

Tuklasin

WORD HUNT
Hanapin at bilugan ang sumusunod na salita sa kahong nasa ibaba.
Ang salita ay maaaring pababa, pahalang, o pabaliktad.

Demand Supply Shortage


Surplus Ekwilibriyo Presyo
Konsumer prodyuser pamilihan

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin

Sa puntong ito, natitiyak kong may sapat na tayong kahandaan upang


talakayin at pag-aralan ng Interkasyon ng Suplay at Demand. Magsimula
tayo sa tanong na ito:

Ano naman ang magaganap kung magkakaroon ng ugnayan ang Batas ng


Demand at Batas ng Supply?

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Kung nagkaroon ng ugnayan
ang Batas ng Demand at Batas ng
Supply, ito ay nagkakaroon ng
pagtukoy sa aktuwal na presyo sa
pamilihan o Ekwilibriyo
(Equilibrium), gayundin ang dami ng
mga kalakal na handang ikalakal sa
isang pamilihan.

Paano kung gumalaw, at


nagbago ang kurba ng Supply at
Demand?1

Sa larangan ng ekonomiks, ang mga salitang Paggalaw (movement) at


Paglipat (shift) na may kaugnayan sa kurba ng suplay at demand ay
nagpapakita ng magkaibang kaganapan sa pamilihan.

Ang Paggalaw (movement) ay tumutukoy sa anumang pagkilos sa


kahabaang ng kurba. Ano ang epekto nito?

Sa Demand:

1. Ang paggalaw ay nangangahulugan na


nagkaroon ng parehong pagbabago sa Presyo
at Quantity Demanded.

2. Ito ay nangangahulugan din na ang


ugnayan ng presyo at ng demand ay
nananatili subalit nabago lang ang quantity
demanded dahil sa pagbago ang presyo.

Sa Suplay:

Ito ay nangangahulugan na ang ugnayan sa suplay ay hindi


nagbabago. Ang pagbabago ay magaganap lang kung magkakaroon ng
pagbabago sa Presyo at sa Quantity supplied

Ang Paglipat (shift) sa aspetong demand at suplay ay nagaganap


kapag ang quantity demanded at quantity supplied ay nagbago kahit na
walang pagbabago sa Presyo.

1
Understanding the Law of Supply and Demand by Murray N. Rothbard/
https://www.investopedia.com/terms/m/murray-n-rothbard.asp

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Halimbawa, Ang presyo ng Face
Shield ay ₱ 30.00 noong Abril-Hunyo
subalit biglang tumaas ang demand nito
pagsapit ng Hulyo- Septyembre ngunit
hindi nagbago ang presyo nito.

Ano ang ibig sabihin nito? Ito ay


nangangahulugan na ang pagbabago ng
Quantity Demanded ay hudyat ng ibang
salik maliban sa presyo. Sa kalagayan
natin ngayong panahon ng pandemya –
dumami ang nangangailangan ng face
shield subalit hindi maaring magtaas ng
presyo dahil sa moratorium ng pamahalaan – kaya hindi nagbago ang
presyo pero tumaas ang demand.

Kung pag-uusapan naman ang suplay, at ang presyo ay hindi dahilan


ng pagbabago ang kurba ng suplay, maaaring nagkaroon ng shortage o
kakulangan sa suplay nito.

Sa madaling salita, may iba pang salik na makakaapekto sa pagbabago


ng suplay at demand na tinatawag natin na Non-Price Factor. Ito ay natalakay
na sa nakaraang mga modules.

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ang Ekwilibriyo (Equilibrium) sa Pamilihan
Ang Ekwilibriyo sa Pamilihan ay isang kondisyon sa pamilihan na kung
saan ang mga pwersang pang-ekonomiya ay balanse. Ito rin ay isang lugar
kung saan nagaganap ang epektibong transaksiyon sa pagitan ng konsumer
at prodyuser, ganyundin ang pagkakasundo ng mamimili at nagtitinda.
Bukod dito, ang pamilihan rin ay isang mabuting paraan ng
pagbabalanse ng dami ng produkto at serbisyo na maaaring ipagbili, at ng
mga pangangailangan sa bagay na kayang bilhin na mga konsumer; sa
presyong kanilang pinagkasunduan.
Sa tunay na kalagayan, parating nagkakaroon ng pagbabago sa mga
presyo ng mga produkto na nagmumula naman sa iba pang mga panlabas na
kadahilan o salik ng suplay at demand.

Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Ang nagbenta ng prutas ang may


nagtalaga ng halaga ng kanyang produkto, gayundin ang mamimili ay
maaring tumawad sa presyo ang mamimili at kung ito ay papayagan o
mapagkakasunduan ang halaga ng nagbebenta. Ito na ang magiging punto
ng ekwilibriyo sa panindang iyon. Ito ang sitwasyon na ang
mamimili (demand) at prodyuser (supply) ay nagtatagpo.

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mapapakita rin ito sa pamamagitan ng isang graph katulad ng makikita
sa itaas. Makikita na ang salubungan ng kurba ng suply at kurba ng demand
ay ang tinuturing na presyong Ekwilibriyo o sa madaling salita ang presyo na
kung saan pinagkasunduan ng konsumer at prodyuser.

Ang punto kung saan nagkaroon ng


Ano naman ang salubungan ng Demand Curve at Supply Curve ay
ekwilibriyo? ang tinuturing na Ekwilibriyo. Ganito pinapakita
sa pamamagitan ng isang matematikal na
Ang ekilibriyo ay isang representasyon ang magaganap na mga
kalagayan na kung saan pagbabago sa presyo.
walang sinuman sa
mamimili at prodyuser ang Ipinapakita rin sa aspetong ng demand, na
gustong gumalaw at bawat pagtaas ng presyo ay ang pagbaba naman
kumilos dahil lahat ng gusto ng dami ng binibiling produkto o Quantity
at kayang bilhin ng Demanded (Qd); kabaliktaran naman nito sa
mamimili sa presyong aspeto ng Suplay, na habang tumataas ang
nakatakda ay ibebenta ng presyo ay tumataas din ang paglikha o suplay ng
prodyuser. produkto/ Quantity Supplied (Qs). Tanging ang
presyo ang tinuturing na Independent Variable.
https://brainly.ph/

Ang Ekwilibriyo sa Pamilihan ay


ang kumbinasyon ng mga pang- Ang Interest Rate ay ang antas ng
ekonomiya na mga pagkakaiba (tulad tubo o kita mula sa puhunan na
ng presyo at dami na handang ipagbili ginamit para sa isang negosyo o
at bilhin) na kung saan ito ay isang perang pinahiram.
normal na proseso sa ekonomiya
(tulad ng suplay at demand) na Halimbawa: Nanghiram ka ng 100
nagiging timon o driver ng ekonomiya. piso at kapalit nito ay karagdagang
5 piso bilang interes kung ibabalik
Ang Ekwilibriyo sa Pamilihan ay mula ang salaping nahiram mo.
maaari ring inilapat sa anumang
pagbabago sa bilang o pagkakaiba tulad
ng Antas ng Interes (interest rate) o
pinagsama-samang gastos sa
pagkonsumo.
Makikita sa larawan sa kanan ang
ilan sa mga dahilan o factors na maaaring
magpabago na halaga o ekwilibriyo ng
presyo na dinidikta at binabalanse ayon
sa supply at demand curve.

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga Uri ng Ekwilibriyo sa Pamilihan
Mayroong dalawang uri ng Ekwilibriyo sa Pamilihan: ito ay ang
(1) Presyong ekwilibriyo at;
(2) Ekwilibriyo ng Dami:

1. Ang Presyong ekwilibriyo/ Equilibrium Price.


Ang Presyong Ekwilibriyo ay ang antas ng presyo na umiiral sa
pamilihan upang magkaroon o maganap ang bilihan sa pagitan ng mamimili
(buyer) at nagtitinda (seller).
Paano nagkakaroon ng presyong ekwilibriyo sa pamilihan? Ito ay
naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng demand at
supply functions upang malaman ang presyong ekwilibriyo.

