Professional Documents
Culture Documents
Guro
Sole Proprietorship
Ang sole proprietorship ay negosyo na pag-aari at pinamamahalaan ng isang tao. Ang nagmamay-
ari ay tinatawag na sole proprietor o sole trader. Siya ang may kabuuang kapangyarihan at responsibilidad
sa negosyo. Pag-aari niya ang lahat ng mga bagay na nauukol sa negosyo at lahat ng kapital ay
nagmumula sa kaniya. Siya ang nakikipagsapalaran at humaharap sa lahat ng pagsubok o hamon. Ang
lahat ng kita at pagkalugi ay tanging sa kaniya lamang. Siya ang nangangasiwa sa lahat ng gawain na
ang layunin ay kumita. Wala o mas kaunti ang mga nauukol na mahihigpit na usaping legal sa mga
ganitong uri ng organisasyon.
Partnership
Ang partnership ay isang organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na nagkasundo
at sumasang-ayong paghatian ang mga kita at pagkalugi sa pagtatayo ng isang negosyo. Ang mga kasapi
ng isang partnership ay tinatawag na partners. Ang mga kasapi ng ganitong uri ng samahan ay maaaring
tawaging general partners o limited partners. Sa unang uri, ang mga partner ay pantay-pantay na
pinangangasiwaan ang isang negosyo samantalang ang mga kasapi ay mayroon ding pantay-pantay na
pananagutan sa mga maaaring maging pagkakautang at pagkalugi. Samantala, sa ikalawang uri, ang
mga partner ay maaaring mamuhunan subalit wala silang tuwirang pakikilahok sa pangangasiwa. Maging
sa puhunan, ang tanging pananagutan ng limited partners ay nakatuon lamang sa halaga na kanilang
ibinigay na puhunan sa negosyo.
Corporation
Corporation o korporasyon ang pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo. Kadalasan, ito ang may
pinakamaraming bilang ng mga nagmamay-ari. Ito rin ay may mga legal na katauhan na hiwalay sa katauhan ng mga
taong nagmamayari, kumokontrol, at nagpapatakbo ng korporasyon. Ang korporasyon ay maaaring bumili at
magbenta ng mga ari-arian, pumasok sa mga kontrata, magsampa ng kaso, at nararapat na magbayad ng buwis.
Katangian din nito ang limitadong pananagutan ng mga may-ari at ang pagbibigay ng mga bahagi o shares sa anyo
ng mga stocks, at ang pananatili nito ay isang mahalagang bagay.
Ang proseso ng pagiging isang korporasyon ay tinatawag na incorporation. Ito ay nagbibigay sa kompanya
ng katayuang legal na hiwalay sa mga nagmamay-ari. Dahil dito, nabibigyang proteksiyon ang mga nagmamay-ari
mula sa mga pananagutan, halimbawang ang kompanya ay mahabla. Ang kondisyong ito ay tinatawag na limitadong
pananagutan (limited liability).Sa pamamagitan ng incorporation, ang mga may-ari ng korporasyon ay walang
pananagutan sa utang ng kompanya. Kung ang kompanya ay malugi, ang tanging mawawala sa may-ari ay ang salapi
na kanilang pinuhunan bilang common stock.
Cooperative
Mayroon pang ibang uri ng samahan ng negosyante. Ito ang kooperatiba na binubuo ng mga kasapi na
karaniwan ay hindi bababa sa 15 miyembro na kabahagi sa puhunan at tubo. Pangunahing layunin ng kooperatiba
ang makapagbili o makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa pinakamababang
halaga.
Sa isang kooperatiba, kabahagi ang mga kasapi sa pagtatatag at pamamalakad ng samahan kaya interesado
silang magtulong-tulong sa ikatatagumpay ng kanilang samahan. Nagaganyak din silang magtipon ng karagdagang
puhunan sa pagnanais lumago ang negosyo. Higit sa lahat, hinahati-hati ng pantay ang kapakinabangan
ng samahan.
