You are on page 1of 14

Araling Panlipunan – Ika-Siyam na Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 8: Mga Dahilan at Epekto ng Implasyon


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Edelson V. Regulacion


Editor/Tagasuri: Lerma L. Villamarin

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 9
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 8
Mga Dahilan at Epekto ng Implasyon
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 8
para sa araling Mga Dahilan at Epekto ng Implasyon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul 8 para sa araling


Mga Dahilan at Epekto ng Implasyon!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
MELC – Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa
Implasyon

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:

1. Naisa-isa ang mga dahilan at epekto ng implasyon;


2. Nasuri ang mga dahilan at epekto ng implasyon; at
3. Nabigyang halaga ang mga dahilan ng implasyon na nakapagdudulot
ng epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Lagyan ng simbolong $ (Dollar sign) ang pangungusap na


nagpapahayag ng dahilan ng implasyon at € (Euro sign) naman ang
pangungusap na nagsasaad ng epekto nito. Isulat ang iyong napiling sagot
sa patlang bago ang bilang.

1. Mataas na demand ng mga pangunahing pangangailangan ngayong


panahon ng pandemya.

2. Maraming mag-aaral ang hindi na kayang pag-aralin ng kanilang mga


magulang.

3. Malaking bahagdan ng badyet ng bansa ay napupunta sa pambayad-


utang sa World Bank.

4. Kasalatang makabili at matustusan ang produktong kailangan sa


tahanan.

5. Mataas na halaga ng mga materyales na kailangan sa mga pabrika at


bahay-kalakal.
BALIK-ARAL

Radial Cycle

Gamit ang grapikong paglalarawan, magbigay ng apat (4) na kahulugan


o katangian ng Implasyon.

1._______
________
________
________

2._______ 4._______
________ ________
________ IMPLASYON ________
________ ________

3._______
________
________
________

ARALIN

MGA PANGUNAHING DAHILAN NG IMPLASYON


Demand-Pull Inflation. Nagaganap ito kung mas mataas ang pinagsama-
samang dami ng demand sa lahat ng sektor o aggregate demand kaysa sa
kabuuang dami ng produksyon ng ekonomiya o aggregate supply.
Kung mas mataas ang demand kaysa sa supply, magbubunga ito ng
kakapusan sa pamilihan. Ang paglobo ng demand ang siyang hihila upang
tumaas ang presyo ng mga produkto at serbisyo.
Ayon kay Milton Friedman, isang ekonomista na ginawaran ng Nobel
Prize noong 1976, ang pagkakaroon ng labis na dami salapi sa sikulasyon o
money supply ang isang dahilan kung bakit tumataas ang demand. Dahil
sobra ang salapi, malaki ang pagkakataon na patuloy na bibili ng maraming
produkto ang mamimili na magtutulak sa pagtaas ng presyo.

Mataas Pagkakaroon Pagtaas DEMAND-


na ng ng Presyo PULL
Demand shortage ng bilihin INFLATION

Cost-Push Inflation. Ang pagtaas ng gastusin sa paglikha ng produkto ang


siyang sanhi ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Anumang salik ng produksyon ang magkaroon ng pagbabago gaya ng
pagtaas ng sahod ng manggagawa o renta sa lupa, gayundin ang mataas na
halaga ng mga hilaw na sangkap na gagamitin sa paggawa ng produkto ay
makakaapekto sa kabuuang presyo ng mga produktong ginagawa.
Ang pagtaas ng presyo ng mga inputs o sangkap sa produksyon ang
pwersang tutulak upang tumaas ang halaga nito sa pamilihan.

Cost-Push Inflation

Pagtaas din ng presyo


ng tapos na produkto

Pagtaas ng Presyo
ng mga Inputs
IBA PANG DAHILAN NG IMPLASYON

Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar. Dahil sa kakulangan ng pumapasok


na dolyar, bumababa ang halaga ng piso. Humihina ito sa pandaigdigang
palitan na nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa.

