You are on page 1of 2

WIKANG GEN Z : PANSARILING GAWAING PAMPAGKATUTO

MELC 2

Gawain 1:
Magsasaliksik ng kahulugan na may kaugnayan sa mga konseptong pangwika na nasa
talahanayan gamit ang iyong mobile phone. Sagutin sa iyong sagutang papel.

Homogenous Heterogenous

Register at Barayti ng Wika Linggwistikong Komunidad

Gawain 2:
Panoorin ang bidyo ng Bubble Gang: Gay Linggo interpreter ng GMA Network halaw sa
https://www.youtube.com/watch?v=Bnkl_kZ_-iU.

GAWIN MO!

Mula sa iyong napanood na bidyo ay mayroon bang pagkakatulad ang wikang ginamit natin sa
kasalukuyan at ang wika na kanilang ginamit? Ano-anong mga konseptong pangwika ang
ginamit? Anong kaugnayan ng bidyo sa konseptong pangwika na ating tinalakay?
Gawain 3:
Gawain 2: Sumulat kung ano kahalagahan ng mga konseptong pangwika batay sa iyong
kaalaman, pananaw at mga karanasan.

Ebalwasyon:

Pillin ang pinakaangkop na tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Anong daluyan ng sitwasyong pangkomunikasyon ang maiuugnay sa palabas?
A. telebisyon B. radyo C. internet D. Sinema

2. Anong komunikasyon ang kalimitang ginamit sa paghahatid ng mensahe sa mga palabas sa


telebisyon?
A. computer mediated
B. komunikasyong pampubliko
C. komunikasyong pangmasa
D. komunikasyong interpersonal

3. Iisang anyo at uri o barayti ang wikang ginagamit sa isang linggwistikong komunidad.
A. Heterogenous
B. Homogenous
C. Sosyolek
D. Idyolek

4. Ano ang kaugnayan ng mga palabas sa telebisyon sa konseptong pangwika at sitwasyong


pangkomunikasyon
A. TV ang makapangyarihang media na mag-uugnay sa tao gamit ang wika
B. Sa TV napapanood ng tao ang mga palabas at program na gusto nila
C. Maraming palabas ang gumagamit ng iba’t ibang uri ng wika
D. Nauunawaan ng mga manonood ang nakikitang palabas

5. Itinuturing na magkakatulad ang isang linggwistikong komunidad dahil sa pagkakatulad sa


wika, kaasalan , at pagpapahalagang panlipunan.
A. Multilingguwalismo
B. Bilingguwalismo
C. Heterogenous
D. Homogenous

You might also like