Sa kabilang dako, maliit ang tubong natatanggap ng mga kasapi sa saping ipinasok sa kooperatiba dahil na
rin sa hindi pangunahing layunin nito ang magkaroon ng malaking tubo. Gayundin, kulang sa kapital ang isang
kooperatiba. Maliit lamang ang saping puhunan na inilalagay rito kung ihahambing sa isang korporasyon.
Pinagkunan: Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon.
Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa mga organisasyon ng negosyo,
maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili
para sa mas malalim na pag-unawa ukol sa mga organisasyon ng negosyo.
Proverbs 15:22:
References
Consuelo M. Imperial et.al PANA-PANAHON WorK Text Para Sa Ikaapat Na Taon Ekonomiks
https://www.slideshare.net/jaredram55/ekonomiks-10-teachers-guide
https://www.slideshare.net/sherwinm29/ekonomiks-learning-module-yunit-1
.
Name:_______________________________Grade/Section:______Date Accomplish:_________
Panuto: Suriin ang bawat larawan at sagutan ang mga katanungan na nasa susunod na pahina.
Pamprosesong Tanong:
negosyo.
1. Itala sa bawat kahong nasa ibaba ng “W” (words) ang mga salitang maiuugnay sa paksa.
2. Sa kahon ng “Q” (questions), bumuo ng 3-5 tanong na nais mong masagot tungkol sa paksa.
3. Ipagpaliban ang pagsagot sa Bilog “F” (facts). Babalikan ito pagkatapos ng Pagnilayan.
GAWIN MO 4:
Gamit ang tsart, isulat ang kahinaan at kalakasan ng bawat organisasyon ng negosyo.
GAWIN MO 5: ISANG PANAYAM
Mula sa mga tala na nakuha sa tagapag-salita, gumawa ng isang repleksiyon na may kinalaman sa
pagiging matalino at mapanagutang may-ari ng bahay-kalakal. Maaaring pumili ng isang tanong o paksa
sa ibaba: ISULAT ITO SA ISANG MALINIS NA PAPEL.
Repleksiyon:
GAWIN MO 10: COMMUNITY ASSETS (PT2)
Pumili ng isa sa mga pinagkukunang-yaman ng iyong lokal na komunidad. Magsagawa ng isang plano
kung paano mo ito maitatampok o maipakikilala. Maaaring gamitin ang sumusunod bilang batayan sa
paglalagay ng detalye sa iyong pagtatampok.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. dahil may limitasyon ang maraming pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan
at kagustuhan ng tao
B. dahil sa malalakas na bagyo at iba pang kalamidad na sumisira sa mga likas na yaman
C. dahil sa hoarding o pagtatago ng produktong ibinibenta sa pamilihan upang mapataas ang presyo ng
produkto
D. dahilan sa kawalan ng disiplina ng mga tao
3. Kung ikaw ay isang rasyunal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
4. Ang paikot na daloy o circular flow ng ekonomiya ay nagpapakita ng ugnayan at ng gawain ng bawat
sektor. Ano ang papel na ginagampanan ng sambahayan sa ekonomiya?
5. Dapat na bigyang-pansin ng pamahalaan ang produksiyon sapagkat ito ay isang gawaing pang-
ekonomiya na:
A. gumagamit ng mga produkto at serbisyo C. lumilikha ng mga produkto at serbisyo
B. lumilinang ng likas na yaman D. namamahagi ng pinagkukunang-yaman
6. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks kung ang pagbabatayan ay ang
konsepto ng kakapusan?
A. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral upang matutugunan ang walang katapusang pangangailanganat
kagustuhan ng tao sa harap ng kakapusan.
B. Ito ay tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa kanyang rasyonal na
pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na kanyang
kinakaharap.
7. Maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan ang kakapusan. Alin sa sumusunod ang hindi
nagpapakita ng suliraning ito?
A. Maaari itong magdulot ng pag-aaway, kaguluhan, at tunggalian ng mga pangkat ng tao.
B. Maaari itong magdulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin na makababawas sa kakayahan ng mga
mamimili na bumili ng mga produkto.
C. Maaari itong magdulot ng pag-init ng klima na pangunahing dahilan ng mas malalakas na bagyo at
mahabang panahon ng El Niño at La Niña.