Sa pamamagitan ng equation na ito maaari na natin makuha ang


punto ng ekwilibriyo. Sundan natin ng sumusunod na simpleng balangkas sa
ibaba:

1. Alamin ang halaga o presyo (P) na gamit ang Demand at Supply


Function.
2. Ihalili ang halaga o value ng P Demand at Supply Function.
3. Ituos (compute) na ang mga halaga. Laging tandaan ang batas ng
PEMDAS ng matematika.

Halimbawa:

Qs = 0 + 15P Qd = 90 – 15P

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
*Ang presyong ekwilibriyo ay P3.00. Nangangahulugan ito na ang
napagkasunduang halaga ng konsumer at prodyuser sa pagbili at pagbenta
sa pamilihan.
Paano naman kung may Diskwilibriyo sa pamilihan?
Daanin natin ito pamamamagitan ng isang kwento. Kunwari tayo ay
nakatira sa isang maliit na pamayanan ng Tabing-Ilog. Nag-iisa lang ang
tindahan na makikita doon, na kung saan roon lang maaari tayong makabili
at magbenta ng ating mga produkto.
Ako ay nagbenta ng isang sako ng mais sa halagang ₱100.00. Ang
presyong nabanggit ay sakto lang sa gastos ko sa pagtatanim ng mais at may
kaunting tubo lamang. Subalit, walang bumili sa aking binebenta.
Kaya; kaysa sa masira ito at tuluyang malugi, ibinenta ko ito ng
kalahati ng dating presyo. Ang aking panindang mais ay naubos agad sa loob
ng ilang oras at marami pa ang naghahanap.
Ito ay mga halimbawa ng Diskwilibriyo sa Pamilihan.
Una, Walang bumili sa mais – ipinapakita nito na ang demand ay
mababa kahit sapat ang suplay at presyo, ito ay nagtutulak upang
magkakaroon ng Surplus.
Ikalawa, naubos agad at
marami pa ang naghahanap –
ipinapakita nito na ang demand sa
isang produkto ay mas mataas
kaysa sa punto ng suplay. Ito ay
maituturing na shortage.
Samakatwid, nagaganap ang
diskwilibriyo kung hindi

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
nagkakaroon ng ugnayan ang punto ng demand at punto ng suplay. At may
dalawang uri ito: ang (1) Shortage at (2) Surplus.
Ano ang kahalagahan nito kung alam natin ang Presyong Ekwilibriyo?
Ang kahalagahan ng Presyong Ekwilibriyo (Kokemuller, n.d.) ay may
dalawang punto – (1) para sa konsumer, (2) para sa prodyuser.

● Kung ang presyo ay makikita sa ibaba ng Punto ng Ekwilibriyo ay


nangangahulugan sumisingil o nagbebenta ka sa mas mababang
presyo kaysa sa nakatalagang presyo sa pamilihan.

Ito ay magreresulta ito sa mas


mabilis na pagkaubos ng iyong
binebentang produkto at serbisyo
ngunit maliit lang ang iyong
kinita bilang prodyuser.

Maganda naman ito sa mga


konsumer, sapagkat mas
makakatipid ito at mas marami pang mabibiling produkto at serbisyo
kaysa sa dati.

● Kung ang isang presyo sa itaas ng


Punto ng Ekwilibriyo ay
nangangahulugan na ang iyong
presyo mas mataas o lagpas sa
kasalukuyan at nakatalagang
presyo sa pamilihan, na maaring
humantong sa (a) wala masyadong
bibili sa iyo dahil mataas ang
presyo mo, (b) maraming matitirang
produkto o magkakaroon ka
surplus na maaring humantong sa
pagkalugi bilang prodyuser.

Bilang konsumer, natuturuan tayo o tinutulak tayo na


maghanap ng alternatibong produkto at serbisyo na may mababang
presyo.

