You are on page 1of 2

Filipino sa Piling Larang

Fil. Tech Voc


Mga Varayti ng Wika
Varayti ng Wika – ang pagkakaroon ng pagkakaiba ng anyong pasalita
George Yule – ang may akda ng batayang aklat na “The Stufy of Language”.
Dalawang Uri ng Baryasyon ng Wika
1. Geographic Linguistic – nagdidiin sa mga rehiyonal na varayti.
2. Panlipunang Baryasyon – nagdidiin sa iba’t ibang salik n panlipunan.
Punto (Aksent) at Dayalek
Punto – ay nakalimita sa mga aspekto sa pagbigkas na nagpapakilala sa indibiduwal na tagapagsalita
kung saan sya galling rehiyonal o panglipunan.
Dayalek – naglalarawan ng mga sangkap ng grammar at bokabolaryo gayundin ang aspekto ng
pagbigkas.
Mga importanteng puntong dapat tandaan ay mula sap unto de bistang lingguwistik. Walang
varayting mas mabuti kaysa sa isa pa. Sila ay simpleng magkaiba.
Mga Dayalek na Rehiyonal
Upang mapag-aralan ang mga dayalek na rehiyonal ay dapat magsagawa ng seryosong pagsisiyasat ng
mga dayalek na rehiyonal. Dapat magkaroon ng ispesipik na pamantayan sa pagtukoy ng mga
katangggap-tanggap na informant.
Isogloss at Dayalek na Hanggahan
Isogloss –Ito ay tumutukoy sa makabuluhang pagkakaiba sa pananalita ng mga naninirahan sa iba’t
ibang lugar kung hanggang saan ang hangganan sa puntong dayalek sa pagitan ng mga lugar na ito.
- Ito ay ang linyang kumakatawan sa pagitan ng mga lugar na lingguwistik.
- Halimbawa ang salitang pail sa hilaga ay bucket naman sa timog.
Ang Katuluyang Kontinuum na Dayalektal
Sinasabing nakatutulong ang pagdodrowing ng mga Isogloss at Dayalek na hanggahan sa pagtukoy ng
malawakang pananaw ng mga dayalek na rehiyonal. Pero napagtatakpan nito ang katunayang
naghahalo-halo din ang iba’t ibang varayti sa mga lugar dayalektal.
Bilingguwalismo
Ang indibiduwal na bilingguwalismo ay nakapagsasalita ng dalawang wika. Lumilitaw na ang isang wika
bilang mas dominant. Ang isa naman ay napapangibabawan.
Pagpaplanong Pangwika
Kailangang isinasaalang-alang ang pagkakaroon ng malaking komunidad na gagamit ng gagawing
pangunahing wika. Kailangan ay aktibo ang pamahalaan, ang mga pangkat panglegal at pang-edukasyon
sa pagpaplano kung anong varayti ng mga wikang sinasalita sa bansa ang gagamiting wikang opisyal.
Mga Proseso sa Pagpaplanong Pangwika
1. Pagpili- pagtukoy sa opisyal na wika
2. Kodipikasyon- kung saan ginagamit ang batayang grammar, diksiyonaryo at mga modelong sulatin.
3. Elaborasyon- ang varayting istandard na nililinang para gamitin sa lahat ng aspekto ng buhay
panlipunan.
4. Implementasyon – ang huling yugto kung saan ang mayorya ng populasyon ay gumagamit ng
istandard at iniisip ito bilang pambansang wika.
Mga Pidgin at Creole
Pidgin –mga pariralang mula sa ibang wika
Wika, Lipunan, at Kultura
Mahalagang hindi maisantabi ang panlipunang aspekto ng wika dahil sa maraming paraan, ang
pananalita ay isang uri ng panlipunang identidad at ginagamit para tukuyin ang pagkabilang sa iba’t
ibang panlipunang pangkat o iba’t ibang panlipunang pananalita.
Panlipunang Dayalek – varayti ng wikang ginagamit ng mga pangkat n atinutukoy ayon sa uri,
edukasyon, trabaho, edad, kasarian at iba pang panglipunang dayalek.
Edukasyon, Okupasyon at Uring Panlipunan
Okupasyon – Bawat okupasyon ay may sangkap na jargon na hindi basta naiintidihan ng mga hindi
ganoon ang okupasyon.
Edad at Kasarian
Ayon sa survey maraming mas batang nagsasabing ginagamit ng kanilang mga lola at lolo ang mga
saliatang iyon pero sila ay hindi.
Ayon sa survey ng kasarian bilang salik ng wikang panlipunan mas gumagamit ang mga babaeng
tagapagsalita ng mas prestihitoso na anyo ng pananalita kaysa mga lalaking tagapagsalita.
Etnikong kaligiran
Pwede namang magkaroon ng mga pagkakaiba ng pananalita sa loob ng isang lipunan dahil sa
magkaibang etnikong kaligiran. May kapansin-pansing katangian, halimbawa ang pananalita ng mga
bagong migrante at ng kanilang mga anak.
Idyolek – Ito ang ginagamit na term para sa dayalek n personal ng bawat ispiker na indibiduwal ng isang
wika. May iba pang salik tulad ng kuwaliti ng boses at katayuang pisikal. Nakapag-aambag sa mga
katangiang nagpapakilala sa pananalita ng isang indibiduwal. Mula sa pananaw ng panlipunang pag-aaral
ng wika, tunay ngang kung ano ang salita mo, iyon ikaw.

You might also like