Pagdepende sa Importasyon para sa hilaw na mga sangkap. Kapag tumaas


ang presyo ng mga materyales na inaangkat, ang mga produktong umaasa sa
importasyon para sa hilaw na sangkap ay nagiging sanhi rin ng pagtaas ng
presyo.

Kalagayan ng pagluluwas (export). Kapag mas mataas ang dami ng supply


na iniluluwas kaysa lokal na produkto sa pamilihan, magiging dahilan ito ng
pagtaas ng presyo bunsod ng mataas na demand at kakulangan ng pantustos
na produkto sa loob ng bansa.

Monopolyo o Kartel. Dahil bukod tangi ang kanilang produkto at serbisyong


ibinebenta, kaya nilang kontrolin ang pagtaas ng presyo nito sa pamilihan.

Pambayad-utang. Sa halip na magamit sa produksyon o pagsasaayos ng


pampublikong pasilidad ang bahagi ng pambansang badyet, ito ay napupunta
sa pagbabayad ng utang.

MGA PAGSASANAY

Balita-Suri!

PANUTO: Basahin at unawain ang balita. Sagutan ang mga tanong na nasa
ibaba.

INFLATION RATE NOONG DISYEMBRE PUMALO SA 3.5 PORSIYENTO


Pinagkunan: Bruce Rodriguez, TV Patrol, Martes, Enero 5, 2021

Ngayon, todo paghihigpit pa rin ng sinturon ang mga mamimimili gaya ni Aling Nora
Candas na hindi na nga naghanda noong Pasko para lang may pang-Medya Noche.

Si Alex Mendoza naman, pilit na pinagkakasya ang badyet para may pambili ng ulam,
“Dati ang badyet mo aabot ng isang linggo ngayon ang badyet mo ay pang-ilang araw
na lang”.

Ayon sa Philippine Statistics Authority ang pagsipa ng presyo ng baboy at mga


gulay ang mga pangunahing dahilan kung bakit pumalo ang inflation sa 3.5% noong
Disyembre sa pinakamataas na lebel sa loob ng halos 2 taon. ang Inflation Rate o bilis
ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Paliwanag ni National Statistician Usec. Dennis Mapa, tumaas ang presyo ng
karne ng baboy dahil sa problema sa African Swine Fever. Nagmahal naman ang
presyo ng gulay, tulad ng bawang, sibuyas at kamatis dahil sa mga dumaang bagyo.

Sa ngayon bahagyang bumaba ang presyo ng karne at ibang gulay kumpara noong
Disyembre. Ayon kay Acting Socio-Economic Planning Sec. Karl Chua kailangang
ayusin ang supply chain sa bansa para masiguro ang stable na presyo ng iba’t ibang
produkto at serbisyo. Tingin naman ni Bangko Sentral Governor Ben Diokno
pansamantala lang ang pagsipa ng inflation noong Disyembre dahil na rin sa
kakulangan sa supply at mananatiling mababa ang inflation nitong taon dahil
mabagal pa rin ang takbo ng ekonomiya.

Mga Tanong:

1. Batay nabasang balita, anu-ano ang mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng


mga sumusunod na pangunahing produkto?
Karne ng baboy ___________________________________________________________
Gulay (bawang at sibuyas) ________________________________________________

2. Ibigay ang pananaw ng mga sumusunod na personalidad tungkol sa


suliranin sa implasyon.

Sec. Karl Chua


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gov. Ben Diokno


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing dahilan ng pag-iral ng implasyon


sa ating bansa?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
PAGLALAHAT

Legit or Fake.
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang Legit kung ito ay nagpapahayag ng
katotohanan tungkol sa dahilan at epekto ng implasyon at Fake kung ito ay
hindi.

