You are on page 1of 9

Barayti

at
Baryasyon
ng Wika
Barayti at Baryasyon ng Wika

Ang pagkakaroon ng pagkakaiba depende sa istilo,punto at iba pang salik pang wika na ginamit
sa lipunan.

Isang positibong penomenong pangwika.

Sa wika, ang pagkakaroon ng pagkakaiba ng mga wika ay tinatawag na barayti ng wika

1. Barayti ng Wikang Ingles:

Halimbawa:

American English, Canadian English, Australian English, Chinglish

2. Barayti ng Wikang Tagalog at Filipino:

Halimbawa:

Tagalog-Batangas, Tagalog-Bulacan, Tagalog-Cavite, Filipino-Manila, Filipino-Cebuano,


Filipino-Tagalog

Patunay ni Greason- May barayti sapagkat ito’y dinamiko hannga’t itoy buhay.

 Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga lingwist


ng
pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng wika (Saussure, 1916)

 Ayon kay Bloomfield (1918) ay hindi kailanman pagkakatulad o uniformidad ng anumang


wika.
 Sa pagdaan ng panahon nagiging ispesyalisado ang mga gawain at tungkulin ng tao na
nagreresulta sa pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat sa progreso
ng tao (Roussean, 1950)

Dalawang uri ng Barayti

 Permanente
 Dayalek –nakikita ito kaugnay ng pinanggalingang lugar ng tagapagsalita.
Halimbawa: Tagalog-Bulacan
 Idyolek- isang Varayti kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang
ginagamit ng partikular na indibidwal.

Halimbawa: Mike Enriquez, Kris Aquino,Noli de Castro

 Pansamantala

 Register -Kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng


pagpapahayag. Halimbawa: Sayantipikong Register,Pang akademikong Register.

 Mode- Varayti kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o


pasulat.

Sa isang pangkat wika o speech community makikita ang varyasyon ng wika sa


pamamagitan ng:

* Mga taong bumubuo rito

*Pakikipagkomunikasyon ng tao

*Interaksyon ng tao

* Sa mga katangian ng pananalita ng mga tao

* Sa sosyal na katangian ng tao.

 Estilo -ay ang varayti ng kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Hal. Formal,
Intemet, personal.
Teorya at Pananaw sa Barayti ng Wika
Teoryang sosoyolinggwistiko –ang wika ay panlipunan at pang indibidwal(Sapir 1949)
*Code switching o palit koda- dd gumagamit ang nagsasalita ng ibat ibang varayti ayon
sa sitwasyon o okasyon. Hal:’’O, how sungit naman our teacher in Filipino”.
*Conversational code switching-ang nagsasalita ay gumagamit ng ibang varayti o code
sa iisang pangungusap. Naghahalo ng Ingles at Filipino.
*Lexical Borrowing - isang paraan na pinaghahaluhalo ang mga varayti ang
panghihiram. Sa parang ito, hinihiram ang isang salita o higit pa mula sa isang varayti
tungo sa isa pang varayti dahil ginagamit ng nagsasalita. Mahahalimbawa ang pangalan
ng pagkain at teknolohiya na narito ngayon sa ating bansa na may kulturang dala mula
sa pinagmulan nito.

*DEFICIT HYPOTHESES -Sa pagkakaroon ng ibat-ibang varayti /register /anyo ng wika


nagresulta ito sa pananaw na pagkakaroon ng herarkiya ng wika. (Bersten, 1972) Batay
sa obserbasyon Niya sa mga mag-aaral sa elementarya sa ilang paaralan sa england. -
Magkaiba ang

* Elaborated Code-Latangiang masuri at abstrak

*Restricted Code-ang wika ng una at detalyado at deskriptibo

Sa paniniwala niya, natural na Phenomenon ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon


ng varayti ng isang wika.

Makabuluhan ang paniwalang ito sa ating pagtuturo ng Filipino Kaugnay ng iba pang wika
sa ibat-ibang rehiyon.

