You are on page 1of 5

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA

AT KULTURANG PILIPINO
I. PANUTO: Basahin at unawain ang pahayag sa bawat bilang. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
MELC- Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
F11PT – Ia – 85
1. Ayon sa kanya ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong
nasa iisang kultura.
A. Finnocchiaro C. Gleason
B. Bouman D. Sturtevant
2. Ang mga sumusunod ay katangian ng wika maliban sa:
A. May hugis, anyo, at kulay C. Dinamiko
B. Sinasalitang tunog D. Masistemang balangkas
3. Alin sa mga pangungusap ang tama/mali?
Pangungusap 1: Wika ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-
tao.
Pangungusap 2: Malaki ang tungkulin ng wika sa pakikipag-unawaan at
pakikisalamuha sa tao sa kaniyang tahanan, paaralan, pamayanan, at lipunan.
A. Ang unang pangugusap ay tama samantala ang ikalawa ay mali.
B. Ang ikalawang pangungusap ay tama samantala una ay mali.
C. Ang una at ikalawang pangungusap ay parehong tama.
D. Ang una at ikalawang pangungusap ay parehong mali.
4. Ano -ano ang kabuluhan ng wika?
I. Ito ay behikulo ng paghahatid ng mga impormasyon saan mang lugar ka naroon,
sa paaralan, tahanan o kahit saan.
II. Instrumento rin ito ng komunikasyon sa pamamagitan din ng wika, mabilis na
naipalalaganap ang kultura ng bawat pangkat.
III. Simbolo ito ng Kalayaan.
IV. Nabubuo ang wika sang-ayon sa mga taong gumagamit nito sa loob ng
mahabang panahon.
A. I, II, IV C. II, III, IV
B. I, II, III D. I, III, IV
MELC- Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood
na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at
telebisyon. F11PN – Ia – 86
5. “Ngayon, Bukas, at Magpakailanman” ito ang sikat na linyang binibitawan ni Mel
Chiangco sa kanyang programang “Magpakailanman” sa telebisyon. Anong wika ang
kanyang ginamit?
A. Pantulong na wika C. Wikang Opisyal
B. Wikang Panturo D. Wikang Pambansa
6. Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay:
A. Nagpapaunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng interaksiyon ng guro at mag-
aaral
B. Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng mga kaisipan at impormasyon
C. Nagbibigay- daan upang magkaroon ng interaksyon ang mga ito
D. Lahat ng ito.
7. Ang paraan ng pagsasalita ni Boy Abunda bilang host ng “Tonight with Boy Abunda”,
anong wika ang kanyang ginagamit?
A. Pantulong na wika C. Wikang Pambansa
B. Wikang Opisyal D. Wikang Panturo
8. Sa napanood na kabuuan ng mga pahayag ni B. Lumbera. Ang pagpapadala niya ng
mensahe mula sa telebisyon ay makikitaan ng anong komunikasyon?