2. Ang Ekwilibriyong Dami o Equlibrium Quantity.


Ano naman ang Ekwilibriyong Dami? Ito ay tumutukoy sa dami ng
produkto o serbisyo na handang ipagbili ng mga mamimili, at handing ipagbili
ng mga prodyuser sa napagkasunduang presyo.2 Sa madaling salita, ang

2
https://www.investopedia.com/terms/e/equilibrium-quantity.asp

11
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ekwilibriyo Dami ay ang pantay na dami produkto at serbisyo sa dami ng
pangangailangan ng tao (supply = demand).
Ito din ay nangangahulugang na ang halaga ng isang aytem na nais
na bilhin ng mga konsumer ay katumbas ng halagang pinagbibili na
ibinibigay ng prodyuser. kumbaga, ang pamilihan ay umabot sa isang punto
ng matatag at balanseng presyo na pabor sa lahat ng panig ng pamilihan.
Ito rin ay napapakita sa pamamagitan ng isang matematikal na
representasyon.
Halimbawa: Gamit ang presyong P3.00.

Qs = 0 + 15P Qd = 90 – 15P

Ano ang ibig sabihin nito? Sa presyong Php 3.00, ang mga konsumer at
prodyuser ay handang bumili at magbebenta ng 45 na piraso. Ito (45) ay
tinuturing na ekwilibriyong dami sa pamilihan.

Ano ang kahalagahan nito kung alam natin ang Ekwilibriyo Dami?
Ang Ekwilibriyo Dami ay nagpapakita na walang nagaganap na
kakulangan o labis isang produkto sa pamilihan. Ang interseksyon ng suplay
at demand, nangangahulugang ang halaga ng isang aytem na nais na bilhin
ng mga konsumer ay katumbas ng
halagang ibinibigay ng mga prodyuser.

Kung ang dami ng ay makikita sa


itaas ng Punto ng Ekwilibriyo, ito ay
nangangahulugan na may surplus na
nagaganap sa pamilihan. Ito may
maaring magresulta ng lalong pagbaba
ng presyo ng bilihin na ikalulugi ng mga

12
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
prodyuser, o kaya naman ang pagkasira o pagkabulok ng produkto dahil sa
hindi ito mabibili.

Kung ang dami naman ay makikita sa


ibaba ng Punto ng Ekwilibriyo, na
ngangahulugan naman nito na nagkakaroon
ng shortage o kakulangan at kakapusan sa
suplay na magreresulta ng pagtaas ng presyo
ng bilihin.

Ang Shortage at Surplus sa Pamilihan3.

Sa ating talakayan ukol sa Punto ng Ekwilibriyo, nabanggit natin muli


ang konsepto ng shortage at surplus.

Ang kakulangan o shortage ay nagaganap kung may pansamantalang


pagkukulang sa suplay ng isang produkto kagaya ng kakulangan ng suplay
ng bigas sa pamilihan dahil sa bagyo, peste, El Nino, at iba pang kalamidad.

Ano ang ugnayan nito sa presyo? Tinutulak nito ang presyo ng


produkto at serbisyo pataas. Ang presyo ay patuloy na tataas hanggang ang
pangangailangan ng mga konsumer ay natugunan na o ang antas ng
produksyon ay makahabol o makapantay sa kasalukuyang demand. Talô dito
ang mga konsyumer.

Ano naman ang Surplus? Ito ay nagaganap kung nagkakarooon ng


mas maraming suplay (quantity supplied) ng isang produkto sa pamilihan
kaysa sa mga bumibili (quantity demanded) nito.

Ano ang ugnayan nito sa presyo?

Kapag nagaganap ang isang surplus, ang presyo ay babagsak hanggang


ang demand ay lumago upang matugunan ang dami ng suplay. Maaari din na
ang produksyon ng produkto at serbisyo ay babawasan upang pumantay sa
antas ng aktwal na demand. Dito naman, nalulugi ang mga prodyuser.