 Teoryang Akomodasyon-nakapukos ito sa mga taong kasangkot sa sitwasyon


pangwika(Howard Giles 1928).
Interference phenomenon

Ipinapakita ang pagkakaroon ng mga impluwensya ng unang wika sa pagsasalita ng Filipino


ng mga kababayan natin sa iba’t ibang rehiyon. Hal. -Magaling ako sa pagturo ng Filipino
-Magkain na tayo

Interlanguage
ay tinatawag na grammar o istruktura (mental grammar) ng wika na nabubuo o nakikintal sa
isip ng tao sa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika. Hal.-Malinang –
presidentiable -turung-turu na ako -sayaw na sayaw na ako

Linguitic Convergence- Ipinapaikita na sa interaskyon ng mga tao nagkakaroon ng


tendensiya na gumaya at bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang halaga ang
pagkakaisa, pakikisama at pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo.

Linguistic Divergence- Pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap upang ipakita ang pagiging
iba at di pakikiisa at pagkakaroon ng sariling identidad.

 Mga pag-aaral/pananaliksik sa varayti ng wika


Dalawang Dimensyon

- Heograpiko. Na ayon sa lugar na kinalalagyan ng mga taong nagsasalita ng wika


at ang nabubuong wika ay tinatawag na dayalekto.
- Sosyal . na ayon sa sitwasyon na ginagamit ang wika at ang nabubuong wika ay
tinatawag na sosyolek.
A. Heograpikong Varayti
Isang panimulang pag-aaral /pagsisiyasat sa varayti ng Filipino sa Palawan ang isinagawa
ni Nilo S. Ocampo ng Up (1993). Pinamagatan niya itong: ‘’Suroy-Suroy sa Palawan: Ang
wikang Filipino sa isang Multi-etnikong Probinsya’’. Sa kanyang paglilibot mula sa Cuyo,
Busuanga sa hilaga hanggang sa Balabac sa timog, itinala niya at sinuri ang ibat-ibang gamit
ng Filipino bilang lingua franca sa pasalita at pasulat na paraan.
1. Sumasaliw ang iba’t ibang tono o punto ng unang wika sa lingua franca.

‘Sikan foul (basketball)

‘Pinalty situation

‘Bitirano na tayo

‘Aplikabel ang mga principles.

‘Kaunting yoga lang yan, makarikaber na ako.

‘Bawal mgakawel dito.


‘Pare ko, huwag sa sahig omihi.

‘Bawal magtale ng mga

hayup sa plasa.

2. Mapapansin na mas gamitin ang panlaping mag-(Cebuano) at maga- (Kuyonin) sa


maraming salita.
Tagalog /Pilipino Cebuano Kuyonin

Kumain Nagkain Nagkain

Kumakain Nagkain nangakain

Kakain Nagkain magakain

B. Mga sosyal na Varayti


Mga pananaliksik na nauukol sa batas: 1. Towards the standardization of verbal conventions
in Filipino for trial court proceedings’ 1984( Ph.D.,,UP) Betty de la Pena.
2. “Tungo sa Istandardisasyon ng wikang Filipino sa

Larangan ng Batas”. 1990 (Ph.D., UP) ni Carolina

Danao.

3. “Translation of Legal Discourse in Criminal

Case Proceedings: An Attempt to

Intellectualize Filipino.” 2004 (Ph.D.,PNU) ni

Padoman Paporo-Asum.

* Mga Pag-aaral na nauukol sa particular na pangkat ng tao.


1. “An Inquiry into Sexism in Language: Tagalog as a Non-Sexist Language.” 1981 (M.A. UP)
ni Rita Estrada

2. “An Exploratory Study of Male and Female Language in Pilipino.” 1982 (Ph.D., UST) ni
Carmencita Montenegro.

* Iba pang pag-aaral tungkol sa gamit ng wika sa mga pasulat na akda.