LODLOD INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Lodlod, Lipa City
Tel No.: (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add: depedtayo.lodlodinhs@gmail.com
A. komunikasyong pampubliko C. komunikasyong pangmasa
B. interpersonal D. intrapersonal
9. Ang sariling paraan ng paggamit ng wika ng sikat na personalidad gaya ni Mike
Enriquez at Kris Aquino ay maihahanay sa anong barayti ng wika?
A. Idyolek C. Ekolek
B. Sosyolek D. Dayalek
10. Anong paraan ang ginamit sa pagpaparating ng mensahe sa mga tagapanood ng
programang Toni Talks?
A. Panayam C. panawagan sa radyo
B. Talumpati D. pahayagan
MELC- Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at
iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika. F11EP-Ie-31
11. Ang unang wika ay wikang katutubong natamo sa __________________.
A. Pag-aaral sa paaralan
B. Pakikisalamuha sa kapuwa
C. Pakikipag-ugnayan sa social media
D. Pagkasilang hanggang sa maunawaan ito
12. Lumaganap ang paggamit ng unang wika sa social media dahil ____________.
A. Maraming Pilipino ang mahilig mag-post
B. Maraming Pilipino ang gumagamit ng sariling wika sa social media
C. Maraming Pilipino ang hindi gumagamit ng ikalawang wika
D. Naipapahayag ang damdamin dito.
MELC- Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(Ayon kay M.A.K. Halliday) F11PT – Ic – 86
13. Gamit ng wika na ginagamit upang tumugon sa pangangailangan.
A. Regulatori C. Personal
B. Interaksyon D. Instrumental
14. Wikang kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng tao.
A. Regulatori C. Personal
B. Interaksyon D. Instrumental
MELC- Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagbuo
at pag-unlad ng wikang pambansa (F11PS – Ig – 88)
15. Ipinahayag sa Kautusang ito na Tagalog ang siyang magiging batayan ng wikang
pambansa sa Pilipinas.
A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
C. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
D. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 87
16. Isang proklamasyon kung saan inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wika sa Agosto 13-19 bilang kapanganakan ni Manuel Luis Quezon.
A. Proklamasyon Blg. 12 C. Proklamasyon Blg. 1041
B. Proklamasyon Blg. 186 D. Proklamasyon Blg. 570
17. Nagkaisa ang mga paring dayuhan na mag-aral ng mga katutubong wika.
A. panahon ng Hapon C. panahon ng Amerikano
B. panahon ng Kastila D. panahon ng Rebolusyon
18. Nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Kautusan Blg. na ito na nag-uutos na
awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino.
A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 87
C. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
D. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
19. Panahon nang nabuo ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa pamamagitan ng
Batas Komonwelt Blg. 184.

LODLOD INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Lodlod, Lipa City
Tel No.: (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add: depedtayo.lodlodinhs@gmail.com
A. Panahon ng Hapon C. Panahon ng komonwelt
B. Panahon ng Kastila D. Panahon ng Amerikano
20. Tungkol saan ang Batas Tydings McDuffie na nilagdaan ni Franklin Roosevelt?
A. Gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa sa katapatan ng Saligang Batas
at sa bayan.
B. Ipinahayag na ang Tagalog ang siyang maging batayan ng wikang pambansa sa
Pilipinas.
C. Panuntunan ng implementasyon ng patakaran sa Edukasyong Bilinggwal.
D. Nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang 10 taong pag-
aaral ng Pamahalaang Komonwelt.

II. PANUTO: Suriin kung anong barayti ng wika ang ipinakikita ng pahayag/sitwasyon
sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa kahon ng pagpipilian at isulat ang letra ng iyong
sagot sa iyong sagutang papel
MELC- Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan. F11PD – Ib – 86

KAHON NG PAGPIPILIAN
A. Register B. Idyolek C. Dayalek D. Sosyolek E. Etnolek F. Ekolek

21. “Ang chaka naman ng fez ng jowabels mo”. (D. Sosyolek)


22. “Pupunta ako sa banko upang i-check ang aking akawnt”. (A. Register)
23. “Maayong buntag. Kumusta ka?” (C. Dayalek)
24. “Magandang gabi bayan”. Ang palaging sinasabi ni Noli De Castro bago at pagkatapos
ng kanyang pagbabalita sa telebisyon. (B. Idyolek)
25. “Papsi, nasaan po si Mamsi?” (F. Ekolek)

III. PANUTO: Suriin kung anong gamit ng wika ang ipinakikita ng sitwasyon sa bawat
bilang. Piliin ang letra ng iyong sagot sa kahon ng pagpipilian at isulat ito sa iyong
sag utang papel.
MELC- Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng
gamit ng wika sa lipunan F11EP – Ie – 31

KAHON NG PAGPIPILIAN
A. Instrumental B. Regulatori C. Interaksyunal D. Personal E. Heuristiko
F. Representatibo/Impormatibo G. Imahinasyon