D. Maaari itong magpataas sa pagkakataon na kumita ang mga namumuhunan.
8. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay samantalang ang
opportunity cost ay ang halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawang desisyon (Case, Fair, and Oster, 2012). Ano ang dahilan kung bakit may trade-off at
opportunity cost?
A. dahil walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
B. dahilan sa kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili at pagdedesisyon
C. dahil may umiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbisyo
D. upang makalikha ng mga produktong kailangan sa palengke
10. Iayos ang herarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow mula sa pinakamababa hanggang sa
pinamataas na antas nito.
1. responsibilidad sa lipunan
2. pangangailangan sa karangalan
3. pangangailangan sa sariling kaganapan
4. pisyolohikal at bayolohikal
5. pangangailangan sa seguridad
A. 2, 3, 4, 5, 1 B. 1, 2, 3, 4, 5 C. 3, 2, 1, 5, 4 D. 4, 5, 1, 2, 3
11. Mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ang bawat salik ng produksyon. Ang bawat salik
ay may kabayaran kapag ginamit tulad ng
A. upa sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa entreprenyur
B. ubo sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, upa sa kapitalista, at interes sa entreprenyur
C. upa sa kapitalista, sahod sa lakas-paggawa, tubo sa may-ari ng lupa, at interes para sa entreprenyur
D. sahod sa entreprenyur, upa sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa entreprenyur
13. Maituturing na production efficient ang mga punto ng PPF o Production Possibility Frontier. Ano ang
kaugnayan ng PPF sa kakapusan. Piliin ang pinakatamang sagot?
A. Ang PPF ay nagpapakita ng mga maaaring plano batay sa kakayahan ng isang ekonomiya na lumikha
ng produkto.
B. Ang hangganan ng PPF ay nagpapakita ng scarcity o kakapusan sa mga salik ng produksiyon.
C. Sa pamamagitan ng PPF ay maipapakita ang iba’t ibang alternatibong
magagamit sa paglikha ng produkto upang maging episyente ang paggamit sa mga limitadong
pinagkukunang-yaman.
D. Ito ang mga plano upang kumita nang malaki ang mga namumuhunan at mabawi ang gastos sa
paglikha ng produkto.
14. Dalawang magkaibang konsepto ang kagustuhan at pangangailangan. Masasabing kagustuhan ang
isang produkto o serbisyo kapag higit ito sa batayang pangangailangan. Kailan maituturing na batayang
pangangailangan ang isang produkto o serbisyo?
15. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang “There isn’t enough to go
around.” ni John Watson Howe?
A. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao.
B. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan.
C. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman.
D. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.
16.Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa
sistemang tradisyonal na ekonomiya,?
A. Wala sapagkat iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa
plano.
B. Malaya kang makakikilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinapakialaman ng
pamahalaan.
C. Tulong tulong sa pagsasagawa ang mga gawain at sa pakikinabang sa mga pinagkukunang-yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ilang mga gawain.
A. Ang produksiyon ay ang proseso ng pagsasasama-sama ng mga input tulad ng lupa, lakas-paggawa,
kapital, at entrepreneur upang makabuo ng produkto at serbisyo.
B. Magaganap lamang ang produksiyon kung kumpleto ang mga salik na gagamitin dito.
C. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng output tulad ng produkto at serbisyo upang
mabuo ang input tulad ng lupa, paggawa, capital, at kakayahan ng entrepreneur.
D. Magiging mas produktibo ang produksiyon kung mas marami ang lakas-paggawa kaysa sa mga
makinarya.
20. Ang produksiyon ay mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay. Alin sa mga sumusunod ang hindi
nagpapahayag nito?
A. Ang kinita ng bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng mga sambahayan sa pagbili ng produkto at
serbisyo.
B. Ang pagkonsumo ang nagbibigay daan sa produksiyon ng produkto at serbisyo, kaya masasabing mas
mahalaga ang produksyon kaysa sa pagkonsumo.
C. Sa produksiyon nagmumula ang mga produktong kailangang ikonsumo sa pang-araw araw.
D. Ang produksiyon ay proseso na nagbibigay-daan sa paglikha ng Hanapbuhay.