May mga dahilan kung bakit


nagkakaroon ng shortage at Ang hoarding ay maaaring tumukoy sa
surplus. Ang ilang dito ay ang mga konseptong pang-ekonomiya kung saan
natural na nagaganap tulad ng ang isang partikular na produkto o
bagyo, pagkakaroon ng peste, baha kalakal ay itinatago hanggang tumaas
at iba pang kalamidad. Ang ilan
naman ay kagagawan ng tao tulad
ang demand rito at tuluyang tataas ang
presyo. Ito ay isang uri ng artipisyal o
3 pagmanipula ng presyo ng mga
https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services/ang-kakapusan
produkto.
13
City of Good Character https://brainly.ph/question/471171
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
ng hoarding, kartel at monopolyo, at iba pang mga gawaing maaring
magmanipula na presyo at suplay.

Ang dalawang konseptong ito ay napapakita sa pamamagitan ng


paggalaw at pagbabago ng kurba ng suplay at demand.

Pagyamanin

Sagutin ang mga katanungan sa ibaba:

14
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip

1. Ang presyo sa pamilihan ay

Economic Equilibrium By JIM CHAPPELOW


nakasalalay sa ugnayan ng
demand at suplay.

2. Ang anumang pagbabago sa


presyo ng isang produkto at
serbisyo ay may tuwirang
epekto sa pagbabago
ng demand at suplay sa
pamilihan.

3. Ang pagkakaroon ng
magkatulad dami
ng demand at suplay ay tinuturing na interaksiyon ng demand at
suplay na mabibili at maipagbibili sa isang tiyak na presyo sa isang
takdang panahon.

4. Ang isang balanse na presyo ay isang balanse ng demand at mga


kadahilanan ng suplay.

5. Mayroong paggalaw at paglipat punto ng ekwilibriyo maliban presyo


(Non-Price factor), kung ilang mga katangian ng pagbabago ng demand
o suplay ay nagbago.

6. Ang mga pagbabago sa presyo ng balanse ay nagaganap kapag


alinman sa demand o suply, o pareho, lumipat o lumipat.

7. Tinatawag na Ekwilibriyong Presyo ang anumang presyo na


mapagkakasunduan ng mamimili at nagtitinda.

8. Tinatawag naman na equilibrium na dami ang punto kung saan


pareho ang dami ng demand at suplay.

15
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa

Basahin at unawain mabuti ang mga sitwasyon. Tukuyin sa bawat kolum ang
sumusunod:

1. Sa ikatlong kolum. Isulat ang S kung nagbago ang suplay, at D kung


nagbago naman ang Demand.
2. Sa ika-apat at limang kolum naman, Iguhit ang arrow up
( ) kung tumaas ang presyo o dami, at ( ) kung ito ay bumaba.

Produkto Pagbabago ng Pagbabago Ekwilibriyon Ekwilibriyo


kondisyon sa Demand g Presyo ng Dami
o Suplay
Karneng Paglaganap ng
Baboy African Swine Flu sa
Luzon.
Face Paglaganap ng sakit
mask na Covid-19
Gasolina Pagpapatupad ng
Home Quaratine at
pagbabawal ang
paglalakbay.
Internet Pagdating ng bagong
internet provider
Laptop Home at Online
schooling

16
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
A. SURPLUS, SHORTAGE o EQUILIBRIUM
Suriin mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin ang sumusunod na
pangungusap kung ito ay Surplus, Shortage o Equilibrium. Isulat ang sagot
sa unahan ng bawat bilang.
1. Ang Pamahalaang ng Marikina ay bumili ng trak-trak na gulay mula La
Trinidad upang hindi masira noong Abril at upang ipamigay sa iba’t-ibang
barangay.
2. Sa unang mga buwan ng pandemya, marami ang naghahanap ng alcohol
ngunit wala mabili sa mga tindahan.
3. Hindi nagbabago ang presyo ng karne ng manok sa Pamilihang Bayan.
4. Sunod-sunod ang pagdating ng mga bagyo noong nakaraan mga buwan, kaya
nagtaas ang presyo ng bigas.
5. Dahil sa pandemya, bihira at halos walang makikitang sasakyan sa kalye kaya
bumaba ang presyo ng gasolina.
B. Isulat ang Letra ng tamang Sagot. Isulat ang iyong sagot sa unahan ng
bawat bilang.
1. Ito ay tumutukoy sa artipisyal o pagmanipula ng presyo ng mga produkto
na kung saan itinatago ang kalakal o produkto upang tumaas ang
demand at tuluyang tataas ang presyo.
A. Surplus B. Shortage C. Hoarding D. Kartel

