You are on page 1of 5

Page 1

NORTHLINK
TECHNOLOGICAL COLLEGE
LEARNING MATERIALS 2.1
Session Title: Baryasyon ng Wika

MENSAHE MULA SA TAGAPAGDALOY

Magandang araw.. Sa sesyon na ito ,ay inyong matutuhan ang iba’t ibang baryasyon
ng wika.. Gabay ang mga sumusunod na layunin.
Layunin:
Sa katapusang ng tsapter na ito, ikaw ay inaasahang:
1. maipaliwanag ang dimensyong heograpiko at dimensyong sosyal na
pangunahing nakakaimpluwensya sa baryasyon ng wika;
2. makagawang isang linguguhang dokumentaryo o pambatang palabas na
pumapaksa sa mga barayti ng wika sa ilalim ng dimensyong heograpiko; at
3. mailarawan ang mga barayti ng wikang nabuo dahil sa impluwensyag
heograpiko, gaya ng estandardisadong wika, diyalekto, punto, wikang pidgin at
wikang creole.
Mangyaring gumabay sa mga sumusunod:
1. Sa nilalaman 2.1
➢ Una, basahin ang Information Sheet 2.1
A.Estandardisadong Wika
B. Punto at Diyalekto
C. Pidgin at Creole

2. Gawin ang mga gawain sa sesyon na ito at ipasa ang natapos na gawain sa
google drive o sagutan ang modyul na ibin
References:
Reyes, Alvin R (2016). Komunikayon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Bernales, Rolando, et al.,(2013). Wika at Komunikasyon Filipino 1 sa Kolehiyo batayan at sanayang-aklat
Northlink Technological College
Learning Materials on Filipino 1: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Developed by: JENELYN MALAGA-GOMAYAO
Page 2

Information Sheet 2.1


Baryasyon ng Wika: Dimensyong Heograpiko
Ano kaya ang magiging kalagayan ng mundo kung uniporme ang wika at
komunikasyon? Kung may isang wika lang na sinasalita sa buong daigdig saan man
naroon ang tao at kung pare-pareho silang magsalita magkakaiba man ng pagkatao?
Mas mapabibilis kaya nito ang interaksiyon? Mas mapadadali kaya nito ang
pagkakaintindihan? Mapag-iisa kaya nito ang tao anuman ang kanilang mga
pagkakaiba? Matitiyak kaya nito ang pagkakapantay-pantay ng tao anuman ang kanila
lahi, edad, kasarian, kultura, edukasyon, relihiyon, at katayuan sa buhay?
Napakamasalimuot ng wika. Hindi lang ito nagiging komplikado dahil sa mga
katangiang lingguwistiko nitong nagpapaiba-iba sa tunog, salita, pangungusap at
kahulugan ng bawat wika kundi sa samu't saring salik na maaaring makaimpluwensiya
rito. Kapag pinag-aaralan ang mga puwersang nakaaapekto sa wika na nagbubunsod
ng pagkakaiba-iba nito, may dalawang aspektong maaaring tingnan: ang aspektong
heograpiko na tumutukoy sa impluwensiya pisikal na kapaligiran at ang aspektong
sosyal na tumutukoy naman sa personal na pinagmulan (background) ng tao. Tinawag
ni Fishman (971) na diyalekto ang wikang nabubuo sa una samantalang sosyolek ang
sa ikalawa.
Dahil sa pagiging arkipelago ng pinas na ang mga isla ay pinaghihiwalay ng
katubigan at ang bawat isla ay hinahati pa ng kabundukan, nagkaroon ang bansa ng
napakaraming wika. Ayon nga sa 2000 Census, may mahigit 150 buhay na katutubong
wika sa Pilipinas. Sinuportahan ito ng Summer Institute of Linguistics International
Ethnologue (14𝘁𝗁 Edition, 2000) sa pagsasabing may 152 wika at diyalekto sa bansa.
Sa kaniyang aklat na The Study of Language (2010), masusing tinalakay ni
George Yule ang mga baryasyon ng wika dahil sa impluwensiyang heograpiko.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
References:
Reyes, Alvin R (2016). Komunikayon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Bernales, Rolando, et al.,(2013). Wika at Komunikasyon Filipino 1 sa Kolehiyo batayan at sanayang-aklat
Northlink Technological College
Learning Materials on Filipino 1: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Developed by: JENELYN MALAGA-GOMAYAO
Page 3

