You are on page 1of 6

Filipino 11 – PETSA: Agosto , 2023

7:45-8:45 EIM
10:00-11:00 H.E
11:00-12:00 SMAW
1:00-2:00 GAS A
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at gamit ng wika lipunang Pilipino
Pamantayan sa Pagganapc
Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdaanan ng Wikang Pambansa
ng Pilipinas
Kasanayang Pampagkatuto:

Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa


radyo, talumpati at mga panayam.F11PN – Ia – 86

I. Layunin
1. Natutukoy ang mga kahulugan ng wika.
2. Naipaliliwanag at nagagamit ang mga kahulugan at kahalagahan ng wika.
3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang mga kahulugan ng wika.
II. Paksang Aralin: (Wika)

Mga Kagamitan:
Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Bautista, Demetrio B. at Rosales, Alejandro T. 2014. Epektibong Komunikasyon
sa Akademikong Filipino. Grematima Publishing. Lunsod Batangas.
III. Hakbang sa Pagkatuto:

A. Aktibiti 1

Pangkatang Gawain: Pangkatin sa tatlo ang klase at bigyan ng gawain ukol sa mga napakinggang
salita mula sa radyo, talumpati at mga panayam sa pamamagitan ng pagtatala sa loob ng limang
minuto at dalawang minutong pag-uulat ng kinatawan sa bawat pangkat.

B. Analisis

1. Ano ang inyong napansin sa mga salitang itinala at iniulat ng inyong kamag-aaral? Gamit ba
ito sa pakikipagkomunikasyon?
2. Anong katangian ng wika ang iyong maibibigay? May napansin ka ba? Kung mayroon, maaari
mo bang banggitin kung anu-ano ang mga ito?
3. May nabanggit bang bahagi na maaaring makabilang sa teorya ng wika? Maglahad kung ano
ang mga ito.
Pagbibgay ng Input ng Guro

Dagdag Kaalaman sa Kahulugan ng Wika


Kung may pinakamakapangyarihan at pinakamisteryoso sa daigdig na ito ay walang iba
kundi ang wika. Ito ay sistema ng talastasan sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pagsulat
at pagsasalita.
C. Abstraksyon

Mungkahing Estratehiya: Pasemantikang Mapa

Pagpapatibay sa mga imormasyon o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang


lagak ng guro gamit ang powerpoint. Sa pamamagitan ng mapa sa ibaba. Lagyan ng mga salita na
magbibigay nang maliwanag na kahulugan sa wika.

WIKA

D. Aplikasyon

Mungkahing Estratehiya: Pagbibigay ng Reaksyon

Kahulugan ng Kahalagahan ng
Wika, Teorya at Wika Reaksyon
mga Katangian

E. Ebalwasyon:

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.


1. Ang katangian ng wika kapag sinabing ito ay nagbabago o hindi constant?
a. Yuniko
b. Dinamiko
c. Arbitraryo
d. Masistemang balangkas
2. Ang katangian ng wika kapag sinabing ito ay walang katulad?
a. Yuniko
b. Dinamiko
c. Arbitraryo
d. Masistemang balangkas
3. Ang klasipikasyon ng teorya ng wika ang nagmula sa Bibliya?
a. Yo-he-ho
b. Pooh-pooh
c. Bow-wow
d. Tore ni Babel
4. Ang teorya ng wika na nagsasabing nagmula sa panggagaya sa tunog ng kalikasan?
a. Yo-he-ho
b. Pooh-pooh
c. Bow-wow
d. Tore ni Babel
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang?
a. Ang wika ay hindi gamit sa komunikasyon
b. Ang wika ay kaakibat ng kultura
c. Ang wika ay arbitraryo
d. Wala sa nabanggit
Susi sa Pagwawasto:
1. B 2. A 3. D 4. C 5. D

Index of Mastery

Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index

F. Takdang Aralin

1. Alamin ang mga sitwasyong pangwika sa mga talumpati at panayam.


2. Humanda sa gagawing pagtalakay sa susunod na pagkikita.

INIHANDA NI:

EMELITO T. COLENTUM
Guro
Filipino 11 – PETSA: Agosto , 2023
7:45-8:45 EIM
10:00-11:00 H.E
11:00-12:00 SMAW
1:00-2:00 GAS A
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang
Pilipino
Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas
Kasanayang Pampagkatuto:
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa
radyo,talumpati at mga panayam. F11PN – Ia – 86 –

I. Layunin:

1. Natutukoy ang wikang pambansa sa Pilipinas? napakinggan sa radyo,talumpati at mga panayam.


2. Naipaliliwanag ang mga pinagdaanang pangyayari kung paano nagkaaroon ng wikang pambansa
sa bawat taon mula taong 1935-1987.
3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang wikang pambansa.
II. Paksang Aralin: (Wikang Pambansa)
Mga Kagamitan:
Laptop, marker, kagamitang biswal, Pandikit
Sanggunian:
Bautista, Demetrio B. at Rosales, Alejandro T. 2014. Epektibong Komunikasyon sa Akademikong
Filipino. Grematima Publishing. Lunsod Batangas.

III. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang


A. Aktibiti 1: Pagpapanood ng Video :
1. Talumpati - Sona ng Pangulo (Pangulong Ferdinand Marcos Jr.)
2. Panayam – Awtoridad
B. Analisis 1
1. Ano ang inyong napansin sa mga narinig na salita ayon sa:
a. talumpati
b. panayam
2. Anong wika ang ginamit sa talumpati ng Pangulo ng Pilipinas?
3. Naging epektibo ba ang ginamit na salita sa naging talumpati at panayam at sa palagay mo ba
ang talumpati ng Pangulo na sa makabagong paraan ng paggamit ng Filipino niya isinagawa?

Pagbibigay ng Input

Dagdag Kaalaman sa Wikang Pambansa

Ang wikang pambansa ay Filipino. Ito ay sagisag na paggkakakilanlan , kalayaan na


magagamit sa pamamahayag. Sumasalamin ito sa ating mga paniniwala, tradisyon at
kultura kasama ang kaisipan at damdamin ng tao.
C. Abstraksyon

Pagpapatibay sa mga imormasyong o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang


lagak ng guro gamit ang powerpoint.

Lope K. Santos -1934


Wikang Pambansa Manuel Luis M. Quezon- 1935
Artikulo XIV, Saligang Batas ng:
Filipino 1935 , 1937, 1940, 1946, 1959,
1972, 1987.

D. Aplikasyon

Mungkahing Estratehiya: Pangkatang Gawain


Gumawa ng isang palatuntunan / drama sa radyo na ipamamalas ang epektibong gamit ng Filipino
bilang wikang pambansa.
Pamanatayan sa Pagmamarka:

Nilalaman / Mensahe 5 Marka


Orihinalidad 5
Kaugnayan sa paksa 5
Pagtatanghal 5
Kabuuan 20

E. Ebalwasyon
Panuto: Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ang wikang pambansa ng Pilipinas?
a. Filipino b. Pilipino c. Tagalog d. Ingles
2. Ang Ama ng Wikang Pambansa?
a. Manuel Quezon
b. Manuel Louise Quezon
c. Manuel Luis M. Quezon
d. Manuel L. Quezon
3. Ang unang nagpanukala ng ating wikang pambansa ang umiiral na wika sa Pilipinas?
a. Lope C. Santos
b. Ka Lope Santos
c. Penelope K. Santos
d. Wala sa nabanggit
4. Ang taon naging opisyal na wikang pambansa ang Filipino?
a. 1940
b. 1935
c. 1987
d. 1972
5. Sa anong taon nagkaroon ng pagsusog si Pangulong Quezon na nagbigay –daan sa probisyong
pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Sek. 3?
a. 1935
b. 1959
c. 1972
d. 1987
Susi sa Pagwawasto:
1. A 2. C 3. D 4. C 5. A
Index of Mastery
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index

F. Takdang Aralin
a. Alamin ang mga wikang panturo sa Pilipinas.
b. Humanda sa gagawing pagtalakay sa susunod na pagkikita.

INIHANDA NI:

EMELITO T. COLENTUM
Guro

You might also like