You are on page 1of 3

Suliranin at Kaligiran Nito

Ang ga sumusunod ay mga tiyak na katanungang inaasahang matugunan sa pag-aaral


na nito:

1. Ano ang propayl ng mga kalahok ?

1.1 Kurso

1.2 Edad

1.3 Kasarian

2. Ano-ano ang mga salik sa pagbabago ng mga salita sa Wikang Filipino ?

2.1 Midya

2.2 Makabagong Teknolohiya

2.3 Mga Manunulat

2.4 Dayuhang Wika

3. Paano nakakaapekto ang mga salik sa Pagbabago ng mga salita sa Wikang Filipino ?

4. Batay sa resulta anong programa ang maaring mabuo para sa ikauunlad ng Wika ?
Kaugnay na Literatura

Sa isang pahayag sa Watchtower(2006) ay sa buong kasaysayan, ang wika ang mga


pinagmulan, pagkasari-sari, at patuloy na pagbabago nito ay nakabighani sa mga iskolar.
Tunay, ang kanilang pagkabighani ay naingatan pa nga kung paanong naingatan ang
karamihan ng mga rekord ng kasaysayan dahil sa wika mismo. Walang alinlangan, ang
wika ang pangunahing paraan ng komunikasyon ng tao.

Mula sa watchtower (2000) Ang pananakop, kalakalan sa pagitan ng mga bansa,


at maging ang pagkabilanggo sa mga kampong piitan ay nagpadama sa mga tao ng
pangangailangang maglagay ng tulay upang maalis ang puwang sa komunikasyon dahil
sa hindi pagkakaroon ng iisang wika. Kaya nagsimula silang gumamit ng pinaikli, o
pinasimple, na anyo ng wika. Inalis nila ang mga masalimuot na gramatika, mas kaunting
mga salita ang ginamit, at nilimitahan ang mga salita sa mga paksa ng karaniwang
interes. Sa ganitong paraan nalikha ang mga wikang pidgin. Ang pidgin, na bagaman
napakasimple, ay isang wika na may sariling sistema sa wika. Subalit kung maglaho na
ang pangangailangan na lumikha rito, ito’y maaaring mamatay.

Hinggil sa filipinissence (2011) May iba’t ibang gamit ng wika. May pormal,
impormal o kaswal. May purong Filipino at mayoong hindi. Sinasabi rin, na di nga lang
bilingwal ang salitang Filipino kundi, multilingwal. Sa aking pananaw, ang lakas at
kapangyarihan ng wikang Filipino ay namamalas sa kanyang likas na pag-akap sa iba’t
ibang wika. Halimbawa na lamang ang paggamit ng salitang banyaga sa oras. Mas
mahirap nga. Ngunit ang Wikang Filipino ay yumayabong at patuloy niyang
esennanakap ang mga pagbabago sa panahon. Kung ang wika ay para sa komunikasyon o
pakikipagtalastasan, at ang komunikasyon ay para sa pagkakaunwaan. Marapat lamang
na ito ay pagyabungin at pagyamanin. Ngunit nangangailangan talastasin muna kung ano
ang kahulugan ng presebasyon at kultibasyon ng wika sa makabagong panahon

You might also like