A. Estandardisadong Wika
Ito ang ideyal na barayti ng wikang itinuturo upang magamit nang uniporme.
Sinasabing kahit kasi ang wika, halimbawa ay Filipino, maaaring mag-iba-iba ang
paggamit nito, depende sa nagsasalita. Maaaring maiba ang bigkas, depende sa
paraan ng pagsasalita ng tao, maaaring maiba ang paraan ng pagbuo ng salita o
pangungusap, depende sa kung ano ang alam o di alam ng tao; o maaaring maiba ang
pagpapakahulugan, depende sa kamalayan ng tao. Sa estandardisadong wika,
itinuturo ang pare-parehong pagbigkas, pagbuo ng salita, pagbuo ng pangungusap, at
pagpapakahulugan sa isang wika upang maging uniporme ang paggamit nito at mas
madaling magkaintindihan. Ang estandardisadong wika ang gamit sa pamamahala,
pagtuturo, pagbabalita, pagnenegosyo, at iba pang malaganap na gawaing
pinagsasaluharn ng mga taong nagmula sa iba't ibang rehiyon. Dahil sa
estandardisadong wika, nababawasan ang mga kaibahan sa paggamit ng wika na
maaaring makaabala sa tuloy-tuloy na pagkakaunawaan. Upang mapatibay ang
posisyon ng estandardisadong wika bilang uri na dapat matutuhan at magamit nang
uniporme, ginagawan ito ng kodipikasyon sa pamamagitan ng pagbuo at
pagpapalaganap ng mga tuntunin.
B. Punto at Diyalekto
Ang punto ay ang natatanging paraan ng pagbigkas ng isang tao. Sa katunayan,
bawat tao ay may punto (Yule, 2010). Mas napapansin lamang ang punto ng iba dahil
hindi sanay ang isang tao na marinig ito, gaya ng isang tipikal na Batangueño na
napapansin agad ng tipikal na Manileño ang matigas na pagbigkas at ang pagsisingit
ng "ala e" sa pagsasalita. O, ang isang Amerikano na pansin agad ang twang sa pag-i-
Ingles. Ngunit kapag ang Manileñong ito ang nagpunta sa Batangas, mapapansin din
naman ng mga Batangueño ang pananagalog niyang kulang sa puwersa o kapag
nagpunta sa Amerika ay mapapansin ang hindi natural na twang o kung minsa pa ay
References:
Reyes, Alvin R (2016). Komunikayon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Bernales, Rolando, et al.,(2013). Wika at Komunikasyon Filipino 1 sa Kolehiyo batayan at sanayang-aklat
Northlink Technological College
Learning Materials on Filipino 1: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Developed by: JENELYN MALAGA-GOMAYAO
Page 4

matigas na pag-i-Ingles na buong-buo kung bumigkas ng mga salita (hal. twenty sa


halip na twenny impluwensya ng tuntuning pangwika na kung ano ang baybay ay siya
ring bigkas).
Ang diyalekto naman ay ang barayti ng wika na nagdudulot ng bahagyang
kaibahan sa wika, hindi lamang sa paraan ng pagbigkas, kundi maging sa gramatika at
bokabularyo nito. Sa loob ng iisang wika ay maaaring magkaroon ng mga barayti, gaya
ng Tagalog na maaaring magkaroon ng mumunting pagkakaiba-iba ng bersiyon
depende sa pook, lalo pa't ang mga Tagalog ay pinaghihiwalay ng mga bundok at ilog.
Halimbawa, ang isang Taga-Rizal ay maaaring magsabi sa taga-Maynila na "mag-
urong" ng pinggan na maaaring maintindihan ng pangalawa na literal na "pag-uusog"
ng pinggan gayong ang ibig sabihin ay "paghuhugas”. Maaaring magtanong ang isang
taga-Timog Luzon ng "Nakain ba ng isda?" ang isang bisita na ang ibig sabihin ay
"kumakain ba ng isda ang panauhin gayong ang maaaring maging intindi
rito ng taga-Maynila ay "kinain ba ng isda ang tao. Isa pa'y ang pagsasabi na
"kayayao-ya0" lang ng kaniyang nanay na nangangahulugang "kaaalis-alis" lang ng
kaniyang nanay ngunit maaaring maintindihan ng taga-Maynila na "kamamatay-matay"
lang ng nanay. Sa mga halimbawang ito, nagkaintindihan naman sa pangkalahatan
ang dalawang tagapagsalita ng magkatulad na wika ngunit bahagya lang na hindi
nagkaintindihan dahil sa kaunting barayti ng kanilang mga wika pagdating sa
bokabularyo. Ito nga ay ang diyalekto.
C. Pidgin at Creole
Ang pidgin at creole ay nabubuo mula sa limitayson ng mga wika. Ang pidgin ay
walang pormal na estraktura at nasa proseso ito ng pagkalinang at paglaganap. Ang
creole naman ay ang pinaghalu-halong salita ng mga indibidwal na nagmula sa
magkakaibang lugar.
Pidgin
References:
Reyes, Alvin R (2016). Komunikayon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Bernales, Rolando, et al.,(2013). Wika at Komunikasyon Filipino 1 sa Kolehiyo batayan at sanayang-aklat
Northlink Technological College
Learning Materials on Filipino 1: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Developed by: JENELYN MALAGA-GOMAYAO
Page 5

Ang pidgin ay isang bagong wika o lingguwahe na nabubuo kapag ang


dalawang taong may magkaiba ang wika na walang karaniwang wika o medyum na
magagamit. Ang dalawa ay nagsisikap mag-usap upang magkaroon ng
pansamantalang komunikasyon. Dahil hindi sila magkaintindihan, nagreresulta ito sa
tinatawag na makeshift language. Halimbawa nito ay sa Wikang Filipino-Chinese:
"Ako benta iyo damit ganda". sa Wikang English-Nigerian: “I no sabi” (sa Filipino,
"Hindi ko maintindihan". Sa Ingles, I don’t understand.)
Creole
Ang creole ay isang wika na orihinal na nagmula sa pagiging pidgin ngunit nang
maglaon ay nalinang at lumaganap sa isang lugar hanggang ito na ang maging unang
wika. Halimbawa nito sa Chavacano (pinaghalong Tagalog at Espanyol), Palenquero
(pinaghalong African at Espanyol), Annobonese (pinaghalong Portuguese at
Espanyol).

References:
Reyes, Alvin R (2016). Komunikayon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Bernales, Rolando, et al.,(2013). Wika at Komunikasyon Filipino 1 sa Kolehiyo batayan at sanayang-aklat
Northlink Technological College
Learning Materials on Filipino 1: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Developed by: JENELYN MALAGA-GOMAYAO

You might also like