2. Ito ay nagaganap kapag mas marami ang quantity supplied o dami ng


supply na naiprodyus kaysa sa quantity demanded o sa dami ng
pangangailangan ng konsumer.
A. Equilibrium B. Kakulangan C. Kakapusan D. Surplus

3. Isang kaganapan sa pamilihan kung saan nagkakapareho ang dami ng


gusto at kayang bilhin ng mga mamimili at dami ng gusto at kayang
ipagbili ng mga prodyuser
A. Equilibrium B. Kakulangan C. Kakapusan D. Surplus

4. Kapag tumaas ang supply at hindi nagbago ang quantity demanded, ano
ang mangyayari sa presyo?
A. Tataas ang presyo C. Walang mababago sa Presyo.
B. Bababa ang presyo D. sasabay sa paggalaw ng Demand.

5. Kapag bumaba ang demand at hindi nagbago ang quantity supplied. Ano
ang magyayari sa presyo?
A. Tataas ang presyo C. Walang mababago sa Presyo.
B. Bababa ang presyo D. sasabay sa paggalaw ng Supply.

17
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain
Subukin natin ito. Buuin ang talahanayan gamit ang demand at supply
functions.

Qd = 200 - 2P Qs = 10 + P
Presyo Dami ng Demand Dami ng Supply
15
30
45
70
90

Gamitin ang nagawang iskedyul (talahanayan) upang lumikha ng graph


na nagpapakita ng interaksyon ng demand at suply. Lagyan ng tamang mga
leybel. (10 pts)

18
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sanggunian

Retrieved from:
1. Rothbard,Murray N./ “Understanding the Law of Supply and Demand”/
https://www.investopedia.com/terms/m/murray-n-rothbard.asp
2. https://www.investopedia.com/terms/e/economic-equilibrium.asp
3. Kokemuller, N.D./What Does Equilibrium Price Mean? /
https://smallbusiness.chron.com/equilibrium-price-mean-68358.html#:/
4. https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services/ang-
kakapusan
5. https://brainly.ph/question/471171

Susi sa Pagwawasto

Inferior Goods 100 20 90


Inelastic 80 60 70
Unitary Elastic 55 110 45
40 140 30
Batas ng Supply 25 170 15
Supply Supply Demand
Normal Goods Dami ng Dami ng Presyo
Conplementary Goods Qs = 10 + P Qd = 200 - 2P
Batas ng Demand KARAGDAGANG GAWAIN
Demand Schedule
Demand
SUBUKIN up Arrow up Arrow D
up Arrow down Arrow S
B down Arrow down Arrow D
B up Arrow up Arrow D
A down Arrow up Arrow S
D o Supply
Dami Presyo sa Demand
C Ekwilibriyong Ekwilibriyong Pagbabago
Surplus
Shortage ISAGAWA
Equilibrium
Shortage Answers may vary
Surplus PAGYAMANIN
TAYAHIN

19
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ikalawang Markahan
Modyul 2 - Suplay
Maikling Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag o katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa bawat patlang.