26. Pag-uulat sa klase ng inyong isinagawang pangkatang gawain. (F.


Representatibo/Impormatibo)
27. Pagbibigay ng guro ng panuto sa pagsusulit. (B. Regulatori)
28. Pangangalap ng impormasyon tungkol sa isang paksa sa pamamagitan ng sarvey. (E.
Heuristiko)
29. Pag-uutos sa iyong kapatid na tulungan ka sa gawaing bahay. (A. Instrumental)
30. Pagdalo sa pagtitipon. (C. Interaksyunal)

IV. PANUTO: Unawaing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel
ang A kung tama ang pahayag at B kung mali.

LODLOD INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Lodlod, Lipa City
Tel No.: (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add: depedtayo.lodlodinhs@gmail.com
MELC- Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan
ng wika. F11PB – If – 95
31. Ayon kay Conrado de Quiros (1996), ang konsepto ng wika bilang isang simbolo ng
kapangyarihan ay matagal nang naka-ukit sa kasaysayan ng Pilipinas. (A)
32. Walang kaugnayan ang wika sa lahat ng aspeto sa lipunan, (Geronimo, 2012). (B)
33. Ayon nga kay Jonathan Vergara Geronimo (2012), kung walang makitang
pagkamakabayan sa mga opisyal ng pamahalaan, hindi dapat asahang agad sisibol ang
binhing nasyonalismo sa puso ng mga Pilipino na siyang magbubuklod sa kanila. (A)

MELC- Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa


pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa (F11PS – Id – 87)
34. Sa pangungusap na “Magtatagumpay ka sa buhay kung pagbubutihin mo ang iyong
pag-aaral”, ang salitang kung ay halimbawa ng pang-ugnay na pangatnig. (A)
35. Ang pangungusap na “Nagtungo si Arjay sa parke at namasyal ay halimbawa ng
reperensiya. (B)

MELC- Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang


pagtalakay sa wikang Pambansa. F11PN – If – 87
36. Sa pagbabago ng katawagan ng isang wika ay hindi na nangangailangan ng batas na
siyang pagbabatayan. (A)
37. Ang itinuturing na lingua franca ng Pilipinas ay ang dayalektong Tagalog. (B)
38. Sa larangan ng pakikipagtalastasan ay kinakailangan maging pormalisado ang
paggamit sa wikang Filipino. (B)
39. Sa pagiging pormalisado ng paggamit ng wikang Filipino ay nagkaroon ng impluwensya
ng mga banyaga ng mananakop. (A)
40. Ang Tagalog ay ang katawagan sa wikang Pambansa na isinulat sa lamang sa Filipino.
(B)

V. PANUTO: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang sumusunod na cohesive device.


MELC- Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa (F11PS – Id – 87)

41. anapora gamit ang panghalip na sila


42. katapora gamit ang panghalip na siya
43. pang-ugnay gamit ang pangatnig na upang
44. pang-ugnay gamit ang pangatnig na ngunit
45. ellipsis

LODLOD INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Lodlod, Lipa City
Tel No.: (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add: depedtayo.lodlodinhs@gmail.com
VI. PANUTO: Bumuo ng sanaysay na hindi bababa sa limang pangungusap tungkol sa
paksang nakasaad sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. (46-50)
MELC- Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng
kasaysayan ng Wikang Pambansa F11PU – Ig – 86
PAKSA: Kahalagahan ng Wikang Pambansa at ng pagbabalik-tanaw sa kasaysayan
nito
Gabay na tanong: Bakit mahalagang tangkilikin at gamitin ang wikang Pambansa?
Bakit kailangan malaman ang kasaysayan ng nito?

Rubriks sa pagwawasto ng sanaysay


Pamantayan sa Pagsulat Puntos
Nilalaman 3
Kahusayan sa Paglalahad ng Ideya 1
Wastong gamit ng bantas 1
Kabuuan 5

Inihanda ni:

JEFFERSON M. GONZALES
Teacher I

Iwinasto at binigyang pansin ni:

HELEN B. KATIGBAK, Ph. D


OIC – Assistant School Principal
Head Teacher I - English

Pinagtibay ni:
JEFFREY C. SANTANDER
Principal II

LODLOD INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Lodlod, Lipa City
Tel No.: (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add: depedtayo.lodlodinhs@gmail.com

You might also like