_________1. Ang pagtaas ng demand ay nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo


ng mga bilihin sa pamilihan.
_________2. Ang kalamidad gaya ng bagyo ay nagdudulot ng kakapusan para
sa mga produkto at serbisyo na humahantong sa pagtaas ng presyo nito.
_________3. Dahil sa kakulangan ng salapi sa sirkulasyon, nagbubunga ito ng
pagtaas ng presyo ng bilihin.
_________4. Dahil sa labis na pagpasok ng dolyar sa bansa, bumababa ang
halaga ng piso na nagdudulot ng implasyon.
_________5. Tataas ang presyo ng bilihin ng produkto at serbisyo ng bansa
kung nakatuon lang ang pambansang badyet bilang pambayad-utang.

PAGPAPAHALAGA

Panatang Makabansa!
Panuto: Dugtungan ang panata na naglalaman ng pahayag ng tungkulin na
gagampanan mo bilang kabataang Pililipino upang maibsan ang suliranin sa
implasyon.

Panatang Makabansa
Ako bilang kabataang Pilipino ay gaganap ng tungkulin at
hakbang na makakatulong upang maibsan ang suliranin sa
implasyon sa pamamagitan _____________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
_________________________________________________________.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Piliin sa mga bricks na nasa balance beam ang tumutukoy sa mga
sumusunod na pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang

Demand-Pull Cost-Push
Inflation Inflation

_________________1. Nagaganap ito kung mas mataas ang pinagsama-samang


dami ng demand sa lahat ng sektor kaysa sa kabuuang dami ng produksyon
ng ekonomiya.
_______________ 2. May kakayahang kontrolin at pataasin ang presyo ng mga
produkto at serbisyo sa pamilihan.
_________________3. Ang pagtaas ng gastusin sa paglikha ng produkto ang
siyang sanhi ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
_________________4. Kapag tumaas ang presyo ng mga materyales na inaangkat,
ang mga produktong umaasa sa hilaw na sangkap mula sa ibang bansa ay
tumataas ang presyo.
_________________5. Kapag mas mataas ang dami ng supply na inilalabas ng
bansa kaysa lokal na produkto sa pamilihan, magiging dahilan ito ng pagtaas
ng presyo ng produkto at serbisyo.
I. Paunang Pagsubok:
$

$

$
II. Balik-Aral:
Pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa
pamilihan.
Pataas na paggalaw ng presyo ayon kay Parkin at Bade.
Ang implasyon ay maituturing na isang economic indicator.
Kakambal ng implasyon ang pagkakaroong ng recession at
depression.
III. Pagsasanay
A. Karne ng baboy – African swine fever
B. Gulay (bawang, sibuyas, kamatis) – nagdaang bagyo
A. Sec. Karl Chua - kailangang ayusin ang supply chain sa
bansa para masiguro ang stable na presyo ng iba’t ibang
produkto at serbisyo
B. Gov. Ben Diokno - pansamantala lang ang pagsipa ng
inflation noong Disyembre dahil na rin sa kakulangan sa supply
at mananatiling mababa ang inflation nitong taon dahil mabagal
pa rin ang takbo ng ekonomiya.
IV. Paglalahat
SUSI SA PAGWAWASTO
Kalagayan sa Pagluluwas
Pagdepende sa Importasyon
Cost-Push Inflation
Monopoly o Kartel
Demand-Pull Inflation
V. Panapos na Pagsusulit:

SANGGUNIAN

● Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo


D. De Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J.
Modejar. 2015. Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral. Department of
Education.

● Bernard R. Balitao at Julia D. Rillo.2004. Ekonomiks: Pagsulong at


Pag-unlad Makabayan Serye. Quezon City: Vibal Publishing House
Inc.

● Consuelo M. Imperial, Eleonor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Maria


Carmelita B. Samson, at Celia D. Soriano. 2018. Kayamanan
(Ekonomiks), Binagong Edisyon 2017. Quezon City: Rex Printing
Company.

You might also like