_______1. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga
prodyuser?
A. demand B. input C. output D. supply
_______2. Pag-aaral sa maliit na yunit ng ekonomiks halimbawa kilos o gawi ng
prodyuser kung anong uring produkto o suplay ang gagawin.
A. microeconomics C. microfinance
B. macroeconomics D. macrofinance
_______3. Ang relasyon o ugnayan ng suplay at presyo.
A. tuwiran B. di-tuwiran C. di-tugma D. magkapareho
_______4. Ano ang salik nakaapekto sa suplay?
A. kita B. gastos C. okasyon D. panlasa
_______5. Malakas ang kita ngayon sa pagtitinda ng face mask at face shield sa
pamilihan kaya maraming tindera ang nahikayat na magbenta ng
nasabing produkto.
A. bababa ang demand C. tataas ang demand
B. bababa ang suplay D. tataas ang suplay
_______6. Dahil sa bagyong Ulysses maraming panamin na gulay ang naapektuhan.
Ano ang epekto ng presyo nito?
A. bumababa ang presyo C. tumaas ang presyo
B. may pagbabago sa presyo D. walang pagbabago sa presyo
_______7. Mga salik ng suplay maliban sa isa
A. presyo B. panlasa C. subsidya D. tekhonolohiya
_______8. Ang mathematical equation na naglalarawan ng relasyon ng Qs at presyo.
A. formula C. demand function
B. variables D. supply function
_______9. Kapag mataas ang presyo marami ang handang ipagbili ngunit kapag
mababa ang presyo, kakaunti ang handang ipagbili habang ang ibang salik ay hindi
nagbabago.
A. batas ng demand C. batas ng pres
B. batas ng suplay D. batas ng diminishing utility
______10. Kapag marami ang suplay ng produkto at kakaunti ang demand, ang
presyo ay,
A. bababa C. pabago-bago
B. tataas D. manatili

20
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ikalawang Markahan
Module 3: Interaksyon Ng Demand At Suplay
PANUTO: Basahin ng Mabuti ang mga sumusunod na pangungusap sa ibaba.
Isulat ang Letra ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa unahan ng bawat
bilang.
1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o paglilingkod na gusto at nais
bilhin ng konsyumer sa siang takdang panahon
A. demand B. suplay C. pamilihan D. presyo
2. Ito ay ang halaga na dapat ibayad para sa yunit ng output na nakaka-
apekto sa dami ng demand ng isang produkto.
A. demand B. kartel C. surplus D. presyo
3. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handang ipagbili ng
mga prodyuser sa pamilihan sa magkakaibang presyo sa isang takdang
panahon
A. presyo B. suplay C. surplus D. shortage
4. Ito ay tumutukoy sa artipisyal o pagmanipula ng presyo ng mga
produkto na kung saan itinatago ang kalakal o produkto upang tumaas ang
demand at tuluyang tataas ang presyo.
A. Surplus B. Shortage C. Hoarding D. Kartel
5. Ito ay nagaganap kapag mas marami ang quantity supplied o dami ng
supply na naiprodyus kaysa sa quantity demanded o sa dami ng
pangangailangan ng konsumer.
A. Equilibrium B. Kakulangan C. Kakapusan D. Surplus
6. Isang kaganapan sa pamilihan kung saan nagkakapareho ang dami ng
gusto at kayang bilhin ng mga mamimili at dami ng gusto at kayang ipagbili
ng mga prodyuser
A. Equilibrium B. Kakulangan C. Kakapusan D. Surplus
7. Ito ay nagaganap kapag ang presyo ng produkto ay mas mababa kaysa
equilibrium
A. Surplus C. shortage
B. Market Equilibrium D. Market Disquilibrium
8. Kapag tumaas ang supply at hindi nagbago ang quantity demanded, ano
ang mangyayari sa presyo?
A. Tataas ang presyo C. Walang mababago sa Presyo.
B. Bababa ang presyo D. sasabay sa paggalaw ng Demand.
9. Kapag bumaba ang demand at hindi nagbago ang quantity supplied. Ano
ang magyayari sa presyo?
A. Tataas ang presyo C. Walang mababago sa Presyo.
B. Bababa ang presyo D. sasabay sa paggalaw ng Supply
10. Ito ay nagaganap kapag hindi nagkaroon ng pagtatagpo ang presyong
nais ng konsyumer at producer.
A. Surplus C. Presyo
B. Market Equilibrium D. Market Disquilibrium

21
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Roy S. Domingo
Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano
Tagaguhit: Roy S. Domingo

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource, Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

22
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like