1. “Academic Writing in Filipino: Aspect Use in Psychology Theses” 1992, Lourdes Bautista.
2. “Ang Lebel ng Filipino sa Limang Kontemporaryong Nobela” 1993, De la Salle, Teresita
Fortunato.

 Gamit ng wika
 Sosyolinggwistik- pag-aaral at pagkakaintindi ng variant, form at straktyur
pag-aaral at pag-aanalays ng iba't-bang anyo ng isang wika na tinatawag na Dayalek.

 Dayalektoji- tawag sa larangan na pinag-aralan ang dayalek ng isang wika -


nagkakaintindihan kahit iba-iba ang katangian -mutual na pagkakaintindihan.
 Dayalek Jeografi o Geographic dialect-varayti ng wika at sinasalita sa loob ng mas
maliit na grupo. Halimbawa: Tagalog sa Metro Manila
Tagalog-Bulacan
Tagalog-Batangas
Tagalog-Cavite
Tagalog-Laguna
Tagalog-Quezon
Tagalog-Nueva Ecija.
 Dayalek Atlas -Ayon sa pag-aaral ni Ernesto Constantino, may higit sa apat na raan (400)
ang dayalekto na ginagamit sa kapuluan ng ating bansa.
Halimbawa:

LUZON

Ibanag- Isabela at Cagayan

Ilocano- Ilocos

Pampangueño- Pampanga

Pangasinense- Pangasinan

Bicolano- Bicol

Visayas

Cebuano- Negros, Cebu, Bohol at iba pa.

Kinaray-a- Ilo-ilo, Antique, at Kanlurang Panay

Capiznon- Capiz

Aklanon- Aklan
Mindanao

Surigaonon- Surigao

Tausug- Jolo at Sulu

Chavacano- Zamboanga

Davaoeño- Davao

T’boli- Cotabato

 Kontekstong Sosyal
Ang social dialect o sosyolek ay yaong varyasyon ng wikang ginagamit ng mga speech
communities ayon sa uri, edukasyon, trabaho, edad, at iba pang panlipunang sukatan.

 Mga Sosyal-Varyant
- bunga ng pagkakaron ng dayalek ang wika na nagdedetermin ng mga variant nito.

-tinatawag na "loyalty ng wika" ang tawag kung bakit nagkakaroon ng mga komunidad.

 Idyolek - katangian at kagawian sa pagsasalin ang isang indibidwal.


 Standard na Varayti -pinapalitan ang mga salitang gamit sa standard ang mga salitang
mag-aaydentify na galing sya sa isang Lugar.
 Patay na Wika -isang epekto ng pagkakaroon ng dayalek.
-ang pagsplit ng isang wika.
-ang pagkawala o pagkamatay ng isang dayalek dahil hindi na ginagamit ito.
 Pidjin at Kreyol - ang pedjin ay umusbong na bagong wika.
tinatawag sa engles na "nobody's native language" o katutubong wikang di pag-aari
ninuman.
Halimbawa: Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado.

(mag- aral ka ng mabuti upang mataas ang iyong grado)

Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt.

(Suki, bumili ka na ng paninda ko. Bibigyan kita ng diskawnt.)


 Kreyol- ang kreyol ay isang wika na orihinal na nagmula sa pagiging pidgin ngunit nang
maglaon ay nalinang at lumaganap sa isang lugar hanggang ito na ang maging unang
wika.
Halimbawa: - Chavacano (pinaghalong Tagalog at Espanyol)

- Palenquero (pinaghalong African at Espanyol)

Annobonese (pinaghalong Portuguese at Espanyol)

 Paghahalo ng mga kowd-ang pakikipag-ugnay sa wika ay isang sitwasyon kung saan


ang mga grupo ng mga nagsasalita ng iba't ibang wika ay nakikipag-ugnay sa isa't isa.
Halimbawa: Hello babe, where na you? Here